You are on page 1of 1

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG IMBAKAN NG BASURA PARA SA SAN ISIDRO INTEGRATED SCHOOL

Mula sa ika-5 grupo


Centro A, Rolando Andaya Quirino Highway
Barangay San Isidro
Tagkawayan, Quezon
Ika-6 ng Disyembre, 2023

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN:

Barangay San Isidro, isang bayan na itinuturing na pangalawang may pinakamalaking paaralan sa
distrito ng Tagkawayan. Kilala ito sa may masisiglang mga estudyante na laging aktibo sa iba't ibang mga
aktibidad at proyekto na nagaganap sa paaralan.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng San Isidro Integrated School ay ang kawalan ng imbakan ng
basura. Ito ay nag dudulot ng malaking problema sa paaralan gaya ng pagkasira sa kapaligiran isa na dito
ay ang pagkalat ng mga plastik, bote, papel at iba pang mga bagay. Dahil dito nangangailangan ang
paaralan ng imbakan ng basura nang sa ganon ay maging maayos ang pag iimbak o pagtatapon ng mga
basura. Kung ito ay maipatutupad tiyak na magiging malinis at maganda ang paaralan. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kalinisan ng paaralan.

II. LAYUNIN:

Ang naaayon at matibay na layunin ng San Isidro Integrated school ay ang agarang pagtugon sa
mga hamong kaugnay ng pagdami ng basura. Pinagtutuunan ng mataas na pansin ng paaralan ang
pagpapalawak ng kamalayan ng mga mag-aaral at guro hinggil sa wastong paraan ng pagtatapon ng
basura. Hindi lamang ito simpleng adhikain kundi isang adbokasiya upang maging ehemplo at
tagapagtanggol ang bawat mag-aaral at mga kaguruan sa loob ng paaralan at maging sa kalikasan. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng malalim na sistema at mahigpit na mga patakaran, pagsasakatuparan ng
masiglang mga programang gaya ng malinis na paglilinis at mga proyektong pang-resiklo, at
pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at iba't ibang sektor, layon ng San Isidro Integrated School na
maging hindi lamang tagapagligtas sa usapin ng basura sa loob ng paaralan kundi maging modelo at
ambag sa pangkalahatang solusyon sa problemang pangkapaligiran ng Brgy. San Isidro.

III. PLANO NG DAPAT GAWIN:

1. Pagsusulit, pagbili ng mga kagamitan at pag-aaproba sa naturang proyekto at ang pagusumite ng


badyet (5 araw).
2. Paghingi ng tulong sa punong bayan at ang pangongontrata sa pagpapagawa ng imbakan ng basura
(3 linggo).
 Ang mga trabahador ay inaasahang mag aambagan o mag susumite ng sapat na badyet
at konting tulong mula sa punong bayan na nagkakahalaga ng kabuuang sampung libong piso para sa
mga mang gagawa at mga materyales na kinakailangan sa pag papatupad ng maayos na imbakan ng
basura kasama na rin ang mga plano na dapat isakatuparan sa paaralan.

You might also like