You are on page 1of 26

Pagpapayaman at

Pag-oorganisa ng Datos:
Character Sketch

1
Ilan sa mahahalagang katangian ng
akademikong pagsulat ang pagkakaroon
ng sapat at mapagkakatiwalaan o
mapatutunayang datos at mabisang
pagkakaayos ng mga ito.

2
Character Sketch—isang anyo ng
sanaysay na naglalarawan o
nagsasalaysay tungkol sa
isang tao, hayop, bagay, o
lugar tungo sa isang impresyon o
kakintalan, o kaya’y insight o
kabatiran.
3
Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang
ang dalawang bagay:

•Una, pumili ng paksa na pamilyar


sa manunulat.
•Pangalawa, pumili ng paksa na
makabuluhan sa lipunan.

4
Dalawang aspekto ng pagsulat
ang mahalaga sa character sketch:

•Una, ang kasapatan ng datos, at


•Pangalawa, ang organisasyon o
pagsasaayos ng mga datos na ito.

5
Proseso ng Character Sketch:

1. paglilista,
2. pagmamapa, at
3. malayang pagsulat.

6
Paglilista
• Inililista ang anumang salita o parirala na
may kaugnayan sa paksa.
• Hindi kailangang bigyang paliwanag o
bigyang-katuwiran sa isip ang bawat
impormasyong isusulat sa listahan.
• Ang mahalaga, isulat lamang ang lahat ng
detalyeng pumasok sa isip habang naglilista.

7
Proseso sa Paglilista
1. Sa isang malinis na papel, isulat sa
ibabaw ang paksa ng character sketch.
2. Sa ilalim nito, sumulat ng anumang
salita o parirala na pumapasok sa isip
kaugnay ng paksa.
3. Maaari ding maglista ng mga salita o
pariralang may kaugnayan, hindi
lamang sa paksa, kundi maging sa mga
salita o pariralang nailista na.

8
4. Huwag masyadong mag-isip. Iwasan din
munang mag-edit. Ang mahalaga ay ang
tuloy-tuloy at mabilisang paglilista.
5. Ang paliwanag tungkol sa sa
estratehiyang ito, kapag may presyur sa
pagsusulat, tulad ng tuloy-tuloy na
paglilista, lumalabas ang ilang
impormasyon o detalye nang hindi
inaasahan.
6. Orasan ang paglilista. Gawin lamang
ang paglilista sa loob ng limang minuto.

9
Pagmamapa

Isinusulat din ang mga salita o


parirala na may kaugnayan sa paksa.
Ang kaibahan lamang, mas
naipakikita sa estratehiyang ito ang
koneksiyon ng mga detalye o aytem
sa listahan sa isa’t isa.

10
Proseso sa Pagmamapa
1. Sa isang malinis na papel, gumuhit ng
isang maliit na bilog sa gitna.
2. Sa loob ng bilog ay isulat ang paksa.
3. Mula sa isang gilid ng bilog, gumawa
ng isang maiksing guhit palayo rito.
4. Sa ibabaw ng guhit ay sumulat ng isang
salita o parirala na may kaugnayan sa
paksa.

11
5. Pagkatapos nito, gumawa naman ng isang
maiksing guhit na nakadugtong sa unang
guhit.
6. Sa ibabaw ng bagong guhit, sumulat ng
salita o parirala na may kaugnayan sa
nakasulat sa unang guhit.
7. Muling gumawa ng isang maiksing guhit
na maaaring nakadugtong sa una o
pangalawang guhit, depende kung saan
nakaugnay ang susunod na salita o
pariralang maiiisip.
8. Ulitin lamang ang proseso hanggang sa
magsanga-sanga ang mga guhit.

12
9. Kapag wala nang maisip na
detalye, bumalik sa bilog at
muling gumawa ng maiksing
guhit na nakakabit sa bilog.
10. Puwedeng gumawa ng maraming
guhit mula sa bilog.
11. Orasan ang pagmamapa. Gawin
lamang ito sa loob ng 15 minuto.

13
Malayang Pagsusulat
•Tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye
sa anyong patalata. Mahalaga sa
estratehiyang ito ang mahigpit na
pagsunod sa wastong proseso.
•Tulad sa paglilista, kontrolado rin ang
oras ng pagsasagawa ng estratehiya
upang maging mabisa ito at
makapagpalitaw ng mga detalye tungkol
sa paksa.

14
Proseso sa Malayang
Pagsusulat
1. Sa isang malinis na papel, isulat
sa ibabaw ang paksa.
2. Tiyakin na walang anumang
sagabal sa pagsulat bago
magsimula.
3. Siguraduhin ding maoorasan ang
proseso.

15
Proseso sa Malayang
Pagsusulat
4. Sa pagsisimula, sumulat ng mga parirala o
pangungusap na may kaugnayan sa nakaugnay sa
paksa.
5. Sa mga susunod, isulat lang ang kung anumang
pumasok sa isip. Huwag munang mag-edit. Hindi
rin kailangang sumunod sa wastong gamit ng
bantas.
6. Kung walang pumapasok na salita o detalye sa isip,
ulit-ulitin lang ang huling salita na isinulat;
puwede ring maglagay ng sunod-sunod na
tuldok.

16
Proseso sa Malayang
Pagsusulat
7. Hangga’t maaari, huwag iaangat ang lapis o bolpen
mula sa papel.
8. Mahalagang tuloy-tuloy at mabilis ang pagsulat.
9. Ang prinsipyo ay katulad din sa estratehiya ng
paglilista—lumilitaw ang nakatagong kaalaman
kapag may presyur sa pagsulat.
10. Pagkatapos ng ehersisyong ito, balikan ang naisulat
at bilugan ang mga detalyeng hindi akalain na
maiisusulat. Maaaring dito ibatay ang pagdebelop
ng sulatin.
11. Orasan ang malayang pagsulat. Gawin lamang ito sa
loob ng limang minuto.

17
Pagsasaayos ng mga Datos sa
Character Sketch
• Kailangang mabigyan ng kaayusan ang mga
datos upang makatulong sa pagpapalitaw ng
kakintalan o kabatirang nais palitawin tungkol
sa paksa, at upang maintindihan ng
mambabasa ang sulatin.
• May ilang paraan ng pagsasaayos ng mga
detalye na tatawaging orasan, paputok, at
sayaw.
18
Orasan

• Maaari itong magsimula sa detalye o


pangyayaring pinakaunang naganap na
susundan ng iba pang detalye o
pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa
daloy ng panahon.

19
Sayaw

•Tinawag na sayaw ang estratehiyang ito


dahil ang manunulat ay puwedeng gumamit
ng detalye o pangyayari mula sa iba’t ibang
lugar at panahon. Ang magbibigay ng
kaisahan sa mga datos na ito ay ang paksa o
temang nais idebelop sa sulatin.

20
Pagsulat ng Bionote o
Pagpapakilala sa Sarili
(o Pagpapakilala sa Indibidwal)
Parang isang anyo rin ng character sketch
ang bionote o pagpapakilala sa sarili. Isa
itong anyo ng sulatin na pumapaksa sa
sarili o sa ibang tao, maikli lamang, at
karaniwang may tonong pormal.

21
May iba’t ibang sitwasyong nangangailangan ng bionote.
Ilan dito ang mga sumusunod:

1. para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o


artikulo sa isang journal;
2. para ipakilala ang isang natatanging
indibidwal sa isang aklat na pang-general
reference tulad ng encyclopedia;
3. para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang
kumperensiya o seminar;

22
3. para ipakilala ang isang tagapagsalita
sa isang kumperensiya o seminar;
4. para ipakilala ang isang panauhing
pandangal sa isang pormal na
pagtitipon; at
5. para ipakilala ang isang natatanging
indibidwal na bibigyan ng parangal.

23
Bionote
Ang bawat bionote ay naglalaman ng
mga sumusunod:

1. Personal na Impormasyon
2. Mga natapos sa pag- aaral
3. Mga natapos na training- workshop
4. Mga likha o naisagawa
5. 5. Mga natamong pagkilala at gawad

24
25
1. Ano ang pamagat ng aming report? (BUO)
2. Ito ay isang anyo ng sanaysay na
naglalarawan o nagsasalaysay.
3-5. Ibigay ang tatlong proseso ng
Character Sketch
6-8. Tatlong paraan ng pagsasaayos ng mga
detalye
9-10. Batay rito, kahit ang mga anyo ng
malikhaing pagsulat ay kakikitaan din ng mga
katangian ng ____________________.

26

You might also like