You are on page 1of 5

Tekstong

Argumentatibo:
Ipaglaban ang
katuwiran
Deskripsyon:

• Ito ay isang uri ng teksto na


nangangailangan ipagtanggol ng
manunulat ang posisiyon sa isang tiyak
na paksa o usapin gamit ang mga
ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na mga literatura
at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan
at resulta ng empirikal na pananaliksik.
• Nangangailangan ang
pagsulat ng tekstong
argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang
pangongolekta at ebalwasyon
ng mga ebidensiya.
Mga elemento ng Pangangatuwiran

• 1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad


upang pagtalunan o pag-usapan.

• 2) Argumento- ito ang paglalatag ng mga


dahilan at ebidensiya upang maging
makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan
ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo:
• 1) Mahalaga at napapanahong paksa
• 2) Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata ng
teksto.
• 3) Malinaw at lohikal na transisyon sa
pagitan ng mga bahagi ng teksto.
• 4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng
talatang naglalaman ng mga ebidensiya
ng argumento.
• 5) May matibay na ebidensiya para sa
argumento.

You might also like