You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY

“Kwento Ng Pagpunpunyagi sa Gitna ng Pandemya.”

Mga natatanging mag-aaral


ng Bawing Elementary
School kinilala sa kanilang
paglahok sa mga
kompetisyon bilang parte
ng pagdiriwang ng Division
Quincentennial
Commemoration o ang ika-
500 taong selebrasyon ng
pagkilala sa kagitingan ng
ating mga ninuno laban sa
mga mapanupil na mga
mananakop na Espanyol.

Nasungkit ng mag-aaral
mula sa ikaanim na baitang
na si KC Jade D. Gucela ang ikalawang pwesto sa larangan ng Story Telling sa nasabing
patimpalak. Ito ay nilahukan ng mga mahuhusay na mananalita sa larangan ng pagkukuwento sa
iba't ibang paaralan sa Dibisyon ng General Santos City. Naiuwi ni KC ang mga certipiko ng
pagkilala at partisipasyon, medalya, at ang malaking tropeyo na iginawad ng Aralin Panlipunan
Educational Program Supervisor na si Dr. Lito S. Adanza.

Lumahok din sa larangan ng Quiz Bee o PAUTAKAN sina Raeiou Psywryst P. Mantua, mag-aaral
mula sa ikalimang baitang, at Leanne Grace L. Ahumada na mula naman sa ikaanim na baitang.
Ang kompetisyon ay nilahukan din ng mga paaralan mula sa lungsod ng General Santos City. At
bagaman di nasungkit ang minimithiing parangal ay nagpakita ang dalawang mag-aaral ng
kahusayan sa pagsagot sa mga katanungan. Sa pagtatapos ng patimpalak ay nasa panglimang
pwesto si Raeiou at pang-anim naman si Leanne.

Sa likod ng mga napagtagumpayan ng mga mag-aaral ay ang walang sawang paggabay at


pagtitiwala mula sa kanilang coach na si Teacher Mary Grace R. Jugarap, isang beteranong guro
sa larangan ng pakikilahok sa mga patimpalak katuwang ang buong suporta ng kanilang mga
magulang.

Sa kabila ng patuloy na kinakaharap na pandemya at pananatili ng mga mag-aaral sa kani-


kanilang tahanan, napatunayang ang Bawing Elementary School ay patuloy na nagbibigay ng
dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY
“School-based Feeding Program at Brigada Pagbasa
ng Bawing Elementary School,
itinampok sa DepEd Gensan Ratsada Balita.”

Katangi-tangi. Ito ang katagang makapagbubuod sa ilang


mga direktiba o hakbang na ginawa ng Bawing Elementary
School upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng de-
kalidad na serbisyong pang edukasyon sa kabila ng
hamon ng covid-19.

Tinampok sa program segment ng DepEd Gensan na


Ratsada Balita ang ilan sa mga iminungkahing mga
programa nito. Una rito ang ginawang hakbang ng
paaralan para maipagpatuloy ang School-Based Feeding
Program na naglalayong makapagbigay ng tamang nutrisyon at iba pang pangangailangang
pangkalusugan sa mga mag-aaral. Gayun nalang ang suportang natanggap ng paaralan sa 42nd
Special Action Company na pinamumunuan ni PCPT. Reynante C. Pascua bilang bahagi ng
kanilang “Adopt a child” policy. Ipinahayag nila ang suporta sa pamamagitan ng pagpapahiram ng
kanilang sariling sasakyan at manpower sa paghahatid ng mga feeding food packs sa mga piling
benipisyaryo nito sa mga malalayong purok ng Barangay Siguel, Lungsod ng Heneral Santos.

Sinundan naman ito nang tinampok sa parehong segment ang paraan ng paaralan para sa
implementasyon ng kanilang Brigada Pagbasa na naglalayong linangin at hasain ang bawat mag
aaral sa aspeto ng pagbasa. Bagama’t naging dagok para sa paaralan ang pagpapatuloy ng
nasabing programa, naging posible ito dahil sa inisyatibang “Parent Mentoring” na iminungkahi ng
Conrado and Ladislawa Alcantara Foundation Incorporated. Ipinahayag nila ang kanilang suporta
sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa parent-mentoring sa mga
piling magulang ng mga mag-aaral kaisa nina Teacher Joy C. Jumalon at Teacher Richard J.
Cordero na pawang mga guro at gumaganap bilang Reading Coordinators. Malaking tulong rin
ang ibinahaging Instructional aids kagaya ng flipcharts na iniabot sa mga magulang para magamit
sa pagtuturo sa kanilang mga anak.

Kaisa ng kagawaran, hangad nila na maipagpatuloy ang mga nasimulang mga programa para
mapanatili ang magandang pamantayan ng de-kalidad na edukasyon para sa kabataan. Bagama’t
hindi naging madali ang proseso upang makabuo ng mga desisyon o mekanismo sa pagtataguyod
ng mga nasabing programa, napunan naman ang mga kakulangan nito sa pagsisikap ng iba’t
ibang personahe at sektor kabilang na ang punong-guro, mga guro, magulang, at ilang mga
stakeholders sa paghahangad ng magandang hinaharap para sa mga mag aaral ng Bawing
Elementary School.

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY

“Gifted to give in this trying


time”

Sa pagsisikap ng SPG
officers at mga guro ng Bawing
Elementary School, Matagumpay
na inilunsad ang Paskomunidad
na ginanap sa Barangay Siguel,
Lungsod ng Heneral Santos.

Di alintana ang mainit ng


panahon nang binaybay ng
kaguruan ng Bawing Elementary
School na pinangunahan ng
kanilang punong guro, Ginang
Eva A. Bualan kasama ang ilan sa mga SPG Officers ang daan papunta sa mga kabahayan ng
mga piling kabataan para mag-abot ng tulong. Malaking suporta ang ipinaabot ng Student Pupil
Government (SPG) na pinangunahan ng kanilang tagapayo na si Teacher Fernie G. Celeste sa
pagbabahagi ng mga groceries katulad ng bigas, canned goods, at cash assistance.

Bukod pa rito, nagpaabot din ng sariling suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng


dagdag na pagkain at groceries ang mga mag-aaral na sina Ande Carlo Jermo na siyang SPG
President at nasa ikaanim na baitang at si Raeou Psywryst Mantua na siyang SPG Vice President
at nasa ikalimang baitang upang maipahayag ang kagustuhang makapagbigay kasiyahan lalo na
ngayong panahon ng kapaskuhan.

Naipaabot naman ang mga nalikom na tulong sa 4 na nararapat at piling mga kabataan sa
kani-kanilang mga tahanan. Ang mga kabataang ito ay sina Marchie Sorbito at Justine Manatad
na pawang nasa ikaapat na baitang, Anie Jane Catadman na nasa ikalimang baitang, at Krezly
Nayanaya na nasa ikalawang baitang na pawang mga mag-aaral ng naturang paaralan.

Bakas sa bawat ngiti at mata ang walang mapagsidlang galak ng mga batang nakatanggap
ng tulong. Hangad lamang ng paaralan na ipakita sa kanila na bagama’t malaking suliranin ang
kanilang kinakaharap dahil sa kanilang sitwasyon ay may mas maliwanag at masayang bahagi
ang buhay na makikita sa pamamagitan ng pagtatanim ng kabutihan sa puso ng bawat isa. Di
kailanman hadlang ang pandemya o kahit ano mang dagok upang maipahayag ang mabuting
kalooban na tumulong lalo na sa mga nangangailangan.

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY

Taong Panuruan 2021-2022,


Nagbukas na.

Pormal na inilunsad ang pagbubukas ang panuruang


taon ng 2021-2022 noong ika-13 ng Setyembre, taong 2021.
Sinimulan ito nang unang pinatunog ang school bell bilang
hudyat para sa pagbubukas ng taong panuruan. Kasunod nito
ay ang on-site flag ceremony na dinalohan ng ilang mga guro
na pinangunahan ng punong-guro ng paaralan na si Ginang
Eva A. Bualan. Nagbigay din ng mensahe sa pagbubukas ng
taong panuruan ang butihing Master Teacher na si Ginang
Elvie J. Opeña at sinundan ito sa pagbibigay ng mensahe ng
pasasalamat na ibinahagi ni Ginang Mary Ann S. Manda na
siyang gumaganap bilang Guidance Councelor ng naturang
paaralan. Inilunsad din ang virtual flag ceremony na nilahokan
ng mga guro na wala sa paaralan dahil sa alternative work arrangement (AWA). Ginanap ang
naturang pakikibahagi sa pamamagitan ng google meet. Naka-live coverage naman ito sa official
facebook page ng paaralan upang ang mga mag-aaral at mga magulang ay makasali.

Magpapatuloy ang modular learning para sa panuruang taon kung saan ang mga
estudyante ay mag-aaral gamit ang Self Learning Modules, Learning Activity Sheets (LAS),
Summative Tests, at Performance Tasks. Nasusubaybayan din ng mga guro ang pag-unlad ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng group chats o kahit anumang paraan para
makipag-ugnayan sa kanila na nag-aaral sa kanya-kanyang mga tahanan. Umaasa rin ang mga
guro ng paaralan sa buong suporta at partisipasyon ng mga magulang sa pagkuha ng mga
modyul.

Di man tulad ng nakasanayan, nananatili parin ang positibong pananaw ng kagawaran at


ng eskwelahan na maipagpatuloy ang magandang pamantayan ng edukasyon bilang pagtugon sa
adbokasiyang “Education for All”. Di kailanman hadlang ang pandemya upang matugunan ang
pangangailangan ng mga kabataan sa aspeto ng pagkatuto o edukasyon.

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY

Ilang guro sa Bawing Elementary School, Kinilala!

Ilang guro ng paaralan ang biningyang pagkilala sa nakaraang Pasidungog 2021 noong
ika-21ng Hulyo, 2021. Binigyang pagkilala ang mga natatanging guro dahil sa mga naiambag
nilang sa paggawa ng SSLMs at RBI/TVBI para sa dibisyon ng Heneral Santos. Narito ang mga
gurong binigyan ng pagkilala. Mula sa ikatlong baitang; Ginoong John Ryan Mellejor, Binibining
Vivien Joy B. Boniel, Ginang Jocelyn Omar at Ginang Lilibeth Lantaya. Mula naman sa ikaapat na
baitang; Ginoong Jaylord Pudang, Binibining Glyca Mae Omaya at Ginang Vanessa Lozarita.
Mula naman sa ikalimang baitang; Ginoong Ali Farcy Esmael, Ginoong Mark Vincent Besueno at
Ginoong Mark Edson Garcia. At mula naman sa ikaanim na baitang ay si Ginang Elvie J. Opeña.

Isang guro pa ang kinilala, ito ay si Ginoong Jaylord V. Pudang, dahil sa husay nito sa
pagkanta kasama ang kanyang mga kagrupo sa ginanap na kompetisyon noong Setyembre, 2021
na may pamagat na 2021 RDC Week Celebration na may temang ”RDC XII RISE towards a
Healthy and Resilient SOCCSKSARGEN”. Ang naturang kompetisyon ay nilahokan ng iba’t ibang
ahensya sa Rehiyon at sila ang itinanghal sa ikalawang pwesto ng nasabing kompetisyon. Bago
pa man natapos ang taon, si Ginoong Pudang ay isa sa mga gurong kumanta sa pagbubukas ng
Virtual Paskuhan sa Gensan 2021 nong ika-17 ng Disyembre, 2021.

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap, positibo at taos-puso pa ring naglilingkod ang mga guro
ng paaralang elementary ng Bawing sa mga magulang, komunidad, bayan at mga mag-aaral nito

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY

Bawing Elementary School bids goodbye to 2021 and welcomes 2022!

2021 finally came to an end and yes! another pandemic year was over! Despite all the
challenges encountered, from adjustments in alternative work arrangements like working from
home and working on site, we prevailed, we conquered all the trials and problems may it be
concerning work or personal matters.

We may have struggled balancing work while at home, taking care of our kids, siblings,
parents, relatives, our family, but hey! We survived! And we survived the year strong and capable.
Strong as we are still able to see our family sound and healthy. Capable as we have successfully
adapted to the “New Normal” of our modern society.

As we face another year, were COVID-19 is still present, may we continue to apply by heart
all the necessary precautions and protocols we have learnt and be more vigilant as we thrive to
survive in this time of continuing pandemic. May the year 2022, be the year of stories of optimism
rather pessimism, successes rather than losses, and continued faith rather than doubt!

Happy New Year!

PRRD and DepEd Officials New Year Greetings and Messages

“We expect nothing less but more challenges in 2022. But as we have witnessed and celebrated
more stories of passion and ingenuity of our dear teachers, staff, learners, and partners, we are
confident that, as long as we are united we can weather any storm that comes our way.”

Leonor Magtolis Briones


Secretary of Education

“Every moment is a fresh beginning”

I am grateful for God’s blessings, guidance, and protection, and love for the past many years of
our lives and existence.

We have survived the test of time and become more resilient amidst the challnges that made us
tremble but did not make us down

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII-SOCCSKSARGEN
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
BAWING ELEMENTARY SCHOOL
ALONG NAT’L HIGHWAY, BARANGAY SIGUEL, GENERAL SANTOS CITY
We become the better version of ourselves! We have achieved significant milestones and we did it
with flying colors as shown by various recognitions and awards

This is the manifestation of our teamwork and a product of hardwork, dedication, and passion to
serve.

As we face 2022, let us level-up our performance. We shall set clear targets and truly understand
them by heart and implement them properly while maintaining peace and harmony in the process.

We can all do these because


WE ARE ONE AND WE HAVE EACH OTHER!
Let us remember, “Life is not about EXPECTING, HOPING and WISHING, It is about DOING,
BEING, and BECOMING!

Have a Wonderful and Fruitful 2022.

Address: Along Nat’l Highway, Barangay Siguel, General Santos City


Telephone No: (083)-500-0338
Email: bawinges@gmail.com

You might also like