You are on page 1of 2

QUIZ NO.

1
ARALING PANLIPUNAN VI
IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan : ___________________________________
Baitang/Seksyon : _________

I. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
patlang.

______1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?
A. Makataong Asimilasyon C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Asamblea ng Pilipinas

______2. Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng mga Pilipino.
A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Schurman
B. Pamahalaang Merritt D. Pamahalaang Militar

______3. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng
patakarang ______________.
A. Pilipino Muna C. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
B. Pilipinisasyon ng Pilipinas D. Makataong Asimilasyon

______4. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. William H. Taft C. William Mckinley
B. Wesley Merritt D. Jacob Schurman

______5. Sino ang namuno sa Partido Federal sa Pilipinas?


A. Gregorio Araneta C. Benito Legarda
B. Trinidad H. Pardo de Tavera D. Jose Ruiz de Luzuriaga

______6. Kailan naitatag sa Pilipinas ang Partido Federal upang payapain ang mga Pilipinong mag-alsa
laban sa Amerikano?
A. Disyembre 23,1900 C. Pebrero 6, 1901
B. Mayo 7,1899 D. Agosto 14,1898

______7. Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar.


A. Pamahalaang Sibil C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Taft D. Pamahalaang Schurman

______8. Ano ang tawag sa ipinanukala ni Senador John Spooner noong 1901?
A. Susog John C. Batas John
B. Susog Spooner D. Batas Spooner
______9. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?
A. Gobernador Sibil C. Gobernador Militar
B. Pangalawang Pangulo D. Pangulo

______10. Alin sa mga sumusunod ang ipinangako ng Pamahalang Sibil sa pamumuno ni Gobernador
Taft?
A. Pagpapahalaga ng mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang
pamamahala sa sarili.
B. Pagpaparami ng magsasaka
C. Pagpapadami ng sundalong Pilipino
D. Pagbibigay ng libreng pabahay

II. Suriin kung WASTO o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 11. Lahat ng misyong pinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos ay nabigo.

__________ 12. Ang Misyong OSROX ay pinamunuan nina Sergio Osmeña, Sr. at Manuel Roxas.

__________ 13. Tinanggap agad ni Manuel L. Quezon ang panukala nina Sergio Osmeña at Manuel
Roxas tungkol sa Batas Hare-Hawes-Cutting (Batas HHC).

__________ 14. Naging magkaiba ang pagtanggap nina Quezon at OSROX tungkol sa Batas Hare-
Hawes-Cutting.

__________ 15. Ang Batas Jones 1916 ay nagtadhana ng kalayaan para sa Pilipinas, subalit hindi nito
tiniyak ang takdang taon ng pagbibigay kalayaan.

__________ 16. Naghanap si Quezon ng mas mabuting batas kaysa Batas Hare- Hawes-Cutting para sa
pinakahihintay na kalayaan ng Pilipinas.

__________ 17. Ang naglagda ng Batas Tydings-McDuffie ay si Pangulong Roosevelt.

__________ 18. Ang Misyong OSROX naghanap ng batas na titiyak sa pagbibigay ng kalayaan ng
Pilipinas.

__________ 19. Ayon sa Batas Tydings-McDuffie kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas sa Hulyo 4
kasunod ng huling taon ng Pamahalaang Komonwelt.

__________ 20. Ang Pro Batas Hare-Hawes-Cutting ay pinamunuan ni Quezon at


ang Anti Batas Hare-Hawes-Cutting ay pinamumunuan nina Osmeña at Roxas (OSROX).

You might also like