You are on page 1of 14

11

Filipino sa Piling Larang


(Sining at Disenyo)
Unang Markahan-Modyul 1:
Kahulugan, Kalikasan, at Kahalagahan
Pagsulat ng Sulating Sining at
Disenyo
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan, kalikasan, at kahalagahan ng pagsulat ng
sulating Sining at Disenyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Glenda C. Ferman
Editor: Joseph T. Baluya
Tagasuri: Myrna D. Gornez
Tagaguhit: Lhryn T. Jaranilla
Tagalapat: Dalyn S. Guinto
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Office Address:
Tagapamahala:
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XII
Office Address: Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo para maipaunawa ang kahulugan,
kalikasan, katangian, at kahalagahan ng pagsulat ng sulating Sining at Disenyo.
Karamihan sa ating mga kababayang Pilipino ay nakilala hindi lang sa
bansang Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa angking kagalingan nito sa
larangan ng sining at disenyo. Sinasabi nga na likas daw tayong may talento. Sa
pagbabahagi natin ng ating talento, mahalaga ang wikang gagamitin natin sa
paraan ng pakikipag-ugnayan. Alam mo ba na ang sining ay may sariling wika rin
para maipahatid niya sa ibang tao ang nais niyang sabihin? Halina’t ating alamin.

Aralin 1: Kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating Sining at


Disenyo
Pagkatapos mong masagot ang mga gawain ay inaasahang matatamo mo
ang pinakamahalagang kasanayan ng pampagkatuto na:

Nabibigyang-kahulugan ang mga anyo ng sulatin sa sining at disenyo.


(MELC-FSD11/12PB-Oa-c 103)

Ang modyul na ito ay naglalayun na mabigyan ka ng kaalaman sa mga


sumusunod:
1. Nabibigyang kahulugan ang sining at disenyo
2. Natutukoy ang kahalagahan at kalikasan ng sining at disenyo

Subukin

Huwag kang mag-alala sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong


masukat ang dati mo nang kaalaman sa paksa.

Magagawa mo kaya?

Magsimula ka na?
I. Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik o wastong sagot.
1. Ito ay ang pagpaplanong naglalatag ng basehan para sa paggawa
ng bawat isang bagay o sistema.

a. sining b. disenyo c. larangan


2. Ito ay ang kakakayahang makabuo at makapagpahayag ng mga
bagay na maganda o magbigay ng intelektuwal na pagpapasigla.
a. larangan b. sining c. disenyo

3. Tawag sa taong nagdidisenyo.


a. tagalikha b. disenyador c. disenye

4. Ito ay tumutukoy sa purong aspektong biswal, manipulasyon ng


sari-saring elemento at prinsipyo ng disenyo na inilalapat sa isang
likhang-sining.
a. anyo o porma b. kakayahan c. nilalaman

5. Ito ay tumutukoy sa paksa, kuwento, o impormasyon na nais isalin


ng likhang-sining sa kanyang audience.
a. nilalaman b. anyo o porma c. kakayahan

6. Salitang Latin ng sining.


a. ars b. arc c. arte

7. Ang salitang Latin ng sining ay nangangahulugang:


a. kasiningan b. kagalingan c. kakayahan

8. Ito ay magkakambal na may proseso, tungkulin, at layunin sa


pagkalikha.
a. sining b. disenyo c. sining at disenyo

9. Ang sining at disenyo ay may sariling_____, na ginagamit para


maipahayag ang nais sabihin.
a. porma b. wika c. estruktura
10. Ito ay kasingkahulugan ng plano o pag-oorganisa.
a. sining b. disenyo c. estruktura

II A. Panuto: Magbigay ng pagpapakahulugan ng sining at disenyo.

Salita Kahulugan

1. Sining

2. Disenyo
B. Magbigay ng maikling paliwanag sa tanong na ito: Ano ang papel na
ginagampanan ng wika sa sining at disenyo.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________

Balikan

Nasagot mo na ba ang ating Subukin? Nahihirapan ka ba? Huwag


mag-alala muli nating balikan ang iyong natutunan sa nakaraan.

Naalala mo pa ba ang kahulugan ng sining at disenyo at ang iba’t


ibang anyo nito? Halina’t muli nating pag-usapan.

Alam mo ba na ang sining ay hango sa salitang Latin na ars na


nangangahulugang kakayahan? Kakakayahan itong makabuo at
makapagpahayag ng mga bagay na maganda o magbigay ng intelektuwal na
pagpapasigla. Samantala ang disenyo ay kasingkahulugan ng plano at pag-
oorganisa. Sa ganitong unibersal na pagpapakahulugan, napagtatagpo ang
sining at disenyo bilang larangan ng paglikha na nangangailangan ng
kakayahan at sistematikong pagpaplano sa pagbuo.

Marami ka pang malalaman tungkol sa sining at disenyo sa


pagtalakay natin ng araling ito.
Tuklasin

Ano ang nakita mo sa larawan? Pumili ng isa at bigyan ng sariling


interpretasyon. Ipaliwanag ang nabuo mong pagpakahulugan.Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Larawan 1 Larawan 2

Suriin

Ngayon ay ating bigyan pansin ang larawang iyong binigyan ng


interpretasyon. Sagutin ang mga sumusnod na katanungan. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Gabay na tanong:
1. Ano ang mensahe ng larawan?

2. Masasabi ba na naging masining ang pagkakabuo nito? Pangatwiranan.

3. Isa-isahin ang mga bagay na nakikita mo sa larawan na nakatutulong sa


iyo upang makapagbigay ng interpretasyon o pagpapakahulugan.

4. Ano ang koneksyon o kaugnayan ng mga bagay na ito upang marating


mo ang pangkalahatang interpretasyon?
Kung nasagutan mo nang maayos ang katanungan, ito ay nagpapakita na
ikaw ay handa na para sa paksang ating tatalakayin. Halina at ating alamin
at talakayin ang paksa ngayong araw.

Ating Alamin:

Kahulugan at kahalagahan ng Pag-unawa sa Wika ng Sining at Disenyo

May sariling wika ang sining at disenyo. Ito ay tinatawag na


gramatikang biswal na naglalarawan sa paraang hinahalaw ang mga tao,
lugar, at mga bagay na pinagsasama-sama sa biswal na pagpapahayag.

Ang wika ang nagbibigay ng kahulugan sa anumang likhang sining at


disenyo. Bukod pa dito gaya ng sining na pinagsasama-sama ang iba’t ibang
kulay, tamang sukat at iba pa ay ganoon din ang wika pinagsasama samang
salita at maingat na pinipili ang mga ito upang maging angkop at kaaya-aya
sa audience.”

Ang sining at disenyo ay magkakambal na may proseso, tungkulin, at


layunin sa pagkalikha. Samantala mayroong pagkakaiba ang dalawa. Ang
sining ay tumutukoy sa kakayahang makabuo at makapagpahayag ng mga
bagay na maganda o magbigay ng intelektuwal na pagpapasigla. Ito ay
hango sa salitang Latin na ars, na nangangahulugang kakayahan .

Ang disenyo naman ay ang pagpaplanong naglalatag ng basehan para


sa paggawa ng bawat isang bagay o sistema. Sa ganitong unibersal na
pagpapakahulugan, napagtatagpo ang sining at disenyo bilang larangan ng
paglikha na nangangailangan ng kakayahan at sistematikong pagpaplano sa
pagbubuo. May dalawang aspekto ng disenyo sa pag-unawa ng isang
likhang sining:

1. Anyo at porma- tumutukoy sa purong aspektong biswal, manipulasyon


ng sari-saring element at prinsipyo ng disenyo na inilapat sa isang likhang
sining.

2. Nilalaman (content) – tumutukoy sa paksa, kuwento, o impormasyon na


nais isalin ng likhang-sining sa kanyang audience.
Pagyamanin

Pagsasanay 1: Matapos mong mapag-aralan ang kahulugan at kahalagahan


ng pag-unawa sa wika ng sining at disenyo, tukuyin kung ang mga
sumusunod na pangungusap ay tama o mali. Isulat ang malaking titik na T
kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malaking titik na M naman
kung ito ay mali,

_____1. Ang sining at disenyo ay may sariling wika.

_____2. Ang likhang-sining ay nakapagbibigay ng mensahe kahit walang


salitang ginagamit.

_____3. Ang gramatikang biswal ay nabubuo sa pamamagitan ng pakikipag


interaksyon sa mga tao.

_____4. Ang anyo o porma ay tumutukoy sa paksa, kuwento, o impormasyon


na nais isalin ng likhang-sining sa kanyang audience.

_____5. Ang nilalaman bilang aspekto sa pag-unawa sa disenyo ay


tumutukoy sa purong aspektong biswal na inilalapat sa isang likhang-
sining.

_____6. Ang salitang latin na ars ay nangangahulugang kakayahan.

_____7. Ang sining ay kakayahang makapagpapahayag ng damdamin at


emosyon.

_____8. Ang disenyo ay kasingkahulugan ng plano at pag-organisa.

_____9. Ang sining at disenyo ay palaging magkasama sa paglikha ng isang


sining.

_____10. Ang isang likhang-sining ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang


interpretasyon depende sa tumitingin nito.
Pagsasanay 2. Isulat sa patlang ang kahulugan ng sumusunod na mga
teknikal na salitang pansining at disenyo.

1. Gramatikang biswal_______________________________________________

2. Aspektong anyo o porma__________________________________________

3. Aspektong nilalaman______________________________________________

Isaisip

A. Buuin ang Venn diagram sa ibaba upang maipakita ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng sining at disenyo.

Sining Disenyo

Pakakatulad

B. Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa kahon na nasa
ibaba.
May sariling _______ ang sining at disenyo. Anumang wika ay
nagtataglay ng sarili nitong _______, _______, at mga tuntunin na nauukol
sa tinatawag na gramatika. Ang _______ ay naglalarawan sa paraang
hinahalaw ang mga tao, _______, at bagay na pinagsasama-sama sa
biswal na pagpapahayag. Mayroong pagkakaiba ang sining at disenyo.
Ang sining ay tumutukoy sa _______, samantla ang disenyo ay
tumutukoy sa _______. Sa pag-unawa ng isang disenyo, napakahalagang
aspekto ang ugnayan ng ______ at _______.

sistema lugar anyo


estruktura wika gramatikang biswal
nilalaman kakayahan pagpaplano
Isagawa

Matapos mong sagutan ang lahat ng mga Gawain handa ka na bang

bumuo ng sariling mong kaalaman?

A. Dugtungan: Ano ang kahalagahan ng wika sa sining at disenyo?

Ang wika ay mahalaga_____________________________________________


Dahil___________________________________________________________kung
kaya_____________________________________________________.

B. Ngayon naman ay lumikha ka ng sarili kuwento tungkol sa larawang


ipinakita. Bigyang pansin ang porma at nilalaman ng aspekto ng disenyo
para lubos na mabigyang kahulugan ang larawan.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Tayahin

Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa


lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin
mo ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.
1. Tunguhin nito ang paggawa o paglikha dahil ginagabayan ito ng
sistematikong pagpaplano.
a. disenyo b. larangan c. sining
2. Ito ay pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng isip, paggawa at
higit sa lahat ng puso.
a. disenyo b. sining c. larangan

3. Ang disenyador ay tawag sa taong_____.


a. tagalikha b. tagadisenyo c. taga-ukit

4. Binibigyang pansin nito ang aspektong biswal, manipulasyon ng sari-


saring elemnto at prinsipyo ng disenyo na inilalapat sa isang likhang-sining.
a. nilalaman b. anyo/porma c. kakayahan

5. Aspekto ng disenyo na nakatuon sa paksa, kuwento, o impormasyon na


nais isalin ng likhang-sining sa kanyang audience.
a. kakayahan b. nilalaman c. anyo/porma

6. Ang salitang ars ay galing sa salitang_______.


a. Romano b. Griyego c. Latin
7. Ang salitang ars ay nangangahulgang_______.
a. kakayahan b. kagalingan c. kasiningan

8. Ito ay ang kakayahan at sistematikong pagpaplano at pagbuo.


a. sining at disenyo b. disenyo c. sining
9. Ang _____ ang nagbibigay kahulugan sa anumang liking sining at
disenyo.
a. porma b. estruktura c. wika

10. Nangangahulugang pag-oorganisa at plano.


a. disenyo b. sining c. estruktura

II. Panuto: Ipaliwanag ang ugnayan ng wika sa sining. Bumuo ng 3-5


pangungusap sa pagsasalaysay.

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

10.B 10.T 10.A


9. B 9. T 9. C
8. C 8. T 8. B
7. C 7. T 7. A
6. A 6. T 6. C
5. A 5. M 5. B
4. A 4. M 4. B
3. B 3. M 3. B
2. B 2. T 2. B
1. B 1. T 1. A

Subukin Pagyamanin Tayahin

Sanggunian

Garcia, F. A at Geronimo, J. V (2016). Filipino sa Piling Larangan (Sining at


disenyo) REX Bookstore, Manila

Arogante, Jose (2002). Pagpapahalagang Sining sa Filipino (Pinta at


Literatura, Sayaw at Musika, atbp…) National Bookstore
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like