You are on page 1of 18

Araling Panlipunan 10

Gawaing Pagkatuto(LAS)
Ikalawang Markahan- Ikatlo-Ikalimang Linggo
Kalagayan, Suliranin, at Pagtugon sa
Isyu ng Paggawa ng Bansa

JULIEN B. ATIN
Naghanda

Department of Education, Cordillera Administrative Region


Division of Mountain Province Paracelis South District
Palitod National High School
Republic of the Philippines
Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
SCHOOLS DIVISION OF MOUNTAIN PROVINCE

Inilathala ng :
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG-SIPI


2021
Isinasaad ng Seksyion 9 ng Pampanguluhang Atas Bilang 49:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayun pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda.”

Ang kagamitan na ito ay nabuo para sa pagpapatupad ng Kurikulum na K to 12 sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division ( CID ) – Learning Resource
Management and Development System ( LRMDS ). Ang pinanggalingan ng mga gawain pati
paglikha o pag-edit, pagpapaganda o pagdaragdag sa orihinal na gawain ay para sa layuning
pampagkatuto lamang at ang napagkunan ay kailangang makilala. Kung ninanais makopya,
makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at ang may-akda ng karapatang-siping ito.
Ito ay maaaring iparami para sa layuning edukasyunal nang may pahintulot mula sa may-akda.
ii

PAUNANG SALITA

Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay para sa mga mag-aaral sa asignaturang


Kontemporaryong isyu sa paksang “Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyu ng Paggawa ng
Bansa” ay proyekto ng Curriculum Implementation Division - Learning Resource Management and
Development Unit, Department of Education, Schools Division ng Mountain Province bilang
pagpapatupad sa K to 12 Curriculum.

Ang kagamitang pampagkatuto ay pag-aari ng Department of Education- CID, Schools


Division ng Mountain Province. Layunin ng modyul na ito na pagbutihin ang mga mag-aaral sa
pagkatuto sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu (Grade 10)

Petsa ng Pagkabuo October 7, 2021

Lokasyon ng mapagkunan Schools Division ng Mountain Province- LRMDS

Palitod National High School, Pracelis South District


Asignatura Araling Panlipunan

Grade Level Grade 10

Uri ng Kagamitan Gawaing Pampagkatuto (LAS)

Lengguwahe Filipino

Pamantayang Pangnilalaman Ang mag -aaral ay may pag -unawa sa sanhi at implikasyon
ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang- ekonomiya
upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap Ang mag -aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga


isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang
pamumuhay.

Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu


ng paggawa sa bansa

Kwarter/Linggo Ikalawang Kwarter-Ika-apat-Ikalimang Linggo


iii

PASASALAMAT

Taus-pusong pinasasalamatan ng may-akda ang lahat ng taong nanghikayat, tumulong at


nagbigay ng suhestiyon sa paggawa ng gawaing pampagkatuto (LAS) na ito para sa Ikasampung
Grado sa asignaturang Araling Panlipunan-Kontemporaryong Isyu (Grade 10).

ROGER WYMARK D. TARIAGAO


Head Teacher 1

PAMANAGUTAN NG DIVISION LRMDS

NIKKI T. MACABEO ANDRES S. CUYASAN


Librarian II Project Development Officcer II

HOWARD P. POKING JOCELYN P. SAMIDAN,EdD.


EPSVr-Araling Panlipunan EPSVr-LRMDS

Mga KONSULTANT

KHAD M. LAYAG, Ed.D


Chief, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools Division Superintendent
iv

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Karapatang-ari……………………………………………………… ii

Paunang Salita……………………………………………………… iii

Pasasalamat ………………………………………………………... iv

Talaan ng mga Nilalaman………………………………………….. v

Kasanayang Pampagkatuto at Code……………………………… 1

Panimula……………………………………………………………… 1

Panuto………………………………………………………………… 8

Mga Gawain………………………………………………………….. 8

Refleksiyon o Pangwakas………………………………………….. 11

Mga Sanggunian…………………………………………………….. 12
V

Kagamitang Pagkatuto (Quarter 2-Week 4-5)


Kalagayan, Suliranin, at Pagtugon sa Isyu ng Paggawa sa Bansa
Pangalan: ________________________________ Grado :__________ Petsa: __________
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
MELC: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng
paggawa sa bansa.(Week 4-5)
Tiyak na mga Layunin:
a. Naipaliliwanag ang mga suliranin at isyu sa paggawa sa bansa.
b. Nailalahad ang mga paraan sa pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.
II. Panimula (Susing Konsepto)
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at
hamon sa paggawa tulad ng mababang sahod, hindi ligtas na kondisyon sa trabaho, kawalan ng
seguridad sa pinapasukang kompanya, “ job-mismatch”, bunga ng mga “ job- skills mismatch”,
iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang hamon
din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang
kompanya at korporasyon sa bansa. Nahikayat ang mga namumuhunang pumasok sa bansa na
nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.
PAKSA 1:Implikasyon sa Suliranin sa Paggawa ng Unemployment,
Underemployment at Self-employment
Unemployment and Underemployment
May mataas na demand para sa globally standard na paggawa, at pagtugon na isinasagawa
ng ating pamahalaan tungkol sa hamon ng globalisasyon sa paggawa. Sa kasalukuyang datos ayon
sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2016), ipinakita ang lumalaking puwersa sa
paggawa na umabot na sa 63.4 milyon, umaabot sa 2.7 milyon ang walang trabaho, samantalang
nasa 7.4 milyon ang underemployed.
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas ng bansa taon-taon. Ayon sa
pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW. Dahil sa kawalan ng oportunidad at
marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa (labor) simula
dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong nangingibang bayan para magtrabaho. Sa
katunayan, ang OFW na ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito
sa bansa na dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa
matitinding krisis pampolitika’t pang-ekonomiya. Ito rin ang isa sa mahahalagang indicator ng
papalaking pag-asa ng bansa sa panlabas na salik sa halip na sa panloob na mga kondisyon ng
patuloy na paggulong ng ekonomiya.
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa 687,000 ayon sa
Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi makasasapat kahit ikumpara sa mga bagong
pasok na puwersa sa paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.

1
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa paglaki ng unemployment
at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng mga job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay
ang mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng mga
kompanya sa bansa. Ipinapahiwatig nito na maraming kurso sa mga Higher Education Institutions
(HEIs) at mga kolehiyo sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong
kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa, tinataya na aabot sa 1.2 milyon na college
at vocation graduates ng nagdaang taon (2016) ang mahihirapan sa pagkuha ng mga trabaho
dahil sa patuloy na mismatch sa kanilang kasanayan at kakayahan mula sa kanilang tinapos na
kurso sa kakailanganing kasanayan at kakayahan na hinihingi ng mga employer sa bansa at sa
labas ng bansa (TUCP, 2016).
Mga Mahahalagang Konsepto na May Kaugnayan sa Iba’t-ibang Isyu sa Paggawa
A. UNEMPLOYMENT – tumutukoy sa kawalan ng trabaho na isa sa mga suliraning
kinakaharap ng anumang bansa sa daidig.
- Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang trabaho
sa kabuuan ng lakas-paggawa.
Mga Uri ng Unemployment
1. Voluntary- nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho.
2. Frictional- nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang
ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga.
3. Casual- nangayayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak na
panahon.
4. Seasonal- nangyayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa tiyak na
panahon (Halimbawa: Tuwing magpa pasko)
5. Structural- nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa
ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga nagtrabaho at namumuhunan.
6. Cyclical- nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga mangaggawa ay nakaranas
ng business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng unemployment.
Mga Dahilan ng Suliraning Kawalan ng Trabaho(Unemployment)
1.Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho
Ayon sa tala ng PSA hindi lang yung mga hindi nakapag-aaral o walang natapos ang dahilan
ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang kakulangan ng oportunidad sa kanila.Ang edad 15
hanggang 24 taon ang ay naghahahanap ng trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o
credentials. Ang mga kabataang ito ay nawawalan na ng kompiyansa sa sarili dahil wala nang
mapapasukan na trabaho di kaya’y matagal na naghihintay na matawagan sa inaplayang trabaho.
2.Kakulangan sa akademikong paghahanda
Ang mga dahilan nito ay ang mababang kalidad ng sistema ng edukasyon, gaya ng walang
maayos na kapasidad, programa o kurikulum at hindi matustusan ang pag-aaral kaya, ang iba dito
ay huminto at hindi na nakapagtapos at napabilang sa mga walang trabaho.
3.Paglaki ng populasyon
Ayon dito ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakabawas sa pagiging produktibo. Dahil
ayon sa pamahalaan, kung mas kunti ang populasyon, mas kunti ang kailangang trabaho. Sa
kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga pinakadahilan ng unemployment ay ang
pamahalaan dahil sa walang komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho

2
para sa mga mamamayan. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang namumuhunan para
magkaroon ng trabaho sa bansa. Kaya ang mamamayan ay nagtiyaga na magtrabaho kahit maliit
lang ang sahod na natatanggap at kulang ng benepisyo at hindi maganda ang kondisyon ng
pinagtatrabahuan.
4. Kabilang sa dahilang ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay ang Katamaran.
Makikita natin na maraming nagistambay at maghapong walang trabaho.
Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa paggawa at kawalan ng trabaho
(Unemployment):
1.Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho mula sa dating trabaho.
2.Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.
3.Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon.
4.Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya sanhi
ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.
5.Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.
Ayon sa pag-aaal, patuloy ang pag-angat ng Pilipinas sa larangan ng Business Process
Outsourcing dahil sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang Pilipino. Ang Pilipinas
ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non-IT BPO. Ito ay ang sistema ng
pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay nasa ibang bansa at
pagkuha ng mga call center agent sa bansa upang magtrabaho. Gagampanan ng mga agent na ito
ang ilang aspeto ng operasiyon na nasa Pilipinas upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang
kliyenteng kompanya na nakabase pa rin sa ibang bansa. Ayon sa ulat ng Department of Labor
and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa
kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang
desenteng paggawa (decent work) na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat
isa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa.
B. UNDEREMPLOYMENT (job-mismatch)-trabahong hindi angkop sa pinag-aralan

Mga Dahilan ng Suliranin


1. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho. Ayon sa pag-aaral
nahihirapan ang mga establisyemento na punan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang
kompanya, ang dahilan ay kawalan ng kinakailangang kasanayan. May malaking proporsyon ng
“hindi tugma o mismatch” sa pagitan ng pagsasanay at aktwal na pagtratrabaho.
2. Isa pang dahilan ng suliranin sa paggawa ay ang hindi pagbibigay ng wastong pasahod
at kaunting benepisyo ang ibinibigay ng mga kapitalista sa mga manggagawa, kasama ang hindi
maayos na kondisyon sa pinagtratrabahuan o (Poor Working Conditions). Halimbawa, may
mga manggagawa na nagtratrabaho sa mapanganib na lugar ngunit walang maayos na
kagamitan na magprotekta sa kanila.
3.Mura at Flexible Labor- isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga
manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa bansa
(IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang
kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay
makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t
ibang mga bansa.

3
4. Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga
lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa
pamilihang lokal. Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang
naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang
naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa
bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging, mangga at iba pa na
itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa Isa rin sa dahilan ng kawalan ng
trabaho ay ang pananalasa ng kalamidad. Lubhang napinsala ang sektor ng agrikultura na
siyang dahilan ng walang matratrabaho na lupain.
K. KONTRAKTUWALISASYON- ay isang praktis ng mga employer kung saan tuwing ika-anim na
buwan ay ni-rerenew ang kontrata ng mga manggagawa. Ginagawa ito para makaiwas sa
pagbibigay ng benepisyo ang mga employer sa kanilang manggagawa. Kabilang sa mga benepisyo
ay ang paghuhulog ng contributions sa Social Security System (SSS). Nararapat nang wakasan ang
contractualization para malasap naman ng mga manggagawa ang mga benepisyo na matagal nang
naipagkait sa kanila.
Noong taong 1992, wala pa ang Department Order No. 10 at 18- 02 ng DOLE, may
73% nang pagawaan sa bansa ang nagpapatupad o gumagawa ng iba’t ibang flexible working
arrangements, ayon sa International Labor Organization o ILO (1992). Samantala sa pagitan ng
1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang - sa bawat isang manggagawang regular na
nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal. Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks
ang nag-eempleyo ng mga temporaryong manggagawa/kaswal dahil nagbabago-bago ang mga job
orders o purchase orders ng kanilang kalakal; at bumababa ang halaga ng kanilang produkto sa
pandaigdigang pamilihan. May 83% ng mga kompanya ang nag-empleyo ng mga kaswal at
kontraktuwal upang maiwasan ang pagkakaroon ng unyon sa mga manggagawa noon.
Ayon sa ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang ganitong sistema ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa. Bunsod nito ay iminumungkahi ng iba’t ibang mambabatas,
ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng manggagawa na tuluyan ng ibasura ang sistemang
kontraktuwalisasyon o kilala rin ngayon na “endo.”
Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa.
1.Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga manggagawang kontraktuwal/kaswal.
Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng
mga manggagawang regular. Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation
pay, SSS, PhilHealth at iba pa.
2.Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA) dahil
hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi sa unyon dahil
walang katiyakan o pansamantala lang ang kanilang security of tenure.
3.Maliban pa rito, hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa
mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensya. Iginigiit ito ng mga kapitalista kahit ang mga
ito ay itinuturing na labor only contracting na ipinagbabawal ng batas. Sa tuwing natatalakay ang
usapin ng pagpapakontrata, napipilitan ang mga mahina na magsama-sama at maglunsad ng
iisang pagkilos. Ang pana-panahong pagkilos na ito ang lumilikha ng atensiyon at
nakatatawag-pansin sa pandaigdigang komunidad. Nagbibigay ito ng impresiyong hindi
sumusunod sa pandaigdigang mga pamantayan sa paggawa ang batas paggawa sa Pilipinas.
Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan
laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted)
ang usapin ng karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa
trabaho o pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
4
Apat (4) na Haligi para sa Isang Desente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)
Employment Pillar.
1.Employment Pillar.Tiyakin ang paglikha ng mga sustenable na trabaho, malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.
2.Worker’s Rights Pillar-Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa
paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
3.Social Protection Pillar-Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa
na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na
pasahod, at oportunidad.
4.Social Dialogue Pillar-Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa
na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na
pasahod,at oportunidad. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining.
Mga Pagbabagong Dulot ng Globalisasyon na Nagbunga ng Isyu sa Paggawa
1)Malayang Kalakalan. Ito ay ang pagluwag o tuluyang paglansag sa mga restriksiyong
humahadlang sa malayang pagpasok ng kalakal sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito ay dulot ng
globalisasyon na maaring makakatulong sa ekonomiya ng bansa lalo na sa paggawa. Isang hamon
din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang
namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang
kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na
pumasok sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.
2.) Liberalisasyon. Ito ang proseso ng malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang
kapital o pamumuhunan. Ang World Trade Organization (WTO) ay isa sa mga pandaigdigang
institusyon na nangunguna sa pagsusulong at pagpapalaganap ng liberalisasyon sa larangan ng
kalakalan. Ayon sa mga tagapagtaguyod ng globalisasyon ang WTO ay nakatutulong sa
pagpapalaganap ng kalayaang pangekonomiko sa pamamagitan ng free trade, bukas na pamilihan
at malayang daloy ng produkto,kapital at impormasyon. Subalit ayon naman sa mga tumutuligsa
sa WTO, ang mga patakaran nito ay kumikiling lamang sa mayayamang bansa. Naniniwala sila na
naging kasangkapan ito ng mga makapangyarihang bansa sa daigdig upang isulong at
protektahan ang kanilang pang- ekonomikong interes.
3.) Labor Movements. Maraming pagbabagong haharapin ang bansa at isa na dito ang
kakayahan na makaangkop sa globally standard na paggawa. Hamon ng globalisasyon ang
pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN
2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade
Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa
sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan na lilinangin sa mga mag-aaral na
Pilipino. Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na paggawa na naaangkop sa
mga kasanayan para sa ika-21 siglo.
4. Exchange of Technology and Ideas. Ayon kay KAVAIJIT SINGH isang iskolar mula sa India, sa
kanyang aklat na pinamagatang Gabay sa Globalisasyon ng Pananalapi ang kalikasan ng
5

globalisasyon. Ayon sa kanya, pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa pamamagitan ng


pandaigdigang transportasyon at komunikasyon. Ang katangian na ito ay may sentro ng mas
mabilis na transaksyong dulot ng globalisasyon at isyu ng paggawa. Paglaganap ng Internet at
digital technology , paglaganap ng mas moderno at kumplikadong uri ng teknolohiya, pagiging
mas bukas sa iba’t ibang impormasyon at bagong kaisipan at paraan ng paggawa at paglaganap
ng naaabot na saklaw ng media. .
5.)Cultural Integration.Isa sa mga hamon ng globalisasyon at paggawa nagaganap sa
kasalukuyan ay ang kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang
kultura sa harap ng mga pagbabagong dala nito. Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung
paano magiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang gawi.
Sa madaling sabi, konektado ang buong daigdig pati na rin sa lakas paggawa nito. Ang
pag-uugnayan ng mga bansa ay patuloy na nagaganap. Ang bawat bansa ay nagnanais na maging
kasapi ng mga samahang pangkabuhayan upang mapalawak ang kanilang pamilihan, isa na rito
ang Pilipinas. Bunsod ng isyung ito, sa pamamagitan ng integrasyon sa kultura, nagkaroon ng
maraming pagbabago ang mga Pilipino tulad ng pagkawala ng sariling identidad sa maraming
kadahilanan.
Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa.
Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring pagkakaisa at determinasyon upang
isulong ang kanilang mga karapatan.Kung ang mga kapitalista ay mulat sa kalakaran na maging
dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na. Kailangan maging mulat bilang uri at maging
alerto ang mga manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor. Kailangan ng
pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat.
Pag-oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang itinatangi – regular man o hindi,
kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong ang mga isyung magiging
kapaki-pakinabang sa uring manggagawa. Mas paigtingin ang pag-oorganisa at pagpapakilos sa
mga manggagawa sa bago at mahirap na kalagayan. Pagsulong sa ilang probisyon ng DO 18-A, na
angkop para maisagawa ang bagong kaayusan sa paggawa. Sa kabilang banda, hindi maitaas ang
suweldo, hindi maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng
mga manggagawa sa bansa sapagkat mahihirapan ang mga namumuhunan, negosyante at
may-ari ng Transnational Corporations (TNCs) na ipagkaloob ang mga ito dahil sa patakarang
umiiral sa ilang bansa na kakompetensiya ng sariling bansa sa produksiyon, katulad ng China na
may mataas na demand ng pangangailangan ng mga pamumuhunan dahil sa mababa, mura at
flexible labor.
PAKSA 2: Mga Mungkahi sa Paglutas sa iba’t ibang Suliranin sa Paggawa
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya,
‘job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa
paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating
at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas
nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa
paggawa. Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na
kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade
6

Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga
manggagawa. Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa mga
trabaho sa bansa na kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay
nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.
Naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:
➢ una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng globally
standard;
➢ pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigan pamilihan;
➢ pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at
➢ pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o
mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal. Ang mga pagbabagong ito ay
nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa
paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng
desente at marangal na pamumuhay.
Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan ng bawat
pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga isyu sa lipunan na
napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa
mga usapin sa paggawa.
Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang
kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa
mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng
bansa ng kalakalan sa daigdig.
Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng
mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga
suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Ang pakikialam ng pamahalaan ay malaking
tulong sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at
bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang
negosyante at wakasan ang kontraktwalisasyon na isyu hanggang sa kasalukuyang
administrasyon.
(Hango mula sa Araling Panlipunan 10 Learner’s Manual)

III. Panuto: Basahin, unawain, at isagawa ang hinihingi ng bawat


gawain sa ibaba.
IV. Mga Gawain
I.Pagsasanay/Aktibidad

Gawain 1: TERMINO, IPALIWANAG MO.


Lagyang ng kaukulang paliwanag ang mga sumusunod ayon sa inyong
pagkakaintindi sa binasa. Punan ang Data Retrieval Chart(5 points bawat sagot).
Mga Kategorya Paliwanag
1. Hindi tugma o mismatch

2. Poor working condition

3. Mura at Flexible labor

Gawain 2. TANONG KO, SAGUTIN MO.


Basahin ng Maigi ang Editoryal at Pagkatapos ay Sagutin ang mga Tanong
Narito ang bahagi ng isang editoryal na tumatalakay sa isyu ng kontraktuwalisasyon.
Basahin mong mabuti para mas higit mong maunawaan ang sistemang ito na laganap na sa
buong bansa. Editoryal – Wakasan na ang contractualization (Philippine Star news) (Pang-masa) -
July 10, 2016 - 12:00am
ISA sa mga pangako ni President Rodrigo Duterte ay ang pagbuwag sa CONTRACTUALIZATION.
Sabi ni Duterte noong nangangampanya, pinapatay ng contractualization ang skills ng
manggagawa. Nararapat lamang umano ito sa mga mauunlad na bansa at hindi sa Pilipinas.
Malinaw ang pahiwatig ni Duterte na sa kanyang termino, wawakasan na ang contractualization.
Ang CONTRACTUALIZATION ay isang praktis ng mga employer kung saan tuwing ika-anim na
buwan ay ni-renew ang kontrata ng mga manggagawa. Ginagawa ito para makaiwas sa pagbibigay
ng benepisyo ang mga employer sa kanilang manggagawa. Kabilang sa mga benepisyo ay ang
paghuhulog ng contributions sa Social Security System (SSS).
Nararapat nang wakasan ang contractualization para malasap naman ng mga manggagawa ang
mga benepisyo na matagal nang naipagkait sa kanila. Tapusin na ang walang katapusang
pagpirma ng kontrata ng mga manggagawa at lagi nang nag-agam-agam tuwing sasapit ang
ika-anim na buwan. Walang kasiguruhan kung ire-renew pa ng kanyang employer ang kontrata.
Paano kung hindi na? Paano niya bubuhayin ang kanyang pamilya? Paano ang mga pinapaaral na
anak?
8
Sabi ng mga CONTRACTUAL WORKER, nawawalan sila ng gana sa pagtratrabaho kapag malapit
nang magtapos ang kanilang kontrata. Nawawalan ng pag-asa at bagkus nasisira ang mga plano.
Maliwanag sa batas na ipinagbabawal ang CONTRACTUALIZATION alinsunod sa SECURITY OF
TENURE CLAUSE ng Konstitusyon. Ipinagbabawal din ito sa ARTICLE 280 ng LABOR CODE na
nagsasaad na kapag ang trabaho ng isang manggagawa ay “NECESSARY” o “DESIRABLE” sa
negosyo ng employer, siya ay itinuturing na regular na empleyado.
Wakasan na ang CONTRACTUALIZATION para mawala ang pangamba ng mga manggagawa
tuwing sasapit ang ika-anim na buwan. Panahon na para malasap nila ang sarap nang may
permanenteng trabaho.
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2016/07/10/1601316/editoryal-wakasanna-an
g-contractualization
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naunawaan mo sa konsepto ng kontraktuwalisasyon?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________.
2. “Wakasan na ang CONTRACTUALIZATION”, bakit ito ang naging panawagan ng sumulat ng
editoryal? Ano ba ang naidudulot nito sa mga manggagawa?
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
3. Sa palagay mo, mawawakasan kaya ang sistema ng kontraktuwalisasyon sa bansa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
Gawain 3: HINAHANAP KO, IBIGAY MO.
Gamit ang mga natutuhan sa aralin na ito, subukan ang sarili sa pagsagot ng mga
hinihingi sa ibaba. Magtala ng lamang ng tatlo mula sa nabasa.
Mga Isyu sa paggawa Bakit nagpapatuloy ang mga Paano mabibigyan ng
isyu? solusyon?
1.

2.

3.

Gawain 4: TAMA o MALI


Basahing mabuti ang mga pangungusap, isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap
ay may katotohanang pahayag at isulat ang MALI, kung ang pahayag ay hindi totoo

______1. Karamihan sa may edad na 15 hanggang 24 taon gulang na naghahahanap ng trabaho ay


hinihingian ng credentials.
______2. Ang kakulangan sa akademikong paghahanda dulot ng mataas na kalidad ng sistema ng
edukasyon, gaya ng walang maayos na kapasidad ay suliranin sa paggawa.
______3. Ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakadagdag sa pagiging produktibo.
______4. Ayon sa paaralan, kung mas kunti ang populasyon, mas kaunti ang kailangang trabaho.
______5. Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng klima at oras.
______6. Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non- IT BPO.
______7. Kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang
disenteng paggawa (decent work) na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat
isa anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa ito ay ayon sa DOLE.
______8. Employment Pillar nagsasaad na tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa.
______9. Ito ay kaganapan na nangyayari sa paggawa, nawawalan ng trabaho ang manggagawa
kapag may krisis ang ekonomiya.
______10. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang namumuhunan para magkaroon ng
trabaho sa bansa ang mga manggagawa.
______11. Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at
madaling pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
______12. Ang mangagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng paglaki ng industriya sanhi ng
makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.
______13. Ayon sa tala ng DOLE hindi lang yung mga hindi nakapag-aaral o walang natapos ang
dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang kakulangan ng oportunidad sa kanila.
______14. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa,
at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga Unyon ng Manggagawa.
______15. Nagkakaroon ng suliranin sa paggawa kapag nagaganap ay ang paglipat ng indibidwal sa
ibang trabaho sa dating trabaho.

10
PAGNILAYAN:
Isa sa mapanghamong isyu sa pag-upo ni Pangulong Duterte sa puwesto ay kung paano
wakasan ang isyung kontraktuwalisasyon, na isa sa kanyang mga pangako noong siya ay
nangangampanya pa lamang. Isa ito sa mga magagandang plataporma ng kanyang pangkat na
lubos na hinangaan ng mga manggagawang Pilipino at umasa na makamit ang pangakong
pagbabago ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lubosang naisasakatuparan.Gayunpaman,
marami pa ring manggagawa ang umaasa na darating din ang araw na lubos itong
maipapatupad.Gustong-gusto man itong ipatupad ng ating pangulo, hindi ito mangyayari kung
hindi siya susuportahan ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo sa ating
bansa.Kahit ganoon, marami namang Pilipino ang nakapasok sa maayos na trabaho bago ang
pandemya. Malaking hamon sa ating bansa at sa mga nanunungkulan sa pamahalaan ang mga
isyu sa paggawa.
Gawain 5: E-slogan Mo.
Bumuo ng slogan na nagpapakita ng iyong suporta sa pamahalaan upang wakasan ang
kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa sa bansa.Gawin sa mahabang bond paper.Huwag
kalimutang isulat ang pangalan sa gawain.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman/Mensahe Ang nilalaman ng slogan ay nakaayon sa 10
tema
Kaayusan Malinis at maayos ang output 5
Pagkamalikhain May sariling disenyo 5
Paghihikayat Tama ang kombinasyon ng kulay na ginamit 5
Kabuuan 25
V.REPLEKSYON
Sa kabuuan, anu-ano ang mga mahahalagang bagay na natutunan mo bilang
isang mag-aaral sa paksang ito? Isulat ang iyong opinion.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

11

VI.Susi sa Pagwawasto
Gawain 1: Magkakaiba ang sagot
Gawain 2: Magkakaiba ang sagot
Gawain 3: Magkakaiba ang sagot
Gawain 4:
1. TAMA 2.MALI 3.MALI 4.MALI 5.MALI

6.TAMA 7.TAMA 8.TAMA 9.TAMA 10.TAMA

11.MALI 12.MALI 13.MALI 14.MAL 15.TAMA

VII.SANGGUNIAN
DepEd AP10 LM(Draft)
Kontemporaryongisyu.blogspot.com
Kagawaran ng Edukasyon.Dibisyon ng Bukidnon
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2016/07/10/1601316/editoryal-wakasanna-an
g-contractualization
www.google.com
Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at Educational
Sites)
Kontemporaryong Isyu (Compilation of Modules- Draft Copy) Pahina,187-219

12

You might also like