You are on page 1of 4

Pamagat: Implasyon (Inflation)

Anyo: Explanatory Synthesis

Uri: Background Synthesis

Layunin: Ang layunin ng sintesis na ito ay malaman kung ano ang implasyon, sanhi nito at
pagkumparahin ang kalagayan nito sa bansa sa nakaraan at kasalukuyang panahon.

Thesis na pahayag: Ang sanhi at kalagayan ng implasyon sa bansa sa nakaraan at kasalukuyang panahon.

Ang implasyon ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga kalakal at serbisyo. Sa


pagkakalkula ng implasyon, binabatay ito sa Consumer Price Index (CPI), na sumusukat sa average na
presyo ng karaniwang mga produkto at serbisyo na mayroon ang isang sambahayan tulad ng mga
pagkain, kuryente, mga damit at iba pa. Ang rate kung saan nagbabago ang CPI ay tumutukoy sa
implasyon.

Maraming mga dahilan ang nakakaapekto sa rate ng implasyon. Ang ilan sa mga dahilan ay ang
pagtaas ng mga presyo ng bigas, gulay, karne, kuryente, gas, tabako at iba pa. Habang tumataas ang
implasyon, ang halagang piso ay nagiging mababa, dahil ang mga tao ay nakabibili ng mas kaunting
produkto at serbisyo para sa parehong halaga.

Paghahalimbawa:

Ayon sa artikulo ng Philippine Star (2020): Bahagyang sumipa sa 2.5 na porsyento ang implasyon
noong Hunyo na apektado and ekonomiya ng bansa dahil sa ipinaiiral na mga lockdown sa iba’t ibang
bahagi ng bansa dulot ng COVID-19 na pandemya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang bahagyang pagbilis ng inflation rate ay resulta
ng mataas na gastos sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan ng mga mamamayan. Dahil sa
pandemya, naging mahina ang kita ng mga pampublikong sasakyan dahil kakaunti lang ang pwedeng
maisakay alinsunod sa social distancing na pinapatupad ng gobyerno kaya ang nagging resulta ay tumaas
ang presyo ng pamasahe. Sinasabing dahil nagbukas nang muli ang ekonomiya, madami naman ang
nangangailangan ng sasakyan at aspetong ito ay lumaki ang gastusin ng mga mamamayan para
makapasok sa trabaho.

Paghahambing:
Inaasahan ang paglago ng ekonomiya sa 2020 kaysa sa nakaraang taon. Ayon sa artikulo ng
Philippine Star Ngayon (2019): Bumaba sa 2.7% ang inflation para sa buwan ng Hunyo 2019, ayon sa ulat
ng Philippine Statistics Authority. Ang buwan ng 2019 na iyon ang idineklara na pinaka mabagal na
naitalang inflation, o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang takdang panahon,
simula nung Setyembre 2017. Ayon sa artikulo ng GMA News Online (2020): bumagal nung Agosto
kaysa sa buwan ng Hulyo ang implasyon dahil sa mabagal na paggalaw ng presyo ng mga pagkain at
hindi nakakalasing na mga inumin.

Taunang rate ng pagkain at hindi nakakalasing na mga inumin

Agosto 1.8% Hulyo 2.4%

Ang taunang rate ng pagkain at hindi nakakalasing na mga inumin ay bumaba sa 1.8% mula sa 2.4% ng
Hulyo.
Graph ng Pagbabago ng presyo ng mga produkto sa nakaraan at
kasalukuyang buwan

Asukas,Jam, Hone at Chocolate 0.1

Oil at Fats 2.4

Gulay
-0.9 0.9

-0.6 Kanin at Mais


-1.1

-2 -1.5 -1 -0.5 0 0.5 1 1.5 2 2.5 3

Kasalukuyan Column1

Sa pamamagitan ng tiyak na aytem ng pagkain, ang mga indeks sa kanin at mais ay bumaba sa -1.1% at
0.6%. Gayundin, ang index para sa mga gulay, ay bumaba sa -0.9% mula 0.9%. Ang mga Oil at Fats
naman ay mayroong 2.4%, habang ang asukal, jam, honey, chocolate at confectionery ay umakyat ng
0.1%.

Sa isang text message sa mga reporter, sinabi ng pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si
Benjamin Diokno na ang inflation ng Agosto na 2.4% ay mas mababa kaysa sa inaasahan ng Central Bank
na 2.5% hanggang 3.3% na saklaw.

Koneksyon:

Ayon sa GMA News Online (2020): Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahang
magbabago ngayong taon at tataas ng hanggang 6.6% sa inaasahang pagpasok ng consumer at
infrastructure spending. Ang lokal na Gross Domestic Product (GDP) ay inaasahan na lumaki ng 6.2%
hanggang 6.6% ngayong taon ngunit dahil nga sa biglaang pagdating ng pandemya kaya hindi ito
natuloy. Imbis na tumaas ay mas lalo pa itong bumaba nang dahil sa pagpapatupad ng lockdown sa iba’t
ibang bahagi ng bansa kaya maraming mga negosyo at establisyemento ang pansamantalang napatigil sa
pag-ooperate. Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal na ang lahat, dahan-dahan nang
bumabangon ang ekonomiya ng bansa at maasahan na lumago ang ekonomiya ng bansa bago matapos
ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Sanggunian:

 https://www-philstar-com.cdn.ampproject.org/v/s/www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/07/08/2026411/inflation-rate-sumipa-noong-hunyo/amp/?
usqp=mq331AQFKAGwASA%3D&amp_js_v=0.1#aoh=16044765608806&referrer=https%3A
%2F%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F
%2Fwww.philstar.com%2Fpilipino-star-ngayon%2Fbansa
%2F2020%2F07%2F08%2F2026411%2Finflation-rate-sumipa-noong-hunyo
 https://www-gmanetwork-
com.cdn.ampproject.org/v/s/www.gmanetwork.com/news/money/economy/754199/inflation-
eases-to-2-4-in-august/story/?amp=&usqp=mq331AQFKAGwASA
%3D&amp_js_v=0.1#aoh=16044813141405&csi=1&referrer=https%3A%2F
%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F
%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fmoney%2Feconomy%2F754199%2Finflation-eases-to-
2-4-in-august%2Fstory%2F
 https://www-gmanetwork-
com.cdn.ampproject.org/v/s/www.gmanetwork.com/news/money/economy/722114/philippin
e-economy-to-strengthen-in-2020-fmic/story/?amp=&usqp=mq331AQFKAGwASA
%3D&amp_js_v=0.1#aoh=16044769836397&referrer=https%3A%2F
%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F
%2Fwww.gmanetwork.com%2Fnews%2Fmoney%2Feconomy%2F722114%2Fphilippine-
economy-to-strengthen-in-2020-fmic%2Fstory%2F

You might also like