You are on page 1of 21

2XD

6
Araling Panlipunan
Kwarter 1 -Modyul 2
Pag-usbong ng Liberal na Ideya Tungo
sa Pagbuo ng Kamalayang
Nasyonalismo

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 -Modyul 2: (Pag-usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa
Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo)
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ito ginawa kung may hangarin na ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga hiram na materyal (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula
atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay pag-aari ng sinumang nagtataglay ng naturang
karapatang-ari. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng tagapaglathala (publisher) at ng mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan : Edilberto L. Oplenaria
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 6
Mga Manunulat : Rhodora M. Alde,Ruby Rosa O. Deloso,
Eve Luz V. Elicarte, May Ann R. Eslet
Illustrator and Layout Artist: Edilmero Dangaran, Jr.
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Antonieta B. Epe Ph.D
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Angelito D. Barazona, Ed.D., EPSvr –ArPan
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Ricardo S. Abalo, Principal I
Antonieta B. Epe, Ph.D. Principal II
Ma. Fe L. Mesias – Principal I
Ellen O. De Guzman, Ed.D. Principal II
Aida M. Alquilita, - Principal I
Ashlima L. Racmat – MT- II
Regionl Evaluator: Manuelita Capito,Misamis Oriental Division
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Araling Panlipunan
Kwarter 1-Modyul 2:
Pag-usbong ng Liberal na Ideya Tungo
sa Pagbuo ng Kamalayang
Nasyonalismo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid ng programang
pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon- Sangay ng Lanao del Norte sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

PABALAT
PAHINANG KARAPATANG SIPI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1 – Epekto ng Pagbubukas ng mga Daungan ng Bansa sa


Pandaigdigang Kalakalan

Alamin ……………………………………………………………………… 1
Subukin……………………………………………………………………… 1
Balikan………………………………………………………………………. 2
Tuklasin…………………………………………………………………….. 3
Suriin………………………………………………………………………… 4
Pagyamanin………………………………………………………………… 5
Isaisip………………………………………………………………..……… 5
Isagawa ..…………………………………………………………...…….. 6
Tayahin………………………………………………………………………. 6
Karagdagang Gawain……………………………………………………… 7

Aralin 2 – Ambag ng Pag-usbong ng Uring Mestizo at ang


Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863

Alamin……………………………………………………………………….. 8
Subukin……………………………………………………………………… 8
Balikan………………………………………………………………………. 9
Tuklasin……………………………………………………………………... 10
Suriin………………………………………………………………………… 11
Pagyamanin………………………………………………………………... 12
Isaisip……………………………………………………………………….. 12
Isagawa…………………………………………………………………….. 13
Tayahin……………………………………………………………………… 13
Karagdagang Gawain............................................................................ 14
Susi ng Pagwawasto………………………………………………………. 15
Sanggunian…………………………………………………………………. 16
Aralin
Epekto ng Pagbubukas ng
1 mga Daungan ng Bansa sa
Pandaigdigang Kalakalan

Alamin
Panimula

Magandang buhay sa inyong lahat.Ipakita ang ngiti sa inyong pisngi


dahil sa araw na ito pagkatapos ng aralin 1, inaasahang

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng
Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga
kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagpaganap :
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantayan sa Pagkatuto :
 Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (√)ang patlang kung
ang pangyayari ay epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
_____ 1.Pag-aaral sa unibersidad.
_____ 2.Pagtatag ng Pamahalaang Kolonyal.
_____ 3. Paglaganap ng isang relihiyon

1
_____ 4. Pag-unlad ng kalakalan
_____ 5. Pananatili sa makalumang paraan.
_____ 6. Pagpasok ng mga ideya mula sa ibang bansa
_____ 7. Paninirahan sa mga lungsod
_____ 8. Pagtatag ng iba’t ibang parokya
_____ 9. Pagmamalupit sa mga katutubo
_____10.Malayang kaisipan

Balikan

Sa nakaraang aralin,napag-aralan mo na ang lokasyon ng Pilipinas ay may


mahalagang papel sa ekonomiya at politika sa Asya at mundo.
A. Naaalala mo pa ba ang mga kaalaman tungkol sa kahalagahan ng
lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo?
Isulat ang S kung Sang-ayon ka sa ipinapahayag ng pangungusap at DS
kung Di-Sang-ayon.
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Ipagmalaki natin ang pagkakaroon ng magandang lokasyon ng ating


bansa.
_____2. Mabuti ang lokasyon ng Pilipinas kaya’t sentro ito ng kalakalan at kultura
sa Asya.
_____3. Marami ring kalakal ang ating mailuluwas patungo sa iba pang bahagi ng
mundo.
_____4. Ang ating pinakamahalagang rutang pangkalakalan ay ang daungan ng
mga barko para sa ating kalakalan sa Pasipiko patungo sa mga bansa sa
Timog Silangan.
_____5.Tungkulin ng mamamayan na malaman ang eksaktong lokasyon ng
Pilipinas.

B. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang isinasaad sa


pangungusap at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
_____1. Lokasyong bisinal ang tawag sa pagtukoy sa kinalalagyan ng bansa sa
pamamagitan ng mga karatig bansa nito.
_____ 2. Ang Australia, Marianas, Guam at Hawai ay nasa gawing silangan ng
Pilipinas.
_____ 3.Matatagpuan ang Pilipinas sa hilagang hatingglobo.
_____4. Ang Pilipinas ay hindi angkop para sa tanggulang lakas
panghimpapawid at pandagat.
_____ 5.Maraming mga dayuhan ang nais makarating sa Pilipina

2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga talata at unawaing mabuti ang bawat detalye upang
masagot mo ang mga sumusunod na tanong na nasa ibaba ng talata. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.
Nang dumating ang panahon na naputol na ang monopolyo ng pamahalaan
sa pangangalakal ng bansa, maraming banyaga ang naging interesado na
magnegosyo rito. Sila ay nagluluwas sa Maynila ng kani-kanilang kalakal na dati-
rati ay sa pamamagitan lamang ng Galyon.
Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Nagpaunlad ng
kabuhayan sa panig ng mga Pilipino ang pagbubukas ng mga daungan ng Maynila
sa pandaigdigang pangangalakal. Naging mariwasa ang ilang mga Pilipino na
tinatawag na ilustrado. Kasama rito ang mga nagmamay-ari ng malaking sukat ng
lupa tulad ng mga mangangalakal, guro, manggagamot, manananggol at iba pang
propesyonal.Ang pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig ay pumukaw sa
damdaming nasyonalismo.
Nang mabuksan ang Suez Canal ng Egypt para sa sasakyang pandagat,
naging maikli ang paglalakbay at napadali ang komunikasyon mula sa Maynila
patungong Espanya. Naging madali at mabilis ang pagpasok ng mga dayuhang
may dalang iba’t ibang ideya at kaisipang liberal na gumising at nagpamulat sa
isipan ng mga Pilipino.
Nagkaroon ng mabuting epekto ang pagbubukas ng daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.Umunlad ang turismo dahil sa pagpunta ng mga dayuhan.
Naging mas madali ang paglabas at pagpasok ng mga kalakal ng mga negosyante
sa ating bansa. Bumilis din ang pag-alis at pagbalik ng mga mangingisda.Naging
tanyag ang produkto natin sa ibang bansa.Napalawak ang mga pamilihan kung
saan mas marami ng produkto ang pagpipilian.

1. Saang dako sa Pilipinas binuksan ang kalakalang pandaigdig?


2. Anong lugar sa Egypt ang naging daan upang mapadali ang kalakalan mula
Maynila patungong Espanya?
3.Sa iyong palagay, bakit kaya mayroon tayong mga daungan sa ibat-ibang bahagi
ng ating bansa?
4. Anu-ano ang mga pakinabang ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig?
5. Ano kaya ang kalagayan ng ekonomiya sa ating bansa kung walang mga
daungan?

3
Suriin

Balikan ang binasa mong talata. Mula sa talata gumawa ng isang graphic organizer
na nagtatalakay tungkol sa epekto ng pagbubukas ng kalakalang pandaigdig.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
a. Anongsasakyang ginamit ng mga dayuhan para makarating sa Maynila?
b. Ano ang dala ng mga dayuhan sa kanilang pagpasok sa Maynila?
c. Ano ang naitulong sa mga negosyante ng pagbubukas ng daungan?
d. Ano naman ang naitulong ng pagbubukas ng mga daungan sa mga
mangingisda?
e. Sa mga pamilihan, ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga
daungan?

Epekto ng Pagbubukas
ng Kalakalang
Pandaigdig.

a
e
b d
c
c
c
Iyong napag-alaman na ang dagat ay may mahalagang papel sa buhay at
ekonomiya ng ating bansa.Ito ang nagsilbing daan ng mga sasakyang pandagat
para makarating sa iba’t ibang dako ng mundo. Ang pagbubukas ng mga daungan
noon ay may kaugnayan sa kaunlaran na tinatamasa ng mga tao sa buong mundo
sa kasalukuyang panahon. Dahil sa pagbubukas ng mga daungan marami ang mga
dayuhan ang labas pasok sa ating bansa na nagdala ng iba’t ibang ideya at
kaisipang liberal na gumising at nagpamulat sa isipan ng mga Pilipino.Kaya nakilala
din ang ating produkto sa ibang bansa dahil sa pandaigdigang kalakalan.

Ang pagbubukas ng daungan sa pandaigdigang kalakalan ay may mabuti


at may masama ring epekto sa ating bansa. Isa sa masamang epekto ay nagiging
kaaway ng pamahalaang Espanyol ang mga ilustrado sa kadahilanan natutunan ng
mga ilustrado ang liberal na kaisipan bunga ng pag-aaral nila sa Europa.Isa na sa
mga ilustrado ito ay si Gat Jose Rizal.

4
Pagyamanin

Napag-alaman mo na may mabuti at di-mabuting epekto ang


pagbubukas ng daungan sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.Lagyan ng
masayang mukha kung ito ay mabuting epekto ng pagbubukas ng daungan
sa bansa sa pagdaigdigang kalakalan at lagyan ng malungkot na
mukhakung hindi mabuti.
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Maraming mga propesyonal na namamasukan sa mga dayuhang bansa.


_____2. Pagtangkilik sa mga produkto ng mga dayuhan.
_____3. Paglalakbay sa ibang bansa.
_____4. Pagpapaalipin ng mga katulong sa ibang bansa.
_____5.Mas binibili ang imported goods.

Isaisip

Tandaan!
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata at piliin sa loob ng kahon
ang iyong tamang sagot at isulat sa kwaderno.

nasyonalismo mariwasa kabuhayan nagpaunlad negosyo intersado

Maraming mga dayuhan ang naging__________ na mag___________rito. Nang


mabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan, ito ay______________ ng
_____________ sa panig ng mga Pilipino. Naging _______________ang ilang
Pilipino na tinatawag na ilustrado. Ito rin ang nakapukaw sa
damdaming_____________.

5
Isagawa

Panuto: Sa kasalukuyan, maraming mga lugar ang nagbukas ng daungan.


Sumulat ng limang epekto nito sa buhay ng bawat tao? Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang nagbigay daan para mapukaw ang damdaming nasyonalismo ng
mga Pilipino?
A. Pag-unlad ng turismo
B. Paglawak ng pamilihan
C. Pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa.
D. Pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig.
2. Aling lugar sa Pilipinas unang nabuksan ang daungan sa pandaigdigang
kalakalan?
A. Marikina B. Maynila C. Quezon D. Nueva Ecija
3. Ano ang dahilan kung bakit labas pasok na ang mga mangangalakal sa ating
bansa?
A. Humina ang kalakalan C. Naputol ang monopolyo
B. Nagkaroon ng digmaan D. Malaya na ang mga Pilipino
4. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nagmamay-ari ng malalaking sukat ng lupa
noon?
A. Ilustrado B. Encomendero C. Heneral D. Mangangalakal
5. Ano ang gumising at nagpamulat sa isipan ng mga Pilipino?
A. paglalakbay C. Pamilihan
B. mga produkto ng ibang bansa D.kaisipang liberal
6. Paano nakapunta ang mga banyaga sa ating bansa?
A. Paglalakbay sa himpapawid C. Paggamit ng bus

6
B. Pagsakay ng sasakyang pandagat D.Pagsakay ng Van
7. Alin sa sumusunod ang epekto ng pagbubukas ng daungan sa pandaigdigang
kalakalan?
A.Pananatili sa makalumang paraan ng kabuhayan.
B. Paglaganap ng maraming relihiyon.
C. Pag-unlad ng kalakalan
D. Pagbagsak ng ekonomiya
8. Ano ang naging masamang epekto sa ating bansa ng pagbubukas ng
daungan sa Maynilasa pandaigdigang kalakalan sa kasalukuyan?
A. Umunlad ang turismo.
B. Naging tanyag ang mga produkto ng Pilipinas
C. Napaiksi ang paglalakbay at napadali ang komunikasyon.
D. Lalong yumaman ang mga mayayaman at lalong naghirap ang mga
mahihirap.
9. Paano mo maipakita ang pagmamahal sa ating bansa ngayong marami ng
produktong banyaga ang nakapasok?
A. Tangkilikin ang produktong atin.
B. Bibili ng produktong dayuhan at produktong pinoy.
C. Piliing bilhin ang produktong galing sa ibang bansa.
D. Mas marami ang bibilhing produktong dayuhan at kakaunti ang sa
produktong pinoy.
10.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng daungan saan mang dako ng mundo?
A. Makakapaglakbay kahit saan.
B. Makakapagtrabaho sa ibang bansa.
C. Para umunlad ang pandaigdigang kalakalan.
D. Mapaiksi at mapabilis ang pagdala ng mga produkto.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at sagutin nang may pagsasaalang-alang sa


kasalukuyang pangyayari sa ating bansa. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1.Nakaapekto baang pagbubukas ng daungan sa bansa lalo na ngayon sa
ating nararanasang pandemya? Bakit?

2. Naging madali ba ang buhay ng lahat ng mga Pilipino na nasa ibang


bansa? Bakit?

7
Aralin
Ambag ng Pag-usbong ng
2 Uring Mestizo at
Pagpapatibay ngDekretong
Edukasyon ng 1863

Alamin

Panimula:

Magandang araw sa inyong lahat. Huminga nang malalim at ihanda ang inyong
sarili dahil pagkatapos ng aralin 2, lahat ay inaasahang:

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng
Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga
kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

Pamantayan sa Pagpaganap :
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

Pamantantayan sa Pagkatuto :
 Naipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo at ang
pagpapatibay ngdekretong edukasyon ng 1863.

Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang pangungusap . Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa kwaderno.
1863 Principalia Peninsulares Insulares Mestizo Heswita
Ilustrado Edukasyon Wikang Espanyol Indio Wikang Ingles

_________1.Sila ay mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit ipinanganak sa


Espanya.
_________2.Mga ipinanganak sa Pilipinas na may dugong purong Espanyol ang
mga magulang.

8
_________3. Tumutukoy itosa mga Pilipino na hindi purong Pilipino. Sila’y mga
anak ng Pilipinong Kastila o Pilipino at Tsino.
_________4. Mga Pilipinong nabibilang sa mataas na uri ng lipunan noong unang
panahon.
_________5.Tinuturing na mga mangmang o kaya’y walang alam at di nakapag-aral.
_________6.Ito ay makakamit kung ikaw ay nag-aaral.
_________7. Ang wika na sapilitang ipinaturo sa mga katutubo.
_________8. Taon kung kailan ipinalabas ang kautusan ng pamahalaang Espanyol
ukol sa edukasyon.
_________9. Inutusan para sa pagpapatayo ng paaralang normal para sa mga guro.
________ 10. Mga Pilipinong nakapagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat angTAMAkung ang


pahayag ay nagpapahiwatig ng magandang epekto ng pagbubukas ng
pandaigdigang kalakalan at isulat ang MALIkung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
_____ 1. Naging mabilis ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.
_____ 2.Umunlad ang turismo.
_____ 3. Paglaganap ng maraming relihiyon
_____ 4.Pag-unlad ng kalakalan.
_____ 5. Pagbubukas ng mga daungan
_____ 6. Pagpasok ng mga ideya mula sa ibang bansa.
_____ 7.Patuloy pa rin ang kahirapan ng mga Pilipino.
_____ 8. Pananatili sa makalumang paraan ng kabuhayan.
_____ 9.Naging tanyag ang mga produkto ng ating bansa.
_____ 10. Pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya.

Sa nakaraang aralin,ano ang mga naging epekto sa pagbubukas ng mga


daungan sa bansa?Ano ang naging epekto nito sa edukasyon ng mga maykayang
Pilipino kagaya ni Jose Rizal?Ano ang tawag natin sa mga Pilipinong nakapag-aral
sa ibang bansa?

9
Tuklasin

Panuto: Basahin ang talata at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot
mo ang mga sumusunod na tanong sa ibaba ng talata.Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
Antas ng Tao sa Lipunan
Peninsulares- ay ang pinakamaliit na bahagi na nasa bahaging itaas. Ito ay binubuo
ng iilang Espanyol na kinabibilangan ng mga gobernador, prayle at mga kawani sa
pamahalaan. Sila ay mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya
Insulares– ay mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
Illustrado at Meztisong Espanyol- ay ang kakaunting bilang ng mga Pilipinong
binubuo ng mga kapitan at kanilang mga kamag-anak ng mga Pilipinong may
katungkulan sa pamahalaan at mga may-ari ng lupa at mestizong Espanyol o naging
anak ng mga Espanyol sa mga katutubo.
Principalia – ay mga mayayamang mamamayang Pilipino.Nakapag-aral na mga
Pilipino.
Indio– ay ang itinuturing na pinakamababang antas o uri ng katayuan sa
lipunan.Sila ay mga mangmang o walang pinag-aralan.

Kung ang mga ilustrado kagaya ni Jose Rizal ay nakapag-aral sa ibang


bansa,ano naman ang kalagayan ng edukasyon ng mga Pilipino na nasa mababang
antas?Alamin natin at basahin.

Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863


Noong 1863, nagpalabas ng kautusan ang pamahalaang Espanyol ukol sa
edukasyon. Nagtakda sa pagtatayo ng paaralang primarya sa bawat pueblo. Ang
mga paaralan para sa mga mag-aaral na lalaki ay hiwalay sa mga mag-aaral na
babae. Angkautusan ay nagtakda rin ng pagtatayo ng paaralang normal para sa
mga gurong lalaki sa ilalim ng pamamahala ng mga Heswita. Ang wikang Espanyol
ay sapilitang ipinaturo. Ngunit hindi sumunod ang mga Espanyol sa kautusan na
ituro ang wikang Espanyol sa katutubo. Isang katangian ng edukasyon sa panahon
ng Espanyol angpagsasaulo ng mga dasal, pagdidisiplina sa pamamagitan ng
pananakot at pananakit sa mag-aaral kapag hindi nakatupad sa itinuturo ng gurong
prayle. Nagtatag sila ng mga paaralan upang mapalaganap ang doktrina ng
Kristiyanismo at makapagsanay sa mga alagad ng Diyos. Sinasanay nila ang mga
katutubo na magsaulo ng mga dasal at sabay-sabay na magdasal ang mga mag-
anak.Maraming kaalaman ang itinuro sa kalalakihan tulad ng heograpiya,
pagsasaka, kasaysayang Espanyol, aritmetika,pagsulat, Doctrina Christiana,
kagandahang asal at pag-awit. Ang mga ito ay itinuro rin sa kababaihan maliban
lamang pagsasaka , heograpiya at kasaysayang Espanyol ang hindi itinuro sa mga
kababaihan. Sa mga kababaihan naman ay pagbuburda, paggagansilyo, at
pagluluto.

1. Ano ang ambag o kontribusyon ng pag-usbong ng uring mestizo sa pagbuo


ng kamalayang nasyonalismo?
10
2. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng pambayanang edukasyon para sa lahat?
3. Ano anong kaalaman ang itinuturo sa mga kalalakihan?
4. Ano anong kaalaman ang itinuturo sa mga kababaihan?
5. Ano ano ang mga antas ng katayuan ng tao sa lipunan?

Suriin

A. Balikan ang binasa mong talata. Mula sa talata isulat sa loob ng pyramid ang
antas ng katayuan ng tao ayon sa kanyang uri. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1.Ang mga Espanyol na ipinanganak sa Spain.
2.Ang mga Espanyol na ipinanganak sa bansang kolonya ng Spain.
3.Ang mga Pilipino nahaluan ng dugong Espanyol.
4.Ang mga mayayamang Pilipino.
5.Ang pinakamababang antas o katayuan sa lipunan.

C. Panuto: Tingnan sa kahon ang mga kaalaman na itinuro sa mga


kababaihan at kalalakihan at iuri ito ayon sa kanyang hanay.Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

Pagsulat pagluluto pagsasaka


heograpiya matematika Doctrina Christiana
pagbuburda paggagansilyo

Kalalakihan Kababaihan

11
Pagyamanin

Panuto:Isulat ang salitang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay tama at


salitang Mali kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

_______ 1. Ang mga anak na kabilang sa panggitnang lipunan ay nakapag-aral sa


ibang bansa.
_______ 2. Nakapag-aral sa ibang bansa sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-
Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna, Felix Hidalgo.
_______ 3. Ang mga Peninsulares ay mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
_______ 4. Ang pinakamalaking bahagdan sa lahat ng uri ng tao ay maituturing na
mahihirap at hindi nakapag-aral.
_______ 5.Ang Ilustrado ay ang kakaunting bilang ng mga Pilipinong binubuo ng
mga kapitan at kanilang mga kamag-anak ng mga Pilipino.
_______ 6.Noong 1863, nagpalabas ng kautusan ang pamahalaang Espanyol ukol
sa edukasyon.
_______ 7. Ang wikang Espanyol ay hindi sapilitang ipinaturo.
_______ 8. Ang mga paaralan ng mga lalaki ay hiwalay sa mga paaralan ng mga
babae.
_______ 9. Hindi sinanay ng mga Espanyol ang mga katutubo na turuang
magsaulo ngdasal at sabay-sabay na magdasal ang mag-anak.
_______10. Layunin ng mga prayle na matutuhan ng mga katutubo ang mga batas
na nakatakda sa Saligang Batas ng Espanya.

Isaisip

Tandaan!
Isulat sa kwaderno ang sagot sa bawat
tanong.

1. Ano ang ambag o kontribusyon ng mga mayayamang Pilipino na upang


mapabuti ang katayuan ng mga mababang Pilipino?

2.Paano nakatulong ang pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 sa


pagkabuo ng kamalayang nasyonalismo?

12
Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek(√) kung ang pangungusap ay tama at ekis (X) naman
kung mali.Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
_______1. Nagbago ang antas ng tao sa lipunan sa pandaigdigang kalakalan noong
1834.
_______2. Naging masagana ang pamumuhay ng mga katutubo at sumulpot ang
panggitnang lipunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol.
_______3. Hindi maikakaila na nagkaroon ng hindi magandang bunga ang pagbubu-
kas ng mga paaralan sa mga Pilipino dahil hindi nakita ng mga Pilipino
ang halaga ng edukasyon.
_______4. Maraming kaalaman ang itinuturo sa kalalakihan tulad ng heograpiya,
pagsasaka, kasaysayang Espanyol, matematika, pagsulat, Doktrina
Kristiyana, kagandahang asal at pag-awit.
_______5. Nakita ng mga Pilipino ang halaga ng edukasyon para sa kaunlaran ng
bansa at sumibol ang kanilang diwang makabayan.
_______6.Pinapahalagahan ng mga Pilipino ang edukasyon kaya marami ang
natuto at nakapagtapos.
_______7. Itinuro ang wikang Ingles sa mga katutubo.
_______8. Principalia ang pinakamababang antas o uri ng katayuan ng tao sa
lipunan.
_______9. Sinikap ng mga Ilustrado na iahon ang Pilipinas sa pagkaalipin sa mga
dayuhan.
______10. Hindi mabuti ang idinulot ng pagbubukas ng paaralan sa mga Pilipino
noong 1863.

T
Tayahin

Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ang mga tanong.Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Sinong Pilipino ang itinukoy na hindi purong Pilipino. Sila’y mga anak ng
Pilipinong Kastila o Pilipino at Tsino?
A. Mestizo C. Peninsulares
B. Principalia D. Insulares
2. Ano ang tawag samga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit
ipinanganak sa Espanya?
A. Mestizo C. Peninsulares
B. Principalia D. Insulares

3.Anong antas ng lipunan ang ipinanganak sa Pilipinas na may dugong


purong kastila ang mga magulang?

13
A. Mestizo C. Peninsulares
B. Principalia D. Insulares
4. Sila ay mga Pilipinong nabibilang sa mataas na uri ng lipunan noong
panahon.
A. Mestizo C. Peninsulares
B. Principalia D. Insulares
5. Anong taon nanagpalabas ng kautusan ang pamahalaang Espanyol
ukol sa edukasyon?
A. 1963 C. 1993
B. 1863 D. 1836
6. Sino ang inutusan para sa pagpapatayo ng paaralang normal para sa
mga guro?
A. Prayle C. Heswita
B. Guro D. sundalo
7. Ano ang tawag sa mga Pilipinong nakapagtapos ng pag-aaral sa ibang
bansa?
A. ilustrado C. Peninsulares
B. Principalia D. Insulares
8. Anong uri ng lipunan ang tinatawag naMangmang o kaya walang alam
at di nakapag-aral?
A. Mestizo C. Peninsulares
B. Indio D. Insulares
9.Mahalaga para sa kinabukasan ng tao. Ano ito?
A. pamilya C. Edukasyon
B. pera D. kurso
10. Anong wika ang sapilitang ipinaturo sa mga katutubo?
A. Ingles C. tagalog
B. Espanyol D. Niponggo

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Magbigay ng tatlong ginawa ng mga Espanyol na gumising sa diwang
makabayan ng mga Pilipino.
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang edukasyon na
ipinaglaban ng ating mga ninuno?
3. Bakit kaya sa palagay nyo,tinutulan ng mga Espanyol na turuan ng wikang
Espanyol ang mga katutubo?

14
Susi ng Pagwawasto

Aralin 1

Aralin 2

15
Sanggunian

Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo,2017 Kayamanan 6,


pahina 21-22. Rex Printing Company, Inc.
DLP-Division of Valencia City Grade 6

https://brainly.ph/question/639151

16
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address :lrmdsldn@gmail.com

17

You might also like