You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV - A (CALABARZON)
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL

TALA NG KASUNDUAN
Ang kasunduang ito ay ginawa para sa mga mag-aaral ng
GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL, sa pagitan ng
MGA MAGULANG AT MGA MAG-AARAL NG (GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH
SCHOOL)
-at-
PAMUNUAN NG (GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL)
KUNG SAAN, ang PAARALAN ay magpapahiram ng tablet sa kaloob ng Dibisyon ng Imus City
at PANGLUNGSOD NG IMUS upang mapadali ang “distance learning” bilang paraan ng
pagkatuto ng mga mag-aaral bunsod ng kinakaharap na sitwasyon ng daigdig ngayong panahon
ng pandemya. Ito ay ipapatupad para sa patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

KUNG SAAN, ang mga GURO ang mag momonitor ng tablet, sila din ang magpapapirma at
magtatago ng listahan kung saan nakalagay ang serial number ng tablet bilang pagkakakilanlan
ng tablet na ibibigay sa mga mag-aaral.

KUNG SAAN, ang MAGULANG ay nangangakong aalagaan at iingatan ang tablet na binigay sa
kanila. Pananagutan ng magulang sa paaralan kung ito ay masisira o mawawala. Ang tablet na
matatanggap ng G11 ay gagamitin hanggang matapos sila sa G11. Kapag natapos sila ng G11
ito ay ibabalik sa paaralan upang magamit ng mga susunod pang mga mag-aaral.

NGAYON, sa pagitan ng PAMUNUAN NG GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL


at MAGULANG, ay nagkasundong ipatupad ang mga sumusunod:

A. ANG MGA GURO ay marapat na:

• Magpatupad ng mga alituntunin hinggil sa pagkuha ng mga magulang ng tablet sa


paaralan;
• Subaybayan ang mga mag-aaral kung nagagamit sa tamang paraan ang tablet na
binigay, gayundin upang siguraduhin kung nakakapagpasa ang mga mag-aaral ng
mga gawain na dapat tapusin.
• Magbigay ng “basic instruction” sa paggamit.

B. ANG MGA MAGULANG ay:

• Inaasahan na kukuha at magbabalik ng tablet kasama ang (keyboard, kahon, charger,


headset at simcard) sa paaralan.
• Iingatan ang tablet upang hindi ito masira o mawala. (Responsibilidad ng magulang
kung ito ay mawawala o masisira).

Address: 090 Anabu II-A, City of Imus, Cavite


Telephone No: (046)456-5752 / (046)418-1083
E-mail: genjuancastaneda2016@yahoo.com
Website: http://gjcastanedashs.weebly.com/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV - A (CALABARZON)
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL

• Makikipag-ugnayan sa paaralan para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.


• Gagabayan ang mga anak sa paggamit ng tablet sa pag-aaral ng SELF LEARNING
MODYUL. Subaybayan kung nagagawa o nasasagutan ang mga ipinapagawa ng mga
guro.
• Makikipagtulungan sa mga guro, lalo’t higit kung ang tablet ay nasira o nawala.
• Makikipag-ugnayan sa paaralan kung may makikitang depekto/sira. Hinihikayat ang
mga magulang na sa paaralan makipag-ugnayan at hindi sa social media tulad ng
Facebook, Twitter, Instagram atbp.
• Ibabalik sa paaralan ang tablet kung ang anak ay titigil na sa pag-aaral at kung sila ay
lilipat ng paaralan.

ANG MGA MAG-AARAL ay sumasang-ayon / inaasahan na:

• Iingatan ang tablet na ibibigay. Siguraduhin na ito ay laging nasa magandang kundisyon.
• Gagamitin ang tablet upang mapadali ang pag-aaral at pagpapasa ang mga mag-aaral ng
gawain na ibinigay ng guro.
• Makikipag-ugnayan sa guro kung ito ay nawala o nasira.
• Ibabalik sa paaralan ang tablet kung ang mag-aaral ay titigil na sa pag-aaral at kung ito
ay lilipat ng paaralan.
• Iwasang gamitin ang tablet maliban sa gawaing pag-aaral.

C. TAGAL NG KASUNDUAN

Ang kasunduang ito ay sumasakop sa Taong Pampanuruan 2020-2021 hanggang Taong


Pampanuruan 2021-2022, habang ang bansa ay nasa panahon ng pandemya sanhi ng COVID-
19 at marapat na baguhin at ipagpatuloy sa mga susunod na taon alinsunod sa deklarasyon ng
Kagawaran ng Edukasyon at pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, kung saan ang bansa ay
ligtas na sa pandemya at sa pagkakaroon ng bakuna na magpoprotekta sa mga mag-aaral at
guro. Kung saan ang mga PAMUNUAN NG GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL
at MAGULANG ay nagpapahayag ng kanilang karapatan sa pakikiangkop sa mga
napagkasunduan.

Address: 090 Anabu II-A, City of Imus, Cavite


Telephone No: (046)456-5752 / (046)418-1083
E-mail: genjuancastaneda2016@yahoo.com
Website: http://gjcastanedashs.weebly.com/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV - A (CALABARZON)
SCHOOLS DIVISION OF IMUS CITY
GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL

BILANG PATUNAY, ang mga PAMUNUAN NG GEN. JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH
SCHOOL at MAGULANG ay lumagda sa ibaba ngayong ika -20 ng Mayo, sa taong 2021 sa GEN.
JUAN CASTAÑEDA SENIOR HIGH SCHOOL, Anabu 2A, Imus City, Cavite.

_______________________________

Pangalan at lagda ng Magulang

ARLENE D. BURLAZA
Pangalan at lagda ng Gurong Tagapayo

Nilagdaan sa harap at bias ni:

EDGAR A. RIVERA
School Property Custodian

AIDA C. BELLON
Punong-Guro

Address: 090 Anabu II-A, City of Imus, Cavite


Telephone No: (046)456-5752 / (046)418-1083
E-mail: genjuancastaneda2016@yahoo.com
Website: http://gjcastanedashs.weebly.com/

You might also like