You are on page 1of 3

PANUKALANG PROYEKTO SA WASTONG PAGTAPON AT

PAGHIHIWALAY NG MGA BASURA

Mula kay: Nika R. Madarcos


Harold M. Bunao
John Christian O. Galeon
Faye C. Nino
Kathrina Mae G. Ligsay
Barangay Nalasin
Paoay, Ilocos Norte
Ika- 11 ng Disyembre, 2021
Haba ng Panahong gugulin: Isang lingo

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Paoay National High School ay isa sa mga paaralan sa
bayan ng Paoay. Problema ng paaralan ang hindi maayos na
paghihiwalay ng mga basura at kawalang ng disiplina sa mga
estudyante. Bagama’t may mga basurahan sa paaralan, ay
nakukulangan ng disiplina ang mga estudyanteng itapon ang mga
basura nila sa angkop na lagayan.
Dahil dito, nangangailangan ang paaralan ng isang seminar
ukol sa wastong pagtapon at paghihiwalay ng mga basura.
Naglalahad din dito ang mga rason kung bakit kailangan nating
paghihiwalay ng ating mga basura. Kaagapay din nito ang wastong
paraan ng pag-segregate ng ating mga basura at kung paano natin
ito madedecompose. Sa huling parte ng seminar, ang lahat ng
dumalo ay mabibigyan ng tatlong basurahan kada seksyon ng
baiting na maaari nilang gamitin.
II. Layunin
Layuning nito ang pagbibigay ng impormasyon sa mga
estudyante upang magsilbing disiplina para sa kanilang sarili ang
pagtapon ng basura sa tamang lagayan. Makakatulong din ito sa
pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan, sarili at lalo na sa klima.
III. Plano ng Dapat Gawin
 1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (isang lingo)

 2. Pagpulong ng mga guro tungkol sa gaganaping seminar (isang


araw)

 3. Paghahanap ng mga propesyunal na maaaring maging


tagapagsalita sa seminar na gagawin (isang lingo)

 4. Pag-oorganisa ng mga gagawin sa seminar at ang pag-


anunsyo nito sa mga estudyante ng paaralan.

IV. BADGET

AYTEM KABUUAN HALAGA


TRASH BIN 25 3,500
POSTER 5 500
KABUUAN HALAGA = 4,000

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang


Ang proyektong gagawin ay makakatulong sa pagmementena ng
kalinisan sa paaralan. Hindi lang ang paaralan ang may benepisyo
sa proyektong ito sapagkat ang pagtapon ng wasto ng mga basura
ay nakakatulong para maisalba ang mundo.
Makikinabang ang lahat ng nasa paaralan upang maiwasan ang
pagkakasakit na dulot nito. Ang wastong pagtapon ng basura ay
napakalahaga upang maging malinis ang ating kapaligiran. Ang
mga mabibigyan din ng kagamitan ay makikinabang sapagkat
kanila itong magagamit upang may paglalagyan ng mga basura.

You might also like