You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office
BAGONG BARRIO NATIONAL HIGH SCHOOL
M. De Castro St. Cor. General Malvar Extension, Bagong Barrio, Caloocan City
Office of the School Principal

“Lakbay-Tuklas 2023: Paglalakbay ng Taga-Barrio, Pagtuklas at Pagkatuto”


SY 2023-2024

CONSENT FORM

Pangalan ng mag-aaral: _____________________________________________________________


Petsa ng kapanganakan: ________________________________________ Kasarian: ____________
Pangalan ng Magulang/Tagapangalaga: ________________________________________________
Kaugnayan sa mag-aral: _____________________________________________________________
Tirahan: __________________________________________________________________________
Contact number/s: _________________________________________________________________
LAKBAY TUKLAS 2023
Pangalan ng Gawain: _______________________________________________________________
Destinasyon: ______________________________________________________________________
Change Maker 2040 / Enchanted Kingdom

Bilang magulang/tagapaggabay ng mag-aaral na nabanggit sa itaas, lubos kong kinikilala at


nauunawaan ang mga impormasyon ukol sa gawaing pampaaralan at boluntaryo kong pinapayagang
makilahok sa naturang gawain. Gayundin, lubos kong nauunawaan ang mga hindi inaasahang
pangyayari na kaugnay ng gawaing ito at sumasang-ayon ako sa mga alituntunin nakapaloob sa
kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, sa gayon sumasang-ayon ako na sundin ito ng aking
anak/mga anak.

Dahil nauunawaan ko at kinikilala ko ang lahat ng nabanggit, pinahihintulutan ko ang aking


anak/mga anak na makilahok sa gawain. Sa gayon, kinikilala ko ang aking pananagutan kasama ang
lahat ng gastusin na kaakibat ng nasabing gawain.

Pangalan at lagda ng magulang/ Petsa


tagapangalaga

Mga Tala (iba pang impormasyon na nais mong ipaalam sa guro, tulad ng kalagayan sa kalusugan
ng bata, atbp.)

Excellence, Commitment, and Altruism toward School, Community, and Nation Building
Address: M. De Castro Street, Barangay 142, Bagong Barrio, Caloocan City
Telephone Number: 8-277-2002
Email Address: bbnhs1979@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office
BAGONG BARRIO NATIONAL HIGH SCHOOL
M. De Castro St. Cor. General Malvar Extension, Bagong Barrio, Caloocan City
Office of the School Principal

Mga Alituntunin/Dapat Tandaan at Sundin:


1. Ang huling araw ng pagbabayad ng halagang P1,590 para sa Educational Field Trip ay sa January
9, 2024, alas-3 ng hapon. HINDI NA MAARING MAGBAYAD PAGKATAPOS NG DEADLINE.
2. HINDI MAARING SUMAMA ang mga maysakit tulad ng HIKA, SAKIT SA PUSO, MAHIHILUHIN,
LAGNAT at iba pang sakit na magiging dahilan ng pagkaabala ng biyahe.
3. Ang tamang kasuotan ng mga mag-aaral ay PE UNIFORM at Rubber shoes. Kung magdadala ng
pamalit na damit kailangan ito ay puting T-shirt. BAWAL ANG IBANG KASUOTAN.
4. Kailangang may suot na ID para sa pagkakakakilanlan.
5. Kapag magbabayad, kailangang dala ang ID at ang PERMIT/CONSENT FORM na ito na pirmado
ng magulang.
6. May mga sticker na maaaring idikit sa inyong mga damit o ID card o di kaya ay tatak (stamp) sa
kamay. BAWAL itong tanggalin o burahin dahil palatandaan ito sa pagpasok sa mga destinasyon.
7. Bibigyan kayo ng Bus Number at dito lamang kayo pwedeng sumakay. Bawal lumipat ng bus
dahil hindi makakaalis ang bus kapag hindi kumpleto lahat ng nakasakay.
8. Kailangang istriktong sundin ang itinakdang oras:
5:30 am - BBNHS QUADRANGLE
6:00 am - Moving Out and Departure
HINDI HIHINTAYIN ANG MGA DARATING NANG LATE.
9. Magdala ng pagkain at inumin dahil walang mabibilhan sa mga daraanang lugar o destinasyon.
10. Bawat bus ay may isang TOUR GUIDE at Teacher-Escorts. Huwag kayong hihiwalay sa kanila sa
pagpunta sa mga destinasyon. Kung pupunta sa CR, magpaalam sa Teacher o Tour Guide.
Kailangang laging may kasama at bumalik kaagad sa bus upang hindi maging dahilan ng abala.
11. Magdala ng payong, sombrero at jacket bilang proteksyon sa ulan, araw, at lamig.
12. Iwasan ang maging maingay at makulit sa biyahe. Manatiling nakaupo habang tumatakbo ang
bus upang maiwasan ang aksidente. HUWAG BUBUKSAN ANG BINTANA NG BUS.
13. Maging magalang sa lahat ng oras, kaninuman at saan man naroroon.
14. Sundin ang mga alituntunin sa bawat destinasyon. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa bus at sa
mga lugar na pupuntahan.

Excellence, Commitment, and Altruism toward School, Community, and Nation Building
Address: M. De Castro Street, Barangay 142, Bagong Barrio, Caloocan City
Telephone Number: 8-277-2002
Email Address: bbnhs1979@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office
BAGONG BARRIO NATIONAL HIGH SCHOOL
M. De Castro St. Cor. General Malvar Extension, Bagong Barrio, Caloocan City
Office of the School Principal

15. Maaring magdala ng bags, cellphone at iba pang gadgets ngunit ito ay responsibilidad ng mag-
aaral. Walang pananagutan ang Bagong Barrio National High School at Tour Provider sakaling ito
ay mawala o masira.
16. Ipinagbabawal ang PDA (Public Display of Affection) sa loob man ng bus o sa mga destinasyon.
17. Huwag magsuot ng mga alahas. Sapat na ang simpleng wristwatch.
18. Bawal magdala ng alak, sigarilyo, droga at patalim o anumang bagay na makakasakit o
nakamamatay.
19. Ang pagsama sa Educational Field Trip na ito ay BOLUNTARYO lamang at walang karagdagang
grado o kapalit na anumang gawain o proyekto.
20. Ang tantiyang oras ng pag-uwi at pagdating sa SSS ay alas-9 ng gabi:
21. Ang mga susuway sa alinman sa mga alituntuning ito ay mabibigyan ng DISCIPLINARY ACTION
batay sa mga kasalukuyang alituntunin ng paaralan.

Excellence, Commitment, and Altruism toward School, Community, and Nation Building
Address: M. De Castro Street, Barangay 142, Bagong Barrio, Caloocan City
Telephone Number: 8-277-2002
Email Address: bbnhs1979@gmail.com

You might also like