You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Oktubre 24, 2021

Pagbati ng isang Magandang Araw!

Malugod po akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang paggabay para sa


inyong mga anak para taong panuruuan 2021-2022. Mula sa paghahanda hanggang sa
pagbubukas ng klase para sa taong ito. Sisikapin kopo bilang gurong tagapayo ng inyong mga
anak na gawin ang aking makakaya upang tiyakin na magabayan sa lahat ng aspetong
pagkatuto ang inyong mga anak. Sabay-sabay po nating suungin ang mapanghamong istilo ng
pagkatuto na atin pong kinakaharap sa kasalukuyan. Matamo ang pangarap na inaasam ng
mga mag-aaral.

Isinagawa po natin ang pagpupulong noong Oktubre 18, 2021, dinaluhan po ito ng mga
magulang na nasa labing-lima. Mayroon pong mga humabol at ipinaliwanag ko nalang po
ang mga napag-usapan. Gayundin mayroon din naman pong hindi nakadalo dahil sa
mahalagang dahilan. Kaya naman po sinikap ko na ipaabot ang ating napagpulungan at
napagkasunduan para sa kabatiran ng lahat. Ang atin pong mahahalagang napagusapan ay
ang mga sumusunod;

1. Kumustahan- Tinalakay po dito ang kalagayan ng mga bata simula ng nagbuka ang
klase.
2. Pagtatalaga ng mga bagong opisyales ng mga magulang- Ang mga sumusunod po ang
napiling gumampan sa mga mahahalagang tungkulin.
President: Macaria Curativo
Vice-President: Jodephine Mangubat
Secretary: Lorna Silva
Treasurer: Fe V. Rodriguez
Auditor: Juliana Sanchez
P.I.O: Cherilyn De Gala
Bus. Manager: Rosario Balleteros
3. HPTA Project- Pinaalalahanan ng inyong lingkod ang nakaraang proyekto na
napagkasunduan na dapat ay mabayaran, upang maisakatuparan ang nasabing
proyekto. Para sa taong panuruan binigyang daan ang mga pangunahing
pangangailangan para sa silid-aralan bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face
kung pagkakalooban. Ilan sa mga proyekto ay pagbili ng kurtina, curtain rod,
pagsasagawa ng Bulletin Board, stand fan at maliit na plastic na lamesa. Ito ay
paghahatian ng mga magulang na nagkakahalagang P250.00 at napagkasunduan din
ng mga magulang na sa Nobyembre 29,2021 ang huling pagbabayad upang
maisakatuaparan ang mga nasabing proyekto.

AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL


Aurora, Naujan, Oriental Mindoro| 5204
0917-830-3891
nhsaurora@gmail.com |jury.roxas001@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

4. Computation of Grades- Tinalakay dito kung paano nabubuo ang mga grado ng mga
mag-aaral. Ito’y kinapapalooban ng Written at Performance, kung saan ang written ay
40% samantalang ang performance ay 60%. Pinapalalahanan na mangyaring
masagutan ang lahat ng gawain upang makakuha ng mataas na puntos sa bawat
gawaing inahanda ng mga guro sa ibat ibang asignatura.
5. End of Every Quarter-
September 13- Nov. 12 – Unang Markahan
Nov. 15- Jan. 28 – Ikalawang Markahan
Feb. 7- April 8 – Ikatlong Markahan
April 11- June 24 – Ikaapat na Markahan

Ito po ang kabuuang napagpulungan, naway nailahad kopo ng ayos upang ito po’y
inyong maunawaan. Sa mga may katanungan po maari pong akong tawagan sa numerong ito
(09465961947). Sa kabuuan naging maganda ang daloy ng pagpupulong, natapos ito nang
maayos. Maraming salamat po.

Inihanda ni:

Glomarie V. Villanueva
Gurong-Tagapayo
AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL
Aurora, Naujan, Oriental Mindoro| 5204
0917-830-3891
nhsaurora@gmail.com |jury.roxas001@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Lagda ng magulang/tagapag-alaga ______________


Buong Pangalan _______________________

AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL


Aurora, Naujan, Oriental Mindoro| 5204
0917-830-3891
nhsaurora@gmail.com |jury.roxas001@deped.gov.ph

You might also like