0% found this document useful (0 votes)
470 views6 pages

Epp 5 - Home Economics

Ang dokumento ay tungkol sa aralin sa pamamalantsa ng mga damit sa paaralang elementarya. Binigyang diin ang mga layunin, kasanayan, at mga hakbang sa pamamalantsa. Pinakilala ang mga gamit sa pamamalantsa at ang wastong paraan ng pamamalantsa sa iba't ibang uri ng damit.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
470 views6 pages

Epp 5 - Home Economics

Ang dokumento ay tungkol sa aralin sa pamamalantsa ng mga damit sa paaralang elementarya. Binigyang diin ang mga layunin, kasanayan, at mga hakbang sa pamamalantsa. Pinakilala ang mga gamit sa pamamalantsa at ang wastong paraan ng pamamalantsa sa iba't ibang uri ng damit.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

EPP 5 – HOME ECONOMICS

PAARALANG ELEMENTARYA NG
Paaralan Baitang LIMA
ADIA
EPP-HOME
Guro FATIMA ADESSA U. PANALIGAN Asignatura
LESSON ECONOMICS
EXEMPL Petsa MARSO 23, 2021 Markahan UNA
AR Oras Bilang ng Araw 1

I. OBJECTIVES
Layunin Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
a. Maisasagawa ang wastong pamamaraan ng pamamalantsa
b. Maiisa-isa ang wastong paraan ng pamamalantsa
c. Maibibigay ang kahalagahan ng pamamalantsa ng kasuotan

A. Content Standard Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing


Pamantayang pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili.
Pangnilalaman
B. Performance Naisasagawa ng kasanayan sa pangangalaga sa sarili at gawaing pantahanan na
Standard nakatutulong sa pagsasaayos ng tahanan.
Pamantayang
Pagganap
C. Most Essential a. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pamamalantsa
Learning EPP5HE-Od-8
Competencies
(MELC)
Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC)
D. Enabling
Competencies
Pampaganang
Kasanayan
II. CONTENT Pamamalantsa ng Damit
Nilalaman
III. LEARNING Slide deck, Mga kagamitan sa pamamalantsa (plantsa, plantsahan, sprayer, hanger,
RESOURCES mga damit)
Kagamitang
Panturo
A. References
Mga Sanggunian
a. Teacher’s Guide Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 pahina 27-28
Pages
Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
b. Learner’s Material Module, PIVOT 4A LM’S pahina 21-26
Pages
Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral

c. Textbook Pages
. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Additional https://create.kahoot.it/details/ad18adfc-bcae-4083-a1a6-53ef905ea147
Materials from
Learning
Resources
Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
resource IV.
B. List of Learning
Resources for
Development and
Engagement
Activities

IV. PROCEDURE
PAMAMARAAN
A. Introduction UNANG PAGSUBOK
Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang kaisipan ng pangungusap at MALI kung
(Panimula) hindi wasto.
1. Mahalagang matutuhan ang wastong pamamalantsa sa murang edad pa lamang
2. Hindi dapat inuuna ang makapal bago ang manipis na damit sa pamamalantsa.
3. Ihanda ang mga kagamitan bago mamalantsa.
4. Dapat isinasabit sa hanger ang mga damit na naplantsa
5. Ang init ng plantsa ay angkop dapat sa tela ng damit na ating pinaplantsa

BALIK-ARAL O PAGSISIMULA SA BAGONG ARALIN


Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.

damit malilim tatlong beses

di-kulay sabon mainit

1. Basain at bahagyang kusutin ang mga ___________ upang maalis ang mga
dumi.
2. Banlawan ng ____________ ang mga damit hanggang maalis lahat ng bula.
3. Ihiwalay lahat ng puti sa _______________ ganun din ang kumukupas na
damit upang hindi mamantsahan ang ibang damit.
4. Baliktarin at isampay ang mga damit sa ________________ na lugar upang
hindi kumupas ang mga kulay nito.
5. Ibabad ang mga puting damit sa pulbos na ___________ at ikula o ibilad sa
init ng araw.

PAGHAHABI NG LAYUNIN
Sabihin kung ano ang mabubuo sa bawat larawan. (name that picture)

1. (tagalog) 4. +

2. S + 5.
3. + er

PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

Pagmasdan ang larawan ng dalawang bata. Ano ang napapansin ninyo sa kanilang
kasuotan? Sino sa dalawa ang may kaaya-ayang kasuotan? Sa palagay ninyo, ano kaya
ang dahilan?

B. Development PAGTALAKAY NG BAGONG KONSEPTO


(Pagpapaunlad)
Ano ang ibig sabihin ng pamamalansta?
Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-alis sa mga lukot sa damit na dulot
ng paglalaba upang bumalik ito sa dating hugis at anyo. Kailangang plantsahin muna
ang damit bago ito isuot upang maging malinis at maayos tingnan. Ito ay maaari ding
makatanggal ng mga mikrobyo sa ating mga damit.

Mga Gamit sa Pamamalantsa

Plantsa Plantsahan/Kabayo Hanger

Mga damit Sprayer

Mga Hakbang sa Pamamalantsa


1. Ihanda ang damit na paplantsahin at iba pang gamit sa pamamalantsa tulad ng
plantsahan/kabayo, plantsa, hanger at sprayer.
2. Tiyakin na malinis ang sapin ng plantsahan o minsan tinatawag ring “kabayo”
3. Tiyakin din na malinis ang plantsa at walang kalawang.
4. Wisikan ng kaunting tubig ang mga damit habang pinaplantsa
5. Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan at lalong
hindi sa damit. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng saging para dumulas ang
plantsa. Unahin ang mga makakapal na damit at isunod ang mga damit na may
maninipis na tela.
6. Isampay nang maayos sa sabitan o “hanger” ang mga natapos ng plantsahin.

Mga hakbang sa pamamalantsa ng iba’t ibang klase ng damit


Blusa o polo – unahin plantsahin ang kuwelyo, isunod ang manggas, bahagi ng
balikat sa likuran at unahan ng blusa o polo, harapan at ang ibang bahagi.

Palda- unahing plantsahin ang bulsa, bahagi ng baywang o sinturera, at zipper.


Unatin ang buong palda at plantsahin ang mga pleats.

Short/Pantalon- Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng


tahi sa zipper, isunod ang bahagi ng baywang at sinturera patungo sa balakang
at hita ng pantalon. Iwasan ang dobleng piston.

May kasuotang sa kabaligtaran pinaplantsa tulad ng mga may burda, may disenyo na
maaring manikit. Ginagawa rin ito sa mga lace. Nakababawas sa pangungupas ang
ganitong paraan.

C. Engagement PAGLINANG SA KABIHASNAN


(Pakikipagpalihan)
Gawain 1 (Pangkalahatang Gawain)
Basahin ang bawat pangungsap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito
sa patlang.

1. Ihanda ang mga ____________ bago simulan ang pamamalantsa.


2. Hindi kaaya-ayang tingnan ang ________ na damit.
3. Wisikan ng _________ gamit ang sprayer ang mga damit na paplantsahin.
4. Sa pamamalantsa ng bestida, ito ay dapat baligtarin at plantsahin ang
______________.
5. Gamitan ng mahinang _________ ang mga damit na may manipis na tela.

pleats temperature tubig

kagamitan gusot

Gawain 2 (optional)
Ang mga mag-aaral ay magsasagot sa pamamagitan ng KAHOOT Application.
(https://create.kahoot.it/details/ad18adfc-bcae-4083-a1a6-53ef905ea147)

1. Ayusin ang ___ ayon sa tupi o tiklop.


a. bulsa c. gusot
b. temperatura d. pleats
2. Ihanda ang mga paplantsahing ____
a. blusa c. damit
b. pantalon d. polo
3. Tiyakin na malinis ang sapin ng _______
a. kagamitan c. sprayer
b. plantsahan d. tubig
4. Magsimula sa laylayan ang pagpaplantsa ng ______
a. bestida c. blusa
b. palda d. pantalon
5. I-set ang ______ ng plantsa ayon sa uri ng damit na plantsahin.
a. gusot c. plantsa
b. sprayer d. temperatura

PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG- ARAW-ARAW NA BUHAY


Gawain 3 (Pangkatang Gawain)
Ang klase ay hahatiin sa 3 pangkat at bibigyan ang bawat pangkat ng damit na
kanilang kailangang plantsahin.

RUBRIKS SA PAMAMALANTSA
Nakuhang
Pamantayan Puntos
Puntos
1. Nakasunod sa wastong hakbang sa 10
pamamalantsa
2. Nakagamit ng angkop na kasangkapan at
5
maayos na paggamit
3. Nakasunod sa mga pangkalusugan at
5
pangkaligtasang gawi sa paggawa
4. Naplantsa ng malinis at maayos ang damit 10
KABUUAN 30

PAGPAPAKAHULUGAN
30-25 = Napakahusay
24-20 = Mahusay
19-15 = Mahusay-husay
14-10 = Kailangan pang magsanay

D. Assimilation PAGLALAHAT NG ARALIN


(Paglalapat) Pinaplantsa ang damit upang maging makinis, maayos at maganda. Upang
makatipid sa kuryente, kapag namamalantsa, baligtarin muna ang lahat ng mga damit
bago plantsahin ang mga ito. Ibinabagay ang temperatura o init ng plantsa sa uri ng
kasuotan. Ang mga damit ay kailangan plantsahin upang maging maayos tingnan. Ang
taong maayos manamit ay kagalang-galang at kaaya-ayang tingnan at nagbibigay
tiwala sa sarili saanman o kaninuman makikisalamuha.

PAGTATAYA NG ARALIN

Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng
wastong paraan ng pamamlantsa at MALI naman kung hindi.

1. Ang pamamalantsa ay nakatutulong upang tanggalin ang lukot o gusot ng


damit.
2. Gamitan ng mataas na temperatura sa pamamalantsa ang mga damit na may
manipis na tela.
3. Bago simulan ang pamamalantsa ihanda muna ang mga kakailanganing
kasangkapan at mga damit na paplantsahin.
4. Pleats ang tawag sa mga tupi o tiklop sa palda.
5. Plantsahin lamang ang mamahaling damit.

KARAGDAGANG GAWAIN
Sa tulong ng nakatatanda, pumili ng iyong kasuotang polo o blusa at isagawa
ang wastong hakbang sa pamamalantsa. Sundin ang mga pangkalusugan at
pangkaligtasang gawi sa paggawa upang makaiwas sa anumang aksidente o sakuna.

V. REFLECTION Ang mga mag-aaral ay magsusulat sa kanilang kwaderno ng kanilang pansariling


(Pagninilay) pananaw ukol sa aralin gamit ang mga pamaunang salita tulad nito:

Aking nauunawaan na __________________________________________.


Napagtanto ko na________________________________________________.

Inihanda ni:

FATIMA ADESSA U. PANALIGAN


Guro II

Nirepaso ni:

FRANCISCION E. REYES
Dalubguro I
Binigyang Pansin:

ESTELA S. SARDIN
Punungguro I

You might also like