You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
February 13, 2024 (Martes)

LESSON PLAN IN EPP-Home Economics IV (Quarter 3)

A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing


pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
 Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay (hal.
pagkabit ng butones) EPP4HE-0b-13
I. Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Natutukoy ang mga paraan sa pagkabit ng butones;
• Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
pagkabit ng butones; at
• Naipapakita ang pagiging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan
Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; CLMD Pivot4A EPP4-V2
pahina 11, EPP-HE4 ADM-SDO Valencia p.8-11;
Kagamitan: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, EPP 4 Pivot4A, manila paper
Pagpapahalaga: Pagiging responsable at maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
Integrasyon:
1) Math - Natutukoy ang mga paraan sa pagkabit ng butones sa pamamagitan ng paggawa ng
mga pattern sa pagbilang.
2) Filipino - Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay
tulad ng pagkabit ng butones sa mga damit na may sira.
3) Science - Naipapakita ang pagiging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
tulad ng pag-iingat sa paggamit ng karayom
III. Pamamaraan
A. Panimula/ Pagganyak

 Isulat sa kahon ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali naman ito .

1. Ang kutsetes at straight eye ay hindi maaaring gamiting pansara ng damit.


2. Sa pagkakabit ng butones, isara ang tahi sa harapang panig ng damit.
3. Ang flat at shank button ay mga butones na pangkaraniwang ginagamit na pansara ng
damit.
4. Kapag natanggalan ng butones ang damit hayaan lamang ito para mapalitan ng bago.
5. Sa pagsasaayos ng sirang butones, kailangang lagyan ng marka ang lugar ng pagkakabitan.

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
B. Pagpapaunlad
1. Paglalahad
 Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Bakit kailangang pangalagaan ang ating mga kasuotan?
b. Ano-ano ang mga paraan ng pag-aalaga ng iyong mga kasuotan?
c. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsasaayos ng mga sirang kasuotan sa
pamamagitan ng pananahi sa kamay?
2. Pagpapalalim ng Kaalaman
 Pag-aralan natin ang sumusunod:

Mga Dapat Tandaan sa Pananahi ng Kamay:


1. Maghugas ng kamay bago hawakan ang tatahiin.
2. Ihanda ang sariling mga kagamitan. Iwasan ang panghihiram upang hindi makaabala.
3. Maupo sa lugar na may sapat na ilaw o liwanag. Sa itaas ng kaliwang balikat dapat
nanggagaling ang liwanag.
4. Maghanda ng dalawang karayom na may hiblang sinulid. Gupitan nang pahilis ang sinulid
upang madaling mailusot sa butas ng karayom. Ang haba ng sinulid ay dapat abot-siko
lamang. Kung mahaba ang ilalagay na sinulid, madali itong mabuhol.
5. Isuot ang didal kapag mananahi. Ilagay ito sa hinlalato o panggitnang daliri ng kanang
kamay. Ito ang pantulak sa karayom habang nananahi upang hindi matusok ang daliri.
6. Iwasan ang pag-ipit sa labi ng aspili at karayom dahil mapanganib ito. Gamitin ang tusukan.
7. Gumamit ng maliit na gunting sa pagputol ng sinulid. Hindi dapat ginagamit ang ngipin. Mag-
ingat sa paggamit ng gunting. Sa dulo ito hawakan kung iaabot sa iba.
8. Panatilihing malinis at maayos ang lugar-gawaan.
9. Laging sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang tuntunin sa paggawa.

C. Pakikipagpalihan
 Kunin ang ipinadalang kasuotang may natanggal na butones. Ayusin upang maging kaaya-
aya kapag isusuot muli ang damit. Gamitin ang tseklist para sa pagsusuri ng iyong ginawa.

Batayan:

4 – Napakahusay

3 – Mas Mahusay

2 – Mahusay

1 – Hindi Mahusay

D. Paglalahat
 Mahalaga na tayo ay matuto kung paano ayusin at tahiin ang mga sirang kasuotan natin. Ito ay
hindi lang nakakatulong upang maisaayos ang mga nasirang damit kundi makatitipid rin sa
maaaring maging dagdag gastos sa pagbili ng bagong damit.
 Mahalagang matututunan nating ayusin ang natanggal na butones at iba pang uri ng panara ng
damit upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot muli ang damit

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa kahon ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali naman ito.

_____1. Ayusin ang natanggal na butones, otomatiko o kutsetes ng damit upang maging kaaya-aya
itong tingnan kapag isusuot muli ang damit.
_____2. Maliban sa butones, may ibat-ibang uri din ng pansara ng damit tulad ng kutsetes, at
straight eye.
_____3. Sa pagkakabit ng butones, isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
_____4. Ang damit na natanggalan ng butones ay maaring palitan ng kutsetes upang ito ay
matakpan.
_____5. Ang paglalagay ng marka sa parte ng pagkakabitan ng butones ang pinakaunang gawin sa
pagkakabit ng butones.

V. Takdang Aralin
 Isulat sa kahon sa ibaba kung paano mo panatilihing kumpleto ang pansara o butones ng
iyong kasuotan. Isulat ang sagot sa EPP notebook.

VI. Index of Mastery


PL:
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:

RAQUEL C. CORRE
Teacher II
Checked by:

RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like