You are on page 1of 1

Karapatan ng Pilipino

Ella Justeinne C. Dayot

Ayon sa talumpating isiniwat ni Teddy Casino, maraming bagay ang kinakailangan pag-usapan sa pagitan
ng Gobyerno at NDF. Napapaloob dito ang ibat ibang reporma na kinakailangang maitupad at
maisabatas ang ating gobyerno. Pag-uusapan dito ang tungkol sa karapatan ng mga mamamayang
Pilipino. Pagtaas ng sahaod ng mga manggagawa, ang pagkakaroon ng patas na kalidad sa presyo ng mga
bibilhin ng magsasaka, paglakas ng internet connection, at marami pang iba na tungkol sa karapatan ng
bawat Pilipino sa ating bansa.

Nais na maipatupad ang mga repormang ito para mapaunlad ang ating ekonomiya at ang kabuhayan ng
magsasaka, manggagawa, at empleyado sa ating bansa. Ang pagkakaroon ng sariling lupa ang ating mga
magsasaka ay nakakatulong upang mapa-angat ang kanilang kabuhayan at tulong na rin nito ay
mapapakain nya na rin ang bawat mamamayang Pilipino sa paraang pagbenta nito. Pag-uusapan dito
ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mamayang Pilipino na kung saan milyong-milyon dito ay walang
trabaho at kung mayroon mang trabaho mababa naman ang kanilang sinasahod dito. Pag-aabuso sa
ating likas sa yaman ay kinakailangan ding pag-usapan sapagkat ito ay magiging dahilan sa pagkasira ng
ating kalikasan at maging sanhi ito ng iba’t-ibang trahedya, ito rin ay minimihasa nang ibang tao sa
pagkakaroon dito ng limpak-limpak sa salapi, Napapaloob sa reporma ding ito ang usapin sa pagrespeto
sa ating mga manggagawa, mangigisada, magsasaka at kultura ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi sa
ating bansa, katutubong Pilipino at proteksyon para sa kababaihan, kabataan at para sa matatanda. Ang
pagkakaroon dito ng libreng pag-aaral mula sa elementary hangang kolehiyo ay pag-uusapan din upang
hndi na gaano pang mahirapan sa matrikula ang mga magulang dito. Ang pagkakaroon ng paglakas ng
internet connection ay pag-uusapan din dito. Ang lahat ng ito ay kinakailangang maipatupad hinggil sa
Karapatan ng mamamayang Pilipino, kapakanan nilang magkaroon ng Karapatan sapagkat sila rin ay
nagbabayad ng sapat na buwis na kung saan ay kinikita din nila ito. Ang pagtaas ng sahod ay
kinakailangan sapagkat lahat ng trabaho ay mayroong patas na sahod na nakukuha ang mga empleyado
dito.

Lahat ng repormang pag-uusapan ay gagawan ng solusyon at paraan sa pagitan ng gobyerno at nang


NDF. Ang Karapatan ng mga Pilipino ay hindi dapat isasawalang bahala lamang ito, kailangan rin ito
ipaglaban sapagkat lahat tayo ay my nais na makamtan hindi lamang sa ating kundi para na rin sa ating
bansa. Magkaisa sa paglaban upang maipatupad ang hiling na Karapatan na gating kapwa Pilipino.

You might also like