You are on page 1of 18

11

Filipino sa Piling Larang


(Sining at Disenyo)
Unang Markahan–Modyul 5
Katangian ng Mabisa at
Mahusay na Sulatin
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan–Modyul 5: Nasusuri ang Katangian ng Mabisa at
Mahusay na Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Manunulat: Rhea Mae A. Nadong


Editor: Joseph T. Baluya
Tagasuri: Melodena C. Brazil
Tagaguhit: Lhyryn T. Jaranilla
Tagalapat:
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Rommel G. Flores, CESO V
Mario M. Bermudez, CESO VI
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education –


SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Karamihan sa ating mga kababayang Pilipino ay nakilala hindi lang


sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa angking kagalingan
nito sa larangan ng sining at disenyo. Sinasabi nga na likas daw tayong may
talento.
Napapaloob sa modyul na ito ang mga gawaing ukol sa katangian ng
sining at disenyo gayundin ang iba’t ibang uri ng sulatin na may kaugnayan
sa nasabing larangan. Nilalayon ng modyul na mapalinang ang lubos niyong
pag-unawa sa larangan ng sining at ang kasanayang magsuri at magsulat
sa Filipino ng mga sulating pansining at disenyo nang may pagsaalang-
alang sa mga alituntunin.
Halina’t ating alamin ang mga kaalaman at kasanayang mahalaga sa
paghubog ng iyong kakayahan bilang mag-aaral na senior high school
nagpapakadalubhasa sa larangan ng sining at disenyo. Ang mga gawain dito
ay makabuhan, kawili-wili, at tiyak na makatutulong sa pagkamit ng iyong
mga mithiin bilang eksperto sa larangan ng sining. Maaari mong gamitin
ang iyong dating kaalaman at kagalingan sa pagsagot sa mga pagsasanay
na napapaloob sa modyul na ito.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang katangain ng mabisa at mahusay na sulatin batay sa


binasang nga halimbawang gaya ng iskrip, textula, blog, at islogan.
CS_FSD11/12PB -Ogi-104

Mga Layunin: (Ikaanim at Ikawalong Linggo)

- Naiisa-isa ang mga katangiang taglay ng mabisa at mahusay na


sulatin batay sa binasang mga halimbawa ng kulturang
popular, social media, mass media, sining panteatro, atbp.

- Nakabubuo ng grafikal na presentasyon na nagpapakita ng


katangian ng bawat piniling sining at disenyo.
Subukin

Ang Gawaing ito ay madali at kawili-wili. Layon lamang nitong


masukat ang dati mo nang kaalaman sa paksa.

Magagawa mo kaya? Maari ka nang magsimula.

I. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at piliin ang


titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

a. novelty songs f. monologo k. one-act play


b. pick up lines g. islogan
c. textula h. graphic novel
d. fliptop i. komiks istrip
e. cosplay j. editoryal kartun

1. Tumatalakay ng iba’t ibang karakter na maaaring paghanguan ng


pagsasabuhay gaya ng realistiko, eksotiko, hirtorikal at hindi
taong karakter.

2. Kadalasan ginagamit ito bilang pangunahing pamamaraan ng


pambobola.

3. Minsan may kabulastugan at double meaning ang nilalaman nito.

4. Nangangailangan ito ng maraming punchlines.

5. Gumagamit ng mga karakter at mga tanawing madaling


maunawaan at magdrowing.

6. Binubuo ng isa o dalawang parirala at maaaring magkaroon ng


tugma upang mas maganda pakinggan na mula sa puso ang
pagkakagawa.

7. Madali itong maunawaan at basahin, konsistent ang sukat at


tugma at kasiya-siyang basahin at ibahagi sa iba.

8. Pagpasyahan ang karakter o tauhang kokopyahin at pagpasyahan


kung paano isasagawa ang kasuotan.

8. Inaasahang katulad ng pormat ng isang nobela.

10. Pinaplano ang dayalogo at istorya, inaalam ang istilo, simulang


iguhit ang pangunahing karakter upang matukoy ang tagpuan
at balangkas ng komiks.
Tuklasin

Mga Katangian ng Iba’t ibang Sulatin ng Sining at Desinyo:

A. Kulturang Popular

Mga gabay sa pagsulat ng iskrip:

1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng dayalogo


2. Isulat sa malaking titik ang musika, epektong pantunog at ang
emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan
3. Guhitan ang mga SFX (Sound effects) at MSC (Music)
4. Hindi lamang ipinapakita ang paggamit ng musika at epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin
ang mga ito.
5. Kailangang may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa
iskrip kapag makinilya o kinokompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kabilang
bahagi bago ang unang salita ng linya upang maging madali
ang pagwaasto kapag nagrerecording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat
sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay
ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig
ang maririnig.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin
at ilagay ito sa parenthesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga
pangalan ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX
at MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng
numero sa bawat bilang.

Katangian ng isang Blog


1. Mag-isip ka ng Niche o paksa na nakabatay sa mga hilig o interes
mo.
2. Mag-isip ka ng title ng iyong magiging website. Kailangang maikli at
unique.
3. Kumpirmahin ito kung hindi pa nagagamit ng iba, at saka ka pumili
ng template o magiging design ng website mo.

Katangian ng Islogan
1. Binubuo ng isa o dalawang parirala
2. Sikaping magkaroon ng tugma upang mas maganda pakinggan
3. Dapat mula sa puso ang pagkakagawa
Katangian ng Komik Istrip
1. I-plano ang dayalogo at istorya
2. Alamin ang istilo
3. Simulan iguhit ang pangunahing karakter
4. Tukuyin ang tagpuan
5. Tukuyin ang balangkas ng komiks
6. Simulan ang pagguhit
7. Dagdagan ang bakgrawwnd
8. Iguhit ang mga karakter
9. Idagdag ang dayalogo

Katangian ng isang Editoryal Cartoon


1. Kailangang magbasa tungkol sa isyung gagaaan ng editorial
cartoon;
2. Dapat ay mapalawak ang kaalaman tungkol sa isyu;
3. Kailangang may matibay na background para sa gagawing opinyon
4.Mag-isip ng isang representasyon sa isyung igagawa ng cartooning;
5. Gumamit ng mga karakter at mga tanawing madaling maunawaan;
6. Magdrowing;
7. Husgahan ang sariling drowing, ilagay ang sarili bilang mambabasa;
8. Konsultahin ang Editorial Boaard sa nilalaman ng drowing at i-
finalize ito.

Iba’t ibang karakter na maaaring paghanguan ng isasabuhay na Monologo


1. realistikong karakter- hinihubog mula sa karaniwang tao sa paligid
at malapit sa actor/aktres na magsasagaa nito.
2. Eksotiko o pantastikong karakter-humahalaw sa kakaibang
nilalang gaya ng aliean, kalulua atbp.
3. Historikal –gumagamit ng pananalita, talaarawan o iba pang uri ng
sulatin at dokumento na isinulat ng isang promininteng tao ng
kasaysayan.
4. Hindi taong karakter- gaya ng hayop, halaman at panggagaya ng
isang bagay upang maging paksa.

Katangian ng Graphic Novel


1. Inaasahang katulad ng pormat ng isang nobela.
2. Isang upuang daloy ng pagbabasa dahil nagtataglay ng isang tuloy-
tuloy na banghay na nahahati sa kabanata.

Paalala upang maging epektibong cosplayer


1. Pagpasyahan ang karakter o tauhang kokopyahin
2. Pagpasyahan kung paano isasagawa ang kasuotan
3. Kailangang tiyakin ang pagiging matibay at malikhain ng kasuotan
4. Subuking iguhit ang iyong karakter sa iba’t ibang anggulo
6. Magsanay sa paggamit ng make-up
7. Huwag kalimutang tingnan ang kabuuang anyo sa salamin
matapos isuot ang kasuotan
8. Magkaroon ng tiwala sa sarili habang nasa paligid at sa mismong
tanghalan

Umiikot ang Rebyu ng Dula:


Tema
Bakit ito ang pamagat ng dula, pagtatanghal, o produksiyon?
Ano ang pangunahing paksa o ideya at genre ng palabas?

Tauhan
Sino ang bida, kontrabida, at iba pang nagsiganap? Paano
nagsiganap ang mga tauhan? Akma ba ang kanilang kilos, pahayag,
at iba pa?
Banghay
Ano ang simula, gitna, at wakas ng kuwento o palabas? Ano
ang krisis, resolusyon, aral na hatid ng kuwento o palabas?
Iskoring/Musika
Ano ang mensaheng hatid ng musika? Paano naging epektibong o
hindi epektibo ang ginamit na musika?
Disenyo ng Produksiyon
Ano-ano ang nagging pangunahing disenyo ng produksiyon?
Paano pinabisa ng disenyo ang produksiyon ang kabuuan ng palabas?
Direksiyon
Ano ang naging paraan ng direksiyon ng produksiyon? Paano naging
epektibo o hindi epektibo ang produksiyon?

Katangian ng mabuting Textula


1. Madaling unawaan at basahin
2. Konsistent ang sukat at tugma
3. Kasiya-siyang basahin at ibahagi sa iba

Tulaan sa Tren at isa pang transportasyon


1. Layunin nitong itaas ang kamalayan ng literatura ng Pilipinas at
madala ang panulaan sa masa

Katangian ng Iskit
1. May layuning makalikha ng karikatura ng isang tao
2. Maihahalintulad ito sa isang parodiya
3. Maituturing itong maikling dula

Katangian ng One-act Play


1. Dulang ang istruktura ay binubuo ng isang yugto lamang.

Katangian ng Disenyo ng Kasuotan


1. Ang punungkatawan ay matatakpan ng isang kamiseta,
2. Yari ang mga kasuotan sa maraming mga material
2.1 telang gawa sa bulak,
2.2 lana
2.3 polyester
2.4 katad
3. Sa mga pook na malalamig ang klima, nagsusuot ang mga tao ng
mga makakapal na pangginaw.

Iba’t ibang Uri ng Puppet Show


1. shadow puppet
2. stick puppet
3. string puppet
4. sock puppet

Katangian ng Shadow Play


1. Ang pag-play ng Shadow ay popular sa iba't ibang kultura, sa
parehong mga bata at matatanda sa maraming bansa sa buong
mundo
2. Ang Shadow play ay isang lumang tradisyon at mayroon itong
mahabang kasaysayan sa Timog-silangang Asya

Suriin

Gawain 1: Ipakilala ang sumusunod na mga genre ng panitikan sa


kulturang popular gamit ang mapa ng konsepto.

novelty
song
pick-up
Iskrip
lines

Kulturang
Popular

flash Textula
fiction
fliptop
Gawain 2 Ibigay ang katangian ng mga sumusunod:

Social Media Sining Biswal Sining Mass Media


Panteatro
Blog Graphic Novel One-act Play Islogan
Editoryal Cosplay
Cartoon Shadow Play
Komik istrip Puppet Show

Ngayon ay ating bigyan pansin ang mapa ng konsepto. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong naging batayan sa pagbibigay ng mga konsepto batay


sa mga katangian ng bawat sulatin?

2. Ano ang kaugnayan ng mga sulating ito sa larangang inyong napili?


Pangatwiranan.

Kung nasagutan mo nang maayos ang katanungan, ito ay


nagpapakita na ikaw ay handa na para sa paksang ating tatalakayin.

Halina at ating alamin at talakayin ang paksa ngayong araw.

Pagyamanin

Pagsasanay 1: Lagyan ng ( ) kung tama ang mga pahayag at ( X ) kung


mali ang pahhayag.
___1. Ang iskrip ay ginagamitan ng mga SFX (Sound effects) at MSC (Music).
___2. Isa sa mga katangian ng novelty song ay may dalang kabulastugan.
___3. Kailangan ang taong nagbibigay ng islogan ay mabilis mag isip at
malikhain.
___4. Karaniwang iniaalay ang flash fiction sa isang babaeng
napupusuan o pagpapahayag ng damdaming makabayan.
___5. Bago magsisimula ang fliptop ay kailangang kilalanin muna ang
kalaban upang makaisip ng maaring banat para sa kaniya.
___6. Kung hindi pa nagagamit ng iba, at saka ka pumili ng template o
magiging design ng website mo, blog ang tawag dito.

___7. Ang islogan ay binubuo ng mahigit sa limang parirala.


___8. Isa ang realistikong karakter ang maaaring paghanguan ng cosplay.
___9. Isa sa epektibong paraan sa cosplaying ay ang kasanayan sa
paggamit ng make-up.
___10. Ang iskit ay maituturing ding maikling dula.

Pagsasanay 2. Suriin ang mga sumusunod at ilarawan ang katangian ng


bawat isa.

_
Isaisip

A. Panuto: Piliin ang sagot sa pamamagitan ng crossword.

K Z T U V A C D K E R T A S N A A L U T
O O N P O U R T N C Z U G E R T A K V J
V X M T T A A R N Q J J R W N B S B C D
G M A I A B S C B N K A A B A R K A D A
J A G O K G E R M A T E P X I T E N T R
Z A G N I S N G J O B L H Q U E E N I T
B R A E Z I I P I C K L I N E S T T I T
R A M A O R A S A N N A C D O N G E S S
F E R C M A N P T E L O N I O E E T L G
W E B T I N A R C R O V O I D V I R O U
Q U A P R A N T I N I E V H Y P E L G E
A L C L O H O L C A S P E T I N B O A T
L O C A K D O W N L A B L E T E S T N S
R E B Y U N G T U L A E T X T E S T I N
D E P E D L A G A O C O R T O N A F A C
E M A S K R O D R I G O R U B R E D O O
L O V E T E A M B I O C H L E M I C A L
J A R G O N X M E N F A T A H E R M O T
H E R C H I L D R E N W I K A P I L I P
I N A S N O O T R A C L A Y R O T I D E

1. Katangian nito ay tukuyin ang balangkas ng komiks.


2.Dito nag-isip ng isang representasyon sa isyung igagawa ng cartooning.
3.Isang upuang daloy ng pagbabasa dahil nagtataglay ng isang tuloy-tuloy
na banghay na nahahati sa kabanata.
4. Umiikot dito ang tema, tauhan, banghay, iskoring/musika, disenyo ng
produksiyon at direksiyon.
5. Ang mabuting katangian nito ay konsistent ang sukat at tugma.
6. Layunin nitong itaas ang kamalayan ng literatura ng Pilipinas at madala
ang panulaan sa masa sa pamamagitan ng transportasyon
7. Dulang ang istruktura ay binubuo ng isang yugto lamang.
8. Ginagamit bilang pangunahing pamamaraan ng pambobola.
9. Kinukumpirma kung hindi pa nagagamit ng iba, at saka ka pumili ng
template o magiging design ng website mo.
10. Binubuo ito ng isa o dalawang parirala na maaaring may tugma at
kinakailangang mula sa puso.
Isagawa

Dahil naipakita mo na ang iyong kagalingan sa pagtukoy ng katangian ng


mga sulating sining at desinyo, gawaan ng paglalagom ang iyong mga
natutunan sa araling ito. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga grafikal na
presentation gaya ng grafik organayzer, semantic web, crossword, concept
map, at marami pang iba, ipakita ang katangian ng ibat ibang sulating
sining at desinyong ito:

Kulturang Popular
1. Iskrip
2. Rebyu ng Teleserye
3. Novelty songs
4. Flash Fiction
5. Pick up lines
6. Textula
7. Fliptop
8. Tulaan sa tren/ dyip/ bus (MRT/LRT)
9. Rebyu ng pagkain
10. Fashion

Social Media
1. Blogging
2. Ask.fm at mga katulad na site
3. You tube, Tumbler, Wordpress
Mass Media
1. Pagsusuri sa isinaling teleserye/ anime
2. Islogan

Sining Panteatro
1. Rebyu ng dula
2. Iskit
3. One-act-play
4. Monologo
5. Cosplay
6. Improbisasyon
7. Disenyo ng kasuotan
8. Shadow play
9. Puppet show

Sining Biswal
1. Komik istrip
2. Graphic novel
3. Editorial cartoon
Pagsusulat Tungkol sa Pagdidisenyo ng Istruktura
1. Bahay
2. Parke
3. Simbahan
4. Billboard

Tayahin

Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto


sa lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay
sagutin mo ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at piliin ang titik
ng tamang sagot sa kahon.

a. novelty songs f. monologo k. one-act play


b. pick up lines g. islogan
c. textula h. graphic novel
d. fliptop i. komiks istrip
e. cosplay j. editoryal kartun

___________1. Tumatalakay ng iba’t ibang karakter na maaaring


paghanguan ng pagsasabuhay gaya ng realistiko, eksotiko, hirtorikal at
indi taong karakter.
___________2. Kadalasan ginagamit ito bilang pangunahing pamamaraan
ng pambobola.
___________3. Minsan may kabulastugan at double meaning ang
nilalaman nito.
___________4. Nangangailangan ito ng maraming punchlines.
___________5. Gumagamit ng mga karakter at mga tanawing madaling
maunawaan at magdrowing.
___________6. Binubuo ng isa o dalawang parirala at maaaring magkaroon
ng tugma upang mas maganda pakinggan na mula sa puso ang
pagkakagawa.
___________7. Madali itong maunawaan at basahin, konsistent ang sukat
at tugma at kasiya-siyang basahin at ibahagi sa iba.
___________8. Pagpasyahan ang karakter o tauhang kokopyahin at
pagpasyahan kung paano isasagawa ang kasuotan.
___________9. Inaasahang katulad ng pormat ng isang nobela.
___________10. Pinaplano ang dayalogo at istorya,inaalam ang istilo,
simulang iguhit ang pangunahing karakter upang matukoy ang tagpuan
at balangkas ng komiks.
Karagdagang Gawain

Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong


naunawaan ang ating aralin ay bibigyan kita ng karagdagang gawain na
siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha.
Lumikha ng isang editoryal cartoon tungkol sa kasalukuyang
kalagayang hinaharap ng ating bansa. Sumulat ng sariling tula batay sa
nilikhang editoryal cartoon. Ang tula ay bubuuin lamang ng apat na
saknong na may tig-apat na linya. Gawin itong malikhain at gumamit ng
sukat at tugma.
Isaisip Subukin
1. Komiks Istrip 1. f
2. Editoryal Cartoon 2. b
3. Graphic Novel 3. d
4. Rebyu ng Dula 4. a
5. Textula 5. j
6. Tulaan sa Tren 6. g
7. One-act-play 7. c
8. Pick-up Lines 8. e
9. Blog 9. h
10. Islogan 10. i
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Garcia, F. A at Geronimo, J. V (2016). Filipino sa Piling Larangan (Sining at


disenyo) REX Bookstore, Manila
Vida, R. (2012). https://www.slideshare.net/vohndaniel/pagsusulat-ng-
iskrip-sa-pelikula Published in: Technology, Entertainment & Humor
Babao,R.(1995)https://www.scribd.com/document/407060895/Kasaysaya
n-Ng-Novelty-Songs
Cohen, E. at Brewer, R. (2010) Writer's Digest Books. p. 262. ISBN Poet's
Market
2018 https://tl.wikipedia.org/wiki/Flash_fiction
Hanzelcalof, (2017) Filipino Senior High School
https://brainly.ph/question/673178
Segundosilao (2017) https://silaoweb.wordpress.com/2017/06/16/first-
blog-post/
Hermogenes, W. (2013) https://prezi.com/cdv0ykudzyol/fliptop/
Valiente, R. (2010) http://usapang-komiks.blogspot.com/2010/01/tulaan-
sa-tren.html
Galvan, A. (2017) https://prezi.com/jcckqthedzys/akademikong-sulatin-sa-
rebyu-ng-pagkain-fashion-disenyo-ng/
Istorya Pinas (2015) http://istoryapinas.blogspot.com/2016/12/ano-ang-
blog.html
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya (2013)
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teleserye
Communication / Speech (2018) https://www.affordablecebu.com/ano-ang-
islogan
Mercado,A.(2020)https://www.academia.edu/38736946/Rebyu_sa_Dula_Is
kit_One_Act_Play_Monologo_Cosplay_Imprubisasyon_at_SINING_BISWA
L
Caballe, M. (2016) https://www.slideshare.net/MhicaCeballe/komiks-istrip
published in Education.
Ronelcana (2016) https://www.slideshare.net/ronelcana/editorial-
cartooning-14311021, published in News in Politics and Business.
Bryanramos49, (2019) https://www.slideshare.net/bryanramos49/pagbuo-
ng-komiks-strip
Pascua, F. http://scientia-sanbeda.org/wp-content/uploads/2017/07/Vol-
5.1-F-Pascua.pdf
Tolosa, M. (2017) https://prezi.com/qdkswwvg86fg/sitwasyong-pangwika-
sa-iba-pang-anyo-ng-kulturang-popular/
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like