You are on page 1of 3

4.

3 MGA
NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAL AT
NASYONAL
(MARHINALISASYON NG) MGA KATUTUBONG PANGKAT,
MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL, MAGSASAKA, TINDERO AT
TINDERA, KABATAANG MANGGAGAWA AT MIGRASYON

MEMBERS:

Kristel Joy Paraguison

Charmie Gracielle C. Canto

Charls Aljune Siniguian

Nicole Agatha Corinne Datul

Larrzon Lucilla

Chrisbert Angoluan

Mark Joseph Calata


Matagal na itong problema sa ating bansa at kailangan natin ito magawan ng paraan
upang maisaayos ang pang araw araw na pamumuhay natin katulad ng Marhinalisasyon ng
Mga Katutubong Pangkat, Manggagawang Kontraktwal, Magsasaka, Tindero at Tindera,
Kabataang Manggagawa at Migrasyon ay ang mga surilanin na unti-unting sumisira sa ating
bansa. Ang marhinalisayon ng katutubong Pangkat Karamihan sa ating mga katutubo ay siyang
naiwan na sa proseso ngating modernisasyon, na siyang humahantong sa kanilang kakulangan
ng kaalaman ukol sa kamulatang panlipunan. Kalimitan, sila ay naituturing namarginalized
people na kung saan, ang mga grupong ito ay nawawalan na ng gampanin sa gawain at
aktibidad na pang ekonomiya. Patuloy ang pagbaba ngating mga katutubo kaugnay sa kanilang
kinalalagyan sa lipunan kung kaya, ang kanilang kakayahang itaguyod at ipagtanggol ang mga
sarili ay unti unting nawawala. Isa kabang Regular o Kontraktwal na manggagawa? Kung Ikaw
ay isang ay medyo mapalad ka ng kaunti dahil marami itong benepisyo dahil mayroon kanang
minimum na sahod, walong oras na trabaho, overtime pay, atbp. Ngunit kung isa kang
Kontraktwal na kung saan ilang buwan lang ang iyong trabaho at kung matatapos na ito ay
mawawalan kana ng hanapbuhay. Titigil ang pag ikot ng iyong buhay at aasa sa kakarampot na
sahod hindi kagaya ng isang regular na marami itong benepisyo. Tumatanda na ang
populasyon ng ating magsasaka na regular filipino. Ang maimumungkahi namin upang malutas
ang kontraktwalisasyon ay dapat hangga’t maaari ay alisin na ng pangulo ang batas na ito
sapagkat ang mga kapitalista sa bansa ay nakakakuha ng higit higit na yaman mula dito. Nasa
57 anyos ang average na edad na magsasaka sa ating bansa at umoonti narin raw ang mga
kabataang sumusunod sa kanilang yapak dahil mas gusto nila makahanap ng mas madali at
mabilis na paraan upang kumita, maraming pagsubok ang mga magsasaka katulad lamang ng
mga mahal na kagamitan, hindi pagtulong ng gobyerno, climate change, atbp. Kung ito ay
magpapatuloy wala ng matitira sa ating magsasaka, sa paglobo ng populasyon natin paano
natin mapapakain ito kung mawawalan tayo ng isa sa mga pinaka kailangan at mahalaga na
trabaho sa ating bansa. Ang dapat gawin dito ay Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
kung saan ang RA 3844(AGRICULTURAL LAND REFORM)- naglalayong mailipat ang
pagmamay-ari ng lupain sa mga nangungupahan dito. Mapaunlad ang pagmamay-ari ng lupa-
tumutukoy sa maayos na pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng pagsulat at pagdokumento
pagtatakda ng halaga para sa pagbabayad sa mga may-an at pagkakaloob ng rehistradong
titulo Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikutura, Pagbibigay ng subsidy sa
maliit na magsasaka, at Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay at kalsada. Umagang umaga
palang sa palengke ay maingay na nahandun ang mga tindero, tindera na nagbebenta ng mga
produkto na kailangan sa pang araw araw nating pangangailangan. May mga tindero, tindera na
naging hanap buhay lang nila iyon dahil namana lang ito, kailangan itaguyod ang pamilya,
kailangan upang makapagtapos ang mga anak, at kailangan lang kumayod para
masustentuhan ang pamilya. Mahirap rin talaga ang buhay nila ngunit marangal lalo na ngayon
na ang mga paninda.nila ay inilalagay na ng Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA) sa ayos. Sa ngayon nga ay may panukalang maging ang kasuotan nila ay iaayos din
upang maging kagalang-galang sila at maganda sa tingin ng mga mamimili. Sa murang edad
palamang marami ng kabataan ang nagtratrabaho dahil sa kahirapan at napipilitan magtrabaho
kagaya ng minahan, pabrika, construction, atbp. Marami dito ay nag aaral at sinadyang hindi
ipag patuloy dahil sa gutom at umaalis upang makahanap ng makakain. Napipilitan silang
tumigil para tulungan ang kanilang mga magulang sa paghahanapbuhay. Masakit man sa
kanilang kalooban, kailangan nilang magbanat ng buto para magkaroon ng laman ang kanilang
sikmura. Ayaw man nilang tumigil sa pag-aaral, wala silang magawa sapagkat mamamatay sila
sa gutom pati ang kanilang pamilya. Dahil sa maagang pagsabak ng mga kabataan sa
pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang mga bata.
Kahirapan ng buhay ang ugat kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa. Anf
child labor ang isa na pinaka-dahilan kung bakit rumarami ang batang manggagawa ang
solusyon dito ay hanaoin ng gobyerno ang pinaka mataas sa popluasyon sa isang lugar kung
saan marami ang mga batang manggagawa at hanapin ang kanilang magulang at bigyan ito ng
mga trabaho upang maranasan ng mga kabataan ang pagiging isang normal na bata. Ang
migrasyon naman ay parang isang double edged sword na marami itong benepisyo at kawalan
sa ating bansa at mamamayan. Ang mga benepisyo nito ay ang pagbubukas ng maraming
oportunidad para sa mga Pilipinong manggagawa at ang pagtaas ng ekonomiya dahil sa
pagpapadala ng maraming Pilipino ng remittance subalit ang kawalan nito ay ang brain drain o
pagkaubos ng mga propesyonal sa Pilipinas at ang pang-aabuso sa mga Pilipino ng kanilang
mga amo. Mas makikita natin na may mabubuting epekto ang migrasyon dahil marami sa atin
ang gusto ng mas maayos na buhay at tirahan para sa ating pamilya o kahit sa sarili, handa
tayong kunin ang oportunidad na meron sa ibang bansa na wala dito sa pilipinas, mas
nabibigyang pansin sa bansa natin ang mga nakapagtapos at hindi nila halos binibigyan ng
pagkakataon magkaroon ng “experience“ ang mga bago pa lamang. Subalit may negatibo din
namang epekto ang migrasyon na hindi nabibigyan ng pansin tulad ng mga naipahayag ko
tungkol sa suliraning ito. Sa aking sariling palagay, nararapat na mas bigyan ng pansin ng
gobyerno ang mga hindi nakapagtapos at dapat bigyan sila ng oportunidad upang mapaunlad
ang kanilang buhay kung nakikita naman nila na nagttyaga ang kanilang kababayan. Maaari din
na magpatayo na lamang ng negosyo na magagamit ang puhunan upang matulungan ang iba’t
ibang pamilya o mga pangkat. Kailangan mabigyan ng trabaho ang mga pilipinong naiiwan
upang mahikayat sila na huwag umalis sa bansang kinabibilangan at tuluyan silang lumipat ng
kanilang tirahan. Ito ang mga suliranin na kinakaharap natin at dapat bigyan ng pansin dahil
tayo lang rin ang mahihirapan kapag ito ay nagpatuloy at mas lalong lumala dahil sa bandang
huli tayo lang mismo ang magtutulungan na kapwa Pilipino.

You might also like