You are on page 1of 22

Dokumentaryong Obserbasyon: Ang buhay na kinakaharap ng mga piling manlilimos

sa Naga City Camarines Sur

Isinumite sa Departamento ng Senior High School bilang bahaging pangangailangan sa

asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Isinumite nila:

Mga Mananaliksik

HANNAH FAYE ALEGA

ABBY ROSE PANES

SEAN KISSES AFRICA

MARICAR BRAZAL

LOUIEBELL MAY PAVOREAL

FRANCIA ROXAS

Isinumite kay:

SHANNALANE R. TUMAQUE

Guro sa Asignatura

Hunyo 2023
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
1. RASYONALE
- Panimula…………………………………………………………………………    1
- Paglalahad ng suliranin……………………………………………………...   2 
- Layunin ng pag-aaral………………………………………………………... 3
- Kahalagahan ng pag-aaral……………………………………………………. 3
- Depinisyon ng Terminolohiya…………………………………………………. 4
2. PAGTALAKAY
- Ano ang panlilimos? 4
- Paano sinasagip ang mga manlilimos sa kalsada? 5
- Dahilan kung bakit namamalimos ang mga manlilimos 6
- Naobserbahan ng mga Mananaliksik sa Buhay ng Manlilimos 6
3. METODOLOHIYA
- Disenyo ng pananaliksik 7
- Pook ng pananaliksik 7
- Respondente ng pag-aaral 7
- Instrumento ng pag-aaral 8
- Hakbang sa paglikom ng datos 8
- Pagsusuri ng mga datos 8
4. PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 9
5. MGA SANGGUNIAN 9
6. APENDIKS
- Kaligiran ng mga mananaliksik 10
- Liham ng mga pag-aaral 12
- Ginamit na instrumento sa pag aaral 13
- Mga Larawang Dokumentasyon 18
I. RASYONALE

PANIMULA

Ang pulubi ay isang tao na namamalimos, samakatuwid, palagian at hayagang

nanghihingi ng kawanggawa. Isa ang Naga City sa mga lugar na maraming matatagpuang

manlilimos kung saan- saang tabi ng kalye na may madadatnang manlilimos dito mapabata

man o matanda, may kapansanan man o wala.

Ang panlilimos ay hindi maiiwasan lalo na sa panahon ngayon,sa mga taong walang

mapagpakitaan o walang hanapbuhay kung kaya’t ang populasyon ng mga taong namamalimos

ay tumataas pa,bagaman malayo pa ang mga lupalop na kanilang pinagmulan ay nakarating

sila dito sa Naga upang mamalimos bilang kanilang hanapbuhay na kanilang pinagkukunan ng

kanilang pangangailangan sa araw-araw.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman,maintindihan,at mabuksan ang ating

isipan sa kwento ng bawat manlilimos at upang sa ganitong paraan ay magkaroon ng aksiyon at

mabigyang-pansin ang kalagayan ng mga manlilimos sa upang sila ay matulungan.

Ang pag- aaral na ito ay nakapokus sa buhay na kinakaharap ng mga piling manlilimos

sa Naga City, Camarines Sur. Isinagawa ito ng mga mananaliksik noong Hunyo 11, 2023. Isa sa

mga instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga impormasyon ay pakikipanayam o interview.

Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang buhay na kinakaharap ng mga manlilimos sa

ginagawa nilang panlilimos.

1
Paglalahad ng Suliranin

Ang mga manlilimos sa Camarines Sur - Naga City ay nagmula pa sa iba’t ibang lugar

na nangangahulugang mayroong mga manlilimos na kailangan pumunta sa Sentro ng Naga sa

kanilang mga pamilya upang makapaghanap buhay at matustusan ang kanilang mga

pangangailangan sa pamamagitan nito.

Isa sa mga dahilan ng mga manlilimos ay ang kawalan ng oportunidad na

makapagtrabaho sapagkat kapos sa kaalaman dahil hindi nakapag-aral o nakapagtapos ng

pag-aaral, gayundin karamihan sa mga manlilimos ay may kapansanan at ang iba ay wala ng

pamilya, naging palaboy na lamang sa kalsada at tanging sa panlilimos na lamang kumakapit

upang magkaroon ng pambili ng pagkain ang kumakalang mga sikmura. Ang kalsada na ang

kanilang naging tirahan, ito lamang ang kanilang ginagawang paraan upang may makain at

mapunan lamang ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Hindi man kalakihan ang

kanilang kinikita na kahit sa kaunting barya na kanilang nalilikom sa panlilimos ito’y nagdudulot

sa kanila ng kasiyahan.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan ng kanilang ginagawang

panlilimos at ang mga natutulong nito sa mga piling manlilimos sa Camarines Sur - Naga City.

Ito ay naglalaman ng mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente sa:

1.1 Lugar na kanilang pinagmulan

2. Ano ang dahilan kung bakit sila namamalimos?

3. Bakit mas gusto nila manlimos kaysa maghanap nang maayos na trabaho?

2
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa layunin ng mga mananaliksik:

a.) Nagbibigyang kahulugan kung bakit nagagawa ng respondente ang panlilimos.

b.) Natutukoy ang mga sitwasyon na kinakaharap ng mga respondente.

c.) Naipapaliwanag ng mga respondente ang kanilang problemang kinakaharap dahil sa

kanilang kahirapan sa buhay.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa sumusunod:

Sa mga estudyante- makakatulong ang pananaliksik na ito upang mapagtanto ng mga

estudyante na kailangan nilang pahalagahan ang pag-aaral para magkaroon sila ng

magandang trabaho at kinabukasan.

Sa mga manlilimos- makakatulong ang pananaliksik na ito upang mabigyan sila ng pansin

nang sa gayon ay mabigyan sila ng karampatang tulong at aksiyon.

Sa gobyerno/pamahalaan- dahil sa pananaliksik na ito mabibigyang boses ang mga taong

may ganitong sitwasyon na dapat din silang bigyan ng sapat na tulong pinansyal galing sa

pamahalaan.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap- makakatulong ito upang mas mapadali at mabigyan sila

ng sapat na kaalaman na magbibigay gabay sa kanila kung sakaling ito ay kanilang pag aralan.

3
Depenisyon ng Terminolohiya

Ito ay mga salitang ginagamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan na punong

ideya rin pag-aaral. Dito matutugunan ang katanungan ukol sa kahulugan ng mga

mahahalagang salitang ginamit.

Pulubi- Ito ay ang tao na namamalimos o nanghihingi ng barya-barya sa tabi ng kalye o saan pa

man.

Hanapbuhay- Ang Hanapbuhay ay gawain, gampanin o tungkulin na isinasagawa o

isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng salapi o sweldo. Tinatawag ang taong

naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado o trabahador.

II. PAGTATALAKAY

Ano ang panlilimos?

Ang kahulugan ng panlilimos ay humihingi ng tulong sa pamamagitan ng paghingi

ng mga barya-barya na ibinibigay ng mga boluntaryong pagbibigay na walang hinihinging

kapalit.

Karaniwang matatagpuan ang mga manlilimos sa plaza ng Naga at madalas rin sa

labas at gilid ng mga kainan.

Ayon sa isa sa mga respondante “Ang panglilimos na ang aming pinagkakakitaan,

dito na kami kumukuha ng mga pambili ng kailangan naming sa pang araw-araw” halos

madalas sa Nakita ng mgamananaliksik at nalaman ang kwento ng mga manlilimos ay mga

matatanda na, may mga kapansanan, may mga pamilyang napag-iwanan at ay mga

problema sa pamilya kung kaya’t sila ay namamalimos.

4
Isa sa mga tumatak ang kwento ni Mang Novel na galing pa sa Camarines Norte

Vinzon…. “Apat na araw ko lamang nilakad mula sa amin hanggang sa nakarating ako dito

sa Naga upang manglimos sapagkat wala na akong asawa at ang aking mga anak ay nasa

Manila malayo na sa akin, sa madaling sabi ako ay nag-iisa na lamang sa buhay” sambit

niya, naikwento niya rin na…. “Sa maghapon kong panlilimos ay nakakakuha ako ng

halagang isang daan at nakakaipon-ipon rin naman ng bente-bente”. Ayon pa sa kanya

masaya na siya na kahit sa ganitong halaga, Malaki na ang naitutulong nito sa kanya, may

nabibili na siyang pagkain at kahit papaano ay naitataguyod niya ang kanyang sarili sa

pamamalimos.

“Nakakakuha kami ng tatlong daan, minsan ay isang daan at minsan nama’y

limangpu sa araw araw, kahit saan kami pumupwesto” salaysay ng dalawang mag-asawa

na sina Mang Paeng ay Aling Marivic, sila’y parehong bulag at may edad na ngunit hindi pa

rin ito naging hadlang upang sila ay manlimos sapagkat dito na sila umaasa at ito na ang

kanilang nakasanayan.

Halos lahat ng mga respondanteng nakakasalamuha ng mga mananaliksik ay

iisa lamang ang sinasabi “namamalimos kami upang mabuhay.”

Paano sinasagip ang mga manlilimos sa kalsada?

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Senior

Inspector Myrna Diploma, sinasagip nila ang mga ito mula sa kalsada kasama ang ilang

kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nilinaw ni Diploma na hindi nila inaaresto ang mga ito dahil isinasalba lang

umano nila ang mga nanlilimos mula sa disgrasya o peligro.

"Kapag sila ay nasa lansangan delikado po... Baka sila ay masagasaan o maging

biktima ng kahit anong krimen," ani Diploma.


5

Alinsunod ito sa Presidential Decree No. 1563 o "Mendicancy Law of 1978" kung saan

ipinagbabawal ang panlilimos sa lansangan, maging ang pagbibigay ng limos.

"Oo naaawa tayo, pero bawal magbigay ng limos [kasi] habang may nagbibigay ng

limos, may manlilimos diyan," ani Diploma.

Matapos ang rescue operations ay ibinibigay sa DSWD ang kustodiya ng mga

nanlilimos para matugunan ang kanilang pangangailangan tulad ng pagkain.

Sa mga sitwasyon naman na ayaw sumama ng mga nanlilimos na may

kasamang supling, kinukuha ng mga awtoridad ang bata at inilalagay ang mga ito sa

kustodiya ng DSWD.

Dahilan kung bakit namamalimos ang mga Respondente

- Namamalimos sila upang magkaroon ng mapagkukunan ng pangangailangan nila

sa araw-araw gaya ng pambili ng makakain. Ito na ang kanilang paraan upang

mataguyod ang kanilang mga pamilya at ito na rin ang bumubuhay sakanila.

Mga Suliraning kinakaharap ng mga Respondente

- Ang suliranin na kinahaharap ng mga respondente ang iba sa kanila ay walang

natutuluyan tanging tulay lamang ang kanilang tinutuluyan at minsan ay mahina

ang nililikom nila sa panglilimos sapagkat kakaunti lamang ang ibinibigay ng mga

taong dumaraan sa kanilang pwesto.


6

III. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng mixed method kung saan gumagamit

ng kwalitatibo at deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga

mananaliksik ang instrumentong pakikipanayam o face to face interview para makalikom

ng datos at malaman ang mga dahilan ng kanilang pamamalimos.

Pook ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob lamang ng Sentro ng Naga City,

Camarines Sur. Pinili ng mga mananaliksik ang lugar na ito upang makakalap ng sagot

na datos at impormasyon magagamit sa pagsagot sa suliraning na talakayin.

Respondente ng Pagaaral

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga piling manlilimos sa Naga

City, Camarines Sur. Ang mga respondente ay napili sapagkat ang kanilang kalagayan

ang kumuha sa atensyon ng mga mananaliksik.


7

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay face to face interviewing

upang makapaglahad ng mga karanasan na kanilang mga nararanasan sa araw-araw

nilang panlilimos. Ang mga ito ay daan sa maingat na pagsusuri ng mga mananaliksik

upang matiyak na wasto ang pagkagawa ng mga katanungan.

Hakbang sa Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nag face to face interviewing upang makapangalap ng

mga makabuluhang datos. Ngunit, maari silang mangalap ng mga dagdag na datos at

impormasyong makakatulong sa kanila mula sa internet at iba pang social media na

maaring magamit na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral.

Pagsusuri ng mga Datos

Maingat na sinusuri at pinapanatiling tiyak ang lahat ng mga datos at

impormasyong inilalahad ng pananaliksik na ito. Sinigurado ng mga mananaliksik na

ang vawat interpretasyon muna sa mga sagot ng mga respondente ay tama at

makatotohanan.
8

IV. Paglalagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon

Batay sa isinasagawang pag-aaral ang mga mananaliksik at natuklasan na

hindi madali ang kanilang pamumuhay sa kabila ng kanilang panlilimos. Nalaman ng

mga mananaliksik na may malaking kaugnayan ang problema sa pamilya, kanilang

natiyak sa pag-aaral na ito na nalaman ang mga implikasyon ng kawalan ng opurtunidad

nil ana makapag-aral at makahanap ng magandang trabaho.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga respondante ng pag-aaral na ito

na makilahok sa mga seminar para sa mga taong walang hanapbuhay upang mabigyan

ng mapagkakakitaan at dumulog sila sa mga opisina ng pamahalaan kung saan

mabibigyan ng pagkakataon na mabigyan ng programang panghanap-buhay ang mga

manlilimos.

V. MGA SANGGUNIAN

https://news.abs-cbn.com/news/12/27/18/alamin-paano-sinasagip-ang-mga-nanlilimos-

sa-kalsada

https://www.academia.edu/35733783/Depinisyon_ng_mga_Terminolohiya
9

VI. APENDIKS

KALIGIRAN NG MGA MANANALIKSIK

o Siya si Abby Rose Panes at siya ay 17 taong

gulang. Nakatira sa Poro Canaman Camarines

Sur at kumukuha ng strand na Technical

Vocational Livelihood (CSS) sa Sta. Cruz National

High School. Siya ay anak nina Rosario Banglo at

Edgar Panes.

o Siya si Hannah Faye Alega at siya ay 17 taong

gulang. Nakatira sa Poro Canaman Camarines Sur

at kumukuha ng strand na Technical Vocational

Livelihood (CSS) sa Sta. Cruz National High School.

Siya ay anak nina Joy Sansoles at Norlando Alega

Jr.

o Siya si Maricar Brazal at siya at 17 taong gulang.

Nakatira sa San Vicente,Canaman Camarines Sur at

kumukuha ng strand na Technical

VocationalLivelihood (CSS) sa Sta. Cruz National

High School. Siya ay anak nina Marites Brazal at

Edgar Brazal.
10

o Siya si Louiebell May Pavoreal at siya ay 16 taong

gulang. Nakatira sa Poro, Canaman Camarines Sur

at kumukuha ng strand na Technical Vocational

Livelihood (CSS) sa Sta. Cruz National High School.

Siya ay anak nina Luisa Pavoreal at Rhobert

Pavoreal.

o Siya si Francia Roxas at siya ay 17 taong gulang.

Nakatira sa Poro, Canaman Camarines Sur at

kumukuha ng strand na Technical Vocational

Livelihood (CSS) sa Sta. Cruz National High School.

Siya ay anak nina Lydia Roxas at Adriano Roxas.

o Siya si Sean Kisses Africa at siya ay 17 taong

gulang. Nakatira sa Talidtid, Canaman Camarines

Sur at kumukuha ng strand na Technical Vocational

Livelihood (CSS) sa Sta. Cruz National High School.

Siya ay anak nina Juliet Africa at Roderick Africa.


11

MGA LIHAM SA PAG-AARAL

Ginagalangan naming binibini/ ginoo/ ginang:

Magandang araw!

Kami ay mga mag-aaral ng baytang 11 sa Sta. Cruz National High Schoolna


kumukuha ng TVL-CSS/EIM, at kumukuha ng asignaturang Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang
teksto tungo sa pananaliksik. Isa sa kahingian ng asignaturabg ito ay ang pananaliksik.

Kaugnay nito, nais po naming humingi ng inyong kaunting oras sa pagsasagawa ng


aming pananaliksik na may pamagat na “Dokumentaryong obserbasyon sa buhay ng mga
manlilimos sa edad na 15-60 taong gulang sa Naga City, Camarines Sur”. Naglalayon ang
pananaliksik na ito na malaman at matukoy kung paano mamuhay ang mga taong kasangkot.

Lubos kaming nagagalak na makakatulong kayo sa aming pananaliksik. Ang kooperasyon ay


lubos na makakatulong sa pagsasagawa ng aming pananaliksik.

Maraming salamat po!

Sumasainyo,

MGA MANANALIKSIK

ABBY ROSE PANES HANNAH FAYE ALEGA MARICAR BRAZAL LOUIEBELL PAVOREAL

SEAN KISSES AFRICA FRANCIA ROXAS


SHANNALANE R. TUMAQUE

Guro sa Asignatura

12

GINAMIT NA INSTRUMENTO SA PAG-AARAL

Pakikipanayam o Interview

Unang Respondente: Novel Aban

Mananaliksik 1: Taga sain ka po?

Respondente: Camarines Norte Vinzon

Mananaliksik 1: Ahmmm… tano ka po nakaabot igdi?

Respondente: Apat na aldaw akong naglakaw

Mananaliksik 1: Tano po ano… ano pong ano, hinahanap ka po or something?

Respondente: Mayo man, ahh… arog kani naghahanap para makakakan

Mananaliksik 1: Mayo kana pong pamilya?

Respondente: Igwa, nasa Maynila

Mananaliksik 1: Tano po…tano po?

Respondente: May mga agom, may mga agom na ito

Mananaliksik 1: Ah…’ma kana pong agom?

Respondente: Ah…Igwa gadan na

Mananaliksik 1: Edi si mga aki mo po, may sadiri na pong…

Respondente: Iyo ‘ne igwa naman mga agom

Mananaliksik 1: Ika nalang, garo ika nalang po ‘tong natatada sa harong nindo tapos…?

Respondente: Napunta manlang sa mga aki…eh ano… mahirap ang proseso lalo na’t pang

padyak lang ang trabaho sa maynila. Mas maray pa yung…solo

Mananaliksik 1: Mayo ka po igding kakaiba?

Respondente: Mayo
Mananaliksik 1: May madadagusan ka pong turugan igdi?

13

Respondente 1: Mayo, igdi lang sa… igdi lang sa gilid nahigda

Mananaliksik 1: Igdi ka land po nahigda?

Respondente: Pag naka … ano man… naka walang ano… dalawang daan, minsan nauwi ako

saamin

Mananaliksik 1: May naaano kaman pong kwarta pag ano?

Respondente: Iyo pag nakakapagka tipon tipon man maski baynte baynte tsaka yung ngunyan

na may sarong-gatos ako ngunyan nag-iipon dahil ma fiesta samuya ngunyan sa barangay .

Mananaliksik 1: Edi malakaw ka lang po pag pauli?

Respondente: Pag mayong kwarta, pag di naman nakaipon ... pag natalo ,lalakaw

Mananaliksik 1: Iyan kuya pag kunyari ano… pag nakakabakal ..,nakakabakal kaman pong

bagas?

Mananaliksik 1: Pira man po ang nakukuha nindong income?

Respondente 1: Sarong-gatos, maghapon

Mananaliksik 1: Pero nakakaexperience ka na pong mayong nakua talaga,as in zero?

Respondente: Kundi dae man nasi-zero maski singkwenta , may igwa ,may para-pangkakan

Mananaliksik 1: Ano po tong mga problema na nai-incounter mo, kunyari

Respondente: Anong problema?

Mananaliksik 1: Halimbawa po nin naano , natitripan ka po kang mga taong arog po kayan ?

Respondente: Mayo..mayo man

Mananaliksik 1: Ano pong dahilan kung tano po ni ginigibo ?

Resppondente; Ano?
Mananaliksik 1: Ano pong dahilan… dahilan kung tano mo po ni ginigibo? Para po… para po

sain ang purpose?

14

Respondente: Para ano… para mabuhay pag dai ka nag kilos makakapag kakan pag mag-isa..

masipag ka sa basura makaka ano kana…makaka kakan kana

Mananaliksik 1: Pira po ulit ang aki mo?

Respondente: Ha?

Mananaliksik 1: Pirang aki?

Respondente: Siyam

Mananaliksik 1: Siyam po?

Respondente: Siyam

Mananaliksik 1: Gabos po ano… gabos po kamo sararo kuya?

Respondente: Nag re-rent… su magulang ko anon ahm…patay na

Mananaliksik 1: Mayo ka po igding kamag-anak sa ano?

Respondente: Mayo, mga ano lang… barkada kasama ko dati sa trabaho taga San Rafael

Mananaliksik 1: Oh.. di may nadadagusan ka po?

Respondente: Mayo… barkada lang ko lang to kasama ko sa trabaho mga taga San Rafael

Ikalawang Respondente: Marivic Florderis

Mananaliksik 2: Sain ka nay nakaistar?

Respondente: Sa hubo

Mananaliksik 2: Taga hubo daa sya, sain po sa hubo?

Respondente: Minalabac
Mananaliksik 2: Pirang edad mo na po?

Respondente: 50

15

Mananaliksik 2: May pamilya ka pa po?

Respondente: Igwa

Mananaliksik 2: May aki ka nay?

Respondente: Igwa, may makuapo saro

Mananaliksik 2: Pira nay ang aki mo nay?

Respondente: Tulo man lang

Mananaliksik 2: Tano ka po nakaabot ka po igdi?

Respondente: Ay nag-iirigdi kami kang agom ko

Mananaliksik 2: Nasain po palan nay ang agom mo?

Respondente: Lain man pwesto

Mananaliksik 2: Tano ka po namamalimos?

Respondente: Mayo man kaming trabaho

Mananaliksik 2: Si mga aki mo po mayong trabaho?

Respondente: May pamilya naman kaya su saro

Mananaliksik 2: Suruway na po ang mga aki nindo saindo?

Respondente: Nagpapataratandan man lang sa uma

Mananaliksik 2: Sain po kamo nag sstay?

Respondente: Igdi lang

Mananaliksik 2: Igdi lang po…. Igdi naman po kamo nagtuturog?

Respondente: Dae, nag-uuli kaming banggi

Mananaliksik 2: Pag naabutan po kamo igdi nin uran, mayo po kamong nadudumanan?

Respondente: Ay mayo
Mananaliksik 2: Sinusundo ka po kang agom mo igdi?...... nasain po ang agom mo?

Respondente: Iyo, nasa pwesto nya man…. Yaon gayud to sa ano…... Puregold

16

Mananaliksik 2: Pira man po ang naiincome po nindo sa panlilimos?

Respondente: Nakaka 300 man, 200

Mananaliksik 2: Di, dyan na po kamo nakakua nin pambakal bagas saka panira nindo?

Respondente: Iyo

Mananaliksik 2: Anong oras na po kamo na uuli?

Respondente: Banggi na, mga alas syete

Mananaliksik 2: Pero nag uuli po kamo isay po nag aasikaso po sa mga aki nindo?

Respondente: Ay yaon duman si ina mi

Mananaliksik 2: Lakaw lang po kamo o sakay?

Respondente: Lakaw…... harayuon….

Mananaliksik 2: Pira man po ang bayad pag ano…. Kunyare pagpauli po nindong sakayan?

Respondente: 80 pesos

Mananaliksik 2: Ang sarong tao po?

Respondente: Duwa kami…. kami ng duwa

Mananaliksik 2: Ano man po ang ano…... halimbawa po ining sa panlilimos nindo, may nag

aano man po saimo garo…. may nagkukua man po kang nalilimos mo?

Respondente: Ay mayo man

Mananaliksik 2: Pero nakaexperience man po kamo na as in na…. may nagbubully po….

tigtitripan ka man nay?

Respondente: Mayo man

Mananaliksik: ahhh mayo man….

Mananaliksik 2: Okay na po nay, salamat po…. may tatao po kaming pagkakan .….. snackan
17

MGA LARAWANG DOKUMENTASYON SA PANGANGALAP NG DATOS


18

RUBRIK SA PASALITANG PRESENTASYON (PINAL NA DEFENS)


PAMAGAT NG PANANALIKSIK:

MANANALIKSIK: BILANG NG PAGPRESENT:


1. 5.
2. 6.
3. 7.
4. 8.
Kategorya Pamantayan 4 3 2 1 Puntos
Lohikal na inilahad ang mga kaisipan at impormasyon ayon sa
pagkakasunod-sunod.
Organisasyon
Mabisang inilahad ang mga kaisipan: simula, katawan, at
(12 pts.)
pagwawakas ng ulat.
Malinaw na naiugnay ang bawat slide ng pagtalakay.
Malinaw ang tinig/boses, tamang pagkilos, at may angkop na
kumpas.
Nabigyang-kahulugan ang mga kaisipang angkop sa tagapakinig.
May kahandaan at lubos ang kaalaman sa paksa.
Mabisang paggamit ng wika at tamang bigkas.
Kasanayan
(28 pts.) Mabisa ang biswal (PPT): malinaw ang mga letra at
tsart/grapikong pantulong, hindi nakalilito, at may angkop na
ilustrasyon at kulay.
Ginamit ang tamang oras at wastong asal para mailahad ang
inaasahang nilalaman ng pag-aaral.
May angkop na pananamit.
Nailahad ang pinakamahalagang saligan, layunin, kahalagahan,
at suliranin ng pag-aaral.
Malinaw at akma ang pagtalakay batay sa mga nakalap na datos.
Nailarawan ang angkop na metodolohiya sa pangangalap ng
datos.
Naipaliwanag ang mga natuklasan batay sa mga nakalap na
Presentasyon/ datos.
Nilalaman
Nabigyang-kahulugan ang datos sa tulong ng mga pag-aaral mula
(32 pts.)
sa iba’t ibang sangguniang may angkop na pagkilala sa
pinagkunan.
Nakapagbigay ng malinaw na buod at konklusyon.
Realistiko at makabuluhan ang mga rekomendasyon.
Nasagot nang tama, kapani-paniwala, at impormatibo ang mga
tanong.
KABUOANG PUNTOS ( /60)
PANGKALAHATANG PUNA:
__________________________________________

Pangalan at Lagda ng Hurado

You might also like