You are on page 1of 1

Kahit sa ano mang anggulo mo tingnan isa pa ring kabalbalan ang desisyon ni Director General Faeldon

ng Bureau of Correctections na palayin ang isang rape-slay convict na si Antonio Sanchez at ang kanyang
mga kasama dahil sa good Conduct Time Allowance Law. Ayon sa GCTA Law "ART. 29. Period of
preventive imprisonment deducted from term of imprisonment. – Offenders or accused who have
undergone preventive imprisonment shall be credited in the service of their sentence consisting of
deprivation of liberty, with the full time during which they have undergone preventive imprisonment if
the detention prisoner agrees voluntarily in writing after being informed of the effects thereof and with
the assistance of counsel to abide by the same disciplinary rules imposed upon convicted prisoners. "

Unang una sa lahat, ang brutal na ginawa nina Sanchez kay Eileen Sarmenta at ang kanya kasintahan na
si Allan Gomez, ay kailan man ay hindi mababayaran ng ilang taong pagkakakulong. Ito ay mas masahol
pa sa gawain ng hayop dahil kahit na patay na ang biktima anmy pinagsamantalahan pa rin nila ang
bangkay nito. Pangalawa, walang ibedendiya ang magpapatunay na karapat dapat si Sanchez
prebilihiyong ito. Samakatuwid, kasalungat pa nito, noong ika - 10 ng Oktubre 2006 nang mag surprise
raid awtoridad ay nakitaan ng shabu ang selda ni Sanchez, parehong kaso rin ang nangyari noong Hulyo
2010 na nakuhanan din siya ng 1.5 milyong halaga ng shabu. Noong Nobyembre taong 2015 ay
nakompiskaska saknya ang air conditioning unit at tv. Ang mga ito ang nagapapatunay na siya ay
lumabag sa batas habang siya ay nasa loob ng selda, at patong patong na kaso na ang nakahain sa kanya.
Panghuli siya ay nahatulan ng guilty sa salang paggahasa at pagpatay sa biktimang si Sarmenta, siy ay
napatawan ng pitong termino ng reklusyon perpetwa at base sa kanyang naging gawi sa loob ng rehas ito
ay hindi magagamit na dahilan upang mapawalang bisa ang naging hatol sa kanya.

You might also like