You are on page 1of 11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng posisyon tungkol sa isang isyu sa paggamit ng
kapangyarihan o pangangalaga sa kapaligiran

C. Pamantayan sa Pagkatuto (MELCs)


1. Napangangatwiranan na:
a. maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao
ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan;
b. lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa
iisang kalikasan (Mother Nature);
c. inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi
maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon; at
d. binubuhay tayo ng kalikasan (EsP10PB-IIIh12.3, EsP10PI-IVd-14.3)
2. Nakabubuo ng mapaninindiganang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan (EsP10PI-
IVd-14.4)

II. NILALAMAN
Paksa: Paninindigan sa Pangangalaga sa Kapaligiran
Kaugnay na Pagpapahalaga: Disiplinang Pansarili

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Brizuela, Mary Jean B., et al. Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul ng Mag-aaral 10:
Material DepEd, Pasig City. 2015.
https://myinfobasket.com/ang-mga-hakbang-ng-pamahalaan-sa-pagharap-sa-mga-
sulliraning-pangkapaligiran-sa-sariling-pamayanan/

IV. PAMARAAN

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin o Pagsisimula ng Bagong Aralin


Kung ang mundo ay itinuturing nating ina, ano ang gagawin mo sa kaniya? Sasaktan
mo ba siya? Sisirain mo ba? Aabusuhin mo ba ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga?
Aalipustahin mo ba siya sa pamamagitan ng kawalang paggalang sa kaniya?
Kung nakasalalay ang buhay natin sa ating ina na siyang nagluwal sa atin, gayundin
naman nakasalalay sa mundong ginagalawan natin ang patuloy nating pagkabuhay bilang
tao. Tayo ay binubuhay ng kalikasan dahil natutugunan nito ang ating mga pangangailangan.
Dito tayo namumuhay at bumubuo ng lipunan. Sa lipunan kailangan ang pamahalaan upang
magpatupad ng batas at gumawa ng programa para sa kaayusan at kaunlaran para maisulong

1
ang kabutihang panlahat. Upang makamit ito kailangan ang sama-samang pagkilos ng mga
tao. Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkakamit at pagpapanatili ng kabutihang
panlahat kung ang lahat ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran.
Sa pamamagitan ng SIPack na ito, inaasahan na makakamit ng kabataang tulad mo
ang malalim na pag-unawa sa iba’t ibang pananaw kalakip ng mga isyu sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan na sa huli ay mapaninindiganan ang sariling
posisyon ayon sa moral na batayan.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Ano ang Inaasahang maipamamalas Mo?)


Sa SIPack na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. natutukoy ang mga solusyon sa mga isyung may kaugnayan sa pangangalaga sa
kapaligiran;
2. nahihinuha ang tungkulin ng tao bilang tagapangalaga ng kalikasan;
3. napangangatwiranan na maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat
kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan; at
4. nakabubuo ng mapaninindiganang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na batayan.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 1: Suri-larawan
Panuto: Suriin ang mga larawan. Gamit ang tsart sa ibaba, isulat ang mga isyung
pangkapaligiran na nakikita sa larawan. Ilagay rin ang maaaring solusyon upang ito ay
maagapan. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang papel

2
Isyung Pangkapaligiran Solusyon

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit nagkakaroon ng mga ganitong suliraning pangkapaligiran ang ating bansa?
2. Paano tinutugunan ng pamahalaan at ng iba pang sektor ng lipunan ang mga
suliraning ito?
3. Sa iyong palagay mabisa ba ang mga programa ng pamahalaan upang malutas ang
mga suliraning ito?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


#1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa)

Gawain 2: Pagsusuri ng mga Sitwasyon


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng iba’t ibang isyu
sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan. Kung ikaw ang nasa kalagayan
ng mga taong ito, paano mo mapaninindiganan ang iyong sariling posisyon ayon sa sitwasyon.
Ipaliwanag ang naging batayan ng iyong pasya. Gawin ito sa sagutang papel.

Sitwasyon Sariling Paliwanag


Posisyon
1. Estudyante pa lamang si John ay adbokasiya na niya ang
pangangalaga sa kalikasan. Kaya nang makapagtapos siya
bilang inhinyero, sinisigurado niya na ang lahat ng kaniyang
ginagawang proyekto ay hindi makasisira sa kalikasan.
Nakatanggap siya ng proyekto mula sa alkalde ng bayan
ang Widening of Road. Layunin nitong lutasin ang problema
sa trapiko. Isang malaking proyekto ito para kay John upang
makilala siya bilang inhinyero ng bayan. Nang bisitahin niya
ang naturang kalsada, nakita niya na nakahilera ang mga
puno sa bawat gilid nito. Upang magawa ang pagpapalawak
ng daan kailangang putulin ang mga puno sa pahintulot ng
DENR. Ayon sa isang kakilala mapadadali ang pagkuha ng
pahintulot kung bibigyan siya ng bahagi ng kikitain. Kung
ikaw si John ano ang iyong gagawin?
2. Pangongolekta ng basura sa barangay ang pangunahing
hanapbuhay ni Mang Tonio. Halos lahat ng nakatira sa
kanilang barangay ay kilala na niya. Isang programa ng
alkalde ng bayan, ang Ecological Solid Waste Management,
ang ipinatutupad sa lahat ng kanyang nasasakupan. Ito ay
upang mapamahalaanan nang maayos ang pagtatapon ng
basura. Kung kaya iniutos ng Punong Barangay kay Mang
Tonio na huwag kokolektahin ang basura ng mga residente

3
kung hindi sila susunod sa tamang waste segregation.
Nagagalit naman kay Mang Tonio ang ibang residente
kapag hindi niya kinukuha ang hindi naka-segregate na
basura. Kaya pinakiusapan siya ng ibang residente na
magbabayad sila para siya na ang gumawa ng pagse-
segregate ng kanilang basura at nangangakong hindi nila
ito ipaaabot sa Punong Barangay. Kung ikaw si Mang
Tonio, magpapasuhol ka ba?
3. Yes-O member ka sa inyong paaralan. Bilang miyembro,
itinalaga ka ng inyong guro na tukuyin ang mga kaklase
mong hindi nagtatapon nang maayos sa mga basurahan sa
inyong silid-aralan at ipaalam sa kanya kung sino-sino ang
mga ito. Nahuli mo na ang iyong nakatunggali at mga
kaibigan ang gumagawa nito. Nakiusap ang iyong mga
kaibigan na huwag mo silang isumbong sa inyong guro at
tutulungan ka nila na isisi lahat sa iyong nakatunggali.
Makikipagsabwatan ka ba?

Mga Gabay na Tanong:


1. Sa iyong palagay, ano ang posibleng pinag-ugatan ng mga isyung ito? Ipaliwanag.
2. Paano nagiging sagabal ang mga isyung ito sa tunay na kahulugan ng paglilingkod at
pagiging mapanagutan sa pangangalaga ng kalikasan? Sa kaunlaran at kabutihang
panlahat?
3. Bilang manggagawa sa hinaharap, ano-anong katangian ang inaasahan sa iyo na dapat
mong ipamalas?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


#2 (Integration of GMRC)
Kung ano ang itinapon mo sa kalikasan, ito rin ang ibabalik sa iyo. Tao ang nagdurumi,
tao rin ang maglilinis, dahil sa huli tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito. Isa sa mga
dahilan ng pagkawasak ng kalikasan ay ang kawalan ng disiplina ng mga tao sa paggamit ng
likas na yaman.
Isang mahalagang sangkap ng isang maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng
disiplina ng mga taong nasasakupan. Kasama na rito ang pagsunod sa mga batas na
ipinatutupad at pagtangkilik sa mga programa kaugnay sa pangkalikasan.
Paano makatutulong ang pagkakaroon ng disiplina sa pangangalaga sa kapaligiran at
kalikasan? Ano ang mga kailangan mong isaalang-alang upang mapangalagaan ang
kalikasan? Ano ang mga maaari mong gawin upang pangalagaan ang kalikasan?
Narito ang mga hakbang upang makatulong sa pagpapanumbalik at pagpapanatili sa
kagandahan at kasaganaan ng mundo na ang makikinabang ay ang tao.

1. Itapon ang basura sa tamang lugar. Sa kasalukuyan, kabi-kabila na ang mga aktibidad
na nagsusulong ng mga programang nauukol dito. Maaari kang maging kabahagi nito at
kung dadagdagan ng sipag at pagpupursigi, ang basurang itatapon na sana, ay maaari
pang pagkakitaan.
2. Pagsasabuhay ng 4R. Maaaring makatulong ang isang tulad mo sa pamamagitan ng
pag-iwas o hindi paggamit ng mga bagay na hindi makakalikasan (reduce), hindi
pagtatapon ng mga bagay na mapakikinabangan o magagamit pa (re-use), ang walang

4
katapusang panawagan ng pagbabagong bihis ng mga bagay na nagamit na at puwede
pang gamitin sa ibang bagay (recycle), ang paggamit ng mga bagay na hindi na
kinakailangang kunin pa sa kalikasan, ang paghalili o pagpalit ng mga bagay na kinuha
sa kalikasan (replace) upang manumbalik ito at hindi maubos.
3. Pagtatanim ng mga puno. Maaaring mag-organisa ang isang tulad mo ng mga
programa sa paaralan o maging sa barangay ng isang programa ng pagtatanim ng mga
puno o maging ng mga gulay sa likod-bahay. Maaaring makipag-ugnayan sa barangay o
maging sa munisipalidad ukol dito.
4. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito. Ang Isang tulad
mo ay may papel na ipagbigay-alam sa may awtoridad ang mga gawaing hindi ayon sa
batas, lalo na kung ang mga ito ay tungkol sa kalikasan.
5. Mamuhay nang simple. Malaki ang pagkakaiba ng mga salitang kailangan (need) at
kagustuhan (want). Ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak ay pamumuhay na
naaayon sa kung ano ang mga pangangailangan lamang.

Gawain 3: Hakbang para sa Disiplina


Panuto: Patunayang ikaw ay kabataang may disiplina sa sarili. Isulat ang iyong gagawing
hakbang sa bawat sitwasyon para makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at mapaigting
ang disiplina sa sarili. Gawin ito sa sagutang papel.

Hakbang na
Mga Sitwasyon
gagawin
1. Maraming mga natirang materyales sa paggawa mo ng
proyekto sa iyong asignatura.
2. Maraming sirang gulong ang nakatambak sa likod ng inyong
bahay.
3. Hinihingi ng taga kolekta ng basura ang naipon mong kalakal.
4. Kabilin-bilinan ng guro na tiyaking naka-segregate ang mga
basura sa silid-aralan. Ang iyong pangkat ang nakatalagang
maglilinis sa araw na iyon.
5. Nais mong magkaroon ng dekorasyon ang inyong silid-aralan
ngunit wala kayong sapat na pondo para rito.
6. Marami pang natirang bahagi ng notebook mo na hindi pa
nasulatan.
7. Wala ng paglagyan ng bagong damit ang iyong kabinet
dahil naroon pa pati ang mga hindi mo na isinusuot at
napaglumaan na.
8. Ikaw ang madalas na sumasalo sa mga napaglakihang
damit ng iyong nakatatandang kapatid. Kaya sa
pagbubukas ng klase hindi ka na naman ibibili ng bagong
uniporme.
9. Nauso ang mga plantito at plantita para sa mga mahilig sa
halamang gaya mo ngunit wala kang kakayahang bumili ng
mga paso para maghalaman.
10. Nakikita mo ang palaging pagsusunog ng basura ng iyong
kapitbahay.

5
F. Paglinang sa Kabihasaan (Pagpapalalim/Pagtataya ng Pang-unawa)

Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay.


ANG PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Sa kuwento ng paglikha, binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan na alagaan ang
kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito. Bilang natatangi sa lahat Niyang nilikha,
pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang gawin ang nararapat sa kalikasan ngunit
nabigyan ito ng ibang pakahulugan. Hindi kailanman isinaalang-alang ng ibang tao na ang
kapangyarihan niya na gamitin ang kalikasan ay may kaakibat na pananagutan. Malaya
tayong gawin kung anoman ang nais nating gawin. Samakatuwid, may kalayaan tayong gawin
o gamitin ang kalikasan. Dapat nating isipin na ang paggamit sa kalayaan ay napalolooban
ng paggawa ng mabuti. Mabuti ang paggamit sa kalikasan at dahil bilang mga natatanging
nilikha, likas din sa atin na gumawa ng mabuti, ngunit kung ito’y nauuwi sa pagmamaltrato at
hindi na tumutugon sa kabutihang panlahat, ang kalayaang ginagamit mo ay hindi tunay na
kalayaan.
Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang
panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. Ayon sa
Compendium of the Social Doctrine of the Church, sa lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao,
lumalaki rin ang kaniyang pananagutan sa kaniyang pamayanan. Ang paggamit at
pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isa itong pananagutan na bigyang-
pansin para sa pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.
Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na nilalang ng Diyos kabilang na ang tao
ay magkakaugnay. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay isang pananagutang
panlipunan. Ang pananagutang ito ay nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang
ang anumang epektong ginagawa natin sa kalikasan. Maaaring tayo ang maging biktima ng
mga maling gawaing ito.
Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang
lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang
tungkulin nating ito ay hindi lamang para sa mga taong namumuhay sa kasalukuyan kundi
higit sa mga taong maninirahan dito sa susunod na panahon at henerasyon.
Sa pangangalaga sa kalikasan ay maaari tayong matulungan ng mga batas na
nangangalaga sa kalikasan. May mga hakbang ang pamahalaan sa pagharap sa mga
suliraning pangkapaligiran sa mga pamayanan sa bansa. May mga ahensiya at kagawarang
binuo ang isang bansa, may mga sangay sa mga lokal na pamahalaan, may pananagutan sa
dagliang pagtugon sa mga panganib at kalamidad sa kani-kaniyang lugar.

Mga Batas Ukol sa Kapaligiran


Sa paglipas ng panahon, may mga nalikha ring mga batas ang gobyerno kaugnay sa
mga suliraning pangkapaligiran at sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan (hango sa
aklat ni Jensen DG. Mañebog):
1. Revised Forestry Code of the Philippines (1975). Ito ay ang Presidential Degree No. 705
na may layong maprotektahan, mapaunlad, at ma-rehabilitate o maisaayos ang mga
kakahuyan at mga forest land o lupaing pangkagubatan sa Pilipinas.
2. Water Code of the Philippines (1976). Tinatawag ding Presidential Decree No. 1067, na
ukol sa pagmamay-ari, paglalaan, paggamit, pagpapayaman, pag-iingat, at pangangalaga sa
mga mapagkukunan ng tubig sa bansa.

6
3. National Integrated Protected Areas System Act of 1992. Ito ang Republic Act No. 7586,
batas ukol sa pagtatatag at pamamahala ng national integrated protected areas system. Ukol
ito sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga protected area o protektadong lugar upang
maiwasan ang pagkasira nito dahil sa natatangi nitong pisikal at bayolohikal na kahalagahan.
4. Department Energy Act of 1992. Nilalayon ng batas na ito, na kilala bilang Batas
Pambansa 7838, ang pamamahala ng enerhiya ng Pilipinas. Sa bisa nito nalikha ang
Department of Energy (DOE) para sa pagsasaayos, pagsubaybay, at pagsasakatuparan ng
mga balakin at palatuntunan ng gobyerno ukol sa konserbasyon, eksplorasyon, at
pagpapayaman ng enerhiya.
5. Philippine Mining Act of 1995 (RA 7942). Ito ay batas na nagsusulong ng makatuwirang
paggalugad, pagpapayaman, paggamit, at pag-iingat ng mga yamang mineral sa bansa sa
pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng pamahalaan at ng pribadong sektor upang
mapahusay ang pambansang paglago sa isang paraang epektibong pinoprotektahan ang
kapaligiran at ang mga karapatan ng mga apektadong komunidad.
6. Philippine Clean Air Act of 1999. Ito ay isang komprehensibong patakaran sa
pamamahala ng kalidad ng hangin at mga programa na naglalayong magkamit at mapanatili
ang de-kalidad na hangin para sa lahat ng mga Pilipino. Nakatala rin ito sa listahan ng mga
batas bilang Republic Act No. 8749.
7. Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang batas na ito, na tinatawag ding
Republic Act No. 9003, ay ukol sa ecological solid waste management program, naglalaan ng
pondo para rito, lumilikha ng mga kailangang pang-institusyonal na mekanismo at insentibo,
at tumutukoy ng mga kabawalan at kaukulang parusa ukol dito.
8. Wildlife Resources Conservation and Protection Act (2001). Kilala ang batas na ito
bilang Republic Act No. 9147. Ito ay para sa konserbasyon at proteksyon ng wildlife resources
at ng kanilang mga habitat, naglalaan ng pondo para rito, at ukol sa iba pang layunin na may
kinalaman sa wildlife resources ng bansa.
9. Philippine Clean Water Act of 2004. Nilalayon nitong proteksiyonan ang mga anyong
tubig sa bansa mula sa polusyon na galing sa land-based sources (gaya ng mga industriya at
establisimentong komersyal, agrikultura, at aktibidad ng komunidad /sambahayan). Tinatawag
din itong Republic Act No. 9275.
10. Republic Act 3571, 10593, at Executive Order No. 23, s. 2011. Napapaloob dito ang
pagbabawal sa hindi tamang pagputol ng mga puno, hindi lamang sa kagubatan kundi maging
sa iba pang lugar. Gayundin naman, nararapat kang magtanim uli ng bagong mga puno bilang
kapalit sa mga pinutol mo.

Maisasabuhay natin ito kung ang bawat gawain sa kapaligiran ay maibabalanse.


Gamitin nang wasto ang yaman ng kalikasan dahil lahat ng ito ay may hangganan. Alagaan
ang mga hayop, magtanim ng maraming puno, tumupad sa mga batas na naaayon sa
kapaligiran, at mamuhay nang simple. Tao ang nagdurumi, tao rin ang maglilinis; dahil sa huli,
tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito. Kabahagi ka sa pagsasabuhay ng mithiing ito.

Gawain 4: Sampung Utos ng Kapaligiran


Basahin at unawain ang Sampung Utos para sa Kapaligiran (Ten Commandments for the
Environment) na ginawa ni Obispo Giampaolo Crepaldi at sagutin ang diagram/graphic
organizer sa ibaba.
1. Ang tao na nilikha ng Diyos na Kaniyang kawangis na siyang nasa itaas ng lahat ng
Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang
kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.

7
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring
manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang paggalang sa
kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at sa hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang
etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao. Ang
paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito na
taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran o ecosystem.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga
at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at
timbangin nang maayos.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa
pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa
mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa
pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa
sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang konsyumerismo.
10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng
paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon
tayong responsibilidad.

Bilang mag-aaral paano makatutulong ang sampung utos ng kapaligiran bilang


prinsipyong gagabay (guiding principles) sa pangangalaga ng kalikasan. Pumili ng dalawa sa
mga ito at isulat ang paraan kung paano ito magiging gabay sa iyo. Gamitin ang diagram sa
pagsagot.

1. Paraan:

Sampung Utos ng
Kapaligiran
2. Paraan:

8
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Pagsasabuhay)
Gawain 5: Adbokasiya
Panuto: Bilang pagpapakita ng ugnayan mo sa kalikasan, gumawa ng adbokasiya sa
tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran. Maging malikhain sa
presentasyon. Maaari rin itong i-send sa messenger o i-post sa facebook. Pumili ng isa sa
sumusunod na pamamaraan:
1. Tula
2. Awit
3. Spoken Word Poetry
4. Technology Entertainment Design (TED) Talk
Rubrics para sa Adbokasiya
KRAYTIRYA 10 8 5
May 2-3 salita na hindi May 4-5 o higit pang
Gumamit ng simple
maunawaan ang tunay salita na hindi
Komprehensibo ngunit malinaw na mga
na kahulugan. maunawaan. Hindi
ang ginawa salita. Maiksi ngunit
Masyadong mahaba at malinaw ang mensahe
sapat.
maligoy. o nilalaman
May 1-2 isinulat na
Lahat ng isinulat ay May 3 at higit pang
Tugma at malinaw hindi tugma at may
tugma, malinaw at sinulat na hindi tugma,
ang nilalaman sa kaunting kulang sa
naipahayag ang Hindi malinaw ang
paksa paglalahad ng
damdamin isinulat
damdamin
Nakita ang
Nakita ang
pagkamalikhain sa
pagkamalikhain
kabuuan ng Hindi nakita ang
Naipakita ang ngunit hindi
presentasyon at tunay pagkamalikhain sa
pagkamalikhain gaanong
na nakapupukaw ng presentasyon
nakapupukaw
pansin ang kabuuan
ng pansin.
nito.
Kabuuan na puntos: 30

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)


Panuto: Gamit ang mga patak ng ulan, isulat ang mahalagang konsepto na nahinuha mula
sa mga nagdaang gawain at babasahin, bilang pang-unawa sa mga isyu sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.

Paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalaga sa Kalikasan

9
I. Pagtataya ng aralin (Pagganap/Pagninilay)
Gawain 6: Kaya Mo Ito!
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng mga sumusunod. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang gawin ang nararapat sa kalikasan na
may kaakibat na pananagutan.
2. Lahat ng bagay sa mundo ay magkakaugnay.
3. Ang Sampung Utos para sa kapaligiran ay listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
pangangalaga sa kalikasan.
4. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may
pagkakapantay-pantay.
5. Ang tao ay nilikha ng Diyos sa kanyang wangis na tagapagdomina ng lahat ng kanyang
nilikha.
6. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay para sa modernisasyon at pag-unlad nito.
7. Binubuhay tayo ng kapaligiran.
8. Ang kalikasan ay isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
9. Makakamit ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung may paninindigan sa tamang
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
10. Ang likas na yaman sa mundo ay hindi nauubos at walang hangganan.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Gawain 7: Collage
Panuto: Gumawa ng Collage gamit ang mga recyclable materials tulad ng tuyong dahon,
stick, tansan, bao ng niyog, at iba pa na pwede mong makita at magamit galing sa ating
kapaligiran. Sa likuran ng papel ipaliwanag ang iyong collage. Gamiting gabay ang rubric sa
paggawa.
Rubrics para saCollage
Kraytirya 10 8 5
Hindi gaanong
Maayos at malinaw May kalabuan ang
maayos at malinaw
ang pagkakalahad ng pagkakalahad ng
Malinaw na ang pagkakalahad ng
mga hakbang na mga hakbang na
paglalarawan ng mga hakbang na
gagawin upang gagawin upang
Paksa gagawin upang
mapaunlad ang pasiya mapaunlad ang
mapaunlad ang
at kilos pasiya at kilos
pasiya at kilos
Recyclable Gumamit ng 6-7
Gumamit ng 4-5 na Gumamit ng 1-3 na
materials na recyclable material at
recyclable material recyclable material
ginamit higit pa
Nakita ang Nakita ang
pagkamalikhain sa pagkamalikhain
Naipapakita ang Hindi nakita ang
kabuuan ng collage at ngunit hindi
pagkamalikhain pagkamalikhain sa
nakapupukaw ng gaanong
ng mag-aaral sulatin.
pansin ang kabuuan nakapupukaw
nito. ng pansin.
Kabuuang puntos: 30

10
11

You might also like