Professional Documents
Culture Documents
Ebuenga 12 – STEM
AGAMA
Senior High School – Organisasyon kaugnay sa Agham
Pambansang Mataas na Paaralan ng Zambales
KATITIKAN NG PULONG
MGA DUMALO:
HINDI NAKADALO:
2. Sunod na nagsalita ang mga opisyal mula sa Finance Committee na sina Jackielyn A.
Divino, Tagapangulo, at Alethea Ariadnae D. Duplon, Klerk.
a. Nabanggit ng Klerk ang naging problema ng AGAMA Club noong nakaraang taon
ukol sa pagbabadyet ng pondo ng organisasyon. Dahil dito, iminungkahi nila ang
mga aktibidad na makatutulong sa paglikom ng pondo tulad ng “Fun Run” at
“Segregation of Waste Program”.
Allene Mei P. Ebuenga 12 – STEM
c. Fun Run:
i. Una sa nabanggit ang “AGAMA Mural Competition” kung saan gagamit ang
mga kalahok ng organic paints o mga recyclable na materyales sa pagpipinta
ng kanilang mural sa harap ng Zambales National High School. Ang pagsali
rito ay nangangailangan ng limampung (50) piso kada tao.
ii. Sunod naman ang “AGAMA Recycled Fashion Show” na konektado sa
“Segregation of Waste Program”. Dala nito ang pamansag na “waste to
wearable clothes”. Ang mga damit naman na malilikha ay gagamitin upang
makalikom ang pondo. 30% nito ay dadaan sa auction at 70% nito ay para sa
AGAMA Club na lamang.
iii. Pangatlong suhestiyon naman ay ang “Mr. and Ms. AGAMA 2018”. Ito ay
isang beauty pageant na kung saan gagamit ng recyclable na damit ang mga
lakahok para sa kanilang panggayak. Konektado naman ito sa “AGAMA
Recycled Fashion Show” at maaaring kumuha ng kanilang mga kasuotan sa
mga nalikhang recyclable na damit.
e. Sa kabuuan, kaakibat ng mga aktibidad na ito ang “spend and claim policy” ng
AGAMA Club kung saan gagamitin ng organisasyon ang pondo nito ngunit
makatatanggap rin ang AGAMA ng pera mula sa mga posibleng kasapi ng mga
nabanggit na aktibidad.
Allene Mei P. Ebuenga 12 – STEM
4. Bago matapos ang pagpupulong ay pinaalalahanan ng Pangulo ang mga opisyal ukol sa
kanilang mga tiyak na trabaho tulad ng pagbuo ng Constitution and Bylaws ng AGAMA
Club, mga video teaser, at promotional activities na isasagawa sa mga social networking
site.
6. Sa kadahilanang nabanggit na ang mga usaping napagkasunduan at wala nang iba pang
suhestiyon, nagtapos ang pagpupulong sa ganap na ika-4:44 ng hapon ng kaparehong
araw.
ITINALA NI:
SINANG-AYUNAN: