You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
February 15, 2024 (Huwebes)

LESSON PLAN IN EPP-Home Economics IV (Quarter 3)

A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing


pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
 Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay (hal.
pagkabit ng butones) EPP4HE-0b-13
I. Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Natutukoy ang mga paraan sa pagkabit ng butones;
• Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
pagkabit ng butones; at
• Naipapakita ang pagiging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan
Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; CLMD Pivot4A EPP4-V2
pahina 11, EPP-HE4 ADM-SDO Valencia p.8-11;
Kagamitan: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, EPP 4 Pivot4A, manila paper
Pagpapahalaga: Pagiging responsable at maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
Integrasyon:
1) Math - Natutukoy ang mga paraan sa pagkabit ng butones sa pamamagitan ng paggawa ng
mga pattern sa pagbilang.
2) Filipino - Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay
tulad ng pagkabit ng butones sa mga damit na may sira.
3) Science - Naipapakita ang pagiging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
tulad ng pag-iingat sa paggamit ng karayom
III. Pamamaraan
A. 1. Balikan
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod sa pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang dapat gawin sa mga sirang kasuotan?
A. isaayos B. itapon C. punitin D. sirain
2.Paano iaayos ang mga punit?
A. hilain B. ikinakabit C. Pinapatungan D. Sinusulsihan
3. Alin ang takip sa butas ng damit?
A. hilbana B. tagpi C. tahi D. tutos
4. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang dulot ng pagsasaayos agad ng sira ng kasuotan.
Alin ang hindi kasali sa mga kabutihang dulot na ito?
A. maayos B. makatitipid C. malapad D. malinis
5. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkasira ng kasuotan?
A. gupitin B. itago C. pangalagaan D. tastasin

2.Panimula/ Pagganyak

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
Panuto: Basahin ang kuwento at tukuyin ang mga sira ng kasuotan na binanggit ng bawat
tauhan sa kuwento.
B. Pagpapaunlad
1. Paglalahad
Isulat sa sagutang papel ang S kung dapat sang-ayunan ang kaisipan at H kung
hindi.Ipaliwanag ang kasagutan.
1. Ang pagsasaayos ng damit ay nangangailangan ng tiyaga.
2. Mas mabilis isara ang zipper kaysa butones.
3. Lumalala ang sira habang ginagamit ang damit.
4. Iba-iba ang dahilan ng pagkasira ng kasuotan.
5. Pabayaan lang ang mga sira dahil walang panahon para isaayos ito.

2. Pagpapalalim ng Kaalaman
C. Pakikipagpalihan

D. Paglalahat

Panuto:Hanapin sa talaan ang wastong sagot sa patlang. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat
sa sagutang papel.
a. pansara c. nagpapapangit e. butones
b.hanger d. katawan
1. Ang punit, butas, tastas at sira ng kasuotan ay__________ dito.
2. Ang butones, kawit at zipper ay mga _____________________ .
3. Ang malinis na damit ay dapat isinusuot sa malinis ding__________.
4. Matapos labhan, isinasampay ang mga kasuotan sa __________________.

IV. Pagtataya
Panuto:Basahin at isipin ang kaugnayan ng unang dalawang salita. Isulat ang angkop na salita mula
sa kahon sa sagutang papel.

1. Punit : sulsi ; butas : _____________________


2. Laba : dumi ; plantsa : ____________________
3. Tastas : inaayos ; butones : ________________
4. May butas : karayom ; may ulo : ____________
5. Maliliit: tutos; malalaki: ___________________

V. Takdang Aralin
Panuto: Alamin ang paalaala. Isulat ang titik na katumbas ng bilang batay sa may sagot na para
mabuo ang salita. Isulat ang nabuong paalaala sa sagutang papel
VI. Index of Mastery
PL:
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:

RAQUEL C. CORRE
Teacher II
Checked by:

RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like