You are on page 1of 2

Pamagat

Golden Age o Golden Prices?

Tesis Pangungusap

“Ngayon pa lang, dapat may komprehensibo at kongkretong plano na si Marcos Jr. para sugpuin ang patuloy
na pag-arangkada ng mga presyo, dahil marahil magtatagal pa ito at isa sa unang krisis na kakaharapin ng
kanyang administrasyon.”

Problema o Isyu

Ang pag taas ng inflation rate na sumusukat sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Mga Ebidensya

Datos noong Mayo 2022, pumalo na sa 5.4% ang “inflation rate” na sumusukat sa bilis ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin. Ibig sabihin, mula Mayo 2021 hanggang Mayo 2022, ang presyo ng mga bilihin ay lumobo
nang 5.4% on average.
Mas mataas din ang inflation sa ibang rehiyon: kung 4.7% lang sa NCR, 6.9% ito sa Cordillera Administrative
Region, 6.7% sa Central Luzon, 6.4% sa Davao Region, at 6.3% sa Eastern Visayas.

Katuwiran, Paraan ng katuwiran

Mahina pa rin kasi ang supply ng baboy dahil sa African swine fever, kulang pa rin ang supply ng isda at
apektado ng tag-ulan ang presyo ng mga gulay.
Tumaas din ang transportation costs ng mga pagkain dahil sa patuloy na pagpalo ng presyo ng mga
produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Organisasyon

Pagkakasunod-sunod ng mga ideya

Mula sa litro ng diesel na halos P100 na sa ibang lugar, lumulobong singil sa kuryente, lumiliit na serving ng
mga pagkain, at pagaan nang pagaang grocery bag, damang-dama nating lahat ang mataas na presyo ng
mga bilihin.
May mga grupo ng bilihin na mabilis pa sa 5.4% ang inflation. Halimbawa, 6.29% ang inflation ng mga
bayarin sa bahay (kuryente, tubig, atbp.) samantalang 15% ang inflation sa transportasyon.
Sanhi at Bunga

Matatandaang noong 2018, nag-peak sa 6.7% ang inflation noong Setyembre at Oktubre – pinakamataas sa
loob ng halos isang dekada. Iyon ay dahil sa pag-arangkada ng presyo ng bigas at mga produktong petrolyo,
na pinatungan pa ng mga buwis dulot ng TRAIN law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sunod-sunod kasi ang pagtaas ng generation costs ng kuryente dulot ng pagtaas ng presyo ng langis at coal
sa world markets. Sa katunayan, may nakaamba ulit na electricity rate hikes ngayong Hunyo. Samantala,
direktang umaasa ang mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng produktong petrolyo.
Dahil sa mga produktong petrolyo, umaarangkada rin ang inflation pagdating sa transportasyon, lalo na sa
paggamit ng mga pribadong sasakyan tulad ng kotse o motor.
Kung mataas na nga ang inflation ngayon, maaari pa itong lumala.

Pagkokompara

Huli tayong nakaranas ng ganitong kalalang sitwasyon noong Nobyembre 2018, kung kailan pumalo sa 6%
ang inflation rate, mahigit tatlong taon na ang nakararaan.
Naranasan na ng mundo ang ganitong scenario noong dekada ’70, at rumesponde rin ang maraming bansa
noon sa pamamagitan ng pagtaas ng interest rates. Pero nagdulot iyon ng krisis pang-okonomiyaki sa
maraming bansa, tulad ng Pilipinas sa ilalim ni Ferdinand E. Marcos.

Konklusyon o Resolusyon

Maraming dapat gawin ang Administrasyong ito upang mapigilan patuloy na Pag taas ng Bilihin, Tulad na
lamang ng Pag Suspinde sa Excise Tax ng Langis dahil kung gagawin ito posibleng mabawasan ang dagdag
presyo na pinapatong sa Gasulina at Diesel dapat na din ibasura ang Pahirap na Train Law ng nakaraang
Administrasyon na nag papatong nang dagdag buwis, maraming paraan na kayang gawin ang Gobyerno
upang guminhawa ang Ordinaryong mamayan isa na din ang pag huli sa mga nanamantalang malalaking
negosyante na nag tatago ng mga produkto upang maibenta ng mas mahal o mas malaking patong ito ay
Ilan lamang sa mga paraan ng dapat gawin ng Pamahalaan upang gumaan ang buhay ng bawat isang
mamayang Pilipino hindi ang patuloy na pag pabor sa mga nanamantalang Oligarko na ilan pa ay nasa
Gobyerno.

Artikulong Pinag Mulan:

https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-golden-age-or-golden-prices/

Bryan S. Portugal

You might also like