You are on page 1of 2

Simula pa noon, malaki na ang problemang kinakaharap ng ating bansa.

Maraming suliraning
hindi nareresolba dahil na rin walang pagkakaisa ang bawat mamamayan at puro sisihan sa
mga kamaliang nangyari na. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan upang ayusin ang
mga hindi magagandang pangyayari noon ngunit hindi ibig sabihin nito ay walang pag-asa na
bumangon muli sa pagkakadapa. Para magawa ito ay dapat hindi na natin ikulong ang mga
sarili natin sa nakaraan subalit magkaisa tayo na ayusin ang mga suliraning kinakaharap ng
bansa sa kasalukuyan upang hindi na muli maulit pa ang pangyayari sa nakaraan at mas
maging organisa at handa ang bansa maging ang sinasakupan nito sa ano mang hamon na
darating pa sa hinaharap.

Ang una na rito ay ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na kung saan
napirmahan noong Disyembre 2017 ni Presidente Rodrigo Duterte na kung saan ang mga
mangagawang Pilipino na may kita ng hindi tataas sa 25,000 pesos kada buwan ay hindi na
kinakailangang magbayad pa ng income tax simula Enero ng 2018. Ang batas na ito ay may
layuning magbigay tulong sa mga mangagawa at dagdagan ang pondo para sa mga proyekto
ng gobyerno gamit ang excise tax na malilikom. Ngunit hindi maitatanggi ang mga hindi
magandang dulot ng TRAIN Law sa lokal na ekonomiya ng Pilipinas at naging negatibo rin
ang epekto ng bagong buwis sa sektor pag dating sa manupaktura at mga mahihirap na
populasyon sa ating bansa. Ito ay ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development
Studies noong Disyembre 2018. Maraming mga malalaking negosyanteng nanamantala dito
dahil sa kabila ng di pagbabayad ng buwis ng mga mangaggawa ay siya namang pag taas ng
presyo ng mga bilihin. Isa pang problema sa batas na ito ay ang pagkakaroon ng special
treatment na kung saan maraming serbisyo at produktong hindi sinasama sa Value Added
Tax or VAT kung kaya’t maraming hindi nagbabayad ng wastong buwis sa Pilipinas. Nais
kong makamit ang pagbabago sa larangan na ito sa pamamagitan ng pag wasto ng tax rate
at sistema ng bansa. Sa halip na buwanan ang tax return para sa final withholding taxes ay
gagawing quarterly o tatluhang buwan. Itataguyod ko rin ang simplified single tax rate na
kung saan hinihikayat nito ang mga mamamayan na magbayad ng tamang buwis. Ang sunod
ay ang pag organisa ko ng personal income tax ngunit mananatiling walang babayarang
buwis ang mga manggagawang kumikita ng mas mababa sa 250,000 kada taon at sa mga
ahensya tulad ng PAG-IBIG, SSS, PhilHealth at GSIS. Pangalawa ay ang malaking
kinakaharap na isyu ng bansang Tsina at Pilipinas tungkol sa karapatan at agawan sa West
Philippine Sea. Pinaniniwalaan ng Tsina ang 9 dash line na kung saan ang lahat nang nasa
loob ng U shaped form ay kanilang pag-aari pandagat man ito or himpapawid. Habang ang
paniniwala naman ng bansang Pilipinas ay batay sa Exclusive Economic Zone (EEZ) na kung
saan nagmumula ang base line hanggang 200 nautical miles mula sa bansa. Ibig sabihin, sa
loob nitong 200 nautical miles ay mayroong karapatan ang Pilipinas na pumaloob at
mangisda sa dagat. Dahil na rin sa lakas ng pwersa ng bansang Tsina ay maraming
mangagawang Pilipino ang nawalan ng hanap buhay at nawalan ng karapatang pandagat.
Isa sa mga naiisip kung solusyon ukol sa usaping ito ay ang pagpapalakas ng alyansang
militar ng Pilipinas sa iba pang malalakas na bansa upang harangin at itigil na ang patuloy na
pagsakop ng Tsina sa mga teritoryo ng Pilipinas. Dagdag pa rito, kung ako ay tatanungin ay
sumasang-ayon ako sa pagsasagwa ng joint exploration kasama ang Tsina sa West
Philippine Sea na may pagkilala sa arbitral ruling. Ang huli ay tungkol sa hanapbuhay sa
agrikultura. Hindi natin maipagkakaila na ang Pilipinas ay kinilala dahil sa likas nitong yaman
sa asya. Mayroong batas ang Pilipinas na Land Reform Act of 1955 na kung saan
napasailalim dito ang mga pagmamay-ari at reporma sa lupa. Sa kabila nito ay mayroong
mga suliranin na kinakaharap ng agrikultura at ang ilan sa mga ito ay ang kakulangan sa
puhunan para sa mga magsasaka, pabago-bago ng panahon, mga pesteng sumisira sa mga
tanim, at higit sa lahat ay ang mababang presyo ng mga produkto ng mga magsasaka. May
mga naisip akong solusyon tungkol sa mga suliranin na ito tulad ng pagdagdag ng subsidy,
babaan ang mga produkto o mga imported goods na pumapasok sa bansa. Para naman sa
mga kinakaharap na suliranin ng mga mangingisda tulad ng oil spill, ilegal na pangingisda, at
maging overfishing. Ang mga solusyon dito ay maaaring pag-iingat sa mga cargo ship na
naglalaman ng langis at paghuli sa mga mangingisdang gumagamit ng dinamita at iba pa sa
panghuhuli ng isda. Marami pa ang kinakailangan upang bumalik sa ayos ang Pilipinas.
Ngunit kapag nagkaisa ang bawat isa ay posibleng umangat muli tayo. Maraming korapsyon
sa bansa ngunit pakatandaan na sa korapsyon tanging mga mayayaman lamang ang
nakikinabang habang ang mga mahihirap ay nananatiling mahirap. Wala dapat nanglalamang
sa kapwa kahit ano pa ang estado sa buhay.

You might also like