You are on page 1of 2

TEKSTONG ARGUMENTATIB

A. KAHULUGAN AT LAYUNIN
a. Ang tekstong ito ay gumagamit ng katotohanan sa paglalahad ng katuwiran. Ang pagkiling
lamang sa obhektibong punto ang ginagamit sa tekstong ito. Ang katotohanan at pagiging obhektibo ay
nagpapakita ng pagpapatibay sa mga puntong inilalahad sa teksto.
b. Ang layunin ng tekstong ito ay manghikayat gamit ang katuwiran na buhat sa katotohanan at
pagpapatibay. Layunin nitong ipagtanggol ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga
ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang
kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.
B. KATANGIAN
a. Mahalaga at napapanahong paksa
b. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
c. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
d. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebisensyang argumento
e. Matibay na ebidensya para sa argumento
C. PAGSULAT NG TEKSTONG ARGUMENTATIB
a. Pumili ng napapanahong paksa
b. Tukuyin kung anong panig ng paksa ang nais patunayan ang katotohanan nito
c. Maggalugad ng mga ebidensya at pagpapatunay.
d. Gumawa ng burador ng iyong balangkas (tesis sa unang talata, pagtalakay ng mga ebidensya sa
katawan, paglalahad ng konklusyon ng iyong pangangatuwiran)
e. Basahin muli ang iyong burador at suriin ang maaaring pinakamalakas na punto ng iyong
pangangatuwiran sa katotohanan ng iyong proposisyon.
D. PAGSASAGAWA NG ISANG DEBATE
a. Kaligirang pangkaalaman ng Debate
1. Ang debate ay sumasaklaw sa pangangatuwiran ng dalawang magkasalungat na panig ng isang
paksa o issue.
2. Naglalaman ito ng tesis, proposisyon, argumento, at mga pagpapatunay buhat sa katotohanan.
b. Pagpili ng Paksa/Proposisyon
1. Ang proposisyon ay hindi dapat masaklaw kundi ay tiyak ang patutunguhan ng mga punto.
Halimbawa: Sa paksang Pagsasalegal ng Abortion sa Pilipinas ang proposisyon ay maaaring tungkol sa
pag-abuso sa karapatang pantao
2. Ipahayag ang iyong proposisyon sa paturol na anyo
c. Paghahanda sa Debate
1. Pangangalap ng kinakailangang datos, impormasyon, pananaliksik, katotohanan, at ebidensya
2. Pagbuo ng burador ng iyong pangangatuwiran
3. Pagpapatunay ng iyong mga katuwiran
d. Paraan ng Debate: Oregon-Oxford
1. Ang bawat pangkat ay binubuo ng dalawa hanggang sa tatlong kasapi.
2. Ang oras ng pagbasa ng balangkas o talumpati ay walo hanggang sampung minuto.
3. Sa bawat pagtatapos ng talumpati ay magkakaroon ng pagtatanong mula sa kabilang pangkat.
4. Sa dulo ng lahat ng talumpati ay may rebuttal o sandal ng pagtuligsa

You might also like