You are on page 1of 1

BIONOTE NI HIDILYN DIAZ

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pilipinang weightlifter at airwoman na ipinanganak sa

Zamboanga city. Siya ay pang-lima sa anim na anak nina Ginoong Eduardo Diaz at Ginang

Emelita Francisco Diaz.

Nang madiskubre ni Hidilyn mula sa kanyang mga pinsan ang sport na weightlifting noong

2002, sumama siya sa training sessions nila at naging masigasig sa pagsasanay nito. Naging

mahirap din ang pagsisimula niya rito dahil sanga ng puno ang una niyang ginamit sa pagpa-

practice.

Maraming beses na sumubok at lumahok si Hidilyn sa Olympic sa larangan ng weightlifting.

Nakamit niya ang silver medal noong 2016 Rio Olympic sa Brazil na pumutol sa 20 taon na

pagkauhaw ng bansa sa medalya.Ngayong 2020 Tokyo Olympic ay nasungkit niya ang unang

Olympic gold ng Pilipinas. Siya ang naging kauna-unahang Olympic gold medallist ng Pilipinas

nang manalo siya sa women's 55 kg category sa weightlifting sa Tokyo 2020.Nagwagi ang Pinay

weightlifter matapos buhatin ang 224 kg sa weightlifting competition sa Tokyo,Olympic na

tunay na ipinagbunyi at ipinagpasalamat ng sambayanang Pilipino.

Ang Pinay ay kasapi rin ng Air Force Special Service Group, PAF Personnel Management

Center, 710th Special Operations Wing at nagkamit ng karangalan sa PHL Military Merit Medal

at Presidential Unit Citation (Philippines).svg Presidential Citation Unit Badge.

You might also like