You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Ministry of Basic Higher and Technical Education


Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao
ENTHUSIASTIC COLLEGE INC.
Lower Dinganen Buldon, Maguindanao Del Norte

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang: 2 Petsa/ Eskedyul: Pebrero 28, 2024

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipapakita ang konsepto ng pakikiisa para sa kalinisan at kaayusan ng paaralan


b. naipapakita ang iba’t-ibang programa at gawain na maaring makatutulong sa
kalinisan ng paaralan at pamayanan
c. aktibong makilahok sa klase.

II. Paksang Aralin

a. Paksa:
Pakikibahagi sa Anumang Programa ng Paaralan at Pamayananna
Makakatutulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa pamayanan at
Bansa.

b. Kagamitan: Larawan, manila paper, pen


c. Sanggunian: Module; Ikatlong Markahan Linggo 4
d. Pagpapahalaga: Ang pakikibahagi sa anumang programa at gawain sa paaralan
ay malaking tulong para sa malinis at maayos na pamayanan.

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Balik-Aral
b. Pagganyak:
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng nagpapakita ng iba’t-ibang
Gawain na ginagawa sa paaralan at sa pamayanan.
c. Gawain: Talakayan
Ang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay pagpapakita ng
pagsunod sa mga programa ata proyekto ng pamayanan. ito ay tanda ng
pagmamalasakit sa ating kapaligiran at kalikasan. Laging tandaan na ” Ang
malinis ata maayos na kapaligiran, dulot ay kalusugan ng katawan”.

Ilan sa mga maaari mong maitulong sa inyong mga lugar ay ang mga
sumusunod:

>Pagtatanim ng halaman sa paligid ng tahanan.


>Itapon ang basura sa tamang lugar
>Sundin ang mga babala tungkol sa pagpapaganda at pag- aayos sa
pamayanan
>paglinis sa mga kanal upang maiwasan ang pagbabara nito.

D. Paglalahad:

Ang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay pagpapakita ng


pagsunod sa mga programa ata proyekto ng pamayanan. Ito ay tanda ng
pagmamalasakit sa ating kapaligiran at kalikasan. Laging tandaan na ” Ang
malinis ata maayos na kapaligiran, dulot ay kalusugan ng katawan. Ilan sa
mga ito ay pagtatanim ng halaman sa paligid ng tahanan, pagtapon ang
basura sa tamang lugar, pagsunod ang mga babala tungkol sa
pagpapaganda at pag- aayos sa pamayanan at paglinis sa mga kanal
upang maiwasan ang pagbabara nito.

E. Paglalapat:

Pangkatang Gawain:

Paraan: Pangkatin ang sarili sa dalawang grupo at pumili ng isang lider at isang sekretarya.

Grupo 1: Itala ang mga gawain na nagpapakita ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
pamayanan

Grupo 2: : Itala ang mga gawain na nagpapakita ng di-pagpakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at


kaayusan ng pamayanan.

Mga halimbawa ng gawain:

1.Pagtatanim ng halaman sa paligid ng tahanan.


2.Pagpitas ng bulaklak sa parke
3.Itapon ang basura sa tamang lugar
4.Pagtapon ng basura kahit saan
5.Sundin ang mga babala tungkol sa pagpapaganda at pag- aayos sa pamayanan
6.Pagpuputol ng mga punong-kahoy

Rubriks

Batayan Puntos

Lahat ng sagot ay tama 15


Kulang ang sagot 10
Walang tamang sagot 5

Pagtataya:

Panuto: Iguhit ang √ tsek kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pakikibahagi sa mga
progarama ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan. iguhit naman ang × ekis kung ito’y
hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

__________ 1. Nagtatago si Alberto tuwing oras ng paglilinis ng kanilang silid-aralan.


__________ 2. Inilagay ni Kurt ang bote ng Mineral water sa basurahan na may nakasulat na
recyclable o napapakinabangan pa.
__________ 3. Si Zian ay nakilahok sa tree planting na isinagawa ng kanilang lugar.
__________ 4. Ginagamit ni Rica na pataba ng halaman ang lupa mula sa lalagyan ng tuyong
dahon o compost pit na nasa kanilang likod bahay.
__________ 5. Sumali si Jelian sa paglilinis ng mga kanal at ilog sa kanilang barangay.

IV. Takdang Aralin

Panuto: Sa isang malinis na papel sumulat ng magtala ng mga kaya mong gawin na
napapahiwatig ng pakikiisa para sa kaayusan ng iyong paaralan.

Inihanda ni: Marilyn M. Sueta

You might also like