You are on page 1of 26

8

Filipino
Unang Markahan-Modyul 6:
Ang Maikling Kuwento
Filipino – Baitang Walo
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 6: Ang Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rosemarie M. Andol


Editor: Vivian A. Fontanilla
Tagasuri: Delia E. Duhina Tagaguhit: Salvador D. Bacaoco Tagalapat: James P. Casa
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Tagapamahala:Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Leonardo Mission – REPS, Filipino Ismael M. Ambalgan – CID Chief Sheryl L. O
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino, ADM

Inilimbag sa Pilipinas – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Maikling Kuwento
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Self Learning Module


(SLM) para sa araling Maikling Kuwento!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa pamatnubay


at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng ng Self Learning Module (SLM)


para sa araling Maikling Kuwento!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa modyul na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay

i
na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa paunang pagsusulit na ito, matataya


natin ang mga kaalaman mo sa bawat aralin
na nakapaloob sa modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa nakaraang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa paraang tulad ng kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa bahaging ito, ay magbibigay ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pagpupuno ng patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutunan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

i
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutunang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may panibagong gawaing


ibibigay upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul, makikita mo rin


Sanggunian ang talaan ng lahat ng pinagkukunan sa
paglikha o paglinang ng modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul.


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang SUBUKIN bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

i
Alamin

Madalas ka bang manood ng teleserye? Habang nanonood, nararamdaman


rin ba ang damdamin ng tauhan o ng gumaganap? Napapasabay ka rin ba sa
emosyon ng mga tauhan? Kung oo ang iyong sagot nangangahulugan lamang na
talagang naunawaan mo ang daloy ng mga pangyayari.
Sa iyong palagay bakit kailangang maayos ang pagkabuo ng kuwento? Sa
bahaging ito, malaki ang naitutulong ng pag-aaral sa banghay ng maikling kuwento
upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari.
Ang karagdagang pag-aaral sa sanhi at bunga ay nakatutulong din upang
mailahad ang dahilan ng pangyayari at maaring kahihinatnan ng pangyayari sa
maikling kuwento.
Sa araling ito, ating matututunan ang banghay ng maikling kuwento at ang
mga hudyat na nagsasaad ng sanhi at bunga.

Mga Layunin:
a. Natutukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap
b. Nasusuri ang sanhi at bunga sa binasang teksto
c. Nakikilala ang mga hudyat na mga salita na ginamit sa sanhi at bunga
d. Nailalahad ang kahulugan ng maikling kuwento na may kaugnayan sa
sanhi at bunga
e. Nakasusulat ng isang pagwawakas sa maikling kuwento gamit ang hudyat
ng sanhi at bunga

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil
sa, sapagkat, kaya, bunga nito, at iba pa (F8WG-Ig-h-22)
2. Nakikinig nang may pang-unawa upang mailahad ang layuning
napakinggan, naipaliliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
at nauuri ang sanhi at bunga. (F8PN-Ig-h-22)

1
Subukin

Noong ikaw ay nasa baitang 7 natalakay niyo ang isang maikling kuwentong
nag-iwan ng aral. Ito ay ang “Sandaang Damit” na tinuruan kang “Huwag husgahan
ang kapwa batay sa kanyang panlabas na katangian”.
Gawain I: Kopyahin sa sagutang papel ang mga pangyayari at pagsunod-sunurin
ang mga ito. Lagyan ng bilang 1-10 ang kahon upang matukoy ang pagkasunod-
sunod.

Inaalo siya ng kanyang ina na hayaan na lamang ang kanyang kaklase at


kung makakuha ang kanyang ama ng maraming pera ay ibibili siya ng
kanyang gusto.
May isang batang mahirap na nag-aaral. Laging siyang nakaupo sa sulok,
nakayuko at parang nahihiya.
Umuuwi siyang umiiyak kaya’t nalalaman ng kanyang ina ang nangyari sa
kanya.
Kapag oras ng kainan halos itago niya ang kanyang baon inilalagay niya ito
sa kanyang kandungan. Nakararamdam siya ng hiya sapagkat
pinaparamdam ito ng kanyang kaklase.
Unti–unting nauunawaan ng bata ang kanilang kalagayan. Hindi na siya
nagsusumbong sa kanyang ina at di na umiiyak tuwing umuuwi.
Natuto siyang lumaban, ang batang mahirap ay biglang nagkatinig.
Siya’y nagmamalaking may sandaang damit sa bahay na ginagamit niya sa
iba’t ibang okasyon kaya’t naging magkaibigan sila ng kanyang kaklase.
Napagtuonan nila ng pansin ang nakakabit na papel, nakadikit sa dingding
at nakadrowing ang iba’t ibang uri ng damit pang–okasyon na kanyang
ikinukuwento.
Nawala ang kanyang pagkamahiyain ngunit namumutla kahit na binibigyan
ng pagkain ng kanyang kaklase.
Ilang araw na siyang hindi pumapasok kaya nabahala ang kanyang guro.

Gawain II. Ibigay ang bunga ng mga pahayag. Kopyahin at isulat sa sagutang
papel ang iyong kasagutan.

Sanhi Bunga

1. pagsunod sa payo ng mga magulang

2. pagiging subsob sa pag-aaral

3. pag-aaral nang mabuti


4. pagsisikap sa buhay

5. tamang pagdidisiplina

2
Aralin

6 Maikling Kuwento

Balikan

Magaling! Matapos na mapag-aralan ang sanaysay sa nakaraang aralin, alam


kong may malawak ka nang kaalaman tungkol sa paraan ng pagpapahayag ng
pananaw o opinyon tungkol sa napapanahong isyu ng lipunan.
Ngayon ay atin namang matatalakay ang tungkol sa uri ng panitikang
lumaganap sa panahon ng Hapones, isang akda na kathang isip lamang ngunit
ipinapakita nito ang katototohanan ng buhay na maaaring magdulot ng aral sa
mambabasa, ito ay ang maikling kuwento.

Sa pagpapatuloy, gamit ang graphic organizer, saliksikin natin ang


maikling kuwento sa panahon ng Hapones. Kopyahin sa sagutang papel ang
pormat.

Maikling kuwento sa
Panahon ng Hapones

mga kilalang manunulat kalagayan/ sitwasyon

tema

3
Tuklasin

Gawain I. Fan Fact Analyzer


Ayusin ang mga salita o parirala sa loob ng pamaypay upang makabuo ng
kaisipan kaugnay sa maikling kuwento. Gawin ito sa sagutang papel.
Pagkasunod-
sunod

Maikling Kuwento

Kaisipan:
Gawain II. Saranggola ko! Lipad ng Pangarap ko!
Sa pamamagitan ng saranggola, hayaan mong liparin ka nito upang maabot
ang iyong pangarap. Ibigay ang mga dapat gawin upang maabot ang mga pangarap
sa buhay. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

Mga Dapat Gawin sa Pag-abot ng Pangarap Ko

Gawain III. Payo Mo! Pakinggan ko!


May kasabihang, “Walang magulang na naghahangad nang masama sa kanyang
anak”. Nais mapabuti ng magulang ang kanilang mga anak. Magtala ng mga paraan nang
mabuting padidisiplina ng anak.
Mga Paraan sa Pagdidisiplina ng Anak

1 2 3

4
Gawain IV. Basahin at unawain ang teksto.

Bata pa lamang ay naulila na si Layo. Kaya’t inampon siya ng kanyang tiyuhin na si


Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang amain. Kaya't
siya'y nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang
pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag- aaral siya. Hanggang sa makatapos
siya ng pag aaral at naging topnotcher. Naging isang tanyag na abugado sa Maynila at
nagkaroon ng isang malaking bahay sa Quezon City.
Napangasawa niya si Ising na taga San Fernando, nagkaroon sila ng dalawang anak.
Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob
na dinanas nya sa San Roque kahit na namatay na ang gumawa nito sa kanya. Sa loob ng
mahabang panahon ay hindi siya pumunta o umuwi doon upang dalawin ang puntod ng
kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya
upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo.
Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang
nadarama ng kanyang pamilya.
Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa
San Roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio
na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawadniya ang mga taong nagpahirap sa
kanya noon. Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.
Buod ng Lupa sa Sariling Bayan
Halaw mula sa https://www.slideshare.net/

Pag- unawa sa binasa. Sagutin ang sumusunod na katanungan sa iyong


sagutang papel.
1. Tungkol saan ang maikling kuwento?
2. Ano ang dahilan ng hindi pag-uwi ni Layo sa kanilang bayan?
3. Tama ba ang naging saloobin ni Layo? Kung ikaw si Layo ganoon din ba
ang iyong gagawin?
4. Kailan ginagamit ang mga katagang ito?

Sa susunod na bahagi, matatalakay ang maikling kuwento at kung ano ang


kaugnayan ng mga salitang may salungguhit sa mabisang paglalahad ng mga
pangyayari.

Suriin

Handa ka na bang matutunan ang maikling kuwento? Kung ganoon pag-


aralan na natin ito.
Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang
maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay maaaring likhang isip lamang o batay
sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mambabasa o
tagapakinig.
Ito ay maikli at matatapos kaagad basahin sa isang upuan lamang. Iilan ang
mga tauhan. Ang mga pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-
sunod.

5
Ugnay-Panitikan

Sa pagbabasa at pag-aaral ng maikling kuwento may tinatawag tayong


banghay. Ano nga ba ito?
Ang banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento, na maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ito ay makapag-iiwan ng kakintalan sa
isipan ng mga mambabasa, kung may mangyayari, kung masasagot ang mga
katanungang tulad ng sumusunod: Ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano
ang naging wakas? Ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.

Narito ang ilang tulong para masundan mo at maunawaan ang banghay ng


kuwento.
a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento
b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan
c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng
kuwento.
Sa bahaging ito, nailalahad naman ang kahalagahan ng sanhi at bunga sa
pag-aaral ng maikling kuwento upang maipakita ang pinagmulan at naging resulta
nito.

Sanhi at Bunga
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na
nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan bakit naganap ang isang pangyayari at
ano ang naging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng,
dahil dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at
iba pa.
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito
nangyari” at “Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa
unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa
bunga.
Halimbawa:
Sanhi Bunga
maikling oras sa mababang sweldo
paghahanapbuhay mas mahabang panahon sa
pamilya
masinop magbasa maraming alam

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa maayos


na kaugnayan ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap. Kagaya ng
pagpapahayag ng sanhi at bunga na may mga hudyat na ginagamit upang
maipahayag ito nang malinaw.

Kahulugan Mga Hudyat na ginagamit

Sanhi sapagkat, dahil/dahil sa/


Ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit
dahilan sa, palibhasa, ngunit,
nangyari ang isang pangyayari.
at kasi
Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng kaya/kaya naman, kung/kung
Bunga
isang pangyayari. kaya, bunga nito,tuloy

6
Para lalo mong maunawaan ang banghay ng maikling kuwento, bigyang
pansin ang buod ng akdang “Sa Lupa ng Sariling Bayan” ni Rogelio R. Sicat gamit
ang graphic organizer.

Halimbawa:

Sinimulan ang kuwento nang bata pa si Layo ay maaga siyang naulila sa kanyang magulang.
Kaya inampon siya ng kanyang amain ngunit sobrang hirap ang
kanyang naranasan dito.
Simula Nakaririnig siya ng masasakit na salita tuwing humihingi siya ng baon at kailangan pa niyang umiyak buong maghapon.

Dahil sa kanyang dinanas nagsikap si Layo at siya’y naging magaling na abogado.


Nakapag-asawa si Layo ngunit kahit naging matagumpay siya hindi nawala ang pait ng alaala ng kanyang bayan ang San Roque.
Dinapuan ng kanser si Layo, patuloy ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na ito.
Gitna

Kahit may pagdaramdam si Layo sa kanyang bayan tinanggap niya ang katutuhanan na hindi na kayang malunasan ang kanyang sakit kaya hinil
Ngunit pinayuhan siya ng kanyang Tiyo Julio na masama magbaon ng hinanakit at kalimutan na ang mapait na nangyari sa San Roque. Kaya ng s
Dinala sa San Roque ang bangkay ni Layo at doon siya inilibing.

Wakas

Pagyamanin

Gawain I.A Basahin at unawain nang mabuti ang teksto.

Saranggola
ni Efren R. Abueg

Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang
lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng
saranggola,” wika ng ama.
“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.
“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang
anak.

7
“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.
“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas.
Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama.
“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari
ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng
saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng
saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang
pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali
niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang
nakasampid sa isang balag.
“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon
‘yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad
ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas,
pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging
nawawasak.”
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging
katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa
eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.
“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung
masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang
gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari
ng istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko…
parang anak ng pobre.”
“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa
eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang
isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng
hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga
kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa
machine shop kung araw na walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na
pagsusumbong ng bata sa ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa
akin… parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama.
Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang
kanyang ina.
Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha
sila ng commerce.
“Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa
limang magkakaibigan.
Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko
mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong
ina.” Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina.

8
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin
ko….engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang
magmamana niyon kundi ikaw?”
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang
barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na
hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito
sa dormitoryo. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako
ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”Pinayapa ng kanyang ina ang
kanyang kalooban.
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi
makabubuti sa iyong hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at
magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin
ni Itay ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung
hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip
niyang makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase,
ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang
dalawampu.
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang
mechanical engineer.
Namangha siya.
“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng
pag- aaral,” nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka
ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”
“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng
tirahan sa mga magulang.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong
isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng
kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad
siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop?
Magkukumpetensiya pa tayo rito.”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?”
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago
lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit
na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na
malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito.
Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales.
Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa

9
mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng
puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga
magulang. Dumabog siya sa harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan
ba ninyong makitang nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi
madali ang mabuhay sa mundo, anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man
lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho
hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at
nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa
isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa
na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang
may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may
pasalubong sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw
dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na, Inay, na nagkaroon ako ng ama!”
Umiyak ang kanyang ina. “Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!”
nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon
ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong
kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine
shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak
sa bahay.
“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong
ama!” “Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong. “May dalawang ulit na hong regular
silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda.”
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa
pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang
masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng
saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas,
nasa husay, tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang
sinilangan.
“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit.
Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang
marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng
kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi
niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito,

1
parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod
niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila
ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at
pagpapatagal niyon sa itaas.
Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.
Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento ‘yan namin
ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.

Gawain I. Pag-usapan natin.


Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang maikling kuwento?
2. Ano ang nais ipaunawa ng ama sa kanyang anak nang sabihin niyang, “Ang taas
at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at tiyaga. Ang malaki
ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung
bumagsak laging nawawasak”?
3. Bakit hindi naunawaan ng anak ang ginagawang pagdidisiplina ng kanyang ama
sa kanya? Kung ikaw ang nasa kalagayan ng anak, paano mo tatanggapin ang mga
ito?
4. Anong aral ang nais iparating ng kuwento sa mambabasa?
5. Bilang isang anak, paano mo haharapin ang mga pagsubok sa iyong buhay?

Gawain II. Ilahad ang pagkasunod-sunod ng pangyayari (banghay) ng maikling


kuwentong “Saranggola”. Kopyahin ang graphic organizer at lagyan ng nararapat
na sagot sa scroll sa sagutang papel.

Saranggola

Simula
Wakas

Gitna

1
Gawain III. Fishbone Map
Magtala ng pangyayari sa akdang binasa gamit ang sanhi at bunga. Isulat
sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

sanhi

Saranggola
ni Efren R. Abueg

bunga

Gawain IV. Tulad ng saranggola, itinuro ng ama sa anak ang uri ng buhay. Kung
bibigyan ka ng pagkakataon, ihalintulad ang iyong buhay sa isang bagay sa
pamamagitan ng pagguhit sa iyong sagutang papel.

Isaisip

Panuto: Ibigay ang angkop na salita sa bawat patlang upang mabuo ang ang
kaisipan. Lagyan ng bilang ang bawat patlang.
Ang ito ay uri ng akdang pampanitikan na
1
sumasalamin ng pangyayari sa buhay ng tao.
Ang maikling kuwento ay may banghay na nagiging tulay upang lalong

ang mga na nasa loob ng kuwento.


2 3
Ang paggamit ng sanhi at bunga ay nagpapahayag ng at
4
ng pangyayari upang mailahad nang maayos ang pagkasunod-

1
5
sunod ng mga pangyayari ng kuwentong binasa.

Isagawa

Panuto: Gawin ang gawain sa ibaba.


Bumuo ng Karakter Propayl na naglalahad ng mahahalagang detalye
tungkol sa kilala o tanyag na tao sa inyong bayan. Gayahin ang pormat na
naibigay sa ibaba. Huwag kaligtaang lagyan ng larawan. Gumamit ng short bond
paper.

Karakter Propayl Pangalan: Edad: Tirahan: Hilig: Katangian: Kakayahan: Pangarap: Mga Natamo: Karanasan pa

Gayong ganap na ang iyong kakayahan sa pang-unawa ng ating aralin, tiyak


na ang lawak ng iyong kaalaman tungkol dito.

Tayahin

I. Panuto: Kopyahin at sagutin ang talahanayan sa sagutang papel. Lagyan ng tsek


( ) kung ito ay sanhi, ekis (X) naman kung ito ay bunga ang nakalaang kahon.
Sitwasyon Sanhi Bunga
1. dahil sa hindi ibinigay ng ama ang hinihiling
2. kung kaya siya ay naging isang mechanical engineer
na gusto ng kanyang ama
3. dahil sa naubos ang puhunan

4. bunga nito, naghinanakit siya sa kanyang ama


5. palibhasa nagsikap siya sa pagtatrabaho

1
II. Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa sagutang papel. Salungguhitan ang sanhi
minsan at dalawang beses naman ang bunga.
1. Lumaking masayahin at magalang ang batang si Hannah dahil sa kanyang
mababait at mapag-alagang mga magulang.
2. Siya ay iniidolo ng mga kabataan sa kanilang lugar dahil sa kanyang mabuti at
mapagkawanggawang gawain.
3. Unti-unting nasisira ang ating inang kalikasan dahil sa inaabuso ng
sangkatauhan ang ating kapaligiran.
4. Pinabayaan ni Maria na matuyo ang mga halaman kaya galit na galit ang
kanyang ina.
5. Nakalimutan ni Arabella na mag-aral ng kanyang leksyon kagabi kaya mababa
ang nakuha niya sa pagsusulit.
6. Marami ang naitalang kaso ng COVID-19 dahil sa mga sumusuway sa patakaran.
7. Hindi niya iningatan ang kanilang pagmamahalan kaya kaagad na itong nasira.
8. Mataas ang nakuha niya sa pagsusulit sapagkat pinag-aralan niya nang mabuti
ang mga aralin.
9. Naabot niya ang kanyang pangarap dahil sa kanyang pagsisikap.
10. Nawalan ng trabaho ang karaniwang mamamayan sapagkat laganap ang
pandemyang COVID-19 sa ating bansa

Karagdagang Gawain

Matapos nating mabasa ang akdang Uhaw sa Tigang na Lupa paano mo ito
bibigyan ng pagwawakas gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga. Kopyahin ang
pormat sa iyong sagutang papel.

Pagwawakas

1
Rubrik sa Pagsulat ng Wakas

Pamantayan 5 3 1

Napakaangkop ang Di- gaanong Hindi angkop ang


wakas sa daloy ng angkop ang wakas wakas sa daloy ng
naunang mga sa daloy ng naunang mga
Kaangkupan pangyayari. naunang mga pangyayari.
pangyayari

Lubhang malinaw Di – lubhang Hindi malinaw na


na naipabatid ang malinaw na naipabatid ang
bunga o naipabatid ang bunga o
kinalabasan ng bunga o kinalabasan ng
mga pangyayari. kinalabasan ng mga pangyayari.
Kalinawan mga pangyayari

Lubusang Di- gaanong Hindi napabatid


nakapagpabatid ng nakapagpabatid ang aral na dapat
Mensahe aral na dapat ng aral na dapat matutuhan ng
matutuhan ng matutuhan ng mambabasa.
mambabasa. mambabasa
Leyenda:
11-15 - Napakahusay
6-10 - May angking kakayahan
0- 5 - Kailangan pa ng pagsasanay

1
Susi ng Pagwawasto

1
Commented [JRDC1]: Please iencode po ulit. Huwag po screensh

1
1
Sanggunian

Abueg, Efren. Saranggola. June 29, 2020.


https://www.tagalogshortstories.net/efren-abueg-saranggola.html.

Ayapana, Danney. Sa Lupa ng Sariling Bayan. June 29, 2020.


https://www.slideshare.net/DanneyAyapana/sa-lupa-ng-bayan-37051747.

Baisa-Julian, Ailene, et. al. Pinagyamang Pluma 8 (K+12). Quezon City: Phoenix
Publishing, 2014.

Cruz, Alberto S. Sa Landas na Yaon (Maikling Kuwento). June 29,


2020. www.tagalogshortstories.net.

Palero, Juan Miguel. Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga. June 29, 2020.
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-mga-hudyat-ng-sanhi-at-bunga-
ng-mga-pangyayari.

Wong, Julie T., Alfred Mendoza, and Archimedes V. Sendon. Kanlungan 8. Maynila:
ELP Campus Journal Printing.

1
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod
sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS)


Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address:

20

You might also like