You are on page 1of 5

TEKSTONG ARGUMENTIBO

 Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay


makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang
maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang
katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang
gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta ng
empirikal na pananaliksik.
 Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at maingat na
pagkalap ng mga datos o ebidensya. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang
manunulat ay obligado nang panindigan ang kaniyang panig, maari na rin siyang
magsimulang magsulat ng malaman at makabuluhang pangangatwiran. Sa
pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas mauunawaan ng
mananaliksik ang iba’t-ibang punto de bista na maaring matalakay sa diskurso. Dahil
may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali na rin para sa kanya
ang pumili ng posisyon o papanigan.
 Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at
lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na
isyu o usapin.
Karagdagang Impormasyon:
• Ang teksto ay kadalasang sumasagot sa tanong na bakit.
• Layunin din nitong mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag nito.

Mga Termino sa Tekstong Argumentibo:


1. Panig (claim) - Ang iyong pananaw o paniniwala.
2. Dahilan (rationale) - Ang paliwanag na sumusuporta kung bakit ito ang pinaniniwalaan.
3. Patunay (evidence) - Mga katotohanan (facts), datos, at halimbawa na mapapatunayan
at magpapatibay sa iyong pananaw.
4. Argumento (warrant) - Ang pamamaraan kung paanong ang mga ebidensya ay
magdadala sa awdyens sa panig na iyong pinaniniwalaan.

Mga Katangian ng pagsulat ng isang argumentong may balanseng


pananaw:
 IPINAKIKILALA ang paksa sa mambabasa.
 INILALAHAD ang mga dahilang taliwas sa argumento. Tinutukoy ang posisyon, patunay,
at dahilan.
 INILALAHAD ang mga dahilan ng pagsang-ayon sa argumento.
 INILAHAD ang paglalagom hinggil sa paksa bilang pangwakas ng iyong teksto
 Bago isulat ang kabuuan ng iyong sanaysay o tekstong argumento, mahalagang
pagpasyahan muna ang iyong paninindigan o pananaw- kung sang-ayon o hindi sa
argumentong tinatalakay.

Magagamit sa pagpapatunay ng pananaw:


 Mahalagang tandaan na. . .
 Tunay na isaisip ang. . .
 Kinakailangang tukuyin ang. . .
 Maliban dito. . .
 Isa pang mahalagang dahilan. . .
 Ang pinakamahalaga ay. . .

Bahagi ng Tekstong Argumentatibo:


Kagaya ng ibang pormal na pagsulat, ang tekstong argumentatibo ay mayroon ding mga
pangunahing bahagi. Bawat bahagi ay magkakaugnay upang higit na maging matibay ang mga
pangangatuwirang inilalahad. Ang mga bahaging ito ay ang panimula, katawan, at konklusyon.

1. Panimula

• Ang panimula ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailahad ang


pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon.

Proposisyon
Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang proposisyon ay ang
pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat mapagkasunduan bago
magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig. Kung walang itatakdang
proposisyon, magiging mahirap ang pangangatwiran sapagkat hindi magkakaisa sa mga
batayan ng isyu ang dalawang panig. Sa ibaba, iyong mababasa ang ilan sa mga halimbawa ng
proposisyon.

 Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan
 Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon at kahirapan
 Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa
ibang bansa
 Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa
bilingual education
 Ang pagpapatupad ng death penalty ay makakatulong para mabawasan ang
kriminalidad sa bansa

Ibang depenisyon: Ito ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay isang
bagay na pinagkasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig. Magiging mahirap ang
pangangatwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng
isyu ang dalawang panig
Argumento
Ang argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang
pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang
panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon upang
makapaglahad ng mahusay na argumento.

Ibang kahulugan: Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging katwiran
ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento

2. Katawan

• Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa


katawan ng tekstong argumentatibo.

• Mahalagang may malawak na kaalaman ang manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang sa
gayon ay magtaglay ng bigat ang mga pangangatwiran.

3. Konklusyon

• Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw ukol sa kaniyang
proposisyon.

• Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na nabanggit sa


katawan ng teksto.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo

Mahalaga at napapanahon ang paksa

Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dito iikot ang buong
diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito ba ay napapanahon sa
mga isyu o kaganapan sa lipunan.

Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto

Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat ang buong konteksto ng paksa
sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. Makikita rin sa bahaging ito ang
kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang makialam ng mambabasa sa nasabing
isyu.

Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto

Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang nagbibigay ng
koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Kung walang lohikal na
pagkakaayos ng kaisipan, maaring hindi makasunod ang mambabasa sa argumento at
hindi maging epektibo ang kabuuan ng teksto. Ang transisyon ay nakakatulong din upang
ibuod ang ediya ng naunang bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na
bahagi.

Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga


ebidensya ng argumento

Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito
ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang magkaroon ng kaayusan,
kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa,
ang pagkakaroon ng maikli ngunit malaman na talata ay makakatulong upang mas
maintindihan ng mambabasa ang teksto.

Matibay na ebidensya para sa argumento

Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at napapanahon


ang impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya, masisigurado ng manunulat
ang katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN

Ang paghahain ng mga pangangatwiran sa tekstong argumentatibo ay mayroong apat na


paraan. Ang mga ito ay ang:

1. Pagsusuri

• ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa upang ang mga ito ay masuri nang
husto

2. Pagtukoy sa mga Sanhi

• inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari

3. Pabuod

• sinisimulan sa maliliit na patunay tungo sa paglalahat

• maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad, pagtukoy sa mga sanhi ng pangyayari, at


mga patunay

4. Pasaklaw

• sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-isahin ang mga mahahalagang


punto

PAGGAMIT NG COHESIVE DEVICE


Ang mga cohesive device ay mga panghalip.
• Gampanin nitong higit na pagandahin ang anumang tekstong isinusulat upang hindi paulit-ulit
na banggitin ang paksa at mga pangngalan.

• Malaki ang naitutulong nito sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto, sapagkat higit na nagiging
organisado ang paghahanay ng mga kaisipan.

Mayroong dalawang paraan sa paggamit ng cohesive devices, ang mga ito ay ang anapora at
katapora.

Anapora

• Ang paksa ang nauunang ginagamit o binabanggit sa pangungusap bago ang panghalip.

Halimbawa:

Ganap na itong ipinatupad sa Pilipinas, sapagkat naniniwala ang pamahalaan na ang K-12 raw
ang solusyon para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon.

Ang K-12 pa rin ang paksa sa pangungusap, nauna nga lamang na binanggit ang panghalip na
ito na pumapatungkol sa K-12.

Katapora

• Kabaligtaran ito ng anapora, sapagkat ang pangngalan ay nasa hulihan dahil nauunang
banggitin ang panghalip.

You might also like