(Para sa Punong-Guro/Ulong Guro/Gurong Namamahala)
Kagalang-galang na Pansangay na Tagapamanihala
ng mga Paaralan sa Laguna, Gng. Marites A. Ibañez, CESO V, Tagamasid Pampurok, ng Distrito ng Santa Maria, Gng. Ma. Rona I. Aguja, ikinararangal ko pong iharap sa inyo ang 9 na batang lalaki at 12 batang babae, o kabuuang bilang na 21 mga batang magsisipagtapos sa Paaralang Elementarya ng Adia sa Taong Panuruan 2021-2022 (dalawang libo’t dalawampu’t isa at dalawang libo’t dalawampu’t dalawa). Kasiya-siya po nilang natapos ang mga kinakailangan sa Pagtatapos sa Kurikulum Pang- Elementarya na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Hinihingi ko po ang pagpapatunay at pagpapatibay ng kanilang pagtatapos.