You are on page 1of 6

PANIMULA

Ang mga Pilipino ay madaling makaangkop sa sitwasyon at mabilis makaisip ng


paraan o magaling dumiskarte upang malabanan ang kahirapan at walang
kasiguruhang kabuhayan.

Ang trabaho sa lansangan ay isa sa pinaka mahalagang aktibidad sa ating


ekonomiya lalo na sa mga lugar na maraming tao. Karamihan sa mga nagtitinda sa
lansangan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral o di kaya’y hindi na talaga nakapag aral.
Sila ay kulang sa mga kaalaman lalo na sa kondisyon ng ating ekonomiya. Ang
pagtitinda sa lansangan ay nagsisilbing trabaho at oportunidad at malaking tulong sa
pang araw-araw na pangangailangan ng isang komunidad. Ngunit isa pa rin ito sa mga
illegal na gawain sapagkat walang binabayarang batas ang mga nagtitinda sa
lansangan (Ray at Mishra, 2011)

Isa rin sa madaling hanapbuhay ang pagtitinda ng mga pagkain tulad ng


simpleng kariton o karamihan man sa kanila ay hindi nagbabayad ng buwis sa ating
pamahalaan, pero may malaki rin na naitutulong ang mga ito sa ating ekonomiya dahil
isa rin sila sa bilang ng mga maliliit na negosyante ng ating bansa or ang tinatawag sa
economics na "sole proprietorship". Ibig sabihin nito ay ang pag-negosyo na pag-aari ng
iisang tao lamang (Ward,2019).

Ang mga barkers o taga tawag ng mga pasahero ay isa sa mga halimbawa ng
mga Pilipino na walang regular na trabaho, ngunit mas madiskarte sa pagtatrabaho
kung kaya minsan mas mataas pa sa minimum wage ang kanilang sinasahod.(Manila
Times,2016)
PAG LALAHAD NG PROBLEMA

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman at makilala ang pang araw


araw na buhay ng mga nagtatrabaho sa lansangan. Ang mga sumusunod na tanong
ang magiging gabay para makamit ang sagot sa kahalagahan ng pananaliksik

1. Ano ang trabaho o pinagkakakitaan?

2. Ilang taon na sa larangan ng trabahong ito?

3. Magkano ang puhunan at kita na inilalaan sa trabaho o pangkabuhayan?

4. Bakit ito ang napiling trabaho o pangkabuhayan?

5. Ano ang pinaka di malilimutan habang nagtitinda o nagtatrabaho?

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG AARAL

Ang lugar na saklawin ng pananaliksik na ito ay magaganap sa kabuuan ng


pampublikong pamilihan ng pasig. Ang pag aaral na ito ay nangangailangan ng
hanggang limang taong kakapanayamin na may iba't ibang pangkabuhayan katulad ng
buko vendor, nagtitinda ng atay at shanghai, barker, takatak, nagbebenta ng penoy at
balut.
METODOLOHIYA

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng metodo na patanong-tanong na kung


saan ay naghanap ang mga mananaliksik sa kahabaan ng pamilihan ng lungsod ng
Pasig ng mga trabahong kalsada o mga “street vendors”. Napaplaoob dito ang iba’t
ibang tanong na may kinalaman sa personal at kabuhayan. Sa pamamagitan ng
metodolohiyang patanong-tanong maaaring malaman ng mga mananaliksik kung
magkano nga ba ang puhunan at magkano ang balik nito sa benta. At kung ano nag
rason bakit ito ang napili nilang maging trabaho.

RESULTA AT PAGTALAKAY

Sa paggawa ng pananaliksik na ito, natutunan ng mga mananaliksik na ang mga


trabahong lansangan ay sadyang napakahirap at nakakapagod na hanap-buhay.
Natutunan ng mga mananaliksik na ang mga trabahong barker o taga tawag ng mga
pasaherong sasakay ng pampublikong sasakyan, buko vendor, takatak o mga
nagtitinda ng mga sigarilyo at kendi sa gitna ng kalsada, penoy at balut vendor at
marami pang iba ay lubhang nangangailangan ng pasensya at paghihirap upang
matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw-araw nilang buhay

Umulan o umaraw ay nakapuwesto sila upang kumita ng kahit katiting


upang may pantawid sa araw-araw na gastusin. Nasa patag na pag-usad, ngunit
nasa puso rin nila ang pangarap na ma-katuntong sa unang baytang hanggang
sa tuktok ng kanilang deskripsyon ng tagumpay.

“Hindi kasi nakapag tapos ng pag-aaral”

“Nag-asawa agad ako eh”

-Janet Catalla (Penoy vendor)

Ito ang pinaka dahilan kung bakit nga ang mga taong ito ay na-uwi sa pag
tatrabaho sa lansangan. Bilang mga mananaliksik, halos lahat sa mga nakapanayam na
mga taong ito, lahat sila ay hindi nakapagtapos ng pag aaral. Alam naman nating ang
pag aaraal ay isa sa mga pangunahing batayan o pamantayan sa pag hahanap ng
maayos at regular na trabaho sa bansa.

“Ikaw mismo ang gagawa ng kita mo dito, kung masipag ka mas


marami kang kikitain dahil kung hindi ka mag-sisipag, mawawalan ng
makakain ang pamilya mo”

-Rogelio Paǹoso (Taktak vendor)

“Kung mauubos ang paninda kikita ka ng nasa two thousand five


hundred”

-Joshua Carisma (Shanghai at Atay vendor)

Ang kabuuang kita ng isang nagtitinda sa kalsada ay pumapatak ng isang libo


mahigit, ngunit ang kinikita nila ay nakadepende sa mamimili, sa panahon o sa sipag
nila. Sa kita at balik ng pera naman, mas angat ang pang-araw araw ba kita na 200-600
na kita, sinasabi nito na kung maliit ang kapital, Aasahan na Maliit din ang kita o balik
ng pera (Tindowen, 2016)

Sumasang-ayon ang mga mananaliksik sa mga pahayag at opinion na nabanggit


dahil sa ang mga ito ay base sa kanilang nararanasan sa pang araw-araw. At
nakadepende lamang ang kanilang kinikita sa kung paano nila ito pagsisikapan
mabenta hindi tulad ng sa mga pormal na trabaho na nakalaan na agad ang iyong
sweldo o kita base sa araw o “minimum wage”.

“Kailangang mag-ingat palagi dahil may mga tao talagang


pagtritripan ka, katulad ng nangyari sakin binugbog ako at sinugatan ng
mga taong nangtrip sa’kin sa ulo at kamay. Ako pa nga ang nakulong eh.”

- Rogelio Paǹoso (Taktak vendor)


“ ‘Yong mga kalaban naming barker pinagtitripan kami, minsan
iyong mga driver minumura kami o sinasabihan ng hindi magagandang
salita”

-Opiano Andres (Barker)

Hindi na bago sa pandinig ang mga ganitong sitwasyon lalo na sa pagtatrabaho


sa lansangan. Para sa mga mananaliksik, hindi maiiwasan na makasalamuha o
makaengkwentro ka ng mga taong hindi ka magugustuhan o may masamang balak.
Lingid na sa kaalaman ng iba na madaming maaaring magyari sa lansangan lalo na sa
mga alanganing oras kumpara sa mga trabahong nasa loob ng establisyimento.

“Nahuhuli din kami, bawal kasi ang magtinda sa ganitong lugar sa


kalsada, sinisita gano’n”

-Joshua Carisma (Shanghai at Atay vendor)

Ayon kay Golosino(2012), ang mga sidewalk vendors ay harang at panira


lamang sa daan. Ayon naman kay Senador santiago, "ang isang magandang
Lugar ay nagkakaisa kung meron silang maayos na sidewalk, lalo na sa mga
urban areas, kaya lang nawawala ang importansya nito ayon sa mga dumaraang
mamamayan. Isa itong madaling daan kung gustong makaiwas sa traffic, kaya
lang nagiging isa itong palengke o napupuno ng mga tindero na nagreresulta
kaya dumaraan ang mga mamamayan sa kalsada na malapit sa panganib na
siyang nagpapaiit pa ng daan at nagpapasikip ng traffic.

KONKLUSYON

Ang kabuuang pananaliksik na ito ay naglalayon na maimulat ang mga tao na


hindi madali ang buhay sa lansangan. Bukod dito naipapakita din ng pananaliksik na ito
na ang pag hahanap buhay sa lansangan ay maaring humantong sa pagka-panalo dahil
sa kita na maiuuwi ng mga taong ito para maging sapat at mabuhay ang kanilang
pamilya o maging tabla, na babalik lamang ang puhunan nila sa pagtitinda.
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY
Pasig Campus
COLLEGE OF EDUCATION
DEPARTMENT OF SOCIAL STUDIES

PANALO O TABLA: MGA TRABAHONG LASNASANGAN SA KABUUAN NG


PAMPUBLIKONG PAMILIHAN NG LUNGSOD NG PASIG

Mga Mananaliksik:

Mekayla, Banawa

Buenaventura, Ma. Carlota

Joann, Doydora

Pausanos, Earl Andrew

San Felipe, Lyza Marie

2019

You might also like