You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL NG PANGKAT APAT SA USAPING PATUNGKOL SA

PATULOY NA PAGTAAS NG INFLATION RATE NG PILIPINAS SA TAON NANG


2017
Ni Clarisse Angelica R. Magtibay
12 – Benilde

Sa mga nakaraang buwan, ang sistema ng ekonomiya sa Pilipinas ay naging mainit na


usapin nang dahil sa patuloy na pag taas ng mga pangunahing bilihin ng mga mamamayan. Ito ay
ang issue ng Inflation rate, isang epekto ng makabagong sistema ng buwis mula sa huling sistema
na itinakda pa noong 1997; ang makabagong Sistema ay tinawag na ng TRAIN Tax. Ayon sa isang
artikulong pinamagatan na “Tatak-pagbabago’ ba ng Dutertenomics ang inflation?” Ipinahayag
dito ng otor na ang inflation rate ay nagbabago depende sa lugar ng Pilipinas, isang halimbawa
nalang ay ang lungsod ng Manila kung saan ang inflation rate ay nasa 5.8% at ang Autonomous
Region in Muslim Mindanao ay 7.7% ang inflation.

Maaaring maganda ang panukalang pagbabago ng buwis ngunit hindi pa sapat ang pang
ekonomiyang estado ng Pilipinas para sa pagbabagong ito. Mapapansin na mataas parin ang
porsyento ng kahirapan sa Pilipinas. Ang panawagan para sa mga nakatataas ay ang pagtugon
muna sa balanseng pagpapaunlad ng bawat Pilipino, mahirap man o mayaman.

Ayon sa mga ekspertong ekonomista mula sa Unibersidad ng Pilipinas, hindi raw dapat
ipinagmamalaki ang Gross Domestic Product o GDP nitong 2017. Itunuturing pa nga itong red
flag dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin at kasalukuyang problema ng mamamayang Pilipino na
maliit lamang ang kinikita lalo na ang mga Pilipinong nagbibigay suporta sa higit pang
nakararaming miyembro ng pamilya.

Malaki rin ang porsyento ng mga Pilipino ang walang trabaho, hindi pa kabilang ang mga
taong walang permanenteng tirahan at mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tax. Ang punto dito
ay dahil sa ang sakop ng TRAIN tax ay ang mga karaniwang Pilipino, ngunit paano ang karamihan
na mababa pa sa minimum wage ang suweldo? Isa ito sa dahilan kung kaya’t ang nadarama lamang
nila ay ang pagtaas ng mga bilihin na dala ng TRAIN tax at hindi ang tulong na dala ng TRAIN tax
na mararamdaman lamang ng mga Pilipinong mas mataas o nasa minimum wage ang sahod. Mas
nadarama pa ito sa mga lugar na malayo sa maynila dahil sa mas mababa ang antas ng lokal na
industriyalisasyon at ekonomiya ng mga lugar na ito

Mayroong mga isyung problema sa ating ekonomiya na dapat mas pinagtutuunan ng


pansin, tulad nalang ng pagpapalago ng mga kakayahan ng bawat Pilipino upang makapag trabaho
ng may tama at sapat na sweldo, pagtaas ng seguridad nang sweldo ng mga mamamayang Pilipino
at ang pagpapatigil ng kontraktwalisasyon o di kaya ay ang pagpapatibay ng pundasyon ng bansa
sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino.

You might also like