You are on page 1of 17

11

Filipino sa Piling Larang


(Sining at Disenyo)
Unang Markahan-Modyul 3:
Panimulang Pananaliksik Tungkol
sa mga Anyo ng Sining at
Disenyo
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 3: Panimulang Pananaliksik tungkol sa mga Anyo ng
Sining at Disenyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glenda C. Ferman
Editor: Joseph T. Baluya
Tagasuri: Myrna D. Gornez
Tagaguhit: Lhryn T. Jaranilla
Tagalapat:
Printed Dalyn S. Guinto
in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Tagapamahala:
Telefax: Allan2288825/
(083) G. Farnazo, CESO
(083) IV – Regional Director
2281893
E-mail Address: Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
region12@deped.gov.ph
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XII
Office Address: Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo para matugunan ang


kahalagahagan ng pangangalap ng datos bilang bahagi ng pananaliksik.
Sinasabi na walang saysay ang pananaliksik kung wala itong sustansya
gaya ng nilalaman, diwa, bigat at katatagan. Masasabi na magaling at mahusay
ang iyong pananaliksik na ginawa kung ito ay nakabatay sa mga ilalatag mo na
mga datos o impormasyon at mailalatag mo lamang ang mga ito sapamamagitan ng
pangangalap ng impormasyon.Kaya naman sa modyul na ito tatalakayin natin ang
ilan sa mga paraan ng pangangalap ng datos para sa pagsisimula mo ng
pagsasagawa ng pananaliksik kaugnay sa kalikasan, katangian, at kahulugan ng
mga anyo ng sining at disenyo.

Aralin 3: Panimulang Pananaliksik


1.1 Mga Anyo ng Sining at Disenyo

Pagkatapos mong masagot ang mga gawain ay inaasahang matatamo mo


ang pinakamahalagang kasanayan ng pampagkatuto na:

Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sining at disenyo. (MELC-
FSD11/12EP-Oa-c 41)

Ang modyul na ito ay naglalayun na mabigyan ka ng kaalaman sa mga


sumusunod:
1. Nabibigyang kahulugan at kahalagahan ang pangangalap ng datos
o impormasyon
2. Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos o
Impormasyon
3. Naiisa-isa ang mga pinaghanguan ng mga datos o impormasyon
Subukin

I. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag

_____1. Ang mga grupo o kaya organisasyon ay maaaring pagkunan ng


datos o impormasyon.

_____2. Ang mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia ay mga


napagkukunan o hanguan ng mga datos o impormasyon bilang hanguang
primarya.

_____3. Ang internet ay isa sa matatawag na hanguang elektroniko.

_____4. Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang


impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay
wasto at kumpleto.

_____5. Sa paraan ng pormal na interbyu mas mainam kung walang plano


sa paraan ng pag-interbyu para ito ay tulo-tuloy lang ang daloy batay sa
naiisip ng nag-iinterbyu.

_____6. Ang paraang interbyu ay isang uri ng pangangalap ng datos.

_____7. Ang kwestyoner o talatanungan ay listahan ng mga planado at


pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa.

_____8. Ang interbyu ang pinakamabisa at pinakamadaling instrumento ng


sarbey.

_____9. Isa sa mga adbentahe ng kwestyoner ay madaling itabyuleyt ang


mga sagot ng respondent.

_____10. Sa paggawa ng kwestyoner panatilihing anonimus ang mga


respondent.

_____11. Mas makakabuti kung hindi na bibigyan ang interbyuwi ng kopya


ng transkrip ng interbyu o awtput ng interbyu.
_____12. Ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng datos upang
malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong
pamamaraan.

_____13. Kaunting panahon lamang ang gugulin sa pananaliksik.

_____14. Bawat tao ay maaaring sumagot sa kahit anong uri ng kwestyoner.

_____15. Ang paraan ng pangangalap ng datos ay depende sa kung anong


kakalapin mo na impormasyon.

Balikan

A. Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay nasa hanguang primarya,


sekondarya na paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Isulat ang
sagot sa loob ng kahon.

a. awtoridad f. pampublikong kasulatan

b. manwal g. diksyunaryo

c. talaarawan h. pakikipanayam

d. ensayklopedia i. grupo o organisasyon

e. magasin j. buod ng anumang akda

Hanguang Primarya Hanguang Sekondarya


Napagtagumpayan mo ba ang pagtukoy sa iba’t ibang hanguan ng
impormasyon o datos? Kung gayon atin nang bibigyang pansin ang tungkol
sa pangangalap ng datos bilang bahagi ng pananaliksik.

Suriin

Sa mga nakaraang linggo, binigyan natin ng pansin ang iba’t ibang


anyo ng sining at disenyo ayon sa kahulugan, kalikasan, mga elemento
maging ang kahalagahan nito. Napatunayan natin na naging akma at
maayos ang pagbibigay ng impormasyon sa bawat paksa. Ngayon ating
bigyang pansin ang sumusunod na katanungan na makakatulong sa atin
kung paano magiging mabisa ang paraan ng pagkalap ng impormasyon.
1. Sa tingin mo ano kaya ang ginagawa ng manunulat para makakuha siya
ng mga tumpak at balidong impormasyon na nais niyang maibahagi sa
mambabasa?

2. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik sa pagtalakay ng isang


mahalagang isyu o usapin?

3. Ano-anong mga hakbang ang ginagawa mo upang matiyak na ang mga


impormasyong ibinabahagi mo ay kapani-paniwala? Nasubukan mo na
bang mangalap ng dagdag na impormasyon bilang pagpapalawak ng
kaaalamang taglay mo?

4. Sa palagay mo, ang pagsagawa ba ng interbyu o sarbey-kwestyoner ay


mabisang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon? Patunayan.

5. Kung bibigyan mo na pagpapakahulugan ang iba’t ibang anyo ng sining


at disenyo gaya halimbawa ng pagpinta, teatro, musika, sayaw, eskultura,
at arkitektura, sino-sino ang angkop na mga taong pwede mong gawan ng
panayam para makakuha ng impormasyon? Maliban sa panayam, anong
paraan pa ng pangangalap ng datos ang iyong gagawin?
Ating Alamin:

Pangangalap ng Datos

Ang pananaliksik mawawalan ng halaga kung wala itong


sustansya-nilalaman, diwa, bigat at katatagan. Ang mahusay na pananaliksik
ay nakabatay sa mga nailatag na datos at mga patunay. Sinasabing isa ito sa
pinakamasining na bahagi ng pananaliksik ang pangangalap ng datos, ang
datos ang pinakamahalagang tipak ng impormasyon na kailangang iproseso at
4. pananaliksik, ang mga nakalap na datos ay inihahanay ng isang
suriin sa
maayos5.
na paraan.
6.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
7.
 Interbyu/panayam-
8. uri ng pasalitang diskurso ng dalawang tao o ng
isang
9. pangkat at isang indibidwal. Layunin nitong makakuha ng mga
mapanghahawakang
10. mahahalagang impormasyon mula sa interbyuwi
11. hinggil sa isang tiyak na paksa.
12.
Pagpili ng Interbyuwi- kailangang may awtoriti ang interbyuwi sa
13. paksa. Kailangang may malawak na kaalaman, relayabol, at abeylabol.

14. Ilan sa mga hakbang na dapat gawin sa pormal na interbyu ay ang


mga sumusunod: tiyakin kung ano ang layunin ng interbyu, pumili ng
15. interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natalakay at itakda ang

16. interbyu.

 Sarbey-Kwestyoner – listahan ng mga planado at pasulat na tanong


kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong
17. pagsasagutan ng mga respondent. Ito ang pinakamabisa at

pinakamadaling instrument ng sarbey.

Mga Pinagkukunan ng Datos

 Hanguang Primarya – ito ay ang mga orihina na dokumento na


naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa ng pag-
aaralan. Ito ay nagsimula sa sinabi ng nakasaksi.
Halimbawa:

Liham, talaarawan, pakikipanayam, saloobin mula sa sarbey,


orihinal na gawaing sining, orihinal n alarawan, orihinal na
pananaliksik, testimonya, pahayagan, dula, awit, pelikula, mga
indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon, mga kinagawiang
kaugalian, mga pampublikong kasulatan o dokumento at iba pa.

 Hanguang Sekondarya- makikita ang interpretasyon batay sa


pangunahing impormasyon. Ginawang pagsasama-sama ng mga
nakalap na ebidensiya.

Halimbawa:

Aklat, manuskrito, buod ng anumang akda, diksyunaryo,


ensayklopedia, yearbook, almanac, atlas, mga nalathalang artikulo sa
journal, magasin, pahayagan at newsletter, tesis, disertasyon, manwal
at iba pa.

3 yugto ng pananaliksik sa aklatan

1. Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat,

bibliograpiya, indeks at hanguang elektroniko o internet.

2. Pagsusuri sa kinasasangkutan ng browsing, skimming at

scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation

mula sa mga babasahin.

3. Pagbasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay,


2. Kard ng awtor

- ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip


na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa.

3. Kard ng pamagat

- ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang


paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang
naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa
iba.

Pagyamanin

Pagsasanay 1: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang


talata sa ibaba. Pillin ang sagot sa loob ng kahon.

katatagan sustansya iproseso

datos suriin interbyu sekondarya

paraan kwestyoner primarya

Ang pananaliksik mawawalan ng halaga kung wala itong


1.__________-nilalaman, diwa, bigat, at 2.__________. Sinasabi na isa sa
pinamasining na bahagi ng pananaliksik ang pangangalap ng 3.__________.
Na kung saan ito ang pinakamahalagang tipak ng impormasyon na
kailangang 4.__________ at 5.__________ sa pananaliksik. Ang mga nakalap
na datos ay inihahanay ng isang maayos na 6.__________.
Paraan ng pangangalap ng datos ay ang 7.__________ na kung saan
ito ay ang pasalitang diskurso ng isang pangkat at isang indibidwal.
Samantala ang 8.__________ ay ang listahan ng mga planado at pasulat na
tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa. Sa pangangalap ng datos mayroon
tayong dalawang pinagkukunan ng datos una ay ang 9.__________ na
tinatawag na orihinal na dokumento at ang pangalawa ay ang 10.__________
na kung saan ito ay ang pagsasama-sama ng mga nakalap na datos.

Pagsasanay B. Lagyan ng tsek (/) ang mga sumusunod na pangungusap


kung ito ay bahagi ng pangangalap ng datos at ekis (x) naman kung hindi.

__________1. Kwestyoner 6. Pananaliksik

__________2. Istatistikal tritment 7. Aklat, ensayklopedia

__________3. Kaligiran ng pag-aaral 8. Hanguang sekondarya

__________4. Interbyu 9. Liham, talaarawan

__________5. Hanguang primarya 10. Metodo


Isaisip

A. Punan ang bawat patlang upang mabuo ang graphic organizer sa ibaba.

2 Paraan ng Pangangalap ng Datos

1.__________ 2. _________

2 Pinagmulan ng mga Datos

1.____________ 2.____________

18.
Mga halimbawa: Mga halimbawa:
19.
a. a.
20.
b. b.
c.
21. c.
Isagawa

A. Panuto: Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sining at disenyo. Gawin ito sa paraang
interbyu at pagtatala ng mga impormasyon mula sa mga nakalimbag na
babasahin. Sa gagawing interbyu, isulat ang pangalan at espesyalisasyong
natamo ng kinapanayam at petsa at oras ng ginawang panayam. Sa
pagtatala naman ng mga impormasyon maghanda ng talasanggunian o
bibliyograpiya ng mga pinagkukunan ng datos.
1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod sa pamamagitan ng ibterbyu:
a. pagpinta
b. teatro
c. sayaw
d. musika
e. arkitektura
f. eskultura

2. Ilarawan ang katangian at kalikasan ng mga sumusunod sa pamamgitan


ng pagtatala ng mga impormasyon mula sa mga nakalimbag na babasahin.

a. pagpinta
b. teatro
c. sayaw
d. musika
e. arkitektura
f. eskultura
Tayahin

Binabati kita sa iyong kahusayan sa pagsunod sa mga panuto sa


lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin
mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

I. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag

_____1. Ang aklat, ensaklopedia at diksyunaryo ay nabibilang sa hanguang


primarya.

_____2. Ang interbyu ay isa sa pinamabisa at madaling instrument.

_____3. Kailangan ang pangangalap ng datos para ang pananaliksik na


ginagawa ay magkaroon ng sustansya.

_____4. Ang interbyu ay ang pasalitang diskurso.

_____5. Ang kwestyoner ay ang listahan ng mga planado at pasulat na


tanong.

_____6. Kailangang may awtoriti ang ang interbyuwi sa paksa.

_____7. Layunin ng interbyu ay para mayroong makausap ang isang tao.

_____8. Sa pagbibigay ng kwestyoner sapat ng sumagot ang kahit na sinong


tao.

_____9. Mahalaga na bago magkaroon ng interbyu ay alamin ang layunin.

_____10. Ang kwestyoner ay may nakalaan na espasyo na pagsasagutan ng


mga respondent.

_____11. Ang primarya na hanguan ay hango sa pagsasama-sama ng mga


nakalap na datos.

_____12. Ang sekondarya na hanguan ay hango sa sinabi ng nakasaksi.

_____13. Sa pagpili ng interbyuwi sapat na ang kaunting kaalaman sa


pagbabahagi ng impormasyon.

_____14. Mahalaga ang pangangalap ng datos para magkaroon ng kaayusan


ang isinasagawang pananaliksik.

_____15. Sapat na sa pananaliksik ang may makausap tungkol sa isang


paksa.
Karagdagang Gawain

Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong


naunawaan ang ating aralin ay bibigyan kita ng karagdagang gawain na
magdaraddag ng iyong kaalaman sa iba pang anyo ng sining at disenyo.
Panuto:Saliksikin ang kahulugan ng mga sumusunod bilang paghahanda sa
kasunod na aralin:

a. Kulturang popular

b. Social Media

c. Mass Media

d. Sining Panteatro

e. Sining Biswal

f. Pagsulat tungkol sa pagdidisenyo ng Istruktura


https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pangangalap-ng-datos-filipino
Tungo sa Pananaliksik. Rex Bookstore.
De Laza, C, at Batnag, A. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Sanggunian
Tayahin Pagyamanin Subukin
1. TAMA A. 1. TAMA
2. MALI 2. MALI
3. TAMA 1. sustansya 3. TAMA
4. TAMA 2. katatagan 4. TAMA
5. MALI 3. datos 5. MALI
6. TAMA 4. iproseso, at 6. TAMA
7. TAMA 5. suriin 7. TAMA
8. MALI 6. paraan 8. MALI
9. TAMA 7. interbyu 9. TAMA
10.TAMA 8. kwestyoner 10.TAMA
11.MALI 9. primary, at 11.MALI
12.TAMA 10.sekondarya 12.TAMA
13.MALI B. 13.MALI
14.MALI 1. / 6. / 14.MALI
15.TAMA 2. X 7. / 15.TAMA
3. X 8. /
4. / 9. /
5. / 10. X
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like