You are on page 1of 1

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY College of Nursing Mendiola, Manila August 1, 2012 Mga Ka-Barangay, Magandang Araw!

Kami po ay mga estudyante ng Centro Escolar University Manila, na kumukuha ng kursong nursing. Narito po kami upang magsagawa ng isang proyekto kasama ang mga opisyales ng inyong barangay. Ang proyektong aming gagawin ay patungkol sa Environmental Sanitation, kung saan, tayo ay maglilinis ng kapaligiran at paghihiwalayin ang mga basurang nabubulok sa di-nabubulok. Nais po sana naming hingiin ang inyong buong-pusong kooperasyon para sa aming isasagawang proyekto. Mangyari lamang po na itabi ang mga hindi nabubulok na basura tulad ng dyaryo/papel, bote, plastik. Matapos po ninyo itong maitabi, amin pong kokolektahin ang mga ito sa darating na August 6, 2012. Ang malilikom na pondong galing sa basura ay gagamiting pambili ng mga gamit para sa proyektong aming gagawin. Amin pong inaasahan ang inyong kooperasyon sa aming isasagawang proyekto. Maraming Salamat Po!

Gumagalang, __________________________ Idjirani, Dayang S. Hussayna K. Core Environment Leader __________________ Kgwd. Ronel Esrina Community Core Leader

Noted by: _______________________________ Mr. Emmanuel Dasalla, Jr. RN, MAN Clinical Instructor ______________________ Mr. Jonathan Carasca Chairman, Brgy. 868 Zone 95

You might also like