You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
February 22, 2024 (Thursday)

LESSON PLAN IN EPP-Home Economics IV (Quarter 3)

A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing


pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
• Naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bahay at bakuran EPP4HE-0f-9

I. Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bakuran
b. Nagagamit ang wastong kasangkapan sa paglilinis ng bakuran
c. Naipapakita ang pagiging masigasig sa pagsagot sa mga gawain.

II. Paksang Aralin


Paksa: Paglilinis ng Tahanan at Bakuran
Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; CLMD Pivot4A EPP4-V2
pahina 16-25, EPP-HE4 ADM-SDO Valencia p.15;
Kagamitan: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, EPP 4 Pivot4A, manila paper
Pagpapahalaga: Pagiging responsable at malinis sa loob at paligid ng bahay
Integrasyon: 1. Paggamit ng Matematika sa Pagtuturo ng Sukat: Ang pagtuturo ng
wastong paglilinis ng bahay at bakuran ay maaaring isakatuparan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga sukat sa matematika.
2. Paggamit ng Halaman sa Pag-aaral ng Agham: Ang pag-aaral ng mga halaman ay
nagbibigay ng kaugnayan sa wastong pangangalaga sa kapaligiran, na nauugnay
sa paglilinis ng bakuran.

III. Pamamaraan
A. 1. Balikan
Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang pahayag.
Piliin ang salita ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
2.Panimula/ Pagganyak

Bahagi ng tahanan ang bakuran. Ang malinis na bakuran ay kaaya-ayang tingnan at


nakadaragdag sa pagpapaganda ng pamayanan.

Pagmasdan ang larawan ng malinis at magandang bakuran:

1. Ano-ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa paglilinis ng bakuran?


2. Paano ang wastong paglilinis sa bakuran?

B. Pagpapaunlad
1. Paglalahad (Pangkatang gawain) 5 Grupo
Pag-papaalala ng pamantayan sa pangkatang-gawain

Gawain C (20 minuto)

1. Bilang pangkat, gawin ang tamang paglilinis sa bakuran at sa labas ng silid-aralan.


2. Sundin ang panuntunan sa paggawa na ibinigay ng inyong guro.
3. Tingnan kung nasunod ng inyong pangkat ang mga pamamaraan sa pamamagitan ng
pagsagot ng lider sa tseklist:
2. Pagpapalalim ng Kaalaman
Bilang mag-aaral sa ikaaapat na baitang, malaki ang magagawa mo upang
makatulong sa paglilinis ng inyong bakuran.

Naririto ang mga mungkahing gawain upang makatulong ka sa paglilinis sa bakuran:

 Maglaan ng oras para sa paglilinis ng bakuran bago pumasok at pagkauwi mula sa


paaralan. Maaari ding gawin isang beses lang sa isang araw ang paglilinis. Maaaring
gawin sa umaga o sa hapon depende kung anong oras maluwag ang iskedyul sa
paaralan.
 Hingin ang bahagi ng bakuran na nakatakda mong linisin araw-araw.
 Linisin ang bahagi ng bakuran na nakatakdang linisin mo araw-araw.
 Magsabi sa kasapi ng mag-anak kung hindi kayang linisin ang bahaging nakatakda
sa iyo upang hindi mapabayaang marumi ito.
Naririto ang ilang paraan ng paglilinis sa bakuran:
 Ugaliin ang pagwawalis sa loob at labas ng bakuran. Tapat
mo, linis mo.
 Diligan ang mga halaman araw-araw. Paminsan-minsan,
lagyan ito ng patabang organiko at bungkalin ang lupa sa
paligid ng halaman.
 Gupitan din ang mga halaman kung kailangan upang gumanda ang hugis at haba ng
mga sanga at maging malusog ang halaman.
 Kung magtatapon ng basura, paghiwalayin ang nabubulok at hindi nabubulok. Ang
mga tuyong dahon ay mga basurang nabubulok at maaaring gawing pataba. Ang mga
hindi nabubulok gaya ng mga bote at plastik ay maaaring ipagbili o gamiting muli
(recycle).
 Kinakailangang takpan ang mga basurahan upang hindi pamugaran ng daga, langaw,
ipis, at iba pang mga insekto.
 Bunutin ang mga damong ligaw hanggang sa mga ugat upang hindi kaagad tumubo
ang mga ito. Isama sa compost ang mga binunot na damo o ibaon sa lupa upang
maging pataba.
 Siguruhing ang mga kanal o daluyan ng tubig ay dumadaloy nang tuloy-tuloy upang
hindi pamahayan ng mga lamok at upang makaiwas sa sakit na dengue.

(Sa susunod na araw ihanda ang mga sarili at mga kagamitan sa paglilinis ng bakuran
upang isagawa ang pangkatang pagpapakita ng paglilinis sa bakuran)

C. Paglalahat
 Ang malinis na bakuran ay nakapagpapaganda ng tahanan at ng pamayanan. Ito ay
nagdudulot ng kasiyahan sa buong mag anak. Nasasalamin din sa malinis na bakuran ang
pagtutulungan ng bawat kasapi ng mag-anak.

IV. Pagtataya
Panuto: Magbigay ng tig-limang halimbawa ng mga ginawang paglilinis sa bakuran.
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng talaan ng iyong wastong ginagawang paglilinis ng bahay at bakuran.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

VI. Index of Mastery


PL:
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:
Checked by:
RAQUEL C. CORRE
Teacher II
RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like