You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
PAOMBONG DISTRICT
KAPITANGAN ELEMENTARY SCHOOL
Office of the Principal

STATE OF THE SCHOOL ADDRESS


Tunay nga pong napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ng dumating ang inyong lingkod sa ating
sintang paaralan. Subalit hindi pa man nagtatagal ang ating pagsasama-sama ay ginimbal tayong lahat ng
pandemya.

Mahirap man ang kinakaharap natin sa ngayon subalit ang lahat ay gumagaan sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng bawat isa. Ang pagsasanib ng lakas, pag-iisa ng layunin at pagbubuklod-buklod ng adhikain
ang siyang naging susi kung bakit natin napagtagumpayan ang hamon ng nakraang taong pampaaralan 2020-
2021. Hindi naging hadlang ang Covid 19 upang hindi gumulong ang pag-aaral. Hindi naging balakid ito
upang hindi magpatuloy ang mga kasama kong guro sa pagiging bukal ng karunungan. Hindi naging sagabal
ito upang ang mga magulang ay magpunyagi upang magsilbing tanglaw sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Hindi naging harang ito upang magpatuloy ang pagbabayanihan ng iba’t ibang samahan upang matulungan
ang ating pangalawang tahanan na maitawid ang pag-aaral ng mga mahal nating kabataan.

Bunsod ng pagkakaisa ng lahat ay naisakatuparan ang mga sumusunod:


1. Pagbuo ng Learning Continuity Plan
2. Pagbuo, pagrebisa, pag-monitor ng Annual Implementation Plan
3. Pagpapatayo ng Balagtas Park
4. Pagpapintura ng mga silid-aralan, entablado, plant box, at gate
5. Pagbili ng paaralan ng mga school supplies at medical supplies
6. Pag-print ng mga guro ng 50% ng modules mula Kindergarten hanggang ikaanim na baitang na
ginamit mula Unang Markahan hanggang Ikaapat na Markahan
7. Sa pamamagitan po ng pagpapaigting at pagpapatatatag ng komunikasyon sa mga stakeholders ay
kasalukuyan pong ginagawa ang 2 handwashing facilities na donasyon ng Rotary Club of Barasoain, at
150 armchairs na donasyon naman ng Holy Rosary of Paombong. Madami ding mga magulang ang
nagbigay ng donasyon tulad ng face masks, bond paper, etc.
8. Naging matagumpay ang School-Based Validation na kung saana ng paaralan ay nakakuha ng 2.90 na
marka na may descriptive rating na Advanced.
9. May mga mag-aaral na naging benepisyaryo ng school-based feeding program
10. Marami ding mga guro ang nagpamalas ng husay sa paggawa ng modyul na ginamit sa buong
Sangay ng Bulacan. Ang ilan ay dumalo din sa mga seminar/workshop. Ang iba naman ay na-
promote .
11. Nakatanggap ang paaralan ng copier, laptop , bond paper, ink mula sa Tanggapan ng Punong
Bayan (Local School Board Fund)
12. Napagawa ang Office divider, transparency board at sliding door gamit ang Local School
Board Fund
13. Nakatanggap ang paaralan ng donasyon na kung saan napagsama-sama upang makabili ng
printer, aircon, at Combi-blinds

Ang badyet ng halos na naging programs, projects at activities ng paaralan ay


nagmula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at sa mga donasyon ng
internal and external stakeholders.
Tunay nga pong sa pagkakaisa uusbong ang tunay na tagumpay. Ang lahat po ng nakamit at
natanggap ng paaralan ay bunsod sa inyong lahat. Kayo po ang aming tunay na kabalikat upang
itaguyod ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Kaya naman ipagpatuloy po natin an gating
magandang samahan at nasimulan.

Maraming salamat po at pagpalain po tayo ng ating Panginoon.

Ang inyong lingkod, Armando P. Valencia.

ARMANDO P. VALENCIA
Punong-Guro II

You might also like