You are on page 1of 1

DVM-D

1. Magbigay ng mga solusyon sa pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong


bansa.

Pagtataas ng Kaso ng COVID-19:

Sa ngayon, walang permanenteng solusyon ang pagpapataas ng kaso ng COVID-19 ngunit may mga
paraan upang maiwasan ang karagdagang pagkalat nito. Gamit ang komunikasyon sa social media,
pwede tayo magsimula ng Symposyum upang maitalakay ang iba't ibang mga paraan para maiwasan
kahit papaano ang pagkalat ng COVID-19. Pwede tayo mag-anyaya ng mga medical professionals upang
maibahagi nila ang kanilang mga karanasan sa pagharap sa COVID-19 patients para makukumbinsi ang
mga dumadalo sa Online Symposyum kung gaano ka seryoso ang epekto ng virus sa ating katawan at
para makita nila na dapat talaga natin gawin ang lahat ng makakaya natin upang iwasan ang pagkalat ng
COVID-19.

2. Magbigay ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradiayunal at modernonh midyang akma


sa kontekstong Pilipino.

Filipino ang Lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon at radyo sa ating bansa.

Ang telebisyon at radyo ay kabilang sa mga tradisyunal na midya sa Pilipinas ngunit hanggang nagyon ay
may kaugnayan pa rin ito. Dahil sa telebisyon at radyo, nagiging updated ang mga mamamayan sa mga
pinakabagong balita at mga situwasyon na nagaganap sa ating paligid. Dagdag pa dito, may mga taong
natuto at lumalim ang bokabularyo sa wikang Filipino dahil dito. Ang telebisyon at radyo ay hindi lamang
nagbabahagi ng iba't ibang impormasyon, nagpapalawak din ito ng bokabyularyo ng wikang Filipino sa
mga mamamayan.

Social Media ay isa sa mga modernong medya sa panahong ito. Dahil sa social media, may mga online
sellers na nagaasenso at nagiging matagumpay sa kanilang mga negosyo. Ang social media ay
nakatulong din sa pagkomunikasyon ng mga tao. Dahil dito naging mas madali ang pagkomunikasyon sa
mga kakilala o pamilya natin sa ibang parte ng mundo. Ang social media ay hindi lamang nakatulong sa
pagasenso ng negosyo, dahil dito nagkakaisa ang mga madla sa iba't ibang bahagi ng mundo.

You might also like