You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN PABLO ELEMENTARY SCHOOL

ACTIVITY COMPLETION REPORT


Title : Year-End State of the School Address (SOSA) cum Presentation of Status of
Implementation of the School Report Card

Objective: To present the status of the year-end state of the school address.

Date : July 16, 2021

Venue : Via School FB Page

Participants: Students, Parents, Teachers, and School Head/OIC

Narrative:

Pursuant to DepEd Memorandum No. 160, s. 2016 re Status of Implementation of the School Report
Card, the school heads shall deliver their State of the School Address (SOSA) S.Y. 2020-2021 in the
presence of the parents, LGU, private partners and other internal and external stakeholder during graduation.
However, due to pandemic, virtual graduation was held and so the state of the school address was deliver
through audiovisual presentation. San Pablo Elementary School State of the School Address state as follows:
Sa gitna ng banta at hamon patuloy na babangon, “KALIDAD NG EDUKASYON LALONG PATATAGIN
SA GITNA NG PANDEMYA”.

Sa kabila ng mga pagsubok na humamon sa ating pagkakaisa walang balakid ang nagpahinto sa
pagpapatuloy at pagkamit ng de kalidad na edukasyon dito sa Paaralang Elementarya ng San Pablo.

Dahil sa sama-sama nating pagkakaisa sa pangunguna ng punungguro at mga guro sa tulong ng mga
magaaral, magulang at iba pang mga tagapagtaguyod ng paaralan mula sa mga bumubuo ng kagawaran
ng Edukasyon Division of Bulacan, Distrito ng Silangang Hagonoy sa pangunguna ng ating Tagamasid
Pampurok Dr. Alvin V. Nuqui at iba pang mga tagapagtaguyod ng paaralan ay maluwalhati nating
napagtagumpayan ang iba’t ibang hamon na ating kinaharap sa taong pampaaralang ito. Naging kaagapay
namin kayo upang lalong matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa gitna ng
pandemyang ito at harapin ito ng positibo at buong tatag.

Ang kahandaan ng paaralan sa pandemya ay naipakita sa pagsasaayos ng mga alituntunin at


pamantayan ng paaralan alinsunod sa mga patakarang inilabas ng Inter Agency Task Force o IATF na

San Pablo Hagonoy, Bulacan


Email : 104845@deped.gov.ph
Contact No. : (044)792-0118
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN PABLO ELEMENTARY SCHOOL

nakapaloob sa ginawang Learning Continuity Plan ng Paaralan na inihain at inparubahan ng mga guro,
mag-aaral at magulang , kasama ang Local Government ng Baranggay San Pablo, Hagonoy, Bulacan.

Masidhing tumalima ang paaralan at masususing naghanda upang ang adbokasiya sa pagtataguyod ng
ligtas at maayos na daloy ng pagtuturo at pagpapatuloy ng de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng
Modular Distance Learning ay maipatupad.

Gayundin ay maayos at ligtas na naipabatid at naisagawa ng paaralan ang mga hakbang para sa ligtas na
pagtungo ng mga magulang sa paaralan sa pamamagitan ng masusing paghahanda ng mga pagpupulong
na ginanap na nagbigay kaalaman at impormasyon sa mga magulang patungkol sa ibang ibang Health
Protocols pangkaligtasan sa loob at labas ng paaralan.

Batid nating lahat na nagdulot ng malaking takot ang pandemya subalit ang ating Paaralan ay di
nagpatinag sa bantang ito at bagkus ay nagpatuloy tayo sa paghatid ng maayos na serbisyo sa ating mga
mag-aaral.

Ang Paaralang Elementarya ng San Pablo ay isa sa mga paaralan dito sa Distrito ng Hagonoy na patuloy
na nakikipagsabayan sa pag-unlad sa ibat ibang aspeto at larangan. Kagaya ng mga sumusunod:

1. Patuloy na pagtaas ng populasyon ng mga mag-aaral mula sa 332 noong taong pampaaralang 2019-
2020 at sa kasalukuyan ay umabot na sa 370 ang populasyon ng mga mag-aaral sa taong pampaaralang
2020-2021.

2. Kasabay din nito ang pagdami ng bilang ng mga guro na ngayon ay may kabuuang bilang na labing
dalawa mula sa Kindergarten hanggang sa ika anim na baitang. Binubuo ito ng dalawang Master
Teachers, limang Teacher III, isang teacher II at apat na teacher I.

3. Pagkakaroon ng higit na maayos na mga Learning Centers na tutugon sa mga pangangailangan ng mga
guro at mag-aaral katulad ng LRMDS Corner, Clinic Room at School Canteen.

4. Pagkakaroon ng higit na maayos at ligtas na mga silid aralan na may kabuuang bilang na labing isa (11)
na nakasunod sa Health Protocols ng paaralan.

5. Patuloy ang pagsusumikap ng paaralan upang ipakilala ang ang angking talino at husay ng ating mga
kaguruan. Bunga nito ang pagkilala sa mga gurong gumawa ng ibat ibang Modules para sa ibat ibang
asignatura na higit na nakatulong upang maihatid ang pagkatuto sa ating mga mag-aaral.

6. At mula din sa Maintenance and Operating Expenses ng Paaralan o MOOE ay naipasaayos natin ang
ating Washing Facilities bilang pagtugon sa Project WASH sa pagtutulungan ng Department of Education
at Department of Health.

San Pablo Hagonoy, Bulacan


Email : 104845@deped.gov.ph
Contact No. : (044)792-0118
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN PABLO ELEMENTARY SCHOOL

7. At pagsasaayos din ng ating School Ground. Lahat ng ito ay para sa maayos at ligtas na paaralan.

8. Kasama din dito ang pamamahagi ng mga bond papers at iba pang supply mula sa MOOE ng paaralan.

Lubos na nagagalak din ang paaralan sa mga nagpaabot ng tulong sa paaralan upang maitaguyod at
maipagpatuloy ng maayos ang Modular Distance Learning. Sa pangunguna ng ating butihing Mayor ng
Hagonoy, Igg. Raulito Amboy Manlapaz sa pagkakaloob ng Copier Machine upang mas lalong mapabilis
ang pagpapadami ng mga modules. Sa ating ama ng Brgy. Igg. Mar Castro (anu nga b full name nun
ahahaah). At sa bumubuo ng Sangguniang Baranggay, sa mga magulang at iba pang stakeholders ng
paaralan sa pagkakaloob ng mga bond papers. Lubos po ang aming pasasalamat.

Ang inani nating tagumpay sa paaralan ay tunay ngang nakakataba ng puso. Sa mga magulang, mag aaral
at mga taong naging kaagapay natin sa pagtamo ng mga karangalan at kaunlarang tinatamasa ng ating
paaralan….Maraming Maraming Salamat po at makakaasa kayong patuloy tayong susulong para maibigay
ang dekalidad na edukasyon sa bawat mag aaral sa paaralang Elementarya ng San Pablo.

Prepared by:

REGINA T. MENDOZA
Officer-in-Charge

San Pablo Hagonoy, Bulacan


Email : 104845@deped.gov.ph
Contact No. : (044)792-0118

You might also like