You are on page 1of 21

Karanasan at Bahaging

Ginampanan
ng mga Kababaihan Tungo
sa Pagkakapantay-Pantay,
Pagkakataong
Pang-Ekonomiya
at Karapatang Pampolitika
Modyul sa Araling Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan/Modyul 5

XANDRECKST.
XANDRECKS T.KINAO
KINAO
Developer
Tagalinang
Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pangasiwaang Rehiyon ng Cordillera
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Purok 02, Bulanao Norte, Lungsod ngTabuk

Inilathala ng:
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Curriculum Implementation Division

KARAPATANG SIPI
2021

Isinasaad ng Presidential Decree Blg. 49 na:

“Hindi maaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay inihanda para sa pagpapatupad ng K


to 12 Curriculum sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Lungsod
ng Tabuk – Curriculum Implementation Division (CID). Maari itong sipiin para sa
layuning pang-edukasyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang
paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaring gawin, ibigay lamang ang karampatang
pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang
likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division partikular


ng Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng Lungsod ng Tabuk bilang pagtugon sa implementasyon ng K to 12
Curriculum.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID, Sangay ng


Lungsod ng Tabuk. Nilalayon nitong mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral
partikular sa Araling Panlipunan.

Petsa ng Pagkagawa Marso 2021

Paaralan: Northern Tabuk District 1


Tabuk City National High School
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Asignatura: Araling Panlipunan

Baitang: 7

Uri ng Materyal: ADM Modyul

Wika: Filipino

Pamamahagi ng Oras Ikaapat na Markahan/ Ikalimang Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang karanasan at bahaging


ginampanan ng mga kababaihan tungo
sa pagkakapantay-pantay,
pagkakataong pang-ekonomiya at
karapatang pampolitika.

iii
PASASALAMAT

Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag ng tulong upang mabuo


ang Altrnative Delivery Mode Module ng Araling Panlipunan para sa mag-aaral ng
Ikapitong Baitang.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

XANDRECKS T. KINAO
Manunulat

Tagaguhit: ROXANNE MAE A. SANGDAAN

Mga Editor: TEOFILA P. AGSUNOD LORIET L. IYADAN


Librarian II Project Development Officer II

Illustrators: ROXANNE MAY SANGDAAN at FERNANDO G. SABADO

Tagasuri: MARIETA P. BAS-ILEN JOSELITO B. CABELLO


Head Teacher III, TCNHS School Head

HENRY B. ALUNDAY THELMA B. GALICIA


PSDS – NTD 1 Education Program Supervisor, AP

TAGAPAMAHALA

IRENE S. ANGWAY, PhD, CESO IV


OIC, Schools Division Superintendent

FELICIANO AGSAOAY JR., PhD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

RAMONCHITO A. SORIANO
Chief, Curriculum Implementation Division

HELEN B. ORAP
EPS, LRMDS

iv
TALAAN NG NILALAMAN

BAHAGI PAHINA

Pabalat i

Karapatang Sipi ii

Paunang Salita iii

Pasasalamat iv

Talaan ng Nilalaman v

Pamagat 1

Alamin 2

Subukin 3

Balikan 5

Tuklasin 5

Suriin 6

Pagyamanin 8

Isaisip 9

Isagawa 9

Tayahin 10

Karagdagang Gawain 12

Susi sa Pagwawasto 13

Sanggunian 14

v
Karanasan at Bahaging
Ginampanan
ng mga Kababaihan Tungo
sa Pagkakapantay-Pantay,
Pagkakataong
Pang-Ekonomiya
at Karapatang Pampolitika
Modyul sa Araling Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan/Modyul 5

XANDRECKS T. KINAO
Tagalinang

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Ikapitong


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling mga karanasan
at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay,
pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika.
.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang karanasan at bahaging


ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong
pang-ekonomiya at karapatang pampolitika

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya
at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

2
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika.

Tiyak na Layunin:
1. Nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng Asya.
2. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain na nagpapakita ng pagmamalaki sa
gampanin ng mga kababaihan tungo sa pambansang kaunlaran.
3. Napapahalagahan ang papel ng mga kababaihan sa lipunan.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Sa kasalukuyan, dito sa ating bansa, isa sa mga kilalang samahan ng mga


kababaihan ay ang Gabriela. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit bumuo ng
samahan ang mga kababaihan sa Silangan at Timog Silangang Asya?
A.Gusto nilang sumikat
B.Upang umunlad ang bansa nila
C. Upang maipakita ang talento nila
D. Upang humingi ng pantay na pagtingin sa lipunan

2. Dumanas ng mababang pagtingin noong sinaunang panahon ang mga kababaihan


sa Silangan at Timog-silangang Asya. Sa kasalukuyan bilang isang mag-aaral, paano
mo ito maaaring baguhin?
A. Hindi magpapaapi sa mga kalalakihan
B. Hayaan na lamang ang kalagayan ng mga kababaihan
C. Mag-aral ng mabuti at maging responsable kung paano ipaglalaban ang karapatan
ng mga kababaihan
D.Bumuo at magtayo ng samahan sa paaralan na mangunguna ang mga kababaihan
sa katayuan ng mga kalalakihan.

3. Ano ang papel na ginampanan ng United Nations sa pagsulong ng karapatan ng


mga kababaihan?
I. Pag-aalis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makapghanapbuhay
II. Pagbibigay ng karapatang bumoto at magluklok sa posisyong pulitikal
III. Pagpapahalaga sa diwa ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki

A. I ,II
B. I , III
C.II ,III
D.I, II, III

3
4. Kailan idineklara ng UN ang International Women`s Year?
A. 1965 B. 1975 C. 1990 D. 1997

5.Anong bansa ang nagsasagawa ng female infanticide?


A. India B. Saudi Arabia C. China D. Thailand

6. Bilang pagkilala sa sa pang-ekonomiya, pampolitika, at panlipunan na mga tagumpay


ng kababaihan Ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day? Kailan ito
nagaganap?
A. March 8 B. September 13 C. November 19 D. November 20

7.Alin ang tumutukoy sa karapatang pampolitika ng mga kababaihan?


A. Pag-aaral B. Pagboto C. Pagpapakasal D. Pagtatrabaho

8.Anong karapatan ang nilabag kapag ipinaggkait sa kababaihan ang maternity leave
upang mapalakas at maalagaan ang bagong silang niyang anak?
A. Political C. Karapatang Sibil
B. Karapatan sa Pamamahala D. Karapatan sa kaslusugan

9.Alin ang kilala bilang International Bill of Rights for Women?


A. CEDAW B. UNCLOS C.Gabriela D. UN Women

10. Malaki ang naging pagbabago sa kalagayan ng mga kababaihan simula nang sila
ay nabigyan ng karapatang bumoto. Pinahintulutan silang lumahok sa politika kaya
nagkaroon ng babaeng namuno sa mataas na possisyon sa pamahalaan. Sino sa mga
sumusunod ang nagging kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas?
A. Corazon Aquino B. Gloria Arroyo C. Imelda Marcos D. Hanae Mori

11.Si Donato Baligod ay isang may-ari ng malaking negosyo na naghahanap ng


maraming empleyado. Isa sa mga aplikante ay si Anglay na nakapagkatapos ng
kursong Business Administration. Sinabi ni Donato Baligod sa kanya na ayaw niya ng
babaeng trabahador dahil mahihina daw ang mga ito. Sa iyong palagay, tama ba ang
ginawa ni Mosgov?
A. Oo, dahil maramin talagang kaya ang mga lalaki na hindi kaya ng mga babae.
B. Oo, dahil magiging pabigat lang ito sa kanya.
C. Hindi, dahil ang ginawa ni Mosgov ay isang uri ng diskriminasyon na mahigpit na
ipinagbabawal ng batas.
D. Hindi, dahil maghihirap lang si Miya.

12.Hindi lang sa PIlipinas naluklok ang isang babae upang maging isag pangulo ng
bansa. Sino ang unang babaeng pangulo ng bansang Indonesia?
A. Megawati Sukarnoputri B. Benazir Bhutto C. Dilma Vana Rousseff D. Hanae Mori

4
13.Ito ay anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Karahasan sa LGBT
B. Pag-aalipusta
C. Pang-aapi
D. Karahasan sa Kababaihan

14.Sa tulong ng edukasyon, marami na ang nabago sa kalagayan ng mga kababaihan.


Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay?
A. Napabuti ang buhay ng pamilya.
B. Maraming babae ang nakapaghanapbuhay.
C. Maraming kababaihang Asyano ang nakilala sa larangan ng sining at panitikan.
D. A,B, at C

15.Ang ating nanay ang tinatawag na “ilaw ng tahanan”. Ano ang nararapat mong gawin
upang maipakita ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga?
A. Babalewalain ko ang utos nila.
B. Susundin ko ang utos nila.
C. Susuwayin ko ang utos nila.
D.Palagi akong magtatago sa tuwing uutusan nila.

Ilan ang nakuha mong puntos? Nasiyahan ka ba sa iyong puntos? Huwag kang mag-
alala sapagkat masasagot mo ang lahat ng mga katanungan sa pagtatapos ng iyong
pag-aaral sa modyul na ito.

Sa kasaysayan ng mga sinaunang lipunan sa Asya, ang mga kababaihan


ay itinuturing na may mababang katayuan sa lipunan. Kadalasan, ang mga
gampanin lamang ay sa loob ng tahanan at limitado ang pagkakaroon ng mga
tungkuling Panlipunan. Sa Hilagang Asya, sa mga kababaihan nakaatas ang
pagtitipon at paghahanda ng pagkain at mga gawaing may kinalaman sa
pagpapalaki ng mga anak tulad ng paghahabi at pagpapalayok. Samantalang ang
kababaihang walang anak ay maaring mangaso. Sa Mesopotemia, ang kababaihan
ay maaaring makilahok sa kalakalan sa pahintulot ng asawa. Sa Babylonia ang
kababaihan ay maaaring maging mataas na kaparian o high priestress. Sa Japan,
hinihikayat ang kababaihang mamuno sa paniniwalang sila ay makapagdadala ng
kapayapaan.

Bagamat limitado ang gampanin alam natin na maraming kababaihan ang


nagsumikap upang makatulong sa lipunan. Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na
ito.

5
LARAWAN-SURI: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Nakikilala mo ba kung sino-sino
ang mga ito?

philippines.unfpa.org britannica.com

travelnow.onemega.com

Ilan lamang sina Mirriam Defensor Santiago, Aung San Suu Kyi at Whang-od sa
mga kilalang kababaihang Asyano na nagsumikap upang makapag-ambag sa
larangan ng politika at sining.

Ang Kalagayan ng Kababaihan sa Asya


May iba`t-ibang antas at kalagayan ang kababaihan sa Asya ngayon. Merong mga
bansa sa Asya na nananatiling mababa ang tingin sa mga babae tulad ng China, Japan at
India.

6
Sa India ang babae ang nagbibigay ng dote o dowry kapag ikinasal ito na ang ibig
sabihin ay binabawasan niya ang kaban ng pamilya. Ang mga lalaki naman ang
pinapangalagahan dahil sila ang tumatangap ng dote at dinadagdagan nila ang kaban ng
pamilya. Ang lalaki rin ang magdadala ng apilyedo at magpapakalat ng kanilang lahi kaya
mahalaga ang lalaki sa kanilang pamilya.
Sa China at India naging tradisyunal sa lipunan ang pagkitil sa buhay ng sanggol
na babae na tinatawag na female infanticide. Sa China kapag baog ang babae ito ay
hinihiwalayan agad ng kanilang asawa.
CHINA, JAPAN, AT INDIA ~ Bilang dalaga, ang babae ay sumusunod sa
kagustuhan ng kanyang ama, bilang may asawa ng kanyang asawang lalaki at bilang balo,
ng kanyang panganay na anak na lalaki.

Ambag ng kababaihang Asyano sa buhay political, panlipunan at kultura.

• Aung San Suu Kyi (Myanmar) - isang maka-demokrasyang aktibista at pinuno


ng Pambansang Liga para sa Demokrasiya (National League for Democracy) sa
Myanmar.
• Megawati Sukarnoputri (Indonesia) -unang babaeng Pangulo ng Indonesia
• Corazon C. Aquino (Pilipinas) -kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas
- iniluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon
noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya ng bansa
• Anita Magsaysay Ho (Pilipinas) -isa sa pinakamahusay na Pilipinang pintor sa
bansang Pilipinas
• Hanae Mori (Japan) -isang tagapagdisenyo ng moda sa bansang Hapon
- nag-iisang babaeng Hapones na nakapagtanghal ng kaniyang mga koleksiyon
sa mga entabladong lakaran ng mga modelo sa Paris at New York
• Liu Yang (China) - isang piloto at astronaut
• Amy Tan (China) -isang magaling na manunulat na Chinese-American

Pagtataguyod ng Karapatan ng mga Kababaihan.

Isinulong din ng United Nations ang karapatan ng kababaihan noong idineklara


nito ang 1975 bilang International Women`s Year. Ang United Nations Decade for
Women: Equality Development and Peace mula 1976-1985.

Mga halimbawa ng karapatan ng kababaihan

1. Ang pagbibigay-diin o pagpapahalaga sa diwa ng pagkakapantay pantay ng


kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa konstitusyon.
2. Ang pag alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa pagsasakatuparan niya ng
karapatang bumoto at mailulok sa isang posisyong pulitikal.
3. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makatamasa ng edukasyon.
4. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makapaghanapbuhay.
5. Ang pag-alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa larangan ng kalusugan.

7
CEDAW
Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women ay ang kauna-unahan at tanging internasyonal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan, kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan
at pampamilya. Kilala rin ito bilang International Bill of Rights of Women.

Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong 18


Disyembre 1979. Pumirma naman ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980 at
niratipika niya ito noong Agosto 5, 1981.

Ang ipinagbabawal sa kababaihan dahil sa kanyang kasarian ay isang paglabag


sa karapatang politikal. Ang hindi pagtanggap sa mga babaing may asawa sa pabrika
dahil sa magbabayad ang kompanya ng maternity leave sa oras na manganak ay isang
paglabag sa karapatan ng kababaihang magtrabaho. Ang pagkait sa kababaihan ng
maternity leave upang mapalakas at maalagaan ang bagong silang niyang anak ay
paglabag din sa karapatang pangkalusugan ng kababaihan.

GAWAIN 1. Panuto: Itala ang kalagayan ng mga kababaihan sa bansa sa Timog at


Timog-Silangang Asya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Bansa Kalagayan ng kababaihan

Pagtataya 1: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay
mali.

_____ 1. Sa Pilipinas, itinuturing ang ina na “Ilaw ng Tahanan”.


_____ 2. Sa pangkalahatan, Ang Silangan at Timog-Silangang Asya ay may
sistemang patriyarkal o patriarchal kung saan lalaki ang nasusunod sa pamilya.
_____ 3. Ang female infanticide ang kaugalian sa bansang China at India.
_____ 4. Maliban kay Pangulong Corazon C. Aquino, naging pangulo din ng Pilipinas
si Mirriam Defensor Santiago.
_____ 5. Noon, ang pagpipiloto ay gawain para sa lalaki lamang.

8
GAWAIN 2. Panuto: Itala ang nagawa ng kababaihan mula sa Silangan at Timog-
Silangang Asya sa iba’t ibang larangan.

LARANGAN PANGALAN BANSA NAGAWA

Pagtataya 2: Pagtambalin ang Kolum A sa Kolum B. Isulat ang leta ng sagot.

SAGOT HANAY A HANAY B


1. Corazon C. Aquino A. isang piloto at astronaut
2. Hanae Mori B. Pinuno ng Pambansang Liga para
sa Demokrasiya
3. Liu Yang C. unang babaeng Pangulo ng
Indonesia
4. Aung San Suu Kyi D. tagapagdisenyo ng moda
5. Megawati Sukarnoputri E. Unang babaeng pangulo ng
Pilipinas

Panuto: Batay sa napag-aralang teksto, bilang buod ng paksa, gumawa ng isang


akrostik gamit ang salitang “kababaihan”. Maaring sa pamamagitan ng isang salita o
pangungusap.

K-
A-
B-
A-
B-
A-
I-
H-
A-
N-

9
Tuwing ika-8 ng buwan ng Marso ipinagdiriwang ang “Pandaigidigang Araw ng
mga Kababaihan.” Isa ka sa mga kalahok sa nasabing programa. Ipakita ang iyong
pagmamalaki sa gamapanin ng mga kababaihan sa pamamagitan masining na paraan,
maaaring islogan, tula, drawing, collage, at iba pa.

BATAYAN SA PAGMAMARKA
• NILALAMAN----------------------10
• PRESENTASYON--------------10
• PAGKAMALIKHAIN------------10
• KALINISAN------------------------5
Kabuuan 35

Mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sayo. Binabati kita sa
iyong pagtitiyaga at pagsusumikap na matapos ang mga gawain sa modyul na ito.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Sa kasalukuyan, dito sa ating bansa, isa sa mga kilalang samahan ng mga


kababaihan ay ang Gabriela. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit bumuo ng
samahan ang mga kababaihan sa Silangan at Timog Silangang Asya?
A.Gusto nilang sumikat
B.Upang umunlad ang bansa nila
C. Upang maipakita ang talento nila
D. Upang humingi ng pantay na pagtingin sa lipunan

2. Dumanas ng mababang pagtingin noong sinaunang panahon ang mga kababaihan


sa Silangan at Timog-silangang Asya. Sa kasalukuyan bilang isang mag-aaral, paano
mo ito maaaring baguhin?
A. Hindi magpapaapi sa mga kalalakihan
B. Hayaan na lamang ang kalagayan ng mga kababaihan
C. Mag-aral ng mabuti at maging responsable kung paano ipaglalaban ang karapatan
ng mga kababaihan
D.Bumuo at magtayo ng samahan sa paaralan na mangunguna ang mga kababaihan
sa katayuan ng mga kalalakihan.

10
3. Ano ang papel na ginampanan ng United Nations sa pagsulong ng karapatan ng
mga kababaihan?
I. Pag-aalis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makapghanapbuhay
II. Pagbibigay ng karapatang bumoto at magluklok sa posisyong pulitikal
III. Pagpapahalaga sa diwa ng pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki

A. I, II
B. I , III
C. II, III
D.I, II, III

4. Kailan idineklara ng UN ang International Women`s Year?


A. 1965 B. 1975 C. 1990 D. 1997

5.Anong bansa ang nagsasagawa ng female infanticide?


A. India B. Saudi Arabia C. China D. Thailand

6. Bilang pagkilala sa sa pang-ekonomiya, pampolitika, at panlipunan na mga tagumpay


ng kababaihan Ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day? Kailan ito
nagaganap?
A. March 8 B. September 13 C. November 19 D. November 20

7.Alin ang tumutukoy sa karapatang pampolitika ng mga kababaihan?


A. Pag-aaral B. Pagboto C. Pagpapakasal D. Pagtatrabaho

8.Anong karapatan ang nilabag kapag ipinaggkait sa kababaihan ang maternity leave
upang mapalakas at maalagaan ang bagong silang niyang anak?
A. Political C. Karapatang Sibil
B. Karapatan sa Pamamahala D. Karapatan sa kaslusugan

9.Alin ang kilala bilang International Bill of Rights for Women?


A.CEDAW B. UNCLOS C.Gabriela D. UN Women

10. Malaki ang naging pagbabago sa kalagayan ng mga kababaihan simula nang sila
ay nabigyan ng karapatang bumoto. Pinahintulutan silang lumahok sa politika kaya
nagkaroon ng babaeng namuno sa mataas na possisyon sa pamahalaan. Sino sa mga
sumusunod ang nagging kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas?
A. Corazon Aquino B. Gloria Arroyo C. Imelda Marcos D. Hanae Mori

11.Si Donato Baligod ay isang may-ari ng malaking negosyo na naghahanap ng


maraming empleyado. Isa sa mga aplikante ay si Anglay na nakapagkatapos ng
kursong Business Administration. Sinabi ni Donato Baligod sa kanya na ayaw niya ng
babaeng trabahador dahil mahihina daw ang mga ito. Sa iyong palagay, tama ba ang
ginawa ni Mosgov?

11
A. Oo, dahil maramin talagang kaya ang mga lalaki na hindi kaya ng mga babae.
B. Oo, dahil magiging pabigat lang ito sa kanya.
C. Hindi, dahil ang ginawa ni Mosgov ay isang uri ng diskriminasyon na mahigpit na
ipinagbabawal ng batas.
D. Hindi, dahil maghihirap lang si Miya.

12.Hindi lang sa PIlipinas naluklok ang isang babae upang maging isag pangulo ng
bansa. Sino ang unang babaeng pangulo ng bansang Indonesia?
A. Megawati Sukarnoputri B. Benazir Bhutto C. Dilma Vana Rousseff D. Hanae Mori

13.Ito ay anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,


seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Karahasan sa LGBT
B. Pag-aalipusta
C. Pang-aapi
D. Karahasan sa Kababaihan

14.Sa tulong ng edukasyon, marami na ang nabago sa kalagayan ng mga kababaihan.


Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay?
A. Napabuti ang buhay ng pamilya.
B. Maraming babae ang nakapaghanapbuhay.
C. Maraming kababaihang Asyano ang nakilala sa larangan ng sining at panitikan.
D. A,B, at C

15.Ang ating nanay ang tinatawag na “ilaw ng tahanan”. Ano ang nararapat mong gawin
upang maipakita ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga?
A. Babalewalain ko ang utos nila.
B. Susundin ko ang utos nila.
C. Susuwayin ko ang utos nila.
D.Palagi akong magtatago sa tuwing uutusan nila.

Magsaliksik ng programa o proyekto para sa kababaihan na isinasagawa sa inyong


barangay. Alamin ang sumusunod na detalye nito.

Programa/Proyekto: __________________________________________________________

Layunin: ___________________________________________________________________

Kalahok: __________________________________________________________________

12
Ilarawan ang Programa/Proyekto: ________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Pamantayan sa pagmamarka:
Kumpleto ang detalye ng programa/proyekto - 10
Malinaw ang paglalarawan - 5
KABUUAN - 15

13
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin/Tayahin Pagyamanin
10.A
Pagtataya 1
9.A
8.D 1. T
7.B 2. T
6.A 3. T
15.B 5.C 4. M
14.D 4.B 5. T
13.D 3.D Pagtataya 2
12.A 2.C 1. E
11.C 1.D 2. D
3. A
4. B
5. C

14
TALASANGGUNIAN

Blando, Rosemarie, et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba,


Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral),Project EASE pp. 42-53

britannica.com

Facebook

philippines.unfpa.org

travelnow.onemega.com

15
For inquiries or feedback, please write or call:

Office: Schools Division of Tabuk City


Address: City Hall Compound, Dagupan Centro, Tabuk City
Cell Phone No: 09202596096
Email Address: tabuk.city@deped.gov.ph

You might also like