You are on page 1of 2

RODEL LUIS NACIANCENO SA TOTOONG BUHAY

Si Rodel Luis Nacianceno (kilala rin sa palayaw na Deng) o mas kilala sa kanyang pang-
entabladong pangalan na Coco Martin, ay ipinanganak noong ika-1 ng Nobyembre taong 1981 sa
Novaliches, Quezon City. Siya ay tinaguriang Prince of Philippine Independent Films at isa rin
siya sa mga artista sa Pilipinas na nabigyan ng pagkakataong sumukat sa pamamagitang ng mga
Indie scene. Si Coco ay may limang kapatid, ang tatlo dito ay kapatid niya sa kanyang ama at ina
habang ang dalawa dito ay kapatid niya lamang sa ama. Si Coco ay nagtapos ng kursong HRM
(Hotel and Restaurant Management) sa National College of Business and Arts.

Siya ay kasalukuyang nakatira sa kanyang pitumpong taong gulang na lola na siyang


nagpalaki sa kanya at itinuturing na niya bilang pangalawa niyang ina simula ng magkahiwalay
ang kaniyang mga magulang.

Tulad ng maraming artista ay dumanas din ng hirap si Coco bago nakamit ang kasikatan.
Bago pa natin nakilala ang Coco ngayon ay naging isa muna siyang OFW na nakabase sa
Alberta, Canada. Doon siya nagtrabaho bilang isang janitor.

Si Coco Martin ay nagsimula lamang sa ahensiya ng ABS-CBN, Star Magic, bilang


bahagi ng Star Circle Batch 9. Una siyang lumabas sa isang 2001 film na pinamagatang Luv Txt
at nakilala siya dito sa tunay niyang pangalan na Rodel Nacienceno at matapos nito ay nasundan
pa siyang nabigyan ng proyekto sa mga independiyenteng mga pelikula.

Simula noon siya ay lumitaw na sa ilang mga patalastas sa telebisyon bago


mapagkalooban ng isang malaking pagkakataon na maging pangunahing karakter sa pelikulang
Masahista noong taong 2005 kung saan siya ay ginawaran ng Young Critics Circle Best Actor
Award noong 2006. Sa parehong taon ay gumanap di siya sa isa na naming indie film na
pinamagatang Kaleldo. Nakabuo si Coco ng isa na naming katangi tanging pagganap at ngayon
kasama niya ang award winning na director na si Brillante Mendoza. Ang palabas ay
pinamagatang Kinatay at talaga naming pinalakpakan, maging ng international audiences.

Noong 2007, nagtrabaho siya sa GMA Network at lumitaw sa ilang mga palabas sa GMA
TV simula sa Daisy Siete. Naging miyembro din siya ng bandang tinawag na The Studs. Si Coco
ay gumanap din sa ilang mga gay-oriented na pelikula tulad ng Daybreak at Jay kung saan siya
ay napagkalooban ng kanyang unang Gawad Urian Award bilang Best supporting Actor.

Noong 2008, si Coco Martin ay bumalik sa ABS-CBN at naging parte ng palabas na


Ligaw na Bulaklak bilang isa sa mga regular na cast. Noong 2009, naging parte siya sa drama
serye na Tayong Dalawa kung saan napanalunan niya ang Best Drama Actor sa 2009 Star
Awards for Television sa pagganap niya sa karakter ni Ramon Lecumberri. Pagkatapos ng
Tayong Dalawa, naging parte naman siya ng panghapong palabas na pinamagatang Nagsimula sa
Puso. Sa parehong taon ay sumali siya sa Star Magic.
Noong 2010, siya ay naging bahagi naman ng cast ng ABS-CBN primetime drama na
Kung Tayo'y Magkakalayo at nabigyan din siya ng unang pagkakataong maging bida sa
komikong serye bilang Tonyong Bayawak. Naging parte din siya ng palabas na Sa’yo lamang at
ng unang seryeng pangmusika sa ABS-CBN primetime na 1DOL. Muli siyang nagkaroon ng
independent film na pinamagatang Kinatay kung saan siya ay nanomina para sa FAMAS Award
bilang Best Actor.

Noong 2011 ay di lamang siya nabigyan ng pagkakataong makasama sa mga cast kundi
ng pagkakataong maging pangunahing karakter sa teleseryeng Minsan Lang kita Iibigin na talaga
namang tinangkilik at inabangan ng taongbayan. Dito ay gumanap siya ng dalawang papel biang
isang kambal kung saan nakatambal niya si Maja Salvador at Andi Eigenman. At noong Mayo
nang taon ding yon, natanggap niya ang Dekada Award sa seremonya ng Gawad Urian. Siya ay
hinirang para sa maraming mga parangal dahil sa kanyang mga di matatawarang pagsasalarawan
bilang Alexander at Javier Del Tierro sa Minsan Lang Kita Iibigin, tulad ng KBP Golden Dove
Awards, Golden Screen Awards at Star Awards for TV.
Tinangkilik at tunay ding inabangan ng masa ang kanyang serye sa primetime drama na
pinamagatang Walang Hanggan, na isang pagsasadula ng 1991 na pelikulang Hihintayin Kita Sa
langit. Dito ay gumanap siya bilang Daniel Cruz at nakatambal niya ang batang actress na si
Julia Montes na gumanap bilang Katerina Alcantara. Nakatrabaho din niya rito ang dating
Matinee Idol at leading man na si Richard Gomez pati na ang dating Leading Lady star na si
Dawn Zulueta. Dito mas nakita ng mga tao ang mas mapagmahal at romantikong bahagi ni Coco
Martin. Nakatambal niya rin ang mang-aawit na si Angeline Quinto, na sinasabing may
paghanga kay Coco, sa pelikulang Born to Love You at inaasahan ding makakatambal niya ang
batikang aktres na si Judy Ann Santos Agoncillo sa pelikulang Love Will Lead You Back. Si
Coco ay pumirma rin na gagawa ng pelikulang katambal si Marian Rivera sa ilalim ng Regal
Entertainment.

Noong May 2012 ay isinumite ang pelikulang Juan dela Cruz para sa 2012 Metro Manila
Film Festival, na pingbibidahan ni Coco Martin kasama ng kanyang Tayong Dalawa co-star na si
Jay Cuenca, Nagsimula sa Puso at Minsan lang kita Iibigin leading lady na si Maja Slavador, at
si Albert Martinez ngunit sa kasamaang palad, ito ay isa sa pitong pelikulang na-reject.
Napagisipisip ng Cicemedia Films Production Incorporated at ng ABS-CBN unit head Deo
Endrinal na marahil mas magiging maganda kung ilalagay nalang natin ito bilang isang serye sa
telebisyon at ngayong taong 2013 ay naisakatuparan na nga ito.

Ito ay mga piraso lamang ng mahabang kwento ng buhay ni Coco Martin at nang mga naging
kontribusyon niya sa industriya ng pag-aartista. Marami pang bahagi ng mga pinagdaanan ni
Coco patungong kasikatan ang hindi natin alam ngunit kaunti man ang ating kaalaman tungkol sa
kabuuan ng kwento ay sapat na ito upang ating masabi na si Coco ay talagang maipagmamalaki
dahil sa kanyang di matatawarang pagpapamalas ng husay sa pag-arte. Tunay ngang karapat
dapat siya sa mga parangal na kaniyang nakamit dahil talagang mas pinayaman niya ang
larangan kung saan siya nabibilang. Muli niyang pinatunayan ang galing ng Pinoy, ang galing na
wala sa iba at dito lang talaga.

You might also like