You are on page 1of 8

Posisyong Papel sa Kung Karapat-dapat Bang Bigyan ng Amnestiya ang mga

Pilipinong Kolaborador Noong Panahon ng mga Hapon

(Hindi Sang-ayon)

Inihanda nina:

SBIE 2G

Pangkat 4B

Quinto, Janiel

Resos, Joanah Michaela

Sanchez, Harold Ziane R.

Sanchez, Kristelle Maya


I. Panimula

Ang pandaigdigang digmaan ang isa sa pinaka kinatatakutan ng


mga Pilipino. Ang matinding hidwaan ng Amerikano at Hapones ang isa sa
pinakatinutukan noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Noong panahon
na iyon, mayroon nang namumuno sa ating bansang Pilipinas ngunit nasa ilalim pa rin
ng pamumuno ng Amerikano. Ginamit ng mga Hapon ang mga Pilipino para sa
pansariling kapakanan dahil sa panahon na iyon ang mga hapones ay humaharap sa
pang-ekonomikal na problema. Nag tagumpay ang mga Hapones na ipasailalim ng
kanilang kontrol ang Pilipinas kung saan nag umpisa ang talamak na pang-aabuso ng
mga Hapones sa mga Pilipina na pinanigan ng iilang Pilipino. Ang lahat ng ito ay
naganap sa pamumuno ng dating pangulo na si Jose P. Laurel.

Nang matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, natuklasan ang isang


isyu na meron ang mga Pilipino. Ito ay ang pakikiipagtulungan nila sa mga Hapones,
tinatawag nila itong "Collaboradors". Dahil sa kagustuhan ng mga Pilipino na
magkaroon ng sariling republika na mga Pilipino ang mamumuno, ginawang daan ito ng
mga Hapones upang ilakad ang kaning layunin.
II. Mga Argumento

Kami ay hindi sang-ayon, ang amnestiya ay hindi karapat dapat ibigay sa mga
Pilipinong nakipagtulungan sa mga Hapones noon, dahil sa mga sumusunod:

. Pagkakaroon ng pansariling interes at pagbibigay ng hindi patas na desisiyon


para sa mga Pilipinong nag nanais ng amnestiya mula sa pangulo ng Pilipinas.

Kakulangan sa pagbibigay ng katarungan at hustisya sa mga Pilipinong


nagsaksripisyo at naabuso noong panahon na iyon.

. Dahil sa mga panukalang inilunsad ng mga opisyales ng gobyerno, naging


madali at matagumpay ang planong pagsakop ng mga Hapones.
Mga Paliwanag:

1. Ang presidenteng nagbigay ng amnestiya sa mga naki-isa sa mga Hapones ay si


dating Pangulong Manuel A. Roxas. Mababasa sa kahit anong mahahanap na
impormasyon sa internet o libro, patungkol sa isyu, na si Roxas, ay kasama sa mga
nakipag-kaisa sa mga Hapones.

2. Mahigit kumulang 60 taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin nabibigyang-pansin ng


ating gobyerno ang pagbibigay ng hustisya sa mga naabusong Pilipina sa pamamagitan
ng sekswal na pang-aalipin ng mga Hapon sa panahong iyon. Sa isang dokyumentaryo
ng I-witness,pinakita ang Villanueva Mansion na naging headquarters ng mga Hapon
kung saan nagaganap ang sistematikong panggagahasa sa mga Pilipina. Ito ay
tinuturing na sistematiko dahil mayroon itong “ticketing system”, may partikular na oras,
kung sino ang pupunta sa “comfort station” sa nasabing araw at kailangang
nakauniporme kapag pupunta roon.

3. Naging malaking tulong ang pagiging pangulo ni Jose P. Laurel upang mas
mapalawig ng mga Hapones ang kanilang kapangyarihan sa ating bansa dahil isa rin
sya mga collaborator noong panahon na iyon. Ipinag bawal ng mga Hapones ang mga
manunulat ng Pilipino sa paggamitin ng wikang Ingles sa kanilang mga akda at gamitin
ang sariling wika. Ngunit ‘di nagtagal ay hinikayat tayong mga Hapon na pag aralan ang
kanilang wika o ang wikang Niponggo sa mga paaralan.Paunti-unti hanggang sa
tuluyuan na tayong napasa-ilalim sa mga Hapones at tunay nanaganap ang kanilang
mga planong pang-sarili dahil na rin sa tulong ng mga opisyales sasarili nating republika
na nasa ilalim ng Hapon. Nagpapatunay lamang ito na naging matagumpay ang mga
hapon sa kanilang mga plano dahil napapasunod ang mga kapwa natin Pilipino noong
panahon nila.
.

III. Konklusyon

Bilang pangkalahatang konklusiyon, naniniwala ako na ang amnestiya ay hindi


karapat-dapat na ipagkaloob sa mga Pilipinong naki-isa sa mga Hapones dahil ito ay
isang kilos na pagtalikod at pagtaksil sa ating bansa at kapwa mga Pilipino. Naging
sanhi rin ito upang makatakas at hindi mapanagutan ang nagkasala sa mga Pilipinang
inabuso at Pilipinong namatay noon. Dahil rin sa mga Pilipinong tumulong sa pang-
politikang gawain ng mga Hapones ay napagtagumpayan nila ang kanilang mga
pansariling hangarin sa Pilipinas. Kung hindi sana nabigyan ng amnestiya ang mga
nagkasala, ang mga sumusunod ang inaasahang resulta:

Pagkakaroon ng pantay at maayos na sistema ng katarungan sa bansa.

Pagkakaroon ng hustisya sa mga biktima noon.

Pagkakaroon ng mas karapat-dapat na tao upang manungkulan sa


Pilipinas.

Pagpapanagot at pagharap ng mga Pilipinong naki-isa sa Hapones ang kasong


pagtataksil sa sariling bansa o "treason".
IV. Mga Sanggunian

Mga Primaryang Batayan:

1. February 16, 2019 from

https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1935-constitution/

2. MacArthur, D. (1946). [Letter of General Douglas MacArthur to President Roxas on


variousmatters]. Quezon Family Collectons. The MacArthur Memorial Archives and
Library,Norfolk, VA. Retrieved February 25, 2019 from

https://www.offcialgazette.gov.ph /1946/10/29/letter-of-general-douglas-macarthur-to-
president-roxas-on-various -matters/

3, Office of the Solicitor General Library. (1942). Address to the people of the
Philippines byLieutenant General Masaharu Homma Commander-in-Chief of the
Imperial JapaneseForces in the Philippines, August 3, 1942. Retrieved February 24,
2019 from

http://mala canang.gov.ph/5956-address-to-the-people-of-the-philippines-by-lieutenant-
gene ral-masaharu-homma-commander-in-chief-of-the-imperial-japanese-forces-in-the -
philippines-august-3-1942/

4. Official Gazette. (n.d.). Evolution of the Philippine Constitution. Retrieved February


16, 2019from https://www.officialgazetye.gov.ph/constituruons/constitution-
day/?fbclid=IwAR2 FEM92JHRDiizv5pmb2V5c-
dR0Ji2qTuw20svEaxI6uYVWH72mXVpBX4g
5. Presidential Museum and Library PH. (n.d.). Second Philippine Republic. Retrieved
February 17, 2019 from http://malacanang.gov.ph/5235-70th-anniversary-of-the-
second-phili ppine-
republic/?fbclid=IwAR148pSiwpFRGdwOtb4qKcKsHpNmXJIqjvWUdP1GWuaYRj5
1ujglc9H25EY

Mga Sekundaryang Batayan:

1. Chua, M. B. (2011). PHA & PVAO DOCU: TAGUMPAY 1 of 3 (The Victory of


Filipino Veterans in World War II). Retrieved February 24, 2019 from
https://www.youtube.com/watch?v=
CcEXplOTLrc&fbclid=IwAR0FiU0ZpYmZ93X-
BOKzLGYoZmW1DDQyfQRaF3Dgt3h2dIk 1H74ASWytKyE

2. Chua, M. B. (2011). PHA & PVAO DOCU: TAGUMPAY 3 of 3 (The Victory of


Filipino Veterans in World War II). Retrieved February 24, 2019 from

https://www.youtube.com/watch?v= XEIZgtasD8c

3. Chua, X. (2012). TAGUMPAY: Ang Imahe ng mga Beterano at Bayaning Pilipino


noong Digma -ang Pasipiko. Retrieved February 16, 2019 from

https://xiaochua.net/2012/09/02/tagum pay-ang-imahe-ng-mga-beterano-at-bayaning-
pilipino-noong-digmaang-
pasipiko/?fbclid=IwAR3Utas_jHqWVsWfMj6RZPnQAOFvzUrk29uqMGRmpLjukEqW5Hl
YS6Ij8cI
4. Salamanca, B. (1989). Quezon, Osmeña and Roxas and the American Military
Presence in the Philippines. Philippine Studies, 37(3), 301-316. Retrieved
February 25, 2019 from

http:/ /www.jstor.org/stable/42633608

5. Puppet president’By: Ambeth R. Ocampo - @inquirerdotnet

Philippine Daily Inquirer / 12:20 AM August 07, 2015

Read more: https://opinion.inquirer.net/87395/puppet-president#ixzz63arU858z


Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

You might also like