You are on page 1of 2

SC HOO LS DIVI SIO N O FFI CE O F CATAN DUAN ES

PALUMBAN ES INTEG RATE D SC HOOL


YOUTH FOR ENVIRONMENT IN SCHOOLS ORGANI ZATION

RE SOLUSYON BLG. 01
SERYE 2023

RESOLUSYONG SUMUSUPORTA SA PAGKAKAROON NG PROGRAMA SA SOLID


WASTE MANAGEMENT (SWM) SA PAARALAN SA PAMAMAGITAN NG
AKTIBONG PARTISIPASYON NG MGA MAG-AARAL NG PALUMBANES
INTEGRATED SCHOOL SA PANGUNGUNA NG PIS-YES 0

NAIPASA 02 PEBRERO, 2023

SAPAGKAT, nasasaad sa Constitution and By-Laws ng Youth for Environment in Schools


Organization, Article Ill: Declaration of Principles and Objectives na dapat gumawa ng
mga programa at proyekto na praktikal at kayang-kayang gawin bilang tugon sa mga
problema sa kalikasan ,

SAPAGKAT, ang Palumbanes Integrated School ay patuloy na gumagawa ng mga


programa at proyekto para matugunan ang mga problemang pangkalikasan sa paaralan
lalong-lalo na tungkol sa epektibong Solid Waste Management (SWM),

SAPAGKAT, ang PIS-YES-O ay isang organisasyong aktibong sumusuporta sa mga


programa at proyekto ng paaralan lalong-lalo na patungkol sa pangangalaga ng
kalikasan ,

KAYAT DAHIL DITO, pagkaraan ng mga naunang saligan, IPINASYA ng PIS-YES-O


ang sumusunod na panukala tungkol sa Solid Waste Management (SWM) ng paaralan,

a. Waste Segregation - Ang paghihiwalay ng basura bilang Nabubulok, Hindi


Nabubulok at Nakakahawang Basura ay dapat na magsimula sa loob ng klasrum .
Binibigyang-diin ang gampanin ng bawat mag-aaral sa pagtatapon ng basura sa
tamang basurahan. Magkakaroon ng kampanya ang PIS-YES-O katuwang ang
iba pang organisasyong pang mag-aaral tungkol sa tamang kaalaman sa
paghihiwalay ng basura.

Hinihiling ng haing Resolusyon na bigyan ng kaukulang parusa ang sinumang


makitang hindi sumunod sa pagtapon ng basura sa tamang lalagyan sa
pamamagitan ng pagmumulta ng P 5.00. Ito ay ibibigay sa ingat-yaman ng klase
kung saan nabibilang ang nahuling mag-aaral at magsisilbing pondo para sa mga
programang pangkalikasan ng paaralan.

b. Garbage Collection - Ang bawat klase ay kailangang magtalaga ng mga mag-


aaral na magtatapon ng mga basura sa Material Recovery Facility (MRF) ng
paaralan sa tamang imbakan. Ang PIS-YES-O ay magsisilbing monitoring team
katuwang ang iba pang organisasyong pang mag-aaral ukol dito.
7
SC HOOLS DIVI SION OFFICE OF CATANDUANES
PA LUMBAN ES INTEGRATED SCHOOL
YOUTH FOR ENVIRO NMENT IN SCHOOLS ORGANI ZATION

Hinihiling ng haing Resolusyon na bigyan ng kaukulang parusa ang sinumang


makitang hindi sumunod sa pagtapon ng basura sa tamang imbakan sa MRF sa
pamamagitan ng pagmumulta ng P 20.00. Ito ay ibibigay sa ingat-yaman ng klase
kung saan nabibilang ang nahuling mag-aaral at magsisilbing pondo para sa mga
programang pangkalikasan ng paaralan.

c. Garbage Disposal - Ang mga basurang naimbak sa MRF ay nararapat na


maitapon ayon sa pagkakauri nito. Ang mga nabubulok na basura ay ipo-proseso
bilang compost at gagawing pataba para sa Gulayan sa Paaralan. Ang mga hindi-
nabubulok naman katulad ng papel at plastic ay ire-resiklo upang maging kapaki-
pakinabang.

Hinihiling ng haing Resolusyon ang suporta ng bawat isa ukol sa programang ito.
Ang bawat klase ay nararapat na magkaroon ng inisyatibo ukol tamang pag-
dispose ng mga basurang nasa MRF. Hinihiling din na magkaroon ng kaparaanan
kung paano mababawasan ang basura sa bawat klasrum .

Bilang karagdagang mungkahi ay padadalhan ng sipi ang lahat ng tagapayo ng bawat


klase kasama na ang mga organisasyong pang mag-aaral para sa impormasyon at
pagpapalaganap para sa implementasyon ng nasabing Resolusyon.

May Akda:

ELSIE MAE N. QUINTO CHRISTINE DIANE F. PAHILAGAO


PANGULO PANGALAWANG PANGULO

Binigyang- Pansin:

RONALD Z. YUSORES ANNE CLAUDINE Z. BORBE ENCHECA 0. MATIENZO


TAGAPAY O TAGAPAYO TAGAPAY O

INAPRUBAHAN:

EFREN 0. MATIENZO, JR.


PUNUNG-GURO

You might also like