You are on page 1of 24

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Sining at Disenyo)
Unang Markahan – Modyul 3:
Sulating Sining at Disenyo
(Kahulugan, Kalikasan, at
Katangian)

CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Filipino sa Piling Larang (Sining at Disenyo)- Baitang 12
Alternative Delivery Mode
Una/Ikatlong Markahan – Modyul 3: Sulating Sining at Disenyo (Kahulugan, Kalikasan,
Katangian)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joseph S. Soriano

Editor: Rodolfo F. De Jesus

Tagasuri: Jenevieve S. Palattao

Tagalapat: Heidee F. Ferrer, Brian Spencer B. Reyes


Jenilyn Rose B. Corpuz, Brian E. Ilan, Ebenezer A Beloy,
Tagapamahala
Heidee F. Ferrer, Rodolfo F. De Jesus

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City


Telefax: 920-5824; 926-2213 loc 801
E-mail Address: ncr@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
(Sining at Disenyo)

Unang Markahan – Modyul 3:


Sulating Sining at Disenyo
(Kahulugan, Kalikasan, at Katangian)
Paunang Salita
Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong, o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o sinumang gagabay at tutulong sa
pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa hinandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtapos ng aralin upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan
o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay nakarararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala pa sila sa paaralan.

ii CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa katulad mong


mag-aaral na mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang uri ng sulating
akademiko at panimulang pananaliksik.

Nagtataglay ang modyul na ito ng mga gawain na lilinang sa iyong


kasanayan upang higit na maunawaan ang iba’t ibang sulating akademiko
at panimulang pananaliksik ukol dito.

Naririto ang Most Essential Learning Competencies na lilinangin sa


modyul na ito:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga anyo ng sulatin sa sining
at disenyo (CS_FSD11/12PB-0a-c 103);
2. Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo)
(CS_FSD11/12PT-0a-c 91); at
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, katangian, at iba’t ibang anyo ng sining
at disenyo (CS_FSD11/12EP-0a-c 41).

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang kahulugan ng iba’t ibang batayang elemento at


prinsipyo ng sining at disenyo;
2. nasusuri ang kahulugan, katangian, at layunin ng sulating sining
at disenyo;
3. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng sulating pansining at
disenyo; at
4. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik sa halimbawang
sulating sining at disenyo.
Ngayong nabatid mo na ang mga layuning kailangang matamo sa
modyul na ito, mahalagang malaman din natin ang taglay mong kaalaman
sa paksa na iyong pag-aaralan. Sagutan ang susunod na gawain dahil ito
ang magiging batayan ng iyong guro kung paano ka niya tutulungan na
pagyamanin ang iyong kaalaman. Halika! Subukin mong sagutan ang
kasunod na gawain.

1 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Subukin

Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa Sulating Sining


at Disenyo at Panimulang Pananaliksik. Magiging batayan ito kung paano ka
tutulungan at higit na pagyayamanin ang iyong kaalaman at karunungan.
Subukin mong isagawa ang kasunod na gawain.

PANUTO: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat aytem at isulat


ang wastong sagot sa hiwalay na papel.
A. Hanapin ang tinutukoy na konsepto ng sumusunod na bilang.
Gawing gabay ang talaan ng mga konsepto sa kahon.

Balanse Hugis Proporsiyon


Disenyo Kaisahan Ritmo
Empasis Kulay Sining
Espasyo Linya Tekstura

__________1. Ang pagpapamalas ng manlilikha ng kanyang angkingkahusayan


gamit ang imahinasyon, malikhaing pag-iisip, o teknikal na husay sa
paggawa ng likhang sining.
__________2. Ang proseso o plano na batayan sa paggawa ng isang likhang sining.
__________3. Ang damdamin at pananaw ng manlilikha ay naipapahayag sa
paggamit ng iba’t ibang anggulo nito na tuwirang tumatawid sa
nakakikita ng likhang sining.
__________4. Ang iba't ibang dimensiyon ng payak, pabago-bago at sumusulong na
damdamin ay naitatanghal sa pagtitimpla ng iba’t ibang uri nito.
__________5. Ang impresyon at kahulugan ay napalilitaw ng mga imahen at
representasyon sa pamamagitan ng pagsasama-sama nito.
__________6. Ang kaayusan ng detalye sa isang komposisyon at kinalalagyan nito
sa loob ng isang gusali o kuwarto na nakatutulong upang
mapatingkad ang positibong lugar at lalim ng likhang sining
__________7. Ang makapagpamalas ng natural at realistikong ugnayan sa
nakakikita ng komposisyon gamit ang kalidad ng rabaw upang
maramdaman at masalat ang likhang sining.
_________8. Ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa biswal na pagkakapareho
ng mga hugis, elementong linyar, pag-uulit ng padron/harmoniya.
__________9. Ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa relatibong sukat at eskala
ng iba’t ibang elemento ng isang disenyo.
_________10. Ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa distribusyon ng mga
elemento sa buong disenyo na tumitiyak sa pagkakaroon ng pantay
na biswal na bigat.

2 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
B. Iklasipika ang sumusunod na gawain sa angkop na bahagi nito sa
Pagsulat ng Sulating Pansining at Disenyo. Isulat ang letra ng sagot sa hiwalay
na papel.
A. Ang pag-unawa sa naging danas at epekto ng likhang sining sa pag-iisip
at damdamin.
B. Ang pagtataya sa kabuong kalakasan at kahinaan ng likhang sining.

C. Ang pagtataya sa kabuoan ng komposisyon, ang epektibong paglalapat at


ugnayan ng mga batayang element at prinsipyo.

D. Ang personal na paglikha ng pagsusuri batay sa pagsasaalang-alang ng


mahalagang aspekto ng sining at disenyo gaya ng batayang elemento
at prinsipyong ginamit sa likhang sining.

E. Ang paglalarawan sa mga batayang impormasyon sa likhang sining, paksa,


elementong ginamit, teknikal na katangian.

Sulating Pansining at Disenyo

Deskripsiyon ng obra Paglalatag ng pagsusuri

Pagbibigay-interpretasyon

Ebalwasyon Sariling Paraan ng Pagsusuri

3 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Balikan

Mahalagang maunawaan natin ang iyong natutuhang kaalaman sa Sulating


Sining at Disenyo at iba’t ibang uri nito. Halika magbalik-aral tayo!

Basahin ang sumusunod na tanong at itala mo sa hiwalay na papel ang iyong


sagot.

I. Ano ang kahulugan ng Sining at Disenyo para sa iyo? Isulat mo sa hiwalay na


papel ang iyong sariling pagpapakahulugan sa salitang Sining at Disenyo
(maaaring isang salita lamang o parirala ang isulat). Gamit ang mga ibinigay na
salita o parirala bumuo ng sariling kahulugan ng Pagsulat.

Sining at
Disenyo

Sariling Kahulugan ng Sining at Disenyo

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
II. Tukuyin sa Hanay A ang mga katangian ng akademikong sulatin sa Hanay B.
Isulat ang letra at salita ng wastong sagot sa hiwalay na papel.
Hanay A Hanay B

___1. Ang gamit ng sining bilang komunikasyon sa isang tao, A. Magpalaya


karanasang estetiko, pagbibigay kasiyahan sa kapwa o
pagsisilbi sa pansariling interes at kapakanan ng indibidwal. B. Magpamulat
C. Manghikayat
___2. Ang gamit ng sining sa pagganap sa serbisyo o pagtugon sa
pangangailangan ng isang indibidwal o kolektibo. . D. Panlipunan
E. Personal
___3. Ang gamit ng sining kung ang pokus ay makaimpluwensiya
sa pag-uugali ng tao at magamit sa pampublikong sitwasyon. F. Pisikal

___4. Ang pagtangkilik sa mamamayan upang pahalagahan ang


sining at disenyo bilang bahagi ng lahi at pagkakilanlan.

___5. Ang pagpapaunawa sa mamamayan sa kahalagahan ng


preserbasyon at pagpapaunlad ng sining at disenyo.

4 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Tuklasin
Sa kasalukuyang taglay mo na ang kaalaman tungkol sa sulating sining at
disenyo at mga konsepto ukol dito. Ngayon naman ay magkakaroon ka ng bagong
kaalaman ukol sa iba’t ibang batayang elemento at prinsipyo ng sining at disenyo
gayundin ang kaalaman sa panimulang pananaliksik. Halina’t iyong basahin at
unawain ang sumusunod na paksa.
Magbigay ng mga kilalang estruktura sa Pambansang Punong Rehiyon at
isulat ang mga mahahalagang impormasyon ukol dito. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.

Estruktura Lokasyon Alagad ng Sining

Oblation Unibersidad ng Pilipinas Pambansang Alagad ng


–Diliman, Lungsod Sining sa Eskultura
Quezon Guillermo Tolentino

Suriin

Sulating Sining at Disenyo


Ang sining ay itinuturing na salamin o repleksiyon ng ating lahi at
pagkakilanlan kung saan mababakas ang mayamang kultura at kasaysayan ng
ating lahi mula sa mga likhang sining galing sa malikhaing imahinasyon ng ating
mga ninuno.
Ang sining ay tumutukoy rin sa iba’t ibang uri ng paglikha na nagpapakita
ng kahusayan ng isang manlilikha gamit ang imahinasyon, malikhaing pag-iisip o
teknikal na husay na layunin pahalagahan ang kagandahan o kakayahan.
Sa UP Diksyonaryong Filipino, binigyang-pakahulugan ang sining bilang
larangan na gumagamit ng kasanayan o malikhaing pamamaraan sa ekspresyon
ng maganda, kaakit-akit, mahalaga batay sa estetikong pamantayan.
Sa artikulo ni Kristina Subido na Best Practice Crafting sinasabing ang
orihinal na kahulugan ng sining ay nauukol sa repleksiyon at meditasyon na
tumutukoy sa pangkaisipang pamamaraan at masining na pagsasagawa ng
likhang sining.
Ang disenyo naman ang mahusay at masining na pagpaplano sa
pagsasagawa ng likhang sining. Ito ay itinuturing na prinsipyo sa paggawa ng
anumang likhang sining na isinasaalang-alang ang mga batayang elemento ng
artistikong pagpapahayag.

5 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Sa kabuoan, ang sining at disenyo ay nagsisilbing gabay sa pagsasagawa ng
likhang sining na ekspresyon ng malikhaing pag-iisip at imahinasyon ng
manlilikha.
Bilang ang sining at disenyo ay mahalagang gabay sa paglikha ng sining
mahalagang maunawaan ang mga batayang elemento at prinsipyo upang magamit
sa pagpapahalaga o pagsusuri sa mga likhang sining. Halika! Talakayin natin ang
iba’t ibang batayang elemento at prinsipyo ng sining at disenyo.

Batayang Elemento ng Sining at Disenyo


Sa pagsulat ng sulating sining at disenyo mahalagang maunawaan ang mga
batayang elemento na magsisilbing gabay sa pag-unawa, pagpapahalaga at
pagsusuri ng iba’t ibang likhang sining. (Garcia at Geronimo 2017, 5-15).
Halika, tuklasin ang mga batayang elemento ng sining at disenyo.

Espasyo
Ito ay tumutukoy sa lugar sa loob, labas, at paligid ng paksa ng
isang guhit, eskultura, o pinta.
Ang pag-unawa sa konsepto ng espasyo nagagamit sa
pagpapatingkad ng positibo at negatibong lugar gayundin ang lalim ng
isang likhang sining batay sa kaayusan ng mga detalye sa isang
komposisyon at kinalalagyan nito sa loob ng isang gusali o pampublikong
espasyo.

Hugis
Anumang bagay na may lapad at taas. Batayang hugis ay
parihaba, parisukat, bilog, tatsulok. Ginagamit bilang simbolo,
karakter at porma. Ang impresyon at kahulugan ay napalilitaw ng mga
imahen at representasyon sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
hugis sa isang komposisyon.

Kulay
Itinuturing na isa sa pinakamapangyarihang elemento sa pagguhit.
Ito ang anyo o itsura ng isang bagay depende sa katangian tumanggap o
tumalbog ang liwanag sa materyales nito. Ito ay kombinasyon ng hue,
saturasyon, lightness, brightness.
Ang iba't ibang dimensiyon ng payak, pabago-bago at sumusulong
na damdamin ay naitatanghal sa pagtitimpla ng mga kulay na maaaring
mapusyaw o matingkad.

Linya
Ang damdamin at pananaw ng manlilikha ay naipapahayag sa
pamamagitan ng iba't ibang angulo ng linya na tuwirang tumatawid sa
sinumang nakakikita ng likhang sining.

Tekstura
Ito ay paglalarawan ng kagaspangan o kakinisan ng ibabaw ng
anumang likhang sining.

Ang paggamit ng tekstura sa larang ng sining ay nakalilikha ng


ilusiyon sa mata. Ang layunin nitong maipamalas ang natural at
realistikong ugnay sa mga nakasaksi. Nagagawa ng mga nakasaksi na
maramdaman at masalat ang mga nalilikhang imahen o pigura sa
komposisyon dahil sa kalidad ng rabaw na nililikha ng imahen o pigura.
6 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Value
Ito ay tumutukoy sa antas ng liwanag o dilim ng kulay sa isang
likhang sining
Ang ugnayan ng kapusyawan o katingkaran sa iba't ibang antas ng
pag-iiba o contrast. Nabibigyang-diin sa paggamit ng value bilang elemento
ang bigat at hubog ng isang likhang-sining.

Batayang Prinsipyo ng Sining at Disenyo


Balanse

Ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa distribusyon ng mga


elemento sa buong disenyo na tumitiyak sa pagkakaroon ng pantay
na biswal na bigat.

Kaisahan
Ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa biswal na pagkakapareho
ng mga hugis, elementong linyar, pag-uulit ng padron/harmoniya.

Empasis
Ang prinsipyo sa sining at disenyo sa nakahihikayat na titigan at
pagmasdan mabuti at mapahalagang ang isang bahagi ng likhang sining.

Proporsiyon
Ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa relatibong sukat at eskala
ng iba’t ibang elemento ng isang disenyo.

Ritmo
Ang prinsipyo sa sining at disenyo na nakabatay sa konsepto ng
pag-uulit na nakalilikha ng daloy o galaw.

Nalaman mo na ang kahulugan ng akademikong sulatin gayundin ang


naunawaan ang kahulugan ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin. Ngayon
naman tutungo tayo sa pagtalakay sa Panimulang Pananaliksik na makatutulong
sa iyo sa pagsasagawa ng pagsusuri sa iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

7 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Panimulang Pananaliksik
Kahulugan ng Pananaliksik
Batay sa Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio
S. Almario ang pananaliksik o saliksik ay isang
katutubo o sinaunang salita na matatagpuan sa
Vocabulario ni Noceda ay nangangahulugang “hanapin
sa lahat ng sulok” na nagpapahiwatig ng isang gawin
na may tindi at sigasig sa paulit-ulit na paghahanap
dahil kailangan isagawa sa lahat ng sulok. Ayon pa kay
Almario ang pinakakahulugan, kabuluhan at
pangwakas na tungkulin ng saliksik ay ang pagtatamo
ng karunungan.

By 1demerith - Own work, CC BY-SA 3.0,


https://commons.wikimedia.org/w/index.p

Ang mga dalubhasa at eksperto sa iba’t ibang larangan ay nagbigay ng


pakahulugan sa Pananaliksik:

Binigyan pakahulugan ng mga dalubwika na sila Constatino at Zafra ang


pananaliksik bilang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto,
bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.

Ayon naman sa ekspertong si Spalding, ang pananaliksik ay malalimang


pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa at taglay nito ang obhektibong
interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyon nakalap. (Dayag at Del Rosario
2016, 121)

Itinuturing naman ng edukador na si Susan


Neuman ang pananaliksik bilang paraan ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
Sa kabuoang ang pananaliksik ay isang sistematikong
proseso ng mga hakbang na ginagamit sa pagkalap ng
datos, impormasiyon upang madagdagan ang pagkaunawa
sa isang paksa.

Ngayon nalaman mo na ang kahulugan ng


pananaliksik bilang sistematikong proseso sa pagtuklas ng
bagong kaalaman mahalagang matalakay ang mga hakbang
sa pagsulat ng sulating pansining at disenyo upang
makatulong sa pagsasagawa mo ng pagsusuri sa iba’t ibang
sulating sining at disenyo.
https://bit.ly/SusanNeumann

8 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Hakbang sa Pagsulat ng Sulating Pansining at Disenyo
Narito ang ilan sa mga hakbang sa pagsulat ng sulating pansining at
disenyo. (Garcia at Geronimo, 2017, )

1. Pagbibigay ng Deskripsiyon sa
Obra
Ang paglalarawan ng mga batayang impormasyon sa obra, paksa
elementong ginamit, teknikal na katangian

2. Paglalatag ng Pagsusuri

Ang pagtalakay sa kabuoan ng komposisyon, epektibong


paglalapat at ugnayan ng mga batayang elemento at
prinsipyo

3. Pagbibigay-interpretasyon

Ang paglalarawan sa naging danas at epekto ng obra


sa pag-iisip at damdamin

4. Ebalwasyon

Ang paglalahad sa naging pangkalahatang


kalakasan at kahinaan ng obra

Sariling Paraan ng Pagsusuri

Ang personal na paglikha ng pagsusuri batay sa pagsasaalang-alang


ng mahalagang aspekto ng sining at disenyo gaya ng batayang element at
prinsipyong ginamit sa likhang sining.

Halimbawa ng Pananaliksik sa Sulating Sining at Disenyo


Dagli: Kuwento ng Sandali
Kasaysayan at Kahulugan ng Dagli

Ang dagli ay maikling maikling anyo ng panitikan sa Pilipinas na maaaring


pinag-ugatan ng pagsisimula ng maikling kuwentong Tagalog.

Sa UP Diksyonaryong Filipino ang salitang dagli o rapidas sa wikang Kastila


ay ngangahulugang maikling maikling sanaysay na may katangian mabilisan at
maikling panahon.

9 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Binigyang pakahulugan naman ng manunulat ng kulturang popular na si
Rolando Tolentino ang dagli bilang maikling-maikling kuwento o sanaysay na
mala-kuwento at mala-sanaysay.
Sa panahong 1900s nagkaroon ng dagli sa Pilipinas na ang tema
nangangaral at nanunuligsa.
Sa kasalukuyang popular ang dagli bilang nauusong estilo ng maikling
kuwento.

Ang ilan sa mga kilalang kalipunan ng dagli ay ang Mga Kuwentong


Paspasan na pinangunahan ng manunulat na si Vicente Garcia Groyon;
kalipunan ng iba’t ibang karanasan ng mga manunulat.

Ang aklat na Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kuwentong


Nagmamadali) ng manunulat na si Eros Atalia na tumatalakay sa iba’t ibang
paksa, karanasan, at yugto sa buhay.

Ang aklat na Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ng manunulat na si Jack


Alvarez na tungkol sa mga karanasan ng isang manggagawa sa Gitnang Silangan.

Katangian ng Dagli

Inilahad ni Rolando Tolentino mula sa Introduksiyon ng Wag Lang Di


Makaraos, ang ilan sa katangian ng isang dagli na sa pagbabasa nito maaring
matunghayan ang kawalan ng kabuoan sapagkat matatagpuan ito sa mismong
pagbabasa. Karagdagan nabanggit ang katangian ng dagli ni Eros Atalia bilang
magaan halo-halong kalamay, bastos kundi man nambabastos o bulgar, may
patawa, may patama, may sinasabi, may sinabi at hindi.
Karagdagan sa katangian ng dagli ang pahayag ni Vincente Groyon sa
Introduksiyon ng Mga Kuwentong Paspasan binanggit niya ang espesyal na
katangian taglay ng dagli na hindi nangangailangan ng mahabang panahon ng
mambabasa at kawalan ng pasanin sa manunulat na lumikha ng obra maestra na
nakatulong upang maging mas higit na malikhain. Ito ay nangangailangan lamang
ng madaliang panahon ng dagli at napagtatagumpayan masapul agad ang
sinuman target na katulad sa tarak ng punyal na walang mintis at mapupuruhan
ang sinuman.
Sa aklat nila (Gorospe, 2015 p. 145) tinalakay ang ilang mungkahing paraan
dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng dagli mula sa manunulat na si Eros Atalia.

10 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Mungkahi Paraan sa Pagsulat ng Dagli mula kay Eros Atalia

1. Magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo,


paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo.

2. Magsimula lagi sa aksiyon

3. Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo

4. Magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento

5. Gawing double blade ang pamagat

Ngayon nalaman mo na ang iba’t ibang batayang elemento at prinsipyo ng


sining at disenyo at naunawaan ang mahahalagang hakbang sa pagsulat ng
sulating pansining at disenyo. Subukin natin ang natutuhan mo sa nabanggit na
paksa.

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa tinalakay na paksa.


Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel.

1. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na Uri ng Akademikong Sulatin


batay sa iyong binasa:
a. Espasyo
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
b. Tekstura
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
c. Balanse
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
d. Kaisahan
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
e. Proporsiyon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga batayang
element at prinsipyo ng sining at disenyo sa pag-unawa, pagpapahalaga, at
pagsusuri ng mga likhang sining? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ibigay ang pakahulugan ng mga eksperto at dalubwika sa PANANALIKSIK.

Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Prop. Susan Neuman


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
\
4. Talakayin ang mga mahahalagang hakbang sa pagsulat sulating pansining
at disenyo. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Mga Hakbang sa Pananaliksik

5
1
4
1
3
1
2
1
1

12 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Pagyamanin

Naunawaan mo na ang kahulugan ng mga batayang elemento at prinsipyo


ng sining at disenyo gaya ng linya, kulay, hugis, balance, kaisahan, atbp.
Ngayon naman ang pagkakataon upang higit na mapalalim ang iyong pag-unawa
hinggil sa mga nabanggit na konsepto sa sining at disenyo.

Sagutan sa hiwalay na papel ang mga tanong sa sumusunod na aytem.

1. Ang mga batayang element at prinsipyo sa sining at disenyo ay mahalagang


instrumento sa pag-unawa, pagpapahalaga, at pagsusuri ng mga likhang
sining. Gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat ang maaaring mga
pangunahing elemento at prinsipyo ang namamayani sa mga kilalang
estruktura. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Estruktura Elemento ng Sining Prinsipyo ng Sining


at Disenyo at Disenyo

Liwasang Bonifacio Linya Kaisahan

Munisipyo ng Maynila

Welcome Arc ng Marikina

Quezon Memorial Circle

Monumento ni Bonifacio

2. Mahalaga ang pananaliksik upang makakuha at makatuklas ng mga bagong


impormasyon makatutulong upang mapahalagahan ang ating kultura at
sining. Bilang isang mag-aaral, magsagawa ng pananaliksik sa mga lokal na
likhang sining sa inyong lungsod at manaliksik ng mga mahahalagang
impormasyon ukol dito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

13 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Isaisip

Ngayong tapos mo nang sagutan ang mga pagsasanay sa modyul na ito,


nais ko namang ibahagi mo ang mga kaalaman na iyong napulot sa pag-aaral nito.

A. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang mga gagawin mo upang


mapahalagahan ang ating kultura at sining? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng


sistematikong proseso at lohikal na plano upang maging makamit ang nais
na resulta. Itala ang mga hakbang o plano na nakabatay sa pananaliksik
upang makapasa sa iba’t ibang pagsusulit pangkolehiyo gaya ng UPCAT,
PUPCET, PNUAT, PLMAT, atbp.

Plano sa pagkuha ng Pagsusulit Pangkolehiyo

1
2
1
3
1
4
1
5
61
5
7
6

14 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Isagawa

Ikaw ay kasapi sa Young Artist Club ng inyong paaralan at naatasan ka ng


inyong club adviser o tagapayo na magsagawa ng pananaliksik ukol sa isang uri ng
sulating pansing at disenyo na maaaring mong ibahagi sa ibang kasapi ng Young
Artist Club. Gawing mong gabay ang Pamantayan sa Pagmamarka sa Sulating
Pansining at Disenyo.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka ng Sulating Pansining at Disenyo


Mabuti Magaling Mahusay Napakahusay
Pamantayan Iskor
(1-2 puntos) (3 puntos) (4puntos) (5 puntos)
Kaunti lamang
Kalahati ang Halos taglay Kompleto ang
sa
taglay na ang lahat ng mahahalagang
mahahalagang
mahahalagang mahahalagang nilalaman ng
nilalaman ng
nilalaman ng nilalaman ng sulatin mula sa
sulatin ang
sulatin mula sa sulatin mula mahahalagang
Nilalaman natalakay gaya
kahulugan, sa kahulugan, kahulugan,
ng kahulugan,
kasaysayan, kasaysayan, kasaysayan,
kasaysayan,
katangian, katangian, katangian,
katangian,
layunin, gamit layunin, gamit layunin, gamit
layunin, gamit
nito. nito. nito.
nito.
Kaunti lamang Kalahati ang Halos taglay Nasusunod ang
ang taglay na taglay na ang lahat ng lahat ng
mahahalagang mahahalagang mahahalagang mahahalagang
Pagsunod sa
proseso o proseso o proseso o proseso o
Proseso ng
hakbang sa hakbang sa hakbang sa hakbang sa
Pananaliksik
pananaliksik pananaliksik pananaliksik pananaliksik
ukol sa sulatin ukol sa sulatin ukol sa sulatin ukol sa sulatin
Kaunti lamang Kalahati ng mga Halos lahat ng
Ang lahat ng
sa mga ideya at ideya at ideya at
nilalaman at
nilalaman ng nilalaman ng nilalaman ng
Organisasyon ideya ng sulatin
sulatin ang sulatin ang sulatin ay
ng mga ideya ay nagtataglay
nagtataglay ng nagtataglay ng nagtataglay ng
ng kaisahan at
kaisahan at kaisahan at kaisahan at
kaugnayan
kaugnayan. kaugnayan. kaugnayan.
Halos
Kaunti lamang
Kalahati ang nakasusunod Nakasusunod sa
ang nasusunod
nakasusunod sa sa lahat ng lahat ng mga
sa tuntunin
Pagsunod sa tuntunin tuntunin tuntunin
gramatikal
Tuntunin ng gramatikal gaya gramatikal gramatikal gaya
gaya ng
Gramatika ng pagbabantas, gaya ng ng pagbabantas,
pagbabantas,
kapitalisasyon, pagbabantas, kapitalisasyon,
kapitalisasyon,
atbp. kapitalisasyon, atbp.
atbp.
atbp.
Kabuoang
Iskor

15 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat aytem at isulat ang
tamang sagot sa hiwalay na papel.

A. Isulat sa hiwalay na papel ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.

Balanse Hugis Proporsiyon


Disenyo Kaisahan Ritmo
Empasis Kulay Sining
Espasyo Linya Tekstura

Ang 1.) __________ pagpapamalas ng manlilikha ng kanyang angking


kahusayan gamit ang imahinasyon, malikhaing pag-iisip, o teknikal na husay sa
paggawa ng likhang sining.

Ang 2.) __________ ay ang proseso o plano na batayan sa paggawa ng isang


likhang sining.

Ang damdamin at pananaw ng manlilikha ay naipapahayag sa paggamit ng


iba’t ibang anggulo 3.) __________ na tuwirang tumatawid sa nakakikita ng likhang
sining.
Ang iba't ibang dimensiyon ng payak, pabago-bago at sumusulong na
damdamin ay naitatanghal sa pagtitimpla ng iba’t ibang 4.) __________.
Ang impresyon at kahulugan ay napalilitaw ng mga imahen at representasyon sa
pamamagitan ng pagsasama-sama 5.) __________.

Ang 6.) __________ o kaayusan ng detalye sa isang komposisyon at


kinalalagyan sa loob ng isang gusali o kuwarto na nakatutulong upang
mapatingkad ang positibong lugar at lalim ng likhang sining

Ang 7.) __________ makapagpamalas ng natural at realistikong ugnayan sa


nakakikita ng komposisyon gamit ang kalidad ng rabaw upang maramdaman at
masalat ang likhang sining.

Ang 8.) __________ ay ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa biswal na


pagkakapareho ng mga hugis, elementong linyar, pag-uulit ng padron/harmoniya.

Ang 9.) __________ ay ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa relatibong


sukat at eskala ng iba’t ibang elemento ng isang disenyo.

Ang 10.) __________ ay ang prinsipyo sa sining at disenyo ukol sa


distribusyon ng mga elemento sa buong disenyo na tumitiyak sa pagkakaroon ng
pantay na biswal na bigat.

16 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
B. Talakayin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Sulating Pansing at Disenyo.
Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Isaalang-alang ang pamantayan ng
pagmamarka sa ibaba.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Sanaysay sa Pananaliksik
Mabuti Magaling Mahusay Napakahusay
Pamantayan Iskor
(1 puntos) (2 puntos) (3 puntos) (4 puntos)
Kaunti lamang Halos
Kalahati ang Kompleto ang
ang natalakay natalakay ang
natalakay na pagtalakay sa
na lahat ng
mahahalagang mahahalagang
mahahalagang mahahalagang
bahagi o bahagi o
bahagi o bahagi o
proseso sa proseso sa
proseso sa proseso sa
pagsasagawa pagsasagawa
Nilalaman pagsasagawa pagsasagawa
ng panimulang ng panimulang
ng panimulang ng panimulang
pananaliksik pananaliksik
pananaliksik pananaliksik
Kaunti lamang Kalahati ng Ang lahat ng
Halos lahat ng
sa mga ideya at mga ideya at nilalaman at
ideya at
nilalaman ng nilalaman ng ideya sa
Organisasyon nilalaman sa
sanaysay ang sanaysay ay sanaysay ay
ng mga ideya sanaysay ay
nagtataglay ng nagtataglay ng nagtataglay ng
nagtataglay ng
kaisahan at kaisahan at kaisahan at
kaisahan at
kaugnayan kaugnayan kaugnayan
kaugnayan.
Halos
Kaunti lamang Kalahati ang Nakasusunod
nakasusunod
ang nasusunod nasusunod sa sa lahat ng mga
sa lahat ng
sa tuntunin tuntunin tuntunin
Pagsunod sa tuntunin
gramatikal gaya gramatikal gaya gramatikal gaya
Tuntunin ng gramatikal gaya
ng ng ng
Gramatika ng
pagbabantas, pagbabantas, pagbabantas,
pagbabantas,
kapitalisasyon, kapitalisasyon, kapitalisasyon,
kapitalisasyon,
atbp. atbp. atbp.
atbp.
Kabuoang
Iskor

Karagdagang Gawain
Ikaw ang napiling kinatawan ng iyong klase para lumahok sa pampaaralang
patimpalak ukol sa Pagsulat ng Sanaysay bilang bahagi ng pakikiisa sa
pagdiriwang ng Araw ng Pagkatatag ng inyong lungsod. Ang paksa ng
sanaysay ay Lungsod Ko, Dangal Ko! Nagbigay ang mga hurado ng ilang
paalala na dapat talakayin ng sanaysay gaya ng ito ay pagpapakilala ng
isang lokal na estruktura sa inyong lugar at dapat taglayin nito ang
paghihikayat na pahalagahan ang estruktura sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mahahalagang impormasyon ukol dito batay sa pananaliksik.
Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

17 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3 18
Subukin
Tayahin
Sulating Sining at Disenyo A. Akademikong Sulatin
1. Sining 1. Sining
2. Disenyo 2. Disensyo
3. Linya 3. Linya
4. Kulay
4. Kulay
5. Hugis
5. Hugis
6. Espasyo
6. Espasyo
7. Tekstura
8. Kaisahan 7. Tekstura
9. Proporsiyon 8. Kaisahan
10. Balanse 9. Proposisyon
A. Kritisismong Pansining 10.Balanse
1. E B. Pagsulat ng Sanaysay
2. C (para sa bilang 11-25)
3. A Gawing gabay sa pagwawasto
4. B ng sanaysay ang inihandang
5. D Pamantayan sa Pagmamarka
ng Sanaysay .
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Almario, Virgilio S. ed. 2016. Introduksiyon sa Saliksik. Metro Manila: Aklat ng
Bayan.
Almario, Virgilio S. ed. 2010. UP Diksyonaryong Filipino Binagong Edisyon. Lungsod
Quezon: Sentro ng Wikang Pambansa.
Atalia, Eros S. 2011 Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kuwentong Pasaway,
Paaway at Pamatay). Lungsod Pasay. Visprint Inc.
Dayag, Alma M. at Mary Grace Del Rosario. 2016. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at
Pagsusuri ng Teksto tungo sa Pananaliksik. Lungsod Quezon:
Phoenix Publishing.

Garcia, Fanny A. at Jonathan V. Geronimo. 2017. Filipino sa Piling Larangan


(Sining at Disenyo). Lungsod Maynila: Rex Book Store.

Gorospe, Florentina S. ed. 2015. Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa


Mag-aaral. Lungsod Quezon. Vibal Group Inc.

Groyon, Vicente G. 2007. Mga Kuwentong Paspasan. Lungsod Pasig. Milflores


Publishing, Inc.

https://bit.ly/SusanNeumann

https://bit.ly/RioAlmaManunulat

https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/best-practice-crafting-
reflections-on-the-word-sining/

Sicat-De Laza, Crizel. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa Pananaliksik.


Lungsod Maynila: Rex Book Store.

19 CO_Q1_FilipinoSaPilingLarang_Module3
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like