You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
April 2, 2024 (Tuesday)

LESSON PLAN IN EPP-Indistrial Arts IV (Quarter 4)

I. Layunin
A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pang-industriya at ang maitutulong nito sa
pag-unlad ng isang pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga
batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng sariling pamayanan.
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
1.1 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat EPP4IA-0a-1
1.1.1 nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
1.1.2 nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at metric)
D. Mga Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat;
 Naiuuri ang mga kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito; at
 Nauunawaan ang kahalagahan ng mga wastong kagamitan sa panukat.

II. Nilalaman
Paksa/ Aralin: Mga Kagamitan sa Pagsusukat
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; SDO
Soccsksargen, p.4-15; Pivot4A Q4 EPP-IA SLM V2, pahina 6-9
B. Iba pang Kagamitang Pangguro: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, laptop, Show Me
Board, chalk
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa paggamit ng mga kagamitang panukat
Integrasyon: EsP, Math, ICT

IV. Pamamaraan
A. Balik-aral/ Paglalahad ng Bagong Aralin
 Ano-ano ang mga kagamitan sa pagsusukat?

B. Pagganyak
Panuto: Pagtapatin ang mga larawan upang makabuo ng isang imahe ng kagamitang panukat.
Pagdugtungin ang mga ito sa pamamagitan ng linya.

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
C. Pakitang-Turo/ Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
 Karagdagang Kasangkapan sa Panukat:
9. Divider – ginagamit ito sa paghahati –hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat.
Hindi katulad ng compass na may lapis ang isang dulo, tila karayom ang tulis ng
magkabilang dulo ng divider.

10. French Curve - ginagamit ito sa pagbuo ng mga komplikadong kurba.

11. Lapis - may iba’t iba uri ng lapis na ginagamit sa pagguhit. Ang HB ang
karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagmamarka.

 Sa pagsusukat, dapat nating tandaan ang mga sumusunod na kaisipan upang maging
matagumpay ang ating bubuuing proyekto.

1. Ganap na kawastuhan (accuracy) – nangangahulugan ito na dapat nating sukatin ang wastong
haba o kapal ng isang bagay para mabuo ng tama ang isang proyekto. Kung tayo ay gagawa ng
isang bagay kailangan gamitin din natin ang tamang panukat para makuha o tumpak ang sukat
nito
2. Katumpakan (precision) -Sa isang proyekto kailangan ang tumpak o sakto lamang ayon sa mga
ginamit na panukat nito.
3. Katatagan (stability) - kinakailangan ang tamang pagsukat ng mga bagay para maging matatag
ang proyekto. Halimbawa gagawa ka ng bahay kailangang tama at wasto ang mga sukat at
matibay na mga materyales upang maging matatag ang iyong bahay.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang
sagot sa kolum ng mga sagot. Isulat ang sagot sa inyong Show Me Board.

E. Paglinang ng Kabihasaan
Think-Pair-Share
 Ibigay ang pangalan ng mga kagamitan sa pagsusukat at kung para saan ito ginagamit.
Isulat sa kwaderno ang sagot. Pagkatapos, ibahagi ang inyong sagot sa iyong kapareha
upang malaman kung tama ang inyong nagging sagot.
1. 2. 3. 4. 5.
F. Paglalahat
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang talata na siyang buod ng iyong
aralin. Pumili ng mga salita na nasa loob ng kahon.

Ang ____________________________ ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat


ng isang bagay. Gumagamit tayo ng iba’t ibang ______________________________ na angkop sa
mga bagay na paggagamitan nito. Sa pagsusukat, dapat nating tandaan na ito ay may
_________________________ na nangangahulugang dapat nating sukatin nang wasto ang haba o
kapal ng isang bagay. Dapat din itong may ____________________ upang masiguro na tama ang
ginamit na panukat upang ang iyong proyekto ay maging ____________________________.

G. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Gusto mong bumili ng tela pang uniporme. Anong kagamitan na panukat ang gagamitin ng sales
lady upang makabili ka ng tela na gusto mo?
A. zigzag ruler B. iskwalang asero C. tape measure D. meter stick
2. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng kahoy pang poste para maitayo niya ang kulungan ng
manok. Ang sukat ng posteng kahoy ay 4 pulgada x 4 pulgada x 8 piye. Ang gagamiting
kagamitang panukat ay ____________.
A. ruler B. iskwalang asero C. trianggulo D. push-pull rule
3. Geodetic Engineer ang tatay mo. Isa sa mga kagamitan nito ang panukat sa paggawa ng mga
maliliit na linya sa drowing. Ano ang tawag sa kagamitang ito?
A. protractor B. tape measure C. trianggulo D. T- square
4. Mananahi ang lolo mo, may magpapatahi ng pantalon sa kanya. Bago niya ito tahiin gagawa muna
sya ng pattern upang hindi sya magkamali at tama ang sukat nito. Kung gagagwa sya ng pattern
anong kasakapang ang gagamitin nya?
A. push-pull rule B. meter stick C. tape measure D. protractor
5. Gusto alamin ang iyong Body Mass Index (BMI) anong panukat ang gagamitin sa pagkuha ng taas
(height)
A. protractor B. Push-pull rule C. T- square D. tape measure

H. Karagdagang Gawain
Panuto: Sukatin ang baywang ng bawat kasapi ng iyong pamilya gamit ang tape measure. Ilista
ang mga sagot sa table sa ibaba. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Index of Mastery
PL
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:

RAQUEL C. CORRE
Teacher II

Checked by:

RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like