You are on page 1of 9

Senior High School

Activity Sheet sa Filipino sa


Piling Larang-Akademik
Kuwarter 2 – MELC 1
Pagtukoy sa Mahahalagang Impormasyon
para sa Isang Makabuluhang Pulong

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Filipino sa Piling Larang Akademik-12
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang (Filipino sa Piling Larang Akademik-12) Filipino 12 Learning Activity Sheet (LAS) na
ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsulat ng Learning Activity Sheet - Filipino sa Piling Larang Akademik 12

Manunulat: Allea S. Mercado


Editor: Ida Flor C. Ferraris
Tagasuri: : Ida Flor C. Ferraris; Annamor M. Eleccion
Tagalapat: Annamor M. Eleccion, Khristine M. Vistar
Schools Division Quality Assurance Team:
Krystine Joyce D. Ledesma
Mariane Duerme
Division of Sipalay City Management Team:
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Ida Flor C. Ferraris
Julieth V. Acuña
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Mr. Celestino Dalumpines IV

2
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang (Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet


(LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng
Schools Division of Sipalay City at Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon – Kanlurang
Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kanikanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet (LAS)


na ito ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga magaaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pagunlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino sa Piling Larang Akademik-12 Learning Activity Sheet na ito


ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Kuwarter 2, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 2

Pangalan ng Mag-aaral:______________________ Grado at Seksiyon:__________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK 12


Pagtukoy sa Mahahalagang Impormasyon ng Isang Makabuluhang Pulong

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis sa napag-usapan CS_FA11/12PN0j-l-92

II. Panimula

Susing Konsepto
Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala,
rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Ito rin ay maituturing na opisyal na tala ng isang pulong. Kalimitang isinasagawa nang
pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng
tinalakay sa pulong.

Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o


organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o
sanggunian para sa susunod na mga pagpaplano at pagkilos.

Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo
o di-nakadalo, ang mga nangyari rito: kailan at saan ito nangyari, sino-sino ang mga
dumalo at lumiban, ano ang pinag-usapan, ano ang mga desisyon, at iba pa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Ang sumusunod na mga gabay ay makatutulong sa pagsulat nang maayos at mahusay sa
katitikan ng pulong.

Bago ang Pulong


Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat. Maglaan ng
maraming espasyo.

Habang Isinagawa ang Pulong


Itala kung anong oras nagsimula ang pulong. Maging ang mga mahalagang ideya
(idea) o punto, mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit
nito, gayundin ang mga sumang-ayon, at ang naging resulta ng botohan. Bigyang-
pansin rin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong. Itala kung anong oras natapos ang pulong.

4
Pagkatapos ng Pulong
Itala agad ang mahahalagang impormasyong katulad ng pangalan ng samahan o
organisasyon, pangalan ng kometi, uri ng pulong (buwanan, lingguhan), ang layunin
nito at maging ang oras at pagsisimula ng pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod
ng iyong pangalan. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong
nanguna sa pagpapadaloy nito.

III. Mga Sanggunian

Santos, Corazon L. et.al. 2016. "Filipino sa Piling Larang - Akademik Kagamitan ng Mag-
aaral." In Katitikan ng Pulong, by Corazon L. et.al Santos, 39-44. Meralco Avenue, Pasig
City: Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR).

Santos, Corazon L. et.al. 2016. "MGA AKADEMIKONG SULATIN BATAY SA ANYO


AT LAYUNIN: Katit." In Filipino sa Piling Larang Akademik - Patnubay ng Guro, by
Corazon L. et.al. Santos, 37-44. Meralco Avenue, Pasig City : Department of Education –
Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR) .

TRIBIANA, RHODALYN S. n.d. DLL-katitikan-ng-pulong.DepEd Learning Portal.


Accessed October 13, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18927.

Mercado, Baby Allea S. (2020).Sintesis ng Katitikan ng Pulong. Hindi nailathang Sintesis


ng Katitikan ng Pulong.

https://kwf.gov.ph/buwan-ng-wika-2020/

IV. Mga Gawain


1. Pagsasanay/ Aktibidad

Pagsasanay 1- Pumili ng ISA!


1 Panuto: Panonod ng Isang Pagpupulong
Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng pulong
sapagkat ikaw ay nataasang kumuha ng katitikan ng pulong mula sa video sa link
na ito https://www.youtube.com/watch?v=icg5z8cyx4. Pagkatapos nito ay bumuo
ng isang sintesis batay sa pulong na napanood o nadaluhan. Isulat sa sagutang
papel.

2 Panuto: Basahin ang kalakip na halimbawang sintesis ng katitikan ng pulong.


Pagkatapos, bumuo ng sariling likhang katitikan ng pulong na binasa. Maaring
gamitin ang halimbawang template ng katitikan ng pulong sa huling pahina ng
Learning Activity Sheet (LAS)

Ang pagpupulong ng mga Guro sa Filipino sa Silid Pulungan ng Mancom


Building sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Gil Montilla, Brgy. Gil Montilla, lungsod ng
Sipalay, noong ika-20 ng Hulyo, 2020 ganap na ika-8:00 ng umaga. Ito ay dinaluhan ng
kawaksing punungguro at mga guro sa asignaturang Filipino.

5
Ang mga usaping napag-usapan ay nauukol sa pagdiriwang ng paaralan sa
taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ito ay ang sumusunod: tinalakay ni Bb. Edna T.
Arbon (Kawaksing Punong Guro) na nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 na
“Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-
Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya“ sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika
sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya. Sinundan ito ng
pagtalakay ni Gng Ceferina Apla-on (Gurong Tagapanguna sa Filipino-JHS) ang apat na
lingguhang tema. Ito ay ang mga sumusunod: Ika 3-7 Agosto 2020,- Pagtangkilik sa
Katutubong Wika bílang Pagpapahalaga sa mga Pamanang Pangkultura sa Panahon ng
Pandemya, ika 10-14 Agosto 2020, - Katutubong Wika: Wika ng Pagtugon at Artikulasyon
ng Bayanihan sa Panahon ng Krisis at Pandemya, ika 17-21 Agosto 2020,-Kasaysayan
ng Wika, Wika ng Kasaysayan Kamalayan sa Kasaysayan sa Pagsasawika ng Karanasan
tungo sa Bayanihan sa Panahon ng Pandemya, at sa ika 24-28 Agosto 2020, -Ang mga
Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.

Iniisa-isa naman ni Bb. Allea Mercado (Gurong Tagapanguna sa Filipino-SHS),


ang mga gawaing maaring isasagawa sa pagdiriwang katulad ng; paggawa at pagpapaskil
ng mga islogan na may kaugnayan sa tema: pagbuo ng mga infographic ng mga
katutubong salitang may kaugnayan sa tema, pagbuo ng tatlong minutong video tungkol sa
iláng batayang pagpapahayag sa katutubong wika ng lalawigan o rehiyon (pagbati,
pagtatanong o pagbibigay ng direksiyon, at iba pa), pagtataas ng watawat bílang hudyat ng
pagbubukás ng Buwan ng Wika, at pagpapaskil ng ahensiya ng tarpaulin o poster para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Napagkasunduan na isagawa ang mga lahat ng gawain na inisa-isa at ito ay


pangungunahan nina: Febien Constantino, Adones Baylon, Amie Arro, at Dhaveryn
Cantarona. Ang lingguhang tema naman ay iniaatas kina: Mariane Duerme, Crezel Bronda,
Vedasto Adriaga, at Jhoana Famulaga.

Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-12:00 ng tanghali. Ang katitikan ng


pulong ay inihanda ng kanilang kalihim at pinatotohanan ng kawaksing punongguro ng
paaralan.

Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang mahahalagang impormasyon sa halimbawang pulong na
matatagpuan sa sa Filipino sa Piling Larang-Akademik (Kagamitan ng Mag-aaral)
pahina 39-44. Pagkatapos, bumuo ng sintesis mula sa napag-usapan. Isaalang-
alang sa paggawa ang lahat ng bagay na natutuhan sa araling ito, gayundin ang
pamantayan na makikita sa bahaging Rubrik sa Pagpupuntos. Isulat sa sagutang
papel.

2. Mga Batayang Tanong


1. Ano ang katitikan ng pulong?
2. Ano ang kahalagahan ng katitikan ng pulong?
3. Paano nakatutulong ang katitikan ng pulong sa isang samahan?
4. Bakit mahalagang matukoy ang mahahalagang impormasyon sa pagsulat ng
katitikan ng pulong?

6
5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng katitikan ng pulong sa isang
organisasyon?

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Puntos
Pamantayan 10 7 5 3
Pangkasanayan Natutukoy ang Natutukoy ang Natutukoy ang Hindi natukoy ang
mahahalagang mahahalagang mahahalagang mahahalagang
impormasyon sa impormasyon ngunit impormasyon ngunit impormasyon sa
isinulat na may kulang na isa o maraming kulang na isinulat na
sintesis/katitikan ng dalawang impormasyon sa sintesis/katitikan ng
pulong impormasyon sa isinulat na pulong
isinulat na sintesis/katitikan ng
sintesis/katitikan ng pulong
pulong
Nilalaman Nagtataglay ng May kulang na Maraming kulang na Walang kaugnayan
kumpletong impormasyon ang impormasyon ang impormasyon sa
impormasyon isinulat na isinulat na isinulat na
isinulat na sintesis/katitikan ng sintesis/katitikan ng sintesis/katitikan ng
sintesis/katitikan ng pulong pulong pulong
pulong
Gramatika at Wasto ang baybay at Kakaunti ang mali sa May ilang mali sa Karamihan ay mali
Gamit ng Wika maayos ang mga baybay, baybay, ang baybay at di
pangungusap, at pangungusap, at pangungusap, at maayos ang mga
angkop ang gamit ng gamit ng wika gamit ng wika pangungusap, at di
wika angkop ang gamit ng
wika

Karagdagang Kaalaman:

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng


pulong o sintesis man ng isang pulong. Kailangan pairalin ang talas ng
pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip.

V. Repleksiyon

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Pagkatapos, isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano matutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo


ng sintesis sa napag-usapan?

7
VI. Susi sa Pagwawasto

8
Katitikan ng Pulong Template

Katitikan ng Pulong sa _______________________


Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon
Petsa
Lugar ng Pulong

Mga Dumalo
1.
2.
3.

Mga Hindi Nakadalo


1.
2.
3.

1 Nagsimula ang pulong sa ganap na _________

2. (Paksa/Agenda 1)

3. (Paksa/Agenda 2)

4. (Paksa/Agenda 3)

5. (Paksa/Agenda 4)

6. (Paksa/Agenda 5)

7. Nagtapos ang pulong sa ganap na _________

Inihanda ni: __________

You might also like