You are on page 1of 1

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN V (4th Grading)

A. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar.
a. Paglaganap ng krimen at katiwalian sa bansa
b. Mababang antas ng edukasyon
c. Suliranin sa kalakalan
d. Di pagkakaunawaan ng Kristyano at Muslim
2. Batas na nagpasailalim sa Pilipinas sa Batas Militar.
a. Batas Komonwelt Blg.1
c. Proklamasyon Blg. 1081
b. Reporma sa Lupa
d. Batas Homestead
3. Lahat ay di mabuting parakaran ng batas military maliban sa:
a. Pagsuspindi sa writ of habeas corpus
b. Nawala ang karapatang pantao
c. Kontrolado ang media
d. Pag-unlad ng kabuhayan ng bansa
4. Lahat ay dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa noong 1983 maliban sa__________.
a. Labis na kapangyarihan ng pangulo
b. Kroyonismo
c. Monopolyo sa negosyo
d. Pakikipagkalakan sa ibang bansa
5. Ang Batas Militar ay nagwakas noong ______.
a. Enero 17, 1981
c. Enero 1, 1981
b. Enero 17, 1982
d. Edero 2, 1982
6. Siya ang ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika.
a. Diosdado Macapagal
b. Ferdinand Marcos
c. Corazon Aquino
d. Fidel Ramos
7. Ang Batas Militar ay idineklara noong _____.
a. Setyembre 21, 1972
b. Setyembre 15, 1972
c. Setyembre 3, 1973
d. Setyembre 15, 1973
8. Kilala bilang kumander dante ng New Peoples Army.
a. Jose Maria Sison
c. Bernabe Buscayno
b. Luis Taruc
d. Nur Misuari
9. Ang pagkakaroon ng Saligang Batas ay mahalagang aspeto ng isang demokrasya dahil sa ______.
a. Batayan ito ng paggawa n mga batas.
b. Dito makikita ang patakaran ng pamahalaan..
c. Katipunan ito ng mga karapatan at tungkulin ng pamahalaan.
d. Lahat ng nabanggit.
10. Ito ay isang paraan upang malaman ang opinion o isang issue na Pambansa.
a. Eleksiyon
c. caucus
b. Referendum
d. miting de abanse
11. Ang tindi ng iniwang ala-ala ng araw ng Setyembre 21, 1972. Ito ay hindi mapapasubalian hanggang kasalukuyan dahil
sa dagok ng batas na ito sa bansang Pilipinas.
a. Batas sa Paggawa
c. Batas Militar

b. Reporma sa Lupa

d. Batas Homestead

12. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pundamental na batas ng ating bansa at dito nakabatay ang lahat ng uri ng
batas na pinapanday ng ating pamahalaan?
a. Batas Pambansa
c. Saligang Batas
b. Kautusan at Ordinansa
d. Doktrina
13. Maraming suliranin sa panahon ng krisis noong rehimeng Marcos. Alin ang hindi kasali?
a. Paglaki ng Populasyon
b. Kawalan ng trabaho
c. Iskwater
d. Pagtayo ng Cultural Center of thePhilippines
14. Anong batas ang nagpatupad sa bagong programa ng reporma sa lupa?
a. Atas ng Pangulo Blg. 2
c. Masagana 99
b Atas ng Pangulo Blg 27.
d. A at C
15. Ang hukumang naglilitis sa mga kaso ng nanunungkulan sa pamahalaan ay ang ______.
a. Korte Suprema
c. Sandiganbayan
b. Metropolitan Trial Court
d. Regional Trial Court
B. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung ang pangungusap ay mali.
_____16. Nasiyahan ang mga Pilipino sa pangalawang panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.
_____17. Madalas ang mga rally at demonstrasyon ng mga mag-aaral at manggagawa sa panahon ni Pangulong Marcos.
_____18. Disiplinado ang mga kawani ng pamahalaan sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.
_____19. Sinuspinde ni Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus, sa panahon ng batas marsyal.
_____20. Nagkakasundo ang Muslim at Kristiyano nang panahong ito.
_____21. Hinuli ang mga lider ng samahan ng manggagawa at estudyante ng walang warrant of arrest.
_____22. May kalayaan ang mga mamamahayag sa panahon ng batas marsyal.
_____23. Sumibol ang maraming samahan tulad ng CPP-NPA sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.
_____24. Ang maraming rally noon ay tinawag ding Parliament of the Streets.
_____25. Pilipino ang higit na nakinabang sa ating likas na yaman sa panahon ni Pangulong Marcos.

You might also like