You are on page 1of 9

Senior High School

Activity Sheet sa Filipino sa


Piling Larang-Akademik
Kuwarter 2 – MELC 1
Pagtukoy sa Mahahalagang Impormasyon
para sa Isang Makabuluhang Pulong

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Filipino sa Piling Larang Akademik-12
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang (Filipino sa Piling Larang Akademik-12) Filipino 12 Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsulat ng Learning Activity Sheet - Filipino sa Piling Larang Akademik 12

Manunulat: Allea S. Mercado


Editor: Ida Flor C. Ferraris
Tagasuri: : Ida Flor C. Ferraris; Annamor M. Eleccion
Tagalapat: Annamor M. Eleccion, Khristine M. Vistar, Llaine Grace Coronel

Schools Division Quality Assurance Team:


Krystine Joyce D. Ledesma
Mariane Duerme
Division of Sipalay City Management Team:
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Ida Flor C. Ferraris
Julieth V. Acuña
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Mr. Celestino Dalumpines IV

2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang (Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet (LAS)
na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Schools
Division of Sipalay City at Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon – Kanlurang Visayas
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral
na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kanikanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet (LAS)


na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga magaaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pagunlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet na ito


ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Kuwarter 2, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan ng Mag-aaral:_______________________Grado at Seksiyon:__________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK 12


Pagtukoy sa Mahahalagang Impormasyon para sa Isang Makabuluhang Pulong

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis sa napag-usapan CS_FA11/12PN0j-l-92

II. Panimula
Susing Konsepto
Sa kasalukuyang panahon, ang pagpupulong o miting, lalo na ang business
meeting ay bahagi na ng buhay ng maraming tao. Pangkaraniwang gawain ito ng
bawat samahan, organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon at iba pa. Kadalasang
nangyayari ito o nagaganap na pulong sa opisina, lingguhang board meeting sa
kompanya, seminar at maging sa pagdaraos ng malalaking komperensiya.

Ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang


pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay
na pulong (Sudaprasert, 2014).

Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong


kabahagi bago isagawa ang pulong. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga
impormasyon: mga paksang tatalakayin, mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga
paksa at oras na itinakda para sa bawat paksa. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas
ng pulong tulad ng pagkasusunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano
katagal pag-uusapan ang mga ito. Nagsisilbing din itong talaan o tseklist na lubhang
mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa
mga paksang tatalakayin o pagdesisyunan at nakatutulong nang malaki upang
manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

Mga Bahagi ng Adyenda

▪ Lugar/Pook ng Pulong - Ang bahaging ito ng adyenda ang nagsasaad ng pook na


pagdadausan ng pulong.
▪ Oras ng Pulong - Ang pagtukoy sa tiyak na oras ang magsisilbing gabay sa mga
dadalo ng pulong kung gaano ang haba ng panahong magugugol sa pulong.
▪ Petsa ng Pulong - Tinutukoy sa bahaging ito ang araw ng pagsasagawa ng pulong.
▪ Paksa/Layunin ng Pulong - Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang layunin ng
isasagawang pulong. Sa paksa iikot ang daloy ng magaganap na pulong.

4
▪ Mga Dadalo - Sa bahaging ito, nililista ang mga pangalan ng taong inaasahang dadalo
sa isang pulong.
▪ Taong Tatalakay ng Paksa -Sa bahaging ito, ipinakikilala ang tiyak na taong
magtatalakay sa isa sa mga paksa ng pulong.
▪ Oras ng Pagtalakay -Ang bahaging ito ng adyenda ang magsisilbing gabay sa
tagapanayam o tagapagsalita kung gaano kahaba ang panahon ng kaniyang
pagtalakay sa paksang iniatang sa kaniya sa sa pagsasagawa ng pulong.
▪ Paksang Tatalakayin -Sa bahaging ito ng adyenda makikita ang paksang tatalakayin
ng isang tagapanayam o tagapagsalita sa isang pulong.

Halimbawa ng Adyenda

5
III. Mga Sanggunian

Aguinaldo, Michelle M. , et.al. 2020. Filipino sa Piling Larang-Akademik- Pagsulat


ng Akademikong Sulatin. Cagayan de Oro: Department of Education-Regional
Office 10.

Mingo, Tersita P. 2020. Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Memorandum,


Adyenda at Katitikan ng Pulong. Cagayan de Oro: Kagawaran ng Edukasyon –
Sangay ng Cagayan de Oro .

Valiente, Marvin A. 2019. Deped Learning Portal. March 25. Accessed October
13, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/15726.

Mercado, Baby Allea S. (2020). Halimbawa ng Memorandum at Adyenda (Hindi


nailatha

IV. Mga Gawain


1. Pagsasanay/ Aktibidad

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang halimbawang memorandum hinggil sa
isasagawang pulong. Mula sa binasang memorandum, bumuo ng
halimbawang adyenda na naaayon sa wastong pormat nito.
Pagkatapos, bumuo ng pag-aanalisa sa nabuong gawain.

6
GIL MONTILLA NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Gil Montilla, Sipalay City, Negros Occidental

20 Hulyo, 2020
MEMORANDUM PAMPAARALAN
Blg. 013, s. 2020

PAGDIRIWANG NG TAUNANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Sa mga: Gurong- Tagapanguna sa Filipino


Guro sa Filipino

1. Alinsunod sa Memorandum Pangkagawaran, Blg. 059, s. 2020, na naglalahad para sa


sabayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan na may
temang, Kasaysayan ng Wika, Wika ng Kasaysayan, Ang mga Katutubong Wika sa
Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.

2. Ipinagbibigay-alam sa lahat ang pulong na isasagawa ng paaralan sa darating na Hulyo


27,2020, mula ika-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa Silid Pulungan ng
Mancom Building.

3. Ang isasagawang pulong ay nauukol sa pagdiriwang ng paaralan sa taunang Buwan ng


Wika sa darating na ika-1 hanggang ika-30 ng Agosto, 2020.

4. Nakatakdang talakayin ng sumusunod na gurong tagapanguna ng asignaturang Filipino


ang mga paksang kaugnay rito:

Paksa Tagapagsalita
Layunin ng pagdiriwang Febien Constantino
Guro sa Filipino-SHS
Lingguhang paksa ng isang buwang Ceferina A. Aplaon
pagdiriwang Guro sa Filipino-JHS
Gawaing isasagawa sa isang buwang Allea S. Mercado
pagdiriwang Guro sa Filipino-SHS

5. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa nabanggit na gawain.

Edna T. Arbon
Kawaksing Punong-guro

7
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Mula sa halimbawang
sitwasyon, bumuo ng isang makabuluhang Adyenda na nagtataglay ng
mahahalagang impormasyon na gagamitin sa isang pulong.

Sitwasyon: Nakatanggap ka ng isang memorandum mula sa pangulo ng inyong


klase o seksiyon sa ikalabindalawang baitang. Bilang kasalukuyang kalihim sa
inyong klase, sumulat ka ng isang adyenda para sa klase sa layuning magkaroon
kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang susundin sa
klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng pandemyang COVID-19 . Isulat ito
sa bondpaper.

3. Mga Batayang Tanong


1. Ano ang adyenda?
2. Bakit mahalaga ang kaalaman sa pagsulat o pagbuo ng adyenda sa
isasagawang pulong?
3. Paano nakatutulong ang bahagi ng adyenda sa isang nagpupulong?

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik


Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 10
adyenda.
Kumpleto ang bahagi ng adyenda na nabuo at nakapagbibigay 10
ng komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakasusulat ng adyenda nang maingat, wasto at angkop ang 10
paggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa adyenda. 10

Kabuuan 40

V. Repleksiyon
Panuto: Batay sa araling tinalakay tungkol sa adyenda, sumulat ng isang sintesis na
tumutalakay sa kahalagahan na taglay nito upang makabuo ng isang makabuluhang
pulong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

8
9
Pagsasanay 1
Maaring may magkakaibang format ng adyenda.
Pagsasanay 2
Ang adyenda ay nagsasaad ng mahahalagang impormasyon ukol sa pulong. Ito rin ay nagtatakda ng
balangkas ng daloy ng pulong at nagsisilbing talaan o tseklist ng pulong. Nakatutulong din ito sa
paghahanda ng mga kasapi ng pulong at nagpapanatili sa pokus ang usapin ng pulong.
Maaaring may magkakaibang tugon
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like