You are on page 1of 8

Tekstong

Argumentatibo:
Ipaglaban ang Katuwiran

>
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Argumentatibo

 Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na


ngangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya
mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura
at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng
empirikal na pananaliksik.
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Argumentatibo

• Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo


ng masusing imbestigasyon kabilang na ang
pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensya. Mula rito
ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa malaki
ngunit malaman na paraaan. Sa pamamagitan ng
detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan
ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakpipili ang
mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensya.
Mga Elemento ng Pangangatuwiran

Proposisyon Agumento
• Ang proposisyon ay ang pahayag na • Ito ang paglalatag ng mga dahilan
inilalahad upang pagtalunan o pag- at ebidensya upang maging
usapan.
makatuwiran ang isang panig.
• Ito ang isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang
• KInakailangan ang malalim na
katuwiran ng dalawang panig. pananaliksik at talas ng pagsusuri
• Magiging mahirap ang pangangatuwiran sa proposisyon upang
kung hindi muna ito itatakda sapagkat makapagbigay ng mahusay na
hindi magkakaisa sa mga batayan ng argumento.
isyu ang dalawang panig.
Karangian at Nilalaman ng Tekstong Argumentatiobo

 Mahalaga at napapanahon ang paksa


 Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy ng tesis sa
unang talata ng teksto
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng
teksto
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng
nga ebidensya ng argumento
 Matibay na ebidensya para sa argumento
• Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’t-ibang
napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan.
• Makatutulong din kung may interes ka sa paksa, ngunit hindi ito
sapat. Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang makatuwirang
posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.
• Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteks ng paksa
sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay
rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit at
kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa.
• Transisyon ang magpapatatag pundasyon ng teksto. KUnug walang
lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makausunod ang
mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo
ang kabuuang tekstong layunin nito. Nakatutulong ang transisyon
upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay
ng introduksiyon sa susunod na bahagi.
• Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng
detalyado,tumpak, at napapanahong mga impormasyon mula sa
pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis.
• Ang bawat talata ay kailngang tumalakay sa iisang pangkalahatang
ideya lamang. Ito ang magbibigay-linaw at direksyon sa buong
teksto.
• Tiyakin ding maikli ngunit malaman ang bawat ralata upang maging
mas madaling unawaan ng mambabasa.
• Kailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksiyon ng bawat
talata sa kabuuang tesis ng teksto at maipaliwanag kung paano at
bakit nito sinusu[ortahan ang tesis.

You might also like