You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A, CALABARZON
Division of Quezon
TAGKAWAYAN DISTRICT 1
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
Tagkawayan

MGA ALITUNTININ SA PAGKUHA AT PAGBABALIK NG MODYUL


1. Ang paaralan ay magtatalaga ng apat na dropping point kung saan kukunin at ibabalik ng mga magulang ang mga
Modyul na gagamitin ng mga bata sa kanilang bahay at ito ay ang mga sumusunod:

A. Centro A
B. Centro B
C. Sitio: Pinag – Usahan / Caigdan
D. Sitio: Binaliw/ Manlipad
E. Sta.Monica/Sto.Niño/San Francisco/Poblacion

2. Sa bawat itinalagang dropping point ay may naka assign na PARENT LEADER na siyang kukuha sa paaralan ng mga
Modyul kalakip /kasama ang listahan ng bawat mag-aaral na kanyang bibigyan. (Paalaala o Tagubilin: mga
MAGULANG ang kukuha ng mga Modyul ng bawat mag-aaral, maaari pong FAMILY MEMBER pero dapat po ay 18
yrs old pataas at 60 yrs old pababa. Ibig sabihin po bawal ang bata at senior citizen.

3. May araw na nakatalaga sa pamimigay at pagbabalik ng Modyul

A. Tuwing Biyernes Ika 8 ng umaga ay kukunin ng bawat Parent Leader ang Modyul sa paarala, may naka assign
pong guro sa bawat Sitio.
B. Tuwing Biyernes din ay ibabalik sa Parent Leader ng mga magulang ang mga Modyul na ginamit na at ibabalik
ito sa paaralan, kung kaya’t ipinapaalam na dapat ay naibalik ng mas maaga ng mga magulang sa Parent
Leader ang mga Modyul tuwing Biyernes bago sumapit ang ika 8 ng umaga.

4. Ang mga magulang na kukuha ng Modyul ay pipirma sa listahan na nasa Parent Leader upang ng sa gayon ay
malinaw at alam ng guro na maayos na naipamigay sa mga magulang ang Modyul. Kung sakali at di maiiwasan na
may magulang na hindi nakakuha ng Modyul ay irereport ito ng Parent Leader sa guro sa pamamagitan ng text or
phone call. Gayong Sistema din ang gagawin sa pagbabalik ng Modyul.

5. Ang Modyul ay hindi susulatan ng kahit ano sa halip ay sa papel magsasagot ng mga aktibiti o pagsusulit at ang
papel na sinagutan ay kasamang ibabalik sa Modyul at ito ay iiipunin ng mga guro sa bawat portfolio ng mga bata
na magiging batayan sa pagbibigay ng marka/nota ng bawat bata.

6. Mahigpit pong ipinapaalala na ito ay Gawain ng mga bata kaya po pagdating sa pagsusulit ay hayaan natin na sila
ang gagawa, subalit mahalaga po ang gabay ng magulang sa pagkatoto kung kaya’t hinihiling po naming na
gabayan ang mga bata sa Gawain. Ito po ay Guided Learning.

7. Ang mga magulang ay bibigyan ng kopya ng mga schedule ng daily activities ng bata para sa tamang paggabay.
Ang Modyul ay pang isang lingo gawain kung kaya’t kailanagn po na nakabatay sila sa tamang oras sa schedule na
ibibigay upang ng sa gayon ay matapos ng mga bata ang Modyul sa tamang panahon. Inaasahan po na ang lahat
Gawain ng bata sa Modyul ay masasagutan. (Ang bawat bata ay tatanggap ng 7 Modyul ang Grade One at 8
Modyul ang Grade 2-6)
8. Kung sakali po at may katanungan ay maaring tumawag/chat/text o kaya sa ating Group Chat sa mga adviser ng
inyong mga anak. Kung kaya’t hinikayat po na makikisuyo na makikibigay ng Contact number sa bawat adviser
para sa mas madaling usap (communication)

9. Hinihikayat po na kung may puna/feedback sa ating gagawing bagong pamaraan ng pagkatoto ng mga bata ay
iparating sa mga guro at pinuno ng paaralan. Pwede po bumisita sa paaralan upang ipahatid ang inyong
suggestions/comments kung meron man.

10. MALAWAK na pang unawa po ang aming hinihiling sapagkat tayo po ay nasa panahon ng PANDEMIC. Maraming
pagbabago at pabago bago at walang makakapagsabi kung hanggang kailan po natin ito mararanasan. Sana po ay
magabayan natin ang ating mga anak sa ating bagong paraan ng pagkatoto. Wala po tayong magagawa kundi
tanggapin ang NEW NORMAL na kung saan tayong lahat po ay bago sa mga Gawain. KAMI po ang Bagong Silang
Elementary School Teaching Force sa pamumuno po ng inyong lingkod (MRS. JOSEPHINE L. PARAL) bilang pinuno
ng paaralan katuwang ang masisipag na mga guro ay umaasa na NO CHILD will be left behind and LEARNING
must be continuing. Ginagawa at gagawin po namin ang aming makakaya PARA SA BATA katuwang ang
Sangguniang Baranagy ng Bagong Silang at Sto. NIňo, mga magulang, stakeholders, mga Tanod, PTA at buong
komunidad sapagkat naniniwala po kami na kaya natin itong malamapasan una sa awa ng DIYOS at sa
pagtutulungan ng lahat.
#SULONGEDUKALIDAD
#PARASABATA
#BAWATBATAKINAKALINGA

Kami po mga magulang ay sumasang ayon at nakikiisa sa mga alituntinin na ito kung kaya’t kami po ay kusang
loob na pumirma dito bilang pag sang ayon ng walang tutol.

Nilagdaan sa pagpupulong na ginanap sa paaralan August 14, 2020 sa San Isidro Elementary School.

PANGALAN KATUNGKULAN LAGDA

PANGALAN KATUNGKULAN LAGDA


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A, CALABARZON
Division of Quezon
TAGKAWAYAN DISTRICT 1
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
Tagkawayan, Quezon

MEMORANDUM OF AGREEMENT

MARIA N. ROSALDO
AKO si __________________________________ San Isidro Tagkawayan, Quezon
ng Barangay ____________________________
STA. MONICA/STO.NIÑO/SAN FRANCISCO/POBLACION
na napili bilang PARENT LEADER ng ________________________________________________________
ay tinatanggap ko ng boung puso ang mga gawaing iniatang sa akin sa abot ng aking makakaya. Aking
gagawin ng kusang loob ang mga tungkulin/ obilgasyon na nakapaloob sa MGA ALITUNTININ SA
PAGKUHA AT PAGBABALIK NG MGA MODYUL ngayong Taong Panuruan 2020-2021 simula sa Opening
ng Class sa October 5, 2020 hanggang sa pagtatapos nito sa June 2021. Malinaw po sa akin at aking
binasa at sinang ayunan ang aking tungkulin na nakapaloob sa alituntunin at ako ay kaako sa paglagda
dito.
Nilagdaan ngayong ika- ______ Agosto, 2020 sa San Isidro Elementary School.

____________________________
PANGALAN AT LAGDA
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A, CALABARZON
Division of Quezon
TAGKAWAYAN DISTRICT 1
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
Tagkawayan

PANUNTUNAN SA PAGPASOK SA LOOB NG PAARALAN

1. Mahigpit na pagpapatupad sa pagsunod sa mga alituntunin ng Health Protocol gaya ng


NO FACE MASK NO ENTRY

2. Sa pagpasok sa paaralan may nakatalaga ng Guro sa gate upang I check ang body temperature gamit
ang thermal scanner ng bawat dadating. Kung sakali at may mataas na temperature ng higit sa 37.5 siya
ay pauuwiin at di na papayagang pumasok sa loob ng paaralan.

3. Ang bawat papasok ay kinakailangang lumagda sa Log Book. Isusulat ang petsa, pangalan, address,
contact number, temperature, lagda at purpose ng pagpunta sa paaralan. (Note: ipanapaalala po na
kanya kanyang dala ng ballpen)

4. Nakalagay din sa gate ang footbath kung saan kinakailangang tumungtong ang bawat papasok sa loob
ng paaralan for disinfection purpose.

5. Palaging maghugas ng kamay. Naglagay ng alcohol 70%

6. Tamang pagsunod sa physical distance measures one-meter na ginawa sa paaralan.

7. Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng paaralan.

8. Hinihikayat na kung sakaling merong pagpupulong ay iwasan ang paglalapit lapit, umupo sa tamang
upuan itinalaga following 1-2 meters distance.

9. Magdala ng kanya kanyang inumin o kagamitan sa pagkain .

10. Ang pagtambay at pag uuli sa paaralan ay kung hindi naman kinakailnagan ay mahigpit na
ipinagbabawal. Sa covered court lamang pinapayagan pumunta ang nagnanais na pumunta sa paaralan
kung may kailangan.

11. At kung sakaling may nararamdaman ay wag mag atubili na magpatingin sa Barangay Health Emergency
Response Team (BHERT)
PREVENTION IS BETTER THAN CURE. BE SAFE. BE A COVID FREE

You might also like